Chereads / Kerstel_Amorous / Chapter 24 - Chapter 24: Pet

Chapter 24 - Chapter 24: Pet

"Jennifer! Please open the door!"

"Ayoko!"

"Please! I beg you! Open the door now!"

"Leave me in peace! Please Reymark!"

I started to cry, I couldn't handle the rush of my emotions. I don't really know where everything is going. Looks like it's going back to the beginning. Peaceful silence.

Hindi na ito sumagot kaya mas naging maluwag ang aking pakiramdam.

Pero f*ck, instead of not answering he just broke the door to enter.

"Lunatic girl." yumakap ito sa akin I can feel his breathing, "Anong sa tingin mo magpapauto ako? Matagal na kitang na miss." mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sakin.

Ano ba dapat maramdaman ko, magagalit ba sa ginawa niya o kusang lalayo pero sa pinapakita niya ang dali lang ng lahat.

"Stop this."

"W-why? Hindi mo ba nagustuhan?"

"Pwede Reymark 'wag mong subukan maging nice! Nakaka irita talaga tignan!"

Lumakad ako papalayo sa kanya. Pero bigla niya'kong hinila at niyakap pero tinulak ko ito agad.

"J-jennifer.... Please.... One chance." nakita ko itong nakaluhod sa likuran ko pero sinubukan kung lumakad papalayo.

I will try to control my emotions, it is really my opponent at all so it should not be weak as I am.

Pumasok ako sa room na parang walang nangyari bukas at pati ngayon.

Kinausap ako ni bakla pero hindi ko ito pinansin. Mainit ang ulo ng mga kontrabida sa akin ngayon pero hindi naman 'yan ang problema ko.

"Good Morning Class."

"Good Morning Sir.". {all}

Hindi halata sa mga mata niya ang luha pero kapag tinitigan mo mas makikita mo ang totoo niyang nararamdaman.

"Jennifer!"

"Yes." malumanay kung sagot.

"I want you to dance."

"Para saan?"

"Gagawin mo o hindi?"

Biglang sumapaw si Edrian.

"If she doesn't want to. Then she doesn't want to. Don't force her. She's not a puppy."

"You know Edrian it's for the Mapeh subject. Don't brag things that makes you stupid."

"Cheezy. Wala namang matatakot sa grades na 'yan it's just a performance."

"You sounds professional. What if you will do what I command on Jennifer."

"Not scared at all."

Nag umpisa itong sumayaw, pero ibang klase magaling siya sobrang galing. Nagpalakpakan kami dahil sa kanyang pinakitang gilas.

"Bro you're so hot!"

"Sh*t he's a dancerist! Magiging fan na ba ako nito."

"That moves. So unique I can tell that he's good at choreo."

Mga komento ng mga kaklase ko. Nakakahanga lang kasi. Hinahangaan ang matalik kung kaibigan.

Ngumiti ako dahil tumingin ito sa akin. Nag okay sign ako with gigil effect, parang ano siya k idol bagay sa kanya.

Umupo na ito sa kanyang upuan at nagsalita si Sir.

"Yan lang ba kaya mo? Ang boring panoorin. Before that, Jennifer? Hindi ka ba pupunta rito sa harapan?"

"Ayoko."

"Even your grades?"

"Hindi." ikli kung sagot na hindi nakatingin sa kanya.

"Okay, next participant is Patrick? Come to the front."

"H-huh? Ako?"

"Sino pa nga ba." parinig ni Mark.

"G ako rito, magaling ako sa hatawan bibihagin ko ang puso niyo boys."

Ayon sila lang nagka grades habang ako wala dahil wala akong pinakitang mukha sa harap.

Pagkatapos non, recess na mag isa akong pumunta sa canteen.

"Hold on, sabay na tayo." wika ni Edrian.

I smiled bilang reply sa kanya. We sitted at the back, dahil 'yun lang ang bakante.

Habang kumakain kami, kumain nako ng rice para hindi na pumunta pa rito sa lunch gayon rin si Edrian gumaya sakin.

"Pakiramdam ko galit ka sakin."

I looked at him with a confusing eyes.

"Bakit mo naman nasabi?"

"That. Your tone when you speak. Parang cold."

Cold ba boses ko? Para sakin nga parang kargador.

"Hindi. Matindi nga 'yung pakiramdam ko sa boses ko."

"Ano 'yun?"

"Parang kargador. Hindi ko gusto. Tapos sasabihin mo cold. Nakakatawa."

"I see, you're keeping a low profile on yourself."

"Ganito na talaga ako."

"Eat up, I know you're hungry of what happened. Anyways don't apologise on the kiss. It's okay for me. I understand the situation there."

"Salamat, ikaw kumain kana rin."

Inuna kung kinain ang ulam kung beef stake. At tsaka carrots. Kunti lang ang kinain kung rice. Hindi ko gusto tumaba. Nabulabog ang kinakain namkn ni Edrian ng sumulpot si Scott dala dala ang kanyang tray ng pagkain.

Ngumiti ito sa amin.

"Pwede maki join?"

"Hindi, umalis ka." sabay baba ng kutsara niya.

"Edrian. Umupo ka Scott pwede ka naman makisabay."

"Thank you," sabay ngiti.

Umupo ito sa harapan namin habang kami ni Edrian ay magkatabi.

Nag open ito nang topic kaya nakikinig ako.

"Jennifer still remember when I first saw your 'Dear Diary' galit na galit ka non sakin. Nakakatawa 'yung sinulat mo lalo na 'yung, nahulog ka sa kanal tapos dahil wala kang masuot. Nagnakaw ka ng pants sa locker ng mga boys. Coincidence na ako 'yung ninakawan mo." humalakhak ito ng malakas sa sobrang lakas napahawak ito sa kanyang tiyan dahil sa sobrang tuwa.

"Tumigil ka nga. Sadyang kailangan lang talaga. Past is past kaya 'wag mong iremind sakin."

"Pero pano 'yun hindi memory card ang utak ko hindi basta basta nabubura."

"Edi huwag mong banggitin sakin, ang simple. Tumigil kana baka kung ano pa magawa ko sayo."

Bumalik ako sa ginawa kung pagkain. Habang si Edrian ay nakatingin kay Scott na parang galit rin. Bakit ba nakikita ko ngayon ay galit ang mga mukha.

"I'm done." tumayo ako para ilagay sa washing room ang pinggan.

Nagulat ako ng tumayo rin sina Edrian at Scott. Sumunod sila sa akin kahit hindi pa nila natatapos ang kinain nila. Sayang 'yung pagkain, unless ako ang kakain.

"Huwag kang humarang sa dinadaanan ko." sabay tulak kay Scott.

"Enough bro. I didn't do anything." saad ni Scott.

"Ang epal mo nagpakita ka pa talaga, Kion."

"Why not? It's been a long time Rian."

Without knowing na nakikinig ako sa kanila.

"Magkilala kayong dalawa?" tanong ko.

Lumingon ang dalawa inosente sa paglitaw ko.

"Y-

"No."

"Okay."

"Mauna nako, I have a work on office." sabi ni Scott.

"See you after school Jennifer." nag flying kiss ito sa akin, pero natawa ako sa ginawa ni Edrian.

Parang may inaalis siya.

"Huwag kang tumama kay Jennifer sakalin kita diyan."

"Sino kausap mo?"

"Yung flying kiss na ginawa ni Scott. Pinapaalis ko lang. May gawa ka ngayon?"

"Yup, ikaw?"

"Wala naman, gusto ko lang sumunod sa sayo. Payag ka bang maging pet mo'ko?"

".... Pinapatawa mo talaga ako minsan. Oo. Pwede naman. Basta bawal maingay na pet dun."

"Arf! Arf! Saan ba 'yan?"

Putangina isa pa rin 'tong cute parang may pinagmanahan. Nag puppy eyes pa talaga, bagay naman sa kanya hali ka rito aso ko.