Chereads / Taming The Sky / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

"Congratulations!!"

Nakatayo ako sa gilid ng stage habang hawak hawak ang isang bouquet ng bulaklak para kay Shawn. Katabi ko naman si aly na may hawak na alak para daw mamaya, katabi naman niya si Kat.

"Congrats" Saad ko at tumakbo papunta kay shawn para yakapin siya. nakatayo siya ngayon habang hawak hawak ang diploma niya.

"Congrats love you did well" saad ko sabay yakap sakaniya ng mahigpit.

"I'm so proud" halakhak ko sabay hila sakaniya pababa ng hagdan.

"Hindi Halata sam na proud na proud ka" pag bibiro ni alyssa kaya napahalakhak ako.

"Ahh!! Graduate kana!!" Saad ko sabay simangot at hinawakan ang kamay niya.

"Sabi mo sabay tayo" bulong ko sabay yakap ulit sakaniya.

Hinawakan niya ang ulo ko at isinandal iyon sa dibdib niya kaya ipinulupot ko ang kamay ko sa bewang niya.

"Hihintayin kita" bulong niya sabay halik sa pisngi ko kaya napatakip ako sa mukha ko ng ikinatawa niya.

"Picture! Picture!" Sigaw ni kat sabay palakpak pa at ibinigay ang bulaklak na hawak ni Aly kay Alvin.

"Grabe! ship na Yan!" Saad ko sabay halakhak dahil sa itsura ni Aly.

"Mag pipicture na bilis! pwesto na" pag iiba niya ng usapan.

Inihubad niya ang toga at medal niya bago humarap saakin at isiuot iyon.

"Grabe naman! makauwi na nga" Saad ni Alvin sabay tabig kay kat na may hawak na camera.

"Ano ba! umayos ka nga" Saad ni Kat sabay hampas kay Alvin kaya sumimangot ito.

"Pose na" Saad ni Kat sabay tapat saamin ng camera ngumiti naman ako at nag pose.

"Isa pa" saad niya at nag iba ng pwesto.

Umalis ako sa tabi ni Shawn at pumunta sa likod. Tumalon ako para sumakay sa likod niya at nag peace sign.

"Yown! perfect!" Saad ni Kat sabay thumbs up pa.

Bumaba ako sabay harap kay Shawn at hinawakan ang kamay niya.

"Baka pag nag trabaho kana Hindi mo na ako kilala niyan" pag bibiro ko sabay wagay way sa kamay niya.

"B-break na ba tayo?" nanginginig ang boses niya kaya napatingin ako sakaniya.

Namumula na ang gilid ng mata niya sabay patak ng luha duon kaya napailing kaagad ako. Hinawakan ko ang mukha niya at inialis ang mga luha.

"Baka mag sawa kana sakin" saad ko sabay halik sa ilong niya kaya namula naman ang tenga niya.

"Baka pag dating ng panahon iwan moko" Saad ko pa sabay hawak ulit sa kamay niya.

"Naniniwala ka ba sa Reincarnation?" Biglang saad ko kaya napabuntong hininga siya.

"Maybe"

"Para sakin oo" Ngumiti ako.

"Kung totoo man o hindi ang reincarnation..."

Tumigil siya sa pag lalakad at humarap saakin. Tinaasan ko siya ng kilay kaso inilapit niya ang mukha niya sa bandang tenga ko.

"Ikaw at ikaw parin ang pipiliiin ko" Saad niya sabay halik duon ng kinigulat ko.

"Tumaas ang balahibo mo" Bulong niya samay tenga ko at tumawa pa.

"ikaw kasi e!" saad ko sabay tabig sakaniya at nag lakad na.

"Sorry na po" Hinila niya ang kamay ko para pigilan ako bago hatakin pabalik kaya napasandal ako sa dibdib niya.

"Samantha! Shan!" Sigaw ni tita sabay kaway pa gamit ang dalawa niyang kamay kaya napatakbo kami.

"Good Afternoon tita! tito!" Saad ko sabay mano sakanila.

"Tara na" Saad ni tito sabay hawak sa balikat ni tita kaya tumingin ako kay Shawn na nakatingin na din pala saakin.

"Tara na love" saad niya sabay bukas Ng pinto sa kotse nila at pinuna ako.

"Sa bahay tayo sam ah" Saad ni tita kaya tumango ako.

"Love" ramdam ko ang pag sandal ni shawn sa balikat ko kaya napalingon ako.

"Hm?" Saad ko sabay hawak sa kamay niya.

"uh Wala Wala" Saad niya kaya napabaling ako kay tita na napaubo.

"Okay ka lang po?" Saad ko kaya tumango siya.

Bumaba na kami sa sasakyan at pumasok sa bahay nila. nag aaligagang nag lalakad ang mga kasambahay hawak hawak ang mga plato at baso at kung ano ano.

"Ma'am" Saad nung Isa.

Kumaway ako kay manang ng tumingin ito saakin ngumiti naman siya bago nag lakad ulit.

"Upo ka muna Sam" Saad ni tita kaya tumango ako at nag lakad papuntang couch nila.

"Ma'am juice po?" Saan ng isang babae sa harap ko kayae bahagya akong umiling.

"okay lang po ako"

Umupo si Shawn sa tabi ko kaya humiga ako at ipinatong ko ang ulo ko sa kandungan niya. Tinignan ko naman siya sabay taas pa ng kilay.

"Gwapo mo" Saad ko kaya napaiwas siya ng tingin.

"Nasaan na ang Mahal kong apo!?" napaupo kaagad ako dahil sa sigaw na iyon.

Tumayo si Shawn at nag lakad papunta sa babaeng nasa harapan ng pinto bago ito halikan sa pisngi.

"La!"

"Congratulations apo" Saad ng lola niya sabay halik sa pisngi nito.

Umupo ako ng maayos ng may pumasok pang Lima. Lumingon Naman si shawn saakin kaya tumango lang ako.

"Kuya Shan congrats!" Sigaw ng isang lalaki.

"Couz! Congrats!" nakipag apir siya sa Isa pang lalaki.

Lumingon ang dalawang lalaki saakin kaya ngumiti ako. sumingkit ang mga mata nila habang nakatingin saakin. umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako.

"Sino yon couz? Ganda ah"

Lumingon saakin si shawn kaya tumayo ako at nag simula ng mag lakad patungo sakanila.

"Hello po good afternoon" saad ko napalingon naman sila saakin kaya napayuko ako.

Ramdam ko ang kamay ni shan na pumulupot sa bewang ko kaya napataas ang tingin ko sakaniya.

"Girlfriend ko po pala" saad niya kaya nag kantyawan ang mag pipinsan.

"Ano ang pangalan mo hija?" ngiting saad ng lola niya.

"Samantha Nichole De vera po" saad ko sabay ngiti.

"Kilala kita ate Sam" bida ng isang babae sa gilid ko kaya napabaling ako sakaniya.

"Talaga?" nahihiyang tanong ko kaya tumango siya.

"Sa bahay ni lola ate may picture ka don malaki pinaint ni kuya shan" Saad nung isang lalaki

"Ah ganun ba po ba" ngumiti ako hinawakan Naman ako ng pinsan niyang babae.

"Hi ate pwede makipag kaibigan?" saad niya kaya tumango ako.

"Mama!" Saad ni tita stacy sabay halik sa pisngi niya.

"Umupo Muna kayo at kumain" saad niya.

Nag lakad na kami papunta sa dining table nila para kumain.

"what do you want to eat love?" He asked.

"Uh Kahit ano nalang" Saad ko kaya kumuha siya ng iba't ibang pagkain.

"Kainin mo yan lahat ah kung hindi ikaw kakainin ko" ngisi niyang saad.

"Grabe yon! narinig niyo ba yon?" Pang aasar ng mga pinsan niya kaya natawa ako.

"Ate baka Gawin ka na niyang ulam ah! ingat ka!"

Nag kwentuhan sila at tawanan habang nakaupo lang ako at nakikisali sa mga pinag uusapan nila.

"Diba ka aalis Shan?" biglang saad ng lola niya kaya napatigil ako.

nakita ko ang pag lunok niya sabay baling saakin kaya naningkit ang mata ko habang nakayuko.

"O-opo" utal niyang saad.

"Saan ka kuya?" Biglang tanong ng pinsan niya.

"S-spain" Natigilan ako dahil sa sinabi niya sabay harap sakaniya.

"A-aalis ka?" nanginig ang boses ko ng sambitin iyon unti unti siyang tumango.

"Kelan?"

"N-next week" Saad niya kaya kinagat ko ang ibaba kong labi at yumuko para pigilan ang luha.

"Ah" Saad ko sabay punas ng luha sa mata ko.

"B-bakit hindi mo sin-sinabi?" Tumingin ako sakaniya nakita ko naman ang pag pula ng ilong niya.

"S-sorry b-baka Hindi mo ako payagan, b-baka magalit ka" Yumuko siya at hinawakan ang kamay ko.

"Ano ng magagawa ko? Aalis kana? pag sinabi ko bang hwag kang umalis, Hindi ka aalis?" parang bata kong tanong sabay punas ulit sa mata ko.

Until unti siyang napailing kaya napatango ako. Lumapit ako sakaniya bago siya yakapin.

"Mag iingat ka" I whispered

_______________________________________________________________________________________