"Simple. Be my slave in 1 week." - Joshua Kigs Wu
Ian's Pov*
Papunta ako ngayon sa Locker dahil trip ko lang. Baka alam niyo na makakita ako ng mga chickababes. HAHA!
While I'm walking in the aisle ng biglang
.
.
.
.
.
*BOGSHH*
"ARAY KO NAMAN!" sabi ng girl noong nabangga siya sa akin, hinhimas niya yung noo niya nauntog ata sa matigas kong dibdib.
At aba inaamoy amoy pa ako may topak kaya tong babaeng to?
"Look,I'm sorry Miss."tinignan ko siya ang ganda pa naman ng babaeng to HAHA! Tumingala siya at bigla ba naman naging ganito ang itsura niya
0__0 Ang cute! Kung kakilala ko lang talaga to. Hinalikan ko na to agad HAHA AGGRESIVE
"Ah no,ako dapat mag sorry. Sige una na ako." At tumakbo na.
Teka lang hindi ko pa alam pangalan niya.
"MISS WAIT-------"Hindi man lang ako pinansin. Sayang ang ganda pa naman nun!
Sana magkita kami ulit :)
Ano kayang pangalan nun? HiHi :)
Allison's Pov*
Nandito na ako sa school, 5:30 pa lang kasi maaga ako hinatid. Poor me:(
Nandito ako sa garden specifically. Mapayapa kasi dito, malilimutan mo talaga lahat ng problema sa buhay.
Humiga ako sa damuhan sa may tapat ng puno pipikit na sana ako ng biglang.
*BOGSHHH*
"WAAHH PALAKA!" napasigaw at napabangon ako dahil sa gulat. Tinignan ko kung sino ang nahulog sa puno. Paglingon ko.
"BAKIT BA LAGI KANG NAKASUNOD SA AKIN! NABABANAS NA TALAGA AKO SA PAGMUMUKHA MO!" sigaw ko ni Kigs. Oo! Tama po kayo siya yung nahulog sa puno, nagsisisi ako bakit hindi pa to nabalian eh!
"Tssk.I'm not following you,you're the one who's always following me." Wow ha kapal,kasing kapal ng aklat.
"Nyenyenye!" at binelatan ko lang siya.
"And also I'm not a frog, sa gwapong kong to." ang kapal talaga ha!
"May paparating atang bagyo, ang hangin dito eh!"
"Tss." o diba nagsusungit na naman.
"Alam mo ba muntik na akong atakihin sa puso ng dahil sayong bakulaw ka!" Sos! Pigilan niyo ako susuntukin ko talaga to!
Tumingin siya sa akin wearing his poker face.
"I don't care." Aisshh! mas lalo akong nainis.
Umagang umaga sinalubong ako ng kamalasan.
"Bahala ka nga diyan." Aalis na nga lang ako wala ng saysay kung manatili ako dito noh!
"Kaijane." Nagulat naman ako ng bigla niya akong tinawag at first time din niya tinawag yung name ko.
"ANO? MAGSOSORRY KA NA?" sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay.
"Tssk."nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin as in lapit ng lapit.
Habang papalapit siya paatras din ako.
Ang seryoso ng mukha niya.
"A-no-ng gi-na-gawa mo?" Damn! Nauutal pa ako.
Hindi siya sumagot pero lumapit pa rin siya.
"Hoy!huwag kang lalapit sa akin." Sabi ko at nag formation pa na parang ninja.
Waahhh! Corner na ako. Hindi ako makagalaw. Eh kasi naman po yung dalawang kamay niya nasa dingding at napapagitnaan yung mukha ko. Na gets niyo ba? Kung hindi bahala kayo!
Mas nagulat ako ng bigla niyang nilapit yung mukha niya. Dyus ko po! Tukso layuan mo ako! Kahit gwapo to uupakan ko talaga to!
Mas nilapit pa niya ang mukha niya. Naduduling na ako. Naamoy ko na nga yung pabango niya at hininga niya. Amoy menthol!
Waahhh nag nose to nose na talaga kami kunting galaw lang niya mahahalikan na niya ako.
Pipikit na ba ako? What?Hindi!
Akala ko hahalikan na niya ako ng biglang.
"Red spot you got there." ang lalim ng boses niya pero teka!
Anong sabi niya? Disappointed?
Che hindi noh!
"Ano?" Sabi ko sa kanya.
"You have stain."at dahil sa sinabi niya naitulak ko siya.
Badtrip naman oh! Minalas nga talaga ako ngayon! Bakit ngayon pa at si TAAS pa ang nakakakita? NAKAKAHIYA :(
Paano na yan marami ng tao at baka----
*RING BELL*
Pssshhh! Yan na nga bang sinasabi ko! Wala pa naman akong pad na dala!
Nakita kong papaalis na si Kigs.
Wala na akong ibang choice kundi humingi ng tulong sa kanya.
Lulunukin ko na lang ang pride ko!
"Kigs!"tawag ko sa kanya aba ha! Hindi ako pinapansin! Sos kung hindi lang talaga kita kailangan! Aisshh!
"Taas!" Hindi pa rin siya lumingon.
"SUPLADOO!"
"OIIIIII!"
"MANYAK!" Wala pa rin! Aha! Di kaya? Aisshh!
"Mr.Gwapo!"Lumingon naman siya!
Naku naku! Feel na feel naman niya!
Kabaliktaran yun sa anong nakikita ko!
"What?" Nakakunot noo niyang tanong.
"Mister pwede mo ba akong tulungan?" Sabi ko sa kanya.
"And why would I do that? Tss." at aakmang aalis! Grr! Pabebe talaga ng lalaking to.
"Wait! I will do whatever you want, just help me." Kahit labag sa kalooban ko sinabi ko nalang yun. Nakita ko naman siyang bumalik at ngumiti ng nakakaloko. I don't like that kind of smile! Kinikilabutan ako!
"I will help you if you will also follow my condition."At nag smirk.
"Ano naman yan aber?"
"Simple. Be my Slave in 1 week."
Napangaga ako sa sinabi niya.
Anong slave ang sinasabi niya? Sex slave?
Naku! Bata pa ako noh ayoko niyan at saka kahit gwapo siya hindi nalang ako hihingi ng tulong sa kanya.
"You're so green. Just a simple maid it's not what you think."sabi niya sa akin. Hayy! Akala ko naman!
"Ano ka sinswerte,ano ako utusan. Naku kung yan lang naman, huwag na! Magtitiis nalang akong maglakad mag isa kaysa magiging slave sa katulad mo."
"Okay."bahala ka nga diyan.
Nagulat ako ng may narinig akong nagbulong bulongan.
"Dude alam mo kanina nakita ko si Jessy, tinagusan yung palda niya.Naku tol nakakaturn off HAHA!"mga estudyanteng napadaan.
Waaahhhh!
Nakita ko si TAAS na hindi pa nakakalayo kaya tinawag ko na.
"O SIGE NA PAPAYAG NA AKO! HAPPY?" sigaw ko sa kanya napalingon naman siya at lumapit.
Parang model lang maglakad kaylangan talagang nakapamulsa?
"Papayag naman pala."sabi niya nagulat naman ako ng bigla niyang hinapit yung bewang ko. Pinandilatan ko siya ng mata pero walang epek anong pakana to?
"Pagbilang ko ng tatlo mag act ka na nahimatay."sabi niya.
"Teka lang!"
"1 2"
"Tek---------"
"3."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nag act nalang ako na nahimatay binuhat naman niya ako ng pang bridal style.
Pagdating namin sa lobby may narinig akong nagbulongbulongan.
"Bakit kasama niya ang KIGS KO?"Ay ganoon? Inaangkin niya. Pero in fairness kinikilig ako! Ang bango bango niya. Maaadik ka talaga! Opps! Sa pabango niya hindi sa kanya. Nililinaw ko lang.
"Girl ang landi naman niya inaagaw niya ang KIGS NATIN."
"She's a slut talaga!"
Napanting ang tenga ko sa narinig ko.
Kung hindi lang talaga ako buhat buhat ng TAAS nato kanina ko pa sila sinabunutan.
Akala nila nag eenjoy ako? Oo este HINDI NOH!
I heard him chuckled.
Kinurot ko nga siya sa bewang niya.
"Aray!"
"Tawa tawa kasi."bulong ko.
"Teka saan ba tayo pupunta?"tanong ko pa.
"Clinic."
"Ano namang gagawin ko don?"
"You will stop complaining? Or I'll drop you?"
"Ito na oh! Tatahimik na! Sungit."
Pagdating namin sa clinic.
"Sir ano pong nangyari kay ma'am?"sabi ni ate nurse at halatang nagpapacute kay TAAS. Ganyan ba talaga siya ka gwapo?
"She have a stain in her clothes." Cool na sabi ni Taas.
"Sige sir iwan mo lang siya dito at pakibilhan nalang nang pad."
Kaming dalawa ni Mokong ------------->
0_0
"Tssk.She can do it by herself."
"Tatawagan ko nalang yung friends ko." sabi ko sa kanila para wala na akong utang na loob sa Taas nato diba?
"Okay po maam."sabi ng nurse.
Umalis na si ate nurse at naiwan naman kami ni Kigs dito.
Tinawagan ko si Jessa.
"Hey Jessa."
[Oh bakit ka napatawag? Kanina ka pa namin hinahanap.Saan ka ba nagpunta?]
"Okay kalma lang nandito ako sa clinic------"
[BAKIT KA NASA CLINIC?! ANONG NANGYARI SAYO?] sigaw niya sa kabilang linya kaya pinalayo ko sa tenga ko yung phone.
Ang O.A mag react nito! Narinig ko ding nagtanong ang dalawa sina Joan at Janine.
"Huwag nga kayong O.A! Kaya ako nandito sa clinic natagusan ko yung palda ko at alam niyo kung sino naghatid sa akin dito"
Tumayo naman ako at pumunta muna sa cr. Hirap na baka marinig pa ni Taas na siya ang pinag uusapan namin.
"Si Kigs at siya din ang nagdala sa akin dito aisshh!"
[Haahha! Hindi mo naman agad sinabi girl.Nakakahiya girl!] At narinig ko pa silang nagtawan.
"Hoy itigil niyo nga yung bunganga niyo. Kaya ako napatawag dahil gusto ko pumunta kayo dito at magdala ng pad."
[Naku Allison!Busy kasi kami hindi pa namin natapos yung isa pa nating homework.Si Kigs nalang yung pabibilhin mo HiHi!]
Kung nasa harap ko lang talaga sila kanina ko pa to binatukan. Grr!
"Ayoko nga!Pumayag na nga akong maging slave sa kanya for 1 week dahil sa pagtulong niya sa akin tas dadagdagan ko pa? Hallerr!"
[HAHA slave? At ano naman ang sinabi niya sayo kaya ka pumayag?]
"Hindi naman talaga ako papayag. Like dzuh! Pero ayokong may utang na loob sa tao noh lalo na't sa gagong yun!"
[Sige girl good luck nalang sayo.Haha! Ang sungit² pa naman ng Kigs na yan.]
"Sinabi mo pa!O sige na.Ibaba ko na to wala naman akong mapapala sa inyo eh!"
[Hehe sige Allison good luck!]
At nag end na yung call paano na to! Deadz talaga ako nito. Hindi na nga ako nakapasok sa 1st subject ko.
Lumabas na ako sa Cr.
"So how is it?"tanong niya.
"Busy sila eh."sagot ko at wala na akong nagawa kundi ang sumimangot.
"I'll buy."Nagulat naman ako sa sinabi niya.Totoo ba yung narinig ko?
"Weehh?Naku wag na baka magkautang na naman ako sayo ng loob."sabi ko sa kanya pero napakunot naman ang noo niya.
"Ibig kong sabihin kaya ako pumayag kanina maging slave mo,dahil ayoko lang may utang na loob sa tao at lalo na sayo."
"Tss. But I insist."
"At bakit ang bait mo yata ngayon?"
"I only do this dahil ayokong makitang nakasimangot ka mas lalo kang pumangit."
At umalis na.
Nak ng! Porket gwapo siya,eh ano naman kung panget maganda naman ang ugali ko. Bahala siya sa buhay niya.
Argghhhh!
Ito na talaga ang pinaka worst day ko. Sana lang ha hindi ako pahirapan ni Taas nito!
Kigs Pov*
I'm here at the store bibili ng pad para sa putot na yun. Kaya ko ginawa to dahil ayokong nakikita siyang nakasimangot mas lalong siyang pumangit!
"Miss do you sell pad here, you know for the girls."sabi ko sa nagtitinda but instead of answering me natulala lang siya.
Tsskk.
"Miss just tell me if you don't have a stock,so that I can buy from the other store.Tss."
"Ah sir.Meron po"
"Give me 1 pack." sabi ko sa kanya.
"Para po ba sa girlfriend niyo?"
Tss! Chismosa!
And also she's not my girlfriend, she's not my type.
"It's none of your business." Nakita ko naman siyang nahiya. I didn't mean it,siya lang tong chismosa.
"Ang gwapo niya at ang sweet pa sa girlfriend niya. Kainggit!"
Tssskk!
That's why I hate girls.They are so noisy!
"Ito po sir."binayaran ko na siya at pumunta na sa mall namin specifically.
"Good morning sir!" Bati sa mga nagtatrabaho dito.
"Ano pong hinahanap niyo sir?"
"Can you give me 1 girl t-shirt and also pants."Sabi ko sa saleslady
"Okay po sir noted." At nag bow.
Naghintay naman ako dito sa may upuan.
May lumapit sa akin na isang babae, bago yung mukha, mukhang bago dito.
"Excuse me sir?"Tumingin naman ako sa kanya.
"Ahmm.Sir you're not allowed to sit here. This is restricted area."sabi niya.
Napa smirk naman ako! Bago nga dito.
"I know but I want to sit here.Any problem?"
"Sir umalis na po kayo bago ko pa ipatawag yung guard." Mas lalo akong napangiti.Hindi niya ata alam kung sino ang binangga niya.
"Go ahead. I don't mind"
Aalis na sana siya ng dumating na yung isang babae dala yung inutos ko sa kanya.
"Ito na po Sir Kigs"Sabay abot.
"Thanks."
Napakunot naman ang noo ng isang babae yung bago.
"Kilala mo siya Trixie?"sabi ng babae
"Yeah.He's our boss.Anak siya nina ma'am Catherine at Sir John.Hindi mo siya kilala?"Tinignan ko siya at nag killer smile inayos ko pa yung shade ko.
Nakita ko siyang namutla.
Tss.
"Naku sorry po sir.Sorry po talaga!"At pabalik balik siyang nag bow sa harapan ko.
"If you keep that attitude, pwede ka matanggal sa trabaho? Hindi namin gusto na ganyan ang ugali sa mga katrabaho sa kompanya namin. Lalo na sa costumer."Sabi ko sa kanya.
"Sorry po talaga sir!Huwag niyo po akong ipatanggal.Please po!"
"It's okay but make sure don't do it again hindi lang sa akin o sa amo mo but to all the people, treat them equally." At umalis na ako.
Tsskk!
"Waahhh! May gwapo oh!"Sabay turo sa akin ng isang babae.
"Ang Gwapo! Yan ang anak ng may ari nito! Waahhh!"
Pati ba naman dito sa mall.
Tssk!
Makaalis na nga. I hate crowded places.
******
[ A/N: Hi Irielnians readers miss ko na kayoo❤️ Stay Safe always.