Chereads / The Badass Twins / Chapter 70 - Chapter 69

Chapter 70 - Chapter 69

Worth's POV

I can't keep smiling while watching my Amoŕe fights one on one with her big brother. She's pretty strong and amazing. That's why, I adore her even more.

It's almost a decade I secretly loved her. The first time I saw her I was stunned and admired her aesthetic beauty.

Siya lang ang bukod tanging babae na nagpapalabas ng mga emosyon ko. Anger, jealousy, possessiveness...

Tumatawa at ngumingiti ako kapag siya ang kasama ko.

Sadness...I cried because of her. I don't want to lose her. She's my kryptonite, my love, my heaven.

I love the way she smile,

I love the way she laugh,

I love the way she talk,

I love the way she walk,

I love the way she move,

I love all about her either it's good or bad.

"Mì Amoŕe, that's enough."

Inawat ko na siya ng mapatumba niya si Blade sa sofa at tinutukan niya ito ng dulo ng Katana niya. Nakinig naman siya sa'kin dahil binitawan niya ang Katana at parang batang naglalambing na yumakap siya sa'kin.

Hindi ko napigilang ngumiti at hinalikan siya sa noo. Sinulyapan ko si Blade na masama ang tingin sa'kin saka siya padabog na pumanik sa taas.

"Samahan mo ko, gamutin natin ang kamay ni kuya."

Saad niya sa'kin. Umiling ako at sinulyapan ang pinsan kong si Dawn na parang naluging pinagmasdan ang dalawa niyang Katana na ginamit ng magkapatid kanina sa laban.

"Dawn! Gamutin mo yung palad ni Blade! Bahala ka, mawawalan ka ng future husband!" ayun na naman ang malditang boses ni Dana na nakasanayan ng lahat na nakakilala sa kanya.

"Hindi ako Doctor. Ayan sila Venom at Scythe utusan mo. And for your information, wala akong paki sa future husband ko dahil I'mma busy with my present husband, Venomous." makulit na wika ni Dawn at pinuntahan pa nito si Venomous na nakangiwing nakatingin sa kanya.

"Dawn, pakipuntahan si kuya Blade sa silid niya. Magdala ka ng first aide kit." sumimangot si Dawn at walang nagawa kundi ang sumunod sa Amoŕe ko. Pumanik na rin ang mga kasamahan namin dito sa mansion at tanging naiwan lamang dito sa sala ay ang mga miyembro ng Monstrous Trio Squad. Nandito rin sina Ryder at Godee. Umupo kami ni Heaven sa isang pang-isahang sofa at napangiti ako ng kumandong siya patalikod sa'kin.

"Sana all"

"Sana all may jowa"

"Sana all mahal"

"Hahahahahahaha!"

Hindi ko pinansin ang mga comrades nila at nanatili akong nakatitig sa batok ng Amoŕe ko. May magandang tanawin ito na ako ang may gawa. A kissed mark.

Akala ko noon hanggang tingin na lang ako sa kanya at malabong mapansin ng isang Heaven Hunterose.

Flashback…

"Where's kuya Blade?"

A 15 years old blue-eyed girl asked us. All in black outfit. Black cargo pants, black loosy shirt, and black combat boots. Basta basta na lang siyang sumulpot dito sa Headquarters ng ACES. Everyone was attracted to her innocent angelically face yet bored dangerous voice. Napaka-inosente ng mukha niya ngunit walang kagana gana ang presensya. Neutral. Hindi man lang namin namalayan na may ibang tao na rito sa Headquarters ng ACES.

"I said, where's Sky Blade Amar Hunterose! Bakit ba hindi kayo sumasagot mga kupal!"

Sigaw niyang lahat sa'min kaya lahat kami ay natuliro at kinabahan sa kanya. Lalo na ako na dumoble ang kaba sa dibdib.

"Itokö, nasa comfort room siya. Masakit kasi ang tiyan niya at kanina pa siya pabalik balik sa cr."

Si Sun ang naglakas loob na sumagot sa kanya. She smirked devilishly beautiful bago niya kami isa isang sinulyapan lahat. Nagbago lang ang reaksyon ng mukha niya ng magtama ang mata naming dalawa. Pinatili kong walang emosyon ang mukha ko at hindi pinahalata sa kanya ang tensyonado kong katawan.

"Mabuti lang sa kanya yun! Alam niyo bang pinatay niya ang mga alaga kong tilapia! Nakita ko sa CCTV namin sa mansion na kumuha siya ng limang tilapia sa Aquarium ko! At pinaluto niya kay Mr. Chief! I hate him! Hindi ko na siya kuya! He killed my babies! Wala namang ginawa sa kanya ang mga tilapia ko! Tapos kakainin niya lang! How dare him! Kasabay ng pagtalsik ko sa kusinero namin ay papatalsikin ko rin siya patungong Russia!"

Galit na galit niyang kwento sa'min. Sa isip ay pinapatay niya si Blade. Naalala ko kahapon may dinalang ulam si Blade dito sa Headquarters na limang pritong tilapia. Baka iyon ang mga babies niya. Poor fish.

"Baby, what are you doing here?"

Anang bagong dating na si Lover. Sky Lover Hunterose. Siya ang leader ng ACES ng HUNTEROSE ACADEMY. Mas matanda siya ng limang taon sa'min kaya nirerespeto siya ng lahat ng miyembro ng ACES. Nilapitan niya ang babaeng may asul na mga mata at hinalikan ito sa noo. Nakaramdam ako ng inis ng, naglalambing itong yumakap kay Lover.

"Kuya Lover, si kuya Blade pinatay niya ang mga tilapia ko! Patayin mo rin siya please, pretty please, kuya Lover."

Tumawa ng mahina si Lover at pinisil ang tungki ng ilong ng magandang babaeng ito bago niya kami sinulyapan.

"Everyone, She's Heaven Amoŕe Hunterose the youngest sister of Blade."

Mì Amoŕe? Nakalabas na siya sa Hailstone Prison Cell? Kailan pa? Bakit hindi namin alam ang tungkol dito? Maraming nagbago sa physical appearance niya dahil dalagang dalaga na ang tindig niya. "Last year lang siya nakalaya at mahigit isang taon na rin sila dito sa Pilipinas." Anunsyo pa ni Lover na siyang kinasimangot ni Heaven. My Amoŕe. Walang gana itong sumulyap sa'kin bago padapang humiga sa mahabang sofa namin dito sa living room ng Headquarters namin.

"Baby, may bagong miyembro ang kuya Blade mo sa ACES ng Huntress. Sina Worth Galvez at Ryder Han. 17 years old na sila. At pagkakaalam ko childhood friend mo itong si Worth."

"Wala akong friends. I don't like friends. I hate friends. But, I love my comrades."

Aniya. Walang gana ang boses. Comrades and friends are same meaning. Bumangon siya at naka-indian seat na umupo sa sofa habang naka-cross armed. Nakasimangot siyang tinignan kaming muli. Ngumiti lang siya kay Sun at Moon. Habang sa'min ay hindi. Unfair.

"Sabi nila, magaling kang makipaglaban. Let's fight."

Maangas na hamon ni Genesis sa kanya. Siya ang tinaguriang The Great Genesis of ACES in IMPEROSE UNIVERSITY. Magaling siya sa larangan ng Fist and Karate combat. Gamit ang kamao niya ay napapagsak niya ang mga kalaban niya. One punch. Knock out.

"If you defeat me I will follow your commands. If I defeat you, I will kill you together with your love ones. Isaiah your youngest brother."

Nakangising wika ni Heaven ngunit walang gana itong tumayo at naunang pumanik sa ikalawang palapag kung nasaan naroon ang Boxing Ring namin dito sa Headquarters.

"Hahahahaha! Buddy, pwede ka pang umatras. Mali ka ng hinamon mo. Well, tignan natin ang lakas mo kung uubra ka ba sa pinsan namin hahahahaha!"

Wika ni Lover at pinagpag pa ang balikat ni Genesis ng tatlong beses. Kami ring mga kasamahan niya ay binigyan siya ng Good luck gesture sa pamagitan ng pag tapik ng tatlong beses sa balikat niya.

"Tsk. Wala pang nakakatalo sa'kin kahit kailan maliban kay Mountain." Tinutukoy niya ang leader nila ng ACES sa Imperose University. Wala ito ngayon sa Headquarters namin dahil may inaasikasong case ito. Prosecutor Student si Mountain at kailangan pag-igihan nito ang pag-aaral. Sky Mountain Hunterose the ACES Leader of Imperose University.

"Wish before you die, kapatid."

Natatawang saad ni Adam sa kapatid na kinainis nito. Hindi sila magkasundo since born. Bale, si Genesis lang ang may ayaw sa kanya. Ayaw siya nito maging kapatid.

"Tsk!"

Suminghal si Genesis at pumunta na sa Boxing Ring kung nasaan naroon si Heaven na walang ganang nakatayo at nakakrus pa ang mga braso habang nayayamot na naghihintay sa kalaban niya.

"Sino ang referee natin?"

Maangas na tanong ni Genesis kay Heaven. Ngumiwi ito.

"Walang aawat"

"Fine. Let's fight."

Nagpakawala ng isang malakas na suntok si Genesis kay Heaven munit nasalag lang nito ang kamao niya at binalibag siya.

"Damn. Ang sakit non."

Bulong ng mga kasamahan namin. Inis na bumangon si Genesis at sinugod na naman ng suntok si Heaven. Swabe nitong naiwasan ang kamao ng lalaki at nag back flip na sinipa ang likod ni Genesis dahilan ng pagtumba na naman nito muli.

"Hahahahaha! Hindi man lang makapuntos si Genesis."

Nagtawanan na rin ang iba sa sinabi ni Lover. Kahit ako ay hindi mapigilang ngumiti dahil sa angking galing at lakas ni Heaven. Gusto kong pumalakpak sa bawat tama niya kay Genesis. Sumagi ang tingin ni Heaven sa'kin dahilan ng matamaan siya ni Genesis sa balikat niya. Napa-ohhh ang ilan sa nangyare. Ako naman ay nag-iwas ng tingin kay Heaven dahil sa paraan ng pagtingin niya sa'kin ay ako ang sinisisi niya kung bakit siya natamaan ni Genesis.

"1 point for Genesis! Pustahan na tayo mga kosa! Isang milyon bawat suntok! Kay Heaven my loves ako tataya!"

Sigaw ni Astrid kaibigan siya ni Genesis. Nagkanya kanya ngang nagpustahan ang lahat. Karamihan ay kay Heaven pumusta at tanging si Adam lang ang pumusta kay Genesis.

Tumingin kaming muli sa Boxing Ring ng narinig naming dumaing sa sakit si Genesis. Natumba na naman siya pero agad ding tumayo. Sapo niya ang dibdib niyang natamaan ng suntok ni Heaven.

"You're strong, Genesis. Panalo ka na." Nakangiting saad ni Heaven at tinapos na ang laban nila. Nagfist bump muna sila ni Genesis bago siya naunang umalis sa Boxing Ring. Nanlumo ang lahat ng pumusta sa kanya habang si Adam naman ay tuwang tuwa dahil siya ang makakuha sa lahat ng pusta. Langya amp.

"ARAY! BAKIT MO AKO SINUNTOK!"

Rinig naming sigaw ni Blade mula sa living room kaya nag-uunahan kaming lahat na bumaba upang tignan ang nangyayare sa sala.

"That's for killing my babies! How dare you to killed and cooked my five tilapia!"

Naabutan namin si Heaven na hinahabol ang kuya Blade niya. Pa-ikot-ikot sila sa mga sofa.

"Nag-request kasi sila Worth at Ryder na gusto nila ng fresh seafood na ulam kaya iyong mga tilapia sa mansion ang kinuha ko."

Nadamay pa kami sa kabaliwan ni Blade. Huminto si Heaven kakahabol sa kanya at nakangiwing tumingin ito sa'min ni Ryder bago siya sumimangot at padabog na umalis dito sa Headquarters namin.

"Aba ginoong Mickey Mouse napupuno ka ng Clubhouse ang hotdog hotdog hot tigididog ay sumasaiyo! Nakakatakot talaga ang isang Langit!"

Nagtawanan ang lahat sa sinabi niya. Sinundan ko ang tingin ng dinaanan ni Heaven. Wala na ngang mas hihigit at nakakatakot sa kanya. She's awesome as hell. She's my Amoŕe.

"LANGIT! Ayaw ni Blade na gamutin ko siya. Pinagsarhan lang ako ng pinto. Ang maldito talaga ng lalaking yun."

Sumbong ni Dawn at inis na pinagbabato sa sofa ang mga dala niyang first aide kit. Tumayo ang Amoŕe ko at pumanik sa taas. Hindi ko na siya sinundan dahil alam kong kakausapin niya si Blade.