Heaven's POV
I know Kuya Blade is over protective to me. Noon pa man ay masyado na siyang mahigpit sa'kin to the point na nasasakal ako sa pagiging Kuya niya sa'min ni Godee. I never hate him for that. I appreciated it so much. But, the day na nalaman kong may Obsession Disorder si Kuya Blade natutunan kong labanan siya. Sinusuway namin palagi ni twin ang mga utos niya. Hindi maaaring makontrol ng isang taong may obsession ang isang normal na tao dahil kapalit nito ay buhay mo. Kokontrolin ka niya na parang laruan at maging sunod sunuran sa lahat ng utos niya. That's Blade a Psychopath Obsessive. Namana niya ang sakit na yan sa lolo Iyubov namin na habang buhay niyang dadalhin.
"Dapat mong maintindihan na hindi mo ako pagmamay-ari, kuya. I'm Worth's Amoŕe not yours."
Humigpit ang hawak niya sa gintong kopitang hawak niya. Lihim pa akong napa-ikot ng mata ko ng iinom na lang siya ng tubig, kailangan talaga sa gintong baso pa nakalagay amp. Ginala ko rin ang tingin ko sa buong kwarto niya. Kasama niya si Ryder sa silid na ito. Kaya sobrang manly ng theme ng kwarto nila. Mostly Black and Blue paint ang wall design habang karamihan naman sa gamit nila dito ay mga tunay na ginto.
"Hindi mo kailangan ang mahinang tulad niya, Heaven. He's damn weak. Tinakasan niya ang magulang natin sa Russia instead of harapin niya ang mga ito ng buong tapang."
"He's strong enough for me, Kuya. Sa susunod na haharap siya sa magulang natin ay tatlo na kaming pupunta sa Russia."
"Tatlo? What?"
"Well yeah, tatlo kami ng magiging pamangkin mo."
"No way! Is he deflowered you already?"
"Soon..."
"Stop making out! Magtapos muna kayo ng college before doing something gross, Heaven"
"So? Tanggap mo na si Worth?"
"Never"
I exhaled deeply. Ang hirap talaga kumbisihin ang taong tulad niya. Hinawakan ko ang kamay niyang may sugat at hinigpitan ko ang hawak nito. Hanggang sa magdugo muli ito. Sinulyapan ko si Kuya Blade na parang wala lang sa kanya ang ginawa ko. Tsk. Manhid.
"Please Kuya, tanggapin mo na si Worth para sa'kin, pretty please?"
Naglalambing kong saad. Inis siyang umiling-iling sa'kin at inagaw ang kamay niya mula sa pagkahawak ko. Pinagkrus ko ang mga braso ko at sumandal sa pintuan habang siya ay nagtungo sa study table niya dala dala ang gintong kopita niya.
"Kailan check up mo sa Russia?"
Iniba ko ang usapan naming dalawa at seryoso siyang tinignan. Sumama ang tingin niya sa'kin pero agad ding naging kalmado.
"Nextweek"
"Nextweek din ang araw ng kamatayan ni Madam Snake at doon namin gagawin sa Huntress University ang execution niya."
"Wag ninyong babahiran ng dugo ang paaralan ko, Heaven."
"Ikaw nga doon mo binibitay ang mga kumakalaban sayo eh. Di ba nga dati, isang Execution Place ang Kaharian mo at hanggang ngayon ay ginagawa mo pa rin."
"Wala na kayong pakialam doon at pwede ba paalisin mo na ang mga hayop dito sa mansion."
"Geh. Mauna ka."
"Tsk. I don't like them."
"Di ka rin nila gusto."
May kumatok sa pintuan niya kaya umalis ako mula sa pagkakasandal dito. Bumukas ito at pumasok si Godee. Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang pulang marka sa leeg niya.
"I have something to tell you, guys. This is important."
Aniya. Sabay kaming nagtaas ng kilay sa kanya ni kuya.
"Si mom nagwawala sa palasyo natin hahahahahahaha!"
"What?!"
Gulat na sambit ni kuya at dali dali niyang binuksan ang computer niyang nasa study table niya. At doon bumungad sa'min ang nagwawala naming ina. Pinagbabasag niya ang mga gamit sa palasyo namin. Especially sa living room. Pinagbabasag niya lahat ang mga bawat madapuan ng Katana niya.
"How useless you are! Paano kayo natakasan ng tatlong paslit na yun! Mga mahihina! Hindi kayo nararapat sa mga trono niyo!"
Walang emosyong sambit ni mom at sa mga gamit namin sa palasyo ang pinagbuntungan niya ng galit.
"So ayun na nga mga kapaa! Nagwawala po ang ating Reyna HAHAHAHAHAHA-----ARAYYY Tangna!"
Binato ni mom si Tito Wayne ng isang mamahaling furniture na siyang kumukuha ng video sa kanya. Natamaan yata siya dahil magalaw ang video at humiyaw pa siya sa sakit. Nagtawanan ang mga tao sa palasyo namin maliban kay mom na walang emosyong kinuha ang video camera ni Tito Wayne kaya kitang kita namin ang magkaibang kulay ng mga mata niya. The most beautiful eyes of our clan. An Heterochromia eyes. Crimson and Skyblue.
"I know you're watching, Amoŕe. Prepare your Worth Galvez I will punish him together with your favorite cousins Ocean and Scythe."
Walang emosyong wika ni mom na siyang kinangisi ni kuya. Tsk.
"Queen, akin na yang camera ko. Hindi naman sayo yan eh. At saka, tanggapin mo ng natakasan ka ng anak ko hahahahaha!"
Boses ni Tito Wayne ang narinig namin.
"Ulol. Basagin ko pa toh."
Saad ni mom at binasag nga ang camera ni Tito Wayne dahilan ng pagkawala ng video. Nagkatinginan kami ni twin at sabay na umiling-iling. Wala talagang sinasanto ang mom namin. A real badass. Queen of Badass.
Ryder's POV
Hanggang kailan ba sila dito sa Mansion? Ang mga comrades nila Heaven ang tinutukoy ko. May umalis na dalawa sa kanila. Si Scythe dahil under monitoring nito ang pinakamamahal nitong si Lovely at iyong isa naman ay si Silversmith na kapitbahay lang namin. I mean, dito lang din siya nagtatrabaho sa Skyline Village bilang Butler ng mga Imperial.
"Aswang, samahan mo nga ako sa study room. Turuan mo ako sa economics."
Sambit ni Dana kay Tokyo na agad naman itong tumango at nakangiting umakbay sa kanya. Tumingin ako kay Jun na nagdilim ang mukha.
"Sorry multo pero may gagawin pa pala ako today hahahahaha si Jun na lang ang ayain mong mag-aral."
Wika ni Tokyo dahilan ng pagtaray ni Dana sa kanya bago ito maarteng sumulyap kay Jun.
"Fine. Tara, kailangan mo ring mag-aral sa economics kaya sabay na lang tayo. Let's go."
Mataray na usal ni Dana at nauna na siyang pumunta sa Study Room dito sa mansion. Sumunod si Jun sa kanya na umaliwalas ang mukha.
"Hey you, pretty girl. Gusto mo ba turuan din kita sa mga hard subjects niyo? Im'ma genius, baby girl." nakangising wika ni Venom kay Deisiree na siyang kinaangil nila Worth at Dawn.
"Don't you dare, Venom or else"
Seryosong banta ni Dawn sa kasamahan na kinalawak ng ngisi nito.
"I'm just helping, comrades"
"She's genius, Venom"
Sambit ni Worth na kinatango na lang ni Venom at palihim na sinulyapan si Deisiree na inosenteng nakatingin din sa kanya. Nandito kaming lahat sa sala at nanonood ng cartoon movie. Di ko alam bakit iyan ang mga pinapanood ng mga isip batang ito. Hindi pa rin bumaba ang tatlong magkakapatid kaya tamang hintay lang kami sa kanila rito sa sala.
(A\N: Check out on my profile. Beautiful Mistakes story of Godee and Ryder. Then, Holy Psychopath Obsession story of Blade and Dawn.:)