Chereads / The Badass Twins / Chapter 69 - Chapter 68

Chapter 69 - Chapter 68

Ryder's POV

I look at Godee. Nakangisi ito sa'kin na hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Naka-upo siya sa pang-isahang sofa habang ang mga comrades nila ay nasa sahig nakahiga at relax na relax sa pinapanood nila na akala mo sila ang hari sa mansion na ito. Some of them are familiar to me because of business association and some of them are ex-convict criminals of Hailstone Prison Cell. Apat din sa kanila ay matataas na heneral ng mga Calixtus. Venomous. Tokyo. After. And Silversmith.

Hindi pa umuuwe sila Blade at iba pa naming kasama dito sa mansion dahil masyadong mahalaga sa kanila ang pag-aaral. At isang kahangalan sa kanya ang lumiban sa klase ganun na rin sa iba. Kahit si Dana ay bumalik sa school. Maarte niya pang sinabi bago siya umalis "mga virus talaga, ang lakas makapanghawa ng ditching in class." Sumunod lang talaga ako kanila Godee ng umalis sila sa Huntress University at umuwe rito sa mansion. Gusto ko ring kamustahin si Worth kaso hindi pa sila bumababa ni Heaven. Isang oras na sila mahigit sa kwarto niya.

"Ah, pareng Ryder kuha mo naman kami ng popcorn. Hehehehe"

Ngumiwi ako kay Venom para itong bata. At sinundan pa ng pagtango tango ng lahat kahit si Godee ay nakitango rin. Kaya siya ang binalingan ko ng masamang tingin saka tumayo at nagtungo sa kusina.

"Anong gusto nilang flavor sa popcorn?"

Tanong ko kay Godee na sumunod sa'kin. Nakangisi itong umupo sa stall chair at tinukod ang dalawang siko sa kitchen counter saka nakapalumbabang tumingin sa'kin.

"Plain flavor and cheese flavor, Beautiful Ryder."

Godee's POV

Ang seryoso naman neto. Pwede naman niyang hindi sundin ang sinabi ni Venom. Tsk. Tsk.

Pagkatapos niyang ilagay sa mangkok ang mga bagong lutong popcorn ay binigay niya sa'kin ang isa pang mangkok at sinalin doon ang cheese flavored popcorn. Hindi ako umalis sa pagkaka-upo sa stall chair at hinintay siyang makalapit sa'kin.

"Stay here. Hintayin mo ako dito. Ihahatid ko lang ito sa mga senyorito doon sa sala."

Saad ni Ryder at kinuha ang dalawang mangkok saka siya umalis dito sa kusina.

"Salamat, Ryder!"

"Pagpalain ka ng Panginoon, thanks."

"Mabait ka pala, thanks"

"I nominated you for Godee, thanks."

"Me too, thanks."

"Fight for her before the engagement, thanks."

"Wag ka sana niyang gawing kabit, thanks."

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Mga gunggong talaga amp. Rinig na rinig ko ang mga pinagsasabi nila kay Ryder mula rito sa kusina. Napa-iling ako at naghead down sa counter. Gusto kong matawa kay Silversmith ng sabihin niya iyong panghuli bago sila nagtawanan. Kabit? Really? Si Ryder gagawin kong kabit? Tsk. Never.

"Mga sirang plaka ba ang mga iyon? Thanks ng thanks. Tsk."

"Hahahahahahaha! Ganon na talaga sila sa tuwing may nagbibigay sa kanila ng pagkain."

Saad ko kay Ryder na nayayamot na pumasok dito sa kusina. Pero, agad din siyang ngumisi ng magtama ang mga mata namin habang palapit siya ng palapit sa'kin. Kinabahan ako dahil ayan na naman ang kakaiba niyang tingin. Malalim at parang gusto akong kainin ng buhay amp.

"Someone says that I'll be your kabit. Tsk. Well, I'm willing to do it for you, hon."

Sabi na nga ba, sinasapian na naman. siya. Kapag ganyan talaga siya ay natitiklop ang angas ko na dapat ay palaging nasa katawan ko. Hindi yung, doble ang tibok ng puso at nanghihina pa ang mga tuhod ko. Kingina.

"Tss."

Singhal ko at nag-iwas ng tingin sa kanya ngunit hinawakan niya ang baba ko at pinaharap muli sa kanya ang mukha kong namumula na sa kaba. Ang lapit namin sa isa't isa at walang distansya sa pagitan namin. Kinorner niya ako rito sa kinauupuan ko at sinandal sa counter. Nakahawak ang isa niyang kamay sa balakang ko habang ang isa ay hindi niya pa inaalis sa baba ko.

"You're so beautiful."

"Ikaw rin hahahahahaha!"

Suminghal siya ng mahina bago ngumiti sa'kin. Ampogi.

"Can I kiss you?"

Tss. Dapat hindi na tinatanong ang mga ganong bagay. Dapat sunggab na agad. Psh. Wild. Nahawa pa yata ako sa kambal ko.

Dahan dahang bumaba ang mukha niya sa mukha ko kaya naipikit ko ang mga mata ko ng dumampi ang labi niya sa labi ko. Dumilat ako nang hindi gumalaw ang labi niya. Nakapikit siya at dinadama ang kalambutan ng labi ko. Ilang segundo ang lumipas ng humiwalay ang labi niya sa labi ko.

"Sweet. You're mine."

Namamaos ang boses niyang usal sa'kin saka niya ako muling siniil ng halik sa labi. Mula sa mabagal na halik hanggang sa naging mapusok siya ng gumanti ako ng halik sa kanya. Yumapos ang braso ko sa batok niya at pinagdiinan siya sa'kin habang ang mga hita ko ay nakapalibot sa baywang niya. Pinangko ako ni Ryder at pinaupo sa kitchen counter. Hindi naputol ang halikan naming dalawa. Mapusok. Mapanghanap. At nakakapaso. Nag-iinit ang katawan ko sa ginagawa naming halikan maging siya ay ramdam ko ang nag-iinit niyang katawan. Bumaba ang halik niya sa leeg ko dahilan ng pagdaing ko ng mahina. Nakakakiliti ang bawat halik na ginagawad niya sa leeg ko. Naglalagay ng marka roon.

"Uhmmm... Hon"

Ungol ko ng mahina ng hindi siya tumigil sa paghalik sa leeg ko. Kinakagat at sinipsip niya ng mahina ang balat ko na siyang nagbibigay magandang sensasyon sa katawan ko. Umakyat muli ang labi niya sa labi ko at mapusok na siniil ako ng halik.

"WHAT THE FUCK!"

Natigilan kami ni Ryder nang marinig ang galit na boses na iyon mula sa sala. Si Kuya Blade. Umalis ako mula sa pagkaupo sa kitchen counter at tumingin kay Ryder na nayayamot. Hinalikan ko siya sa labi saglit saka nauna na akong umalis sa kusina.

Naabutan ko si kuya Blade na nag-uusok ang ilong sa galit. Napapalibutan din siya ng masamang itim na awra at madilim ang mukha na nakatingin sa mga comrades ko na wala namang pakialam sa presensya niyang handa ng pumatay. Chill na chill lang ang mga ito sa pagkakahiga sa sahig habang nanonood ng movie.

Lumapit ako kanila Desdes na inosenteng nakatingin sa mga kalalakihang nakahiga.

"Goshh! Bakit ba kayo nakahiga diyan sa sahig? Gusto niyo bang magkasakit?"

Mataray na sambit ni Dana sa kanila. Nagtaas lang ng kamay si Tokyo sa kanya at hindi na siya pinansin ulit. Kahit si kuya na galit na galit ay wala silang pakialam dito. Wala ni isa sa kanila ang kumilos maliban kay Venom at Scorpion na kakaiba ang binibigay na tingin kay Desdes.

"Sinong nagpahintulot sa inyo na pumarito kayo sa MANSION KO!"

Muling sigaw ni kuya Blade. Para siyang bomba na nais ng sumabog. Wala na namang pumansin sa kanya maliban kanila Song, DK, Jun, at Ozi na sila yata ang nakakaramdam ng takot sa galit ng leader nila. Pansin ko kasing tensyonado ang mga katawan nila. Napansin din ni Dana iyon kaya sumenyas siyang papanik na sila sa taas. Ngunit akmang kikilos na sila upang magtungo sa hagdan ay ganun na lang ang pagtulos ng lahat ng tao rito sa sala ng may paparating na Katana at si kuya Blade ang target nito. Mabilis ang pag-iwas na ginawa ni kuya Blade at hinuli niya ang Katana gamit ang isang kamay niya ngunit ang talim nito ang nahawakan niya dahilan ng pag-agos ng dugo mula sa palad niya. Nasugatan si Kuya.

"Let's fight. If you defeat me, I will follow your commands. If I defeat you, I will lay hands on your beloved Dawn. Bruises. Wounds. And slashes made of Blade."

Walang emosyong usal ni Heaven kay kuya Blade na hindi nagbago ang awra. Mas naging mapanganib siya sa mga binitawang salita ni twin. Hindi niya iyon nagustuhan ang pagbanta nito kay Dawn na tuwang tuwa naman sa pangyayare. Bumulong bulong pa siya sa'min na "Langit o talim? Saan kayo pupusta? Bente bente lang bawat segundo ng sagupaan. Pusta na kayo. Ako ang tagahawak ng taya." Walang pumansin sa kanya kaya bumulong bulong na lang siya sa ere.

"Try to hurt her, Heaven. I will kill that fucking man besides you."

Malamig na wika ni Kuya at humigpit din ang hawak niya sa katawan ng Katana. Wala siyang pakialam sa sugat sa kamay niya na nagdudugo.

"Defeat me if you can, Blade."

Isang napakabilis na kilos ang ginawa ng kambal ko dahil agad na siyang nandito sa baba at sa isang iglap ay nag-babangaan na sila ni kuya ng mga hawak nilang Katana sa isa't isa. Ang tahimik ng paligid at tanging kalansing ng matatalim na espada ang naririnig namin. Ni isa sa'min ay walang kumilos upang pigilan ang dalawang naglalaban ng Katana.

Walang tumatakbo sa kanilang dalawa kapwa galit na naglalaban sa isa't isa. Nagsatabihan ang mga comrades namin sa isang tabi ng nasa sala set na sila Twin at kuya Blade. Nahati pa sa dalawa ang malaking flat-screen TV namin dito sa living room ng ito ang matamaan ni Heaven. 1 damage. Flat-screen TV knock out.

Wala pang natataman o nasusugatan sa kanilang dalawa dahil pareho silang magaling sa larangan ng Sparring using Katana. Sunod sunod na nabasag ang mga vase na nakadisplay ng matamaan naman ito ni kuya. Second damage. 5 vases knock out.

"Sa oras na Matatamaan kita, patay ka." galit na boses ni kuya ang narinig namin. Ngumisi si twin sa kanya ng nakakaloko kaya lalo siyang nagalit at sunod sunod na inatake ang kambal ko.

"At sa oras matamaan kita, patay kayong dalawa ni Dawn"

"Wag mong idadamay si Dawn sa galit mo sa'kin!"

"Sinaktan mo si Worth, Blade! Dapat ko ring saktan ang buhay mo!"

Galit na sigaw ni Heaven at isang malakas na pwersa ang ginawa niyang pagsugod niya ng Katana kay kuya dahilan ng pagtumba ni kuya sa sofa at kinabahan kaming lahat ng tinutok niya ang dulo ng Katana niya sa dibdib at sa tapat mismo kung nasaan ang puso ni kuya. Hindi makakilos si kuya Blade dahil nakorner siya ng kapatid namin. Isang maling galaw niya ay patay siya.