Chereads / Kerstel_Amorous / Chapter 29 - Chapter 29: Some Things

Chapter 29 - Chapter 29: Some Things

"Jennifer?"

"S-sorry,"

"Ayos lang, kamusta ang honey ko?"

"Huwag mo nga ako tawagin ng ganyan."

"Sinong tinatakbuhan mo?" sabay tingin sa paligid. "Sabihin mo may kaaway ka ba!"

"Sira. Wala akong kaaway. May iniiwasan lang."

"Reymark siya ba?"

"Pano mo nahulaan?"

"Syempre kilala na kita, kanina alam mo na ba?"

"Ang alin?"

"Anak si Mister Reymark si Edrian."

"Oo, nakakabigla nga eh."

"Yeah, ako nga rin. Saan ka pupunta?"

"Magbabanyo lang."

"Samahan na kita."

Sinapak ko ito dahil iba na ang binibiro niya.

"Tumigil ka nga!"

"Biro lang, okay keep safe."

"Anong keep safe, as if na may mangyayari."

Agad akong pumunta sa banyo, pero f*ck kita ko si Princess na kasama ang kanyang mga alagad. Mga kampon ni Satanas.

"Hey! Hey!" pag uumpisa ni Rhea.

"Oh it's Jennifer nice to meet you." sabi ni Princess, ang kapal talaga ng hasang ng babaeng 'to sarap saksakin.

Hindi ko sila pinansin at pumasok na sa isang cubicle. Pero rinig ko parin usapan nila na alam kung ako 'yon.

"Alam niyo gurls, may tao talagang sadyang ubod ng ganda like us. They should make us as their goddess." rinig kung wika ni Princess.

"I know. Lalo na 'yung mga malandi riyan na kumakalat sa earth. Eh sana mawala na." pa rinig ni Rhea.

"G*ddamn sh*t. We are f*cking gorgeous!" rining kung saad ni Joy.

Tsk. Lumabas na talaga ang totoong baho ni Joy. She tries to act innocent pero ang totoo, may tinatagong kadiliman.

Ano bang gagawin ko sa banyo? Makikinig sa pinag usapan nila? Hindi nga pala. I'm here because of Mister Reymark. Kailangan kung magtago.

"Hey!" sabay katok sa cubicle na pinasukan ko.

"Ang tagal mo naman diyan! Naiihi na'ko rito." wika ni Rhea.

"Just pull it gurl. Kick that *ss off." saad ni Joy.

"One, two, three."

"Ano?" sabay bukas.

"May gana talaga kayong mang buysit ng kapwa tao, anong paki ko kapag napapanghi ka diyan? Pwede ka namam umihi sa boys ah. Ang dami pa nitong arte." wika ko.

"Mahina talaga ang utak, oh my god." saad ni Princess.

Taga oh my god na lang siya. Nilagpasan ko sila kahit ano pang sasabihin nila hindi ako lilingon.

"That b*tch hindi man lang tayo nilingonan," sambit ni Rhea.

"Hayaan niyo lang siya, may tamang oras sa gagawin natin."

"Balita ko, ikakasal si Sir." pag uumpisa ni Joy.

"Kanino naman?" may halong tawa na tanong ni Princess, sabay pahid ng bb cream sa kanyang pisngi.

"Kay Martha." sagot ni Rhea, habang gumagawa ng eyeliner sa kanyang mata.

"H*ll!?!?" sabay tapon ng hawak hawak niyang bb cream.

"Sayang 'yung cream." wika ng dalawa.

"Saan ang Martha na 'yun!?!? Ituro niyo sakin!? Urghhh! Papatayin ko 'yan!"

"Kumalma ka, baka nakauwi na 'yun matapos sa nangyari." sabi ni Rhea.

"Anong nangyari?" tanong ni Princess.

"Hindi mo alam? Mister Reymark announced there marriage."

"H*ll, sh*t! Puro kamalasan na lang nangyayari sa buhay ko!!"

-

Bumalik ako sa classroom pero hindi parin nila inaalis ang mga tingin nila sakin, hindi ako artista kaya itigil niyo 'yan.

Umupo ako sa upuan ko, naabotan kung natutulog si Patrick. Kaya binigkas ko ang pangalan niya. Matagal na kaming hindi nag uusap.

"Pat, hoy pat." pero hindi parin ito bumangon.

Pagod siguro kaya hindi ko na lang iistorbohin. Hindi pa nakakabalik si Edrian napatingin ako sa kanyang upuan, na walang paring tao.

Pft. Walang gana pumasok aabsent nalang ako, total gulo naman nangyayari ngayong araw.

"Huwag."

Napahinto ako sa pag aayos ko ng bag para umabsent, si Patrick pala. Bumangon ito at itinaas ang kilay natuwa ako dahil sa pinansin niya'ko.

"Huwag kang umalis dahil may klase pa, gusto mo bang bumagsak?"

Mas naging lalaki na ang boses niya, grabeh talaga ang gwapo niya hindi ko na 'yan kailangan ideny pero hindi ko parin makakalimutan ang baklang Patrick na nakilala ko.

"Sige, hindi na'ko aabsent."

"Siguradohin mo lang." sabay balik sa tulog.

Napangiti nalang talaga ako, at pinagmasdan siyang matulog sa tabi ko. Habang pinagmamasdan ko siya, nakita kung papasok si Edrian sa room. Wearing a mad face.

"Edrian." tawag ko sa pangalan niya pero hindi ako pinansin.

Kinuha niya ang bag niya, at umalis ng may galit sa mukha. Sumunod ako sa kanya kita ko si Martha na umiiyak sa kotse ni Edrian.

"Nagmamasid ka pa." napalingon ako sa likod.

"Huwag ka ngang maingay."

Pinagmasdan ko sila kahit malayo ako ng kunti, pero maya-maya sinimulang sampalin ni Edrian si Martha, ikalawang beses na 'to. Yung na una, bago, siya sumakay sa kotse.

Mukhang may away sila, pero muna ako manghuhusga kung hindi ko pa alam ang puno't dulo ng away nila.

"She deserves it." sambit ni Sir.

"Huh? Deserve?"

"Yeah, malalaman mo rin." sabay alis.

Pero tiningnan ko parin sila, baka kung ano pa ang mangyari. Lumabas ng kotse si Martha, tas' 'yung mukha niya parang kakabagong tawa lang.

Habang si Edrian, nag maniho na ng kotse niya. Dahil wala na sila ay pumunta ako sa canteen. Tumabi sa'kin si Scott na nakangiti.

"Eat up honey."

"Sira ka talaga, 'wag mo'kong tawaging ganyan."

"Sabi mo gusto mong subukan."

"Oo... Gusto ko. Pero natatakot ako sa ewan."

"Takot sa pag ibig?"

"Parang ganoon na nga."

"Trust me, hindi ka magsisisi sa'kin." sabay kalat ng buhok ko tuta na ba ako nito? It supposed to be Edrian charot.

"Thanks. I hope so."

"Basta maya may pupuntahan tayo."

"Wow, surprise ba 'yan?"

"Parang ganoon na nga, ito sayo na 'yang chicken wings ko." sabay ngisi.

Sinuklian ko siya ng ngiti. Dahil wala akong pambayad.

Matapos naming kumain ay sumakay ako sa kotse ni Scott gaya ng sinabi niya. May naiwan pa naman ako sa locker ko, pero pwede namang mamaya eh.

"How's your day honey?" tanong ni Scott.

"It's fine hon, how about you?"

"Oh impressive, payag kana?"

"Yup gusto ko itry."

"Huwag na huwag kang mailang sakin, baka kung ano pa ang magawa natin isa't isa."

"Bakit may mangyayari ba?"

"As a couples, may mangyayari talaga pagitan sating dalawa. Like kiss for example, are you ready for that?"

"Hindi ko alam, natatakot ako sa wala. Hindi ko gets 'yung feelings ko." hinawakan ni Scott ang kamay ko.

"Don't be nervous," sabay higpit ng hawak niya sa'kin.