Chereads / Oblivion Series 1: All Lies / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 4: New engineer

"HOW Did it happened, kuya? Bakit naging exclusive engineer ako ng Del Labiba, kuya?" kunot-noong tanong ko sa kuya ko. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast namin ngayong umaga. Ako ang nagluto.

Magkatabi lang ang condo unit namin ng kapatid ko at sa condo ko ay sabay kaming kumakain ng breakfast at dinner. Sa site o sa film kami kumakain ni kuya ng lunch namin. Hindi talaga lumayo sa tabi ko ang kuya ko. Para nga talaga kaming kambal at hindi mapaghiwalay sa isa't-isa.

"There's a new project ang papatayuin ng Del Labiba at isa ka sa head engineer nila. Hotel ang next project nila, Mikael," sagot sa akin ng kuya ko habang ngumunguya siya ng bacon.

"Bakit hindi ikaw kuya?" pangungulit ko. Kasi madalas sa film namin lang ako nagta-trabaho. Hindi ako nagagawang ipagtrabaho ng mga kuya ko sa ibang company. Na bagay na ikinipagtataka ko.

Kung ayaw kasi sa akin ng mga kuya ko ay puwede naman nila akong paalisin sa film. Kung gusto nila akong mawala sa mga landas nila ay madaling gawin ang ilipat ako ng film sa iba. Pero hindi nila ginawa.

Siguro takot sila na baka isiwalat ko ang katotohanan na anak lang ako sa labas ng daddy ko? Napabuntong-hininga na lamang ako. Kumikirot ang puso ko, eh.

"Paano po sina kuya?" tanong ko ulit sa kanya. Ayokong magalit na naman sa akin ang mga kapatid namin. Masyado ng masakit.

"May project akong hinahawakan at this moment, Mik. Walang available na engineer sa film natin at tanging ikaw lamang. Walang magagawa sina kuya, dahil malaking project ito. Mik," putol ni kuya sa sasabihin niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Oras na para gamitin mo ang pakpak mo. This is your chance para magawa mo ang gusto mo. Work with them and be happy. As of now, kumalas ka muna sa pagkakatali mo sa amin, kina kuya. Basta nandito lang si kuya Miko at hindi kita iiwan," nakangiting sabi niya. 

Napangiti ako at para akong maiiyak sa sinabi ng kapatid ko. Oh, God, salamat po dahil binigay niyo sa akin si kuya Miko. Siya na lang po ang mayroon ako.

"Kuya loves you, Mikael. Kung tinalikuran ka na ng lahat, ng mundo ay narito lang si kuya para sa 'yo."

"T-thank you, kuya. I love you," sabi ko at tuluyan nang umalpas ang luha ko sa pisngi.

Tumayo ang kapatid ko at niyakap ako from behind. "I love you, too Mikael. Kuya loves you, always remember that."

KATULAD ng madalas kong sinusuot, office attire na kulay grey. Inayos ko ang necktie ko sa leeg.

Who would have thought na isang babae ay nagsusuot ng damit panlalaki? Ganito ang madalas napapanood ng karamihan sa teleserye. Babae na nagpapanggap bilang lalaki. Pero sa sitwasyon ko ay napakahirap. Hindi ko naman ginusto, eh. Kailangan kong maging lalaki para tanggapin ako ng pamilya ko na kahit tinago ko ang tunay kong pagkatao ay unwanted child pa rin naman ako.

Pero nasasanay naman ako sa ganito. Parang wala na lang ito sa akin. Sa buong buhay mo ba naman ay hindi ka pa ba masasanay? Na paulit-ulit na lamang ang eksena?

"You ready, Mik?" 

"Yes, kuya," sagot ko at sinukbit ko sa balikat ang brown leather shoulder bag ko. Hindi ako nagdadala ng case suit. Ayoko ng may binibitbit.

"Ang guwapo natin, ah?" ani kuya at inakbayan ako. 

"Ewan ko sa 'yo, kuya," sabi ko at sabay na kaming lumabas mula sa condo unit ko.

"Bakit ka pa sumabay sa akin, kuya? Eh, may sariling kotse naman ako."

"Gusto kong makasabay ang kapatid ko kahit naka-kotse lang," natatawang sabi niya at napapailing na lamang ako.

***

"Good luck, Mik!" cheer up sa akin ng kapatid ko. Natawa ako sa happy gesture niya. Kailan ba ako hindi chineer-up ng kuya ko? Kailan ba siya naging proud sa akin?

Kahit sakay kami ng sarili naming sasakyan ay talagang sumabay sa akin si kuya. Siniguro niya na safe akong nakarating sa bagong pagtatrabahuhanko.

"Thank you, kuya. Mag-iingat ka po," sabi ko at binigyan pa niya ako nang mahigpit na yakap.

Maraming tao sa company ng Del Labiba. Kung hindi lang kami magkamukha ng kuya ko ay baka pagkakamalan kaming may relasyon.

"Sa Palawan ang next project ko, Mik. Kaya mag-iingat ka rito, okay? Sasakay ng barko si kuya," masayang wika nito. Para siyang bata at nakakahawa ang malapad na ngiti niya.

Hindi na bago sa akin na na-aassign siya sa iba't-ibang lugar. Malayo na ang naabot ng kuya ko kaya proud na proud din ako sa kanya.

"Keep safe, kuya."

"Ikaw rin," aniya. Nagulat ako nang halikan niya ako sa noo bago siya sumakay sa kotse niya at nag-drive na palayo.

Nawindang ako bigla. "Ngayon lang ako nakakita na magkapatid na grabe ang close sa isa't-isa," dinig kong sabi ng isang boses lalaki.

Nagsalubong kaagad ang kilay ko ng dalawang lalaki ang nakita kong nakatayo sa tapat ko pero iisa lang ang mukha nila.

Iba nga lang ang kasuotan nila. "Architect Drimson Del Labiba," bigkas ko sa pangalan niya at bahagya pa siyang nagulat.

"How did you know that I am Drimson? Wala ni isang tao ang nakakakilala kung sino kami kapag magkasama kami ng kakambal ko," manghang wika niya. Mariin lang na nakatiklop ang labi ko dahil sa sinabi niya.

Malamang, kinakabahan ako sa aura ng CEO niyo. Na hindi sa 'yo, dahil parang chill-chill lang ako. Saka isa pa, kakaiba ang titig ng kakambal mo sa akin. Iyon sana ang sasabihin ko. Pero huwag na lang baka iba pa ang isipin nito. Saka hindi ako madaldal.

"Instinct," simpleng sagot ko.

"You must be Engr. Mikael S. Brilliantes? I am one of your team for this project. Alam kong hindi formal ang magpapakilala sa isa't-isa lalo pa na, nasa labas tayo, pero. Masaya akong maka-trabaho ang isa sa Brilliantes family, welcome to the DGOC, Engr. Brilliantes," he said at naglahad siya ng kamay na mabilis ko namang tinanggap.

"Same here, Architect Del Labiba," I said. Hindi katulad ng kamay niya na walang epekto sa akin. Sa kakambal niya ay para akong kinukuryente.

"AND this our CEO, Crimson Del Labiba," pagpapakilala naman nito sa kakambal.

Nakangiti na siya, 'yan ang isa sa pinagkaiba ng magkambal na ito. Palaging nakangiti ang isa at ang architect ay parang galit sa mundo. Palaging salubong ang kilay at madalas walang bakas na kahit anong emosyon ang mukha niya pero minsan naman ay ganoon din ang CEO.

Sinasabi ko na nga ba! "Hi," tipid na bati nito sa akin at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Sabi na, eh! Parang tinutusok ang balat ko ng kuryente. May current ba sa kamay niya?

Tumindig din ang balahibo ko sa katawan. Parang tinatambol ang dibdib ko at tila may kung ano ang nagliliparan sa loob ng tiyan ko. Nakakaloka naman.

Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero hindi niya man lang binitawan. Mas humihigpit pa lalo.

"Let go, Del Labiba," mariing sambit ko at tumaas ang sulok ng labi niya.

"The feeling is mutual," makaluhugang sabi niya saka niya binitawan ang kamay ko. 

"Breath, baby. Breath," mahinang bulong niya sa tainga ko at napalayo ako sa kanya.

My jaw dropped!

What the... Anong problema niya? 

"Are you gay?!" biglang tanong ko. Sa halip na magalit ay binigyan niya lamang ako nang mapang-akit na tingin. A-ano... Ang kakambal niya na napatawa nang malakas.

"What if I am? Can you be my boyfriend? Hmm, baby?" 

What the f*ck?! Hindi ako palamurang tao pero hindi ko mapigilan. Lalo na kung nagugulat ako.

Seriously? What's wrong with him?!

***

"Welcome to the DGOC, Engr. Birilliantes," bati sa akin ng ibang team.

Ipinakilala kaagad ako ng CEO sa iba na isa ako sa head engineer nila. Ito ang unang beses na magtrabaho ako sa ibang company and take note malaki pa ang project.

Hotel ang project namin na may 30 floors at nagkaroon kami kaagad ng conferences meeting. Kompleto na ang team. 

"We need to visit the location, Engr. Mikael," architect Drimson told me.

"But I am busy, right now. Kuya, ikaw na po ang sumama kay engineer sa location."

Hindi ako sang-ayon at sasabihin ko na sana na kaya kong mag-isang pumunta roon pero...

"Sure, saka isa pa. Kailangan ko rin naman itong i-check," sabi nito at binigyan ako ng makahulugang ngiti.

Ganito ba ang ugali ng CEO na 'to? Creepy siya masyado. Para siyang bakla. Akala ko ba girlfriend niya ang Morry Tsumaga na 'yon? Pero bakit ang landi niya ngayon? Hindi man lang nahiya sa akin!