"tikman mo nga" Itinapat ko ang cookies sa bibig niya tinignan muna niya ako bago kagatin iyon.
Nabulunan siya kaya agad ako napatakbo at kumuha ng baso at nilagyan iyon ng tubig.
"M-masarap" saad niya sabay kuha ng baso na hawak ko at ininom iyon.
"Thank you" Saad niya.
"Pangit ba lasa?" Tinignan ko siya kaya napailing siya bigla at kumukuha Ng tissue sa gilid niya.
Ikinagat ko ang cookie na hawak ko kanina, Mapait iyon kaya dali dali ko iyong nailuwa sa sink.
"Sabi mo masarap" Saad ko at sinamaan siya ng tingin.
"Masarap Naman ah" Saad niya sabay taas pa ng kilay niya.
"Ano Yan!!" rinig kong sigaw ni kat.
Kinuha niya ang plato namay cookie at umupo sa upuang nasa gilid ko.
"Wag mo ng tikman tanga Mapait Yan" Saad ko sabay kuha ng plato kaya sumimangot siya.
"Oi! may cookie penge ah" sigaw ni Ralph na kakalabas lang sa cr.
"Grabe ah ampait ah"
sumimangot ako at kinuha ang Cookies na hawak niya at inilagay iyon sa plato.
"Bakit ka nga pala nag babake?" napatingin ako kay kat.
"Try?" pag aalangang sagot ko ng ikinatango nila.
"Kain na, ma'am/sir" Saad ng isang babae sa gilid ni Ralph kaya napabaling ako.
"Sige po manang susunod na po kami" Saad ni Shawn at tumayo na.
Nag lakad na kami papuntang dining table nila at umupo nandun na din ang mommy't daddy ni Shawn.
"Umupo na kayo" Saad niya kaya hinila ko ang upuan at umupo.
Pag tapos namin mag dasal ay nilagyan ni shawn ng kanin at ulam ang pinggan ko.
"Ouch babe nilalanggam ako"
"Bakit babe? saan?" Rinig kong pag aalala ni Ralph kaya napabaling ako sakanila.
"Etong mga bata talaga" Natatawang Saad ni tito sabay subo sa pagkain niya.
"Open your mouth Mahal" Tito whispered kaya napabaling ulit ako sakaniya.
Itinapat niya ang kutsara sa bibig ni tita kaya napaawang ang labi nito ngumiti ginawa din ang sinabi.
"Ah haha! Kain na" Saad ko sabay yuko at sumubo ng kanin.
"Respeto naman! diba manang?" nakasimangot na Saad ni shawn.
"Kumain na po ba kayo?" tinignan ko si manang kaya tumango siya.
"Tapos na po kami ma'am" Saad niya sabay lagay Ng tubig sa basong nasa harap ko.
"Sam nalang po" Saad ko sabay kuha ng panyo sa bag at pinunas iyon sa bibig ko.
Tumango siya bago umikot upang lagyan ng tubig ang mga baso na nasa harapan namin.
"Hija ilang taon kana ba?" Tito asked.
"20 po" Saad ko sabay ngiti at tumango naman sila.
"gagraduate na pala si Shawn" Masayang Saad ni tita namay pahid na lungkot.
Nang matapos na kaming kumain ay umupo na ako sa couch sa Sala nila.
"Usog ka sam sam" Tinapik ni Katherine ang hita ko kaya umurong ako.
"Babe lika dito" Yaya niya sabay taas pa ng dalawang kamay kayae lumipat ako sa Isa pang couch.
"Ingit! yoc!" Saad pa niya kaya napailing nalang ako.
"Edi wow" Irap ko.
Tumayo ako at nag lakad sa hagdan at umupo nakatingin Naman saakin si alyssa kaya ngumiti ako ng nakakaloko.
"manang nasaan po si Shawn?" I asked.
"Ma'am nasa kwarto niya ho" Saad niya kaya tumango ako at tumingin sa taas.
Tumayo ako at nag lakad sa hagdan.
"Grabe ka naman Sam kwarto agad" Saad ni Ralph kaya tinaasan ko siya ng middle finger.
"Hi po manang saan po ang room ni Shawn po" tanong ko sa isang babaeng nag lilinis ng mga frame.
"ma'am sa last na pinto po" Saad niya sabay turo pa kaya tumango ako.
"Salamat po"
Nag lakad na ako at kumatok sa pinto kaso walang nag sasalita kaya binuksan ko na iyon.
"Shan" Saad ko ngunit walang sumasagot.
Rinig ko ang bawat patak ng tubig sa sahig kaya napalingon ako. Galing ang tunog sa cr kaya alam kong naliligo siya. Pinag masdan ko ang buong kwarto niya sabay lapag ng gamit sa kama niya.
May smart t.v siya at game controller na nakalagay sa harapan at may couch din siya na kulay itim at kama na kulay itim. puro itim ang mga kulay sa kwarto niya maski ang maliit na ref ay itim din. May ukulele at gitara pa siya.
"who is that?" He asked lowly.
I looked at him, his heavy wet hair na gumugulo sa mukha niya he look so hot huh, Naka topless siya kaya kita ko ang katawan niya, ang kaniyang twalya ay nasa bewang niya kaya nakikita ko din ang v line niya tumaas ang tingin ko sa abs niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"Like the view?" He softly asked.
"Ang bihis ka nga" Saad ko sabay talikod at umupo sa kama niya.
"Okay okay" He chuckled softly.
"Tapos kana?" I sadly asked.
"Yup I'm done"
Lumingon ako kaya nag Tama agad ang mga mata namin kita ko naman ang pang aasar niya kaya sumimangot ako.
"Grabe ka love ah pinag nanasahan mo na agad ako"Saad niya sabay takip pa sa katawan niya.
"Excuse me!" Saad ko sabay takbo pababa ng hagdan.
Tumakbo ako at lumabas ng bahay nila, nag lakad lakad ako ng makita ko si tita na nag didilig ng halaman.
"Sana all dinidiligan" lutang kong saad habang hawak hawak ang mga bulaklak.
"I mean ligong ligo na po kasi ako tita" Palusot ko.
"Hahahah really? you can take a bath first" Saad niya kaya umiling ako bigla.
"okay lang po" Saad ko.
Nakita ko ang pamilyar na bulaklak kaya agad ko iyong hinawakan, kita ko naman ang ngiting bumuo sa labi ni tita kaya napatingin ako sakaniya.
"Dyan kumuha ng bulaklak si shan" Saad niya at tumawa pa kaya nakangiti ako.
"Kaya po pala familiar" Saad ko sabay tayo na.
"Siya ang kumuha non at nag balot" Saad niya kaya napatango ako.
"May mga painting pa iyan sa kwarto niya" Saad niya kaya napataas ang tingin ko sa kwarto ni Shawn, Nakita ko naman itong nakadungaw kaya sumimangot ako.
"Tita oh" pag susumbong ko sabay turo sa anak niyang nasa taas.
"Wala nga akong ginagawa love" He laughed.
"Wala Wala sus" Saad ko sabay simangot.
"I love you!" he shouted.
____________________________________________________________________________________