Chereads / Unforeseen LOVE / Chapter 6 - Chapter 5: First day of being his slave

Chapter 6 - Chapter 5: First day of being his slave

I'll never leave you..." ~ Joshua Kigs

Allison's Pov*

Ang tagal naman ng Taas na yun! Saan na ba yun nagpunta?

*Blag*

Hayy! Salamat dumating din siya sa wakas. At teka? Ba't ang bihis naman ata niya ngayon? Kanina kasi uniform yung suot niya pero ngayon, naka ripped jeans na at white t-shirt with black leather jacket. Ang cool niya tingnan! Kung mabait lang sana siya kanina pa ako nakatunganga dito, dahil promise ang gwapo niya! Pero kabaliktaran yun sa isip ko!

"You're drooling. Tsk." Napabalikwas naman ako sa sinabi niya at dali daling tumalikod at nag check kung may laway ba? Pero wala naman eh! Hayop talagang lalaking to!

"Oh nasan na?" Tanong ko sa kanya pagharap ko. Inabot naman niya ang paper bag.

"Oh ba't may damit?" Tanong ko.

"Wear that. May pupuntahan tayo." sabi niya with his blank expression.

"At saan naman tayo pupunta aber?"

"Tssk."

Ang sungit talaga ng Taas nato! Saan kaya niya ako dadalhin? Pumunta na ako sa CR at nagbihis. Pagkatapos kung magbihis, lumabas na ako pero-----

Hindi ko pa nasira yung pintuan ng CR hinila na niya ako.

"Hoy teka! May klase pa tayo!" sabay hablot ko sa kamay ko.

"I don't care." Halauh!!

"Anong I don't care ka diyan. Kung gusto mo mag cut ng classes huwag mo akong isama."

Pero hindi siya nakinig patuloy pa rin siya sa paghila ko, kaya wala na akong nagawa kundi magpahila nalang.

"Get in."sabi niya pagdating namin sa parking lot. Wow! ang gentleman naman niya. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.

Sumakay na ako sa mamahalin niyang sasakyan. Sumakay na din siya and he started the engine and drove away.

At dahil ang tahimik kasi di kami nag uusap wala akong ginawa kundi ang

ZZzzzzzzzz...

---------------------------------------

"Hey! Wake up. We're already here."

Nagulat ako ng may yumogyug sa akin. Nagmulat naman ako ng mata at muntik ko nang masampal si Joshua Kigs. Eh kasi naman po. Pagmulat ko ng mga mata ko, eh ang lapit ba naman ng mukha niya sa mukha ko. Sinong hindi magugulat don.

"Oh saan to? Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"My Condo."

Ahhhh....

WHAT? CONDO? OH NO!

Kigs Pov*

"BAKIT MO AKO DINALA DITO!?" sigaw niya kaya napatakip naman ako sa tenga ko. Seryoso nakalunok ba to ng megaphone?

Pero ang sarap niyang asarin. Maldita at putot talaga. Maasar nga HAHA

"Nandito tayo para pagpawisan ka." at hinusky ko pa yung boses ko para maniwala siya HAHA! Hindi nga ako nagkakamali, nagulat nga siya at halatang natakot HAHA!

"Ano? Mokong wag! Huwag kang lalapit Kung ayaw mong masuntok!" Sabi niya habang yakap niya ang sarili niya.

I chuckled.

"Bakit ka tumatawa?"

"HAHAHA Green minded." sabi ko sa kanya, kaya napakunot naman ang noo niya.

"Aarghhhh CHE! EWAN KO SAYO!" sigaw niya. At lumabas ng kotse.

Sumunod naman ako sa kanya.

"Disappointed? HAHA" Habol ko sa kanya.

"Disappointed mo yang mukha mo!"

HAHAHA Natatawa talaga ako sa kanya yung reaction niya kasi priceless. HAHA

Umalis siya mukhang alam ang daan? HAHA ANG ENGOT LANG!

Napangiti nalang ako at napailing iling habang nakasunod sa kanya.

"Thanks for making me laugh hard again."

Allison's Pov*

Baliw talaga yung Taas na yun. Aiissshh! Sinabihan pa akong nandito daw kami sa condo niya para pagpawisan. Oh kayo? Kung yan ang marinig niyo anong iisipin niyo? Diba pareha tayong iniisip!

Habang nandito kami sa elevator may nakasabay kaming 2 babae na naguusap.

"Siya pa ang nakitang dinala dito ni Kigs." sabi ng isang babae nasa likod namin. Mga chismosa talaga. Walang magawa sa layp🤦🏻‍♀️

"Tama ka diyan girl,baka girlfriend niya? Ang swerte naman ni girl, taken na si Kigs." Bulong nang isa pa. Yung mga tao ngayon very jugdemental, makakita lang na magkasama, boyfriend agad. Di ba pwedeng friends muna?

Pero sikat din pala siya dito.

Ano bang gagawin namin sa condo niya. Kainis naman uh!

Pagdating namin sa condo niya. Wow ang ganda hah, maraming kalat. How ironic!

"Sikat ka din pala dito?" tanong ko sa kanya.

"Ganyan ang nagawa pag gwapo." Sana hindi nalang ko nagtanon alam ko naman yan ang isasagot niya eh. Complement lang sa sarili niya HAHA!

"HAHA Kabaliktaran kasi yung nakita ko sayo,pangit mo HAHA!"

Nanlisik naman yung mata niya nung sinabi ko yun. Buti nga sayo, akala mo nalimutan ko kanina.

"Just check your eyes, baka malabo kaya hindi mo nakita ang kagwapuhan ko." sabi niya sa akin at nakataas ang kilay. HAHA! Ang taray. Dinaig pa ang babae. Inirapan ko na lang siya.

"Oh anong gagawin natin dito?"

"Clean all the mess here." cold na sabi niya. Teka WHAT!?

"Hoy! Abuso na yan ah. Hindi nga ako naglilinis ng kwarto ko, dito pa."

"You agreed earlier that you are my slave in 1 week so you'll start today." At umalis na siya pumunta sa kwarto niya. Napatulala ako sa sinabi niya.

AS IN NOW NA? NGAYON TALAGA!

Wala naman akong magagawa, mas mabuti pang simulan ko na to para matapos na agad. He's getting into my nerves.

*Ligpit dito*

*ligpit doon*

*linis dito

* linis doon*

Walis dito*

walis doon*

* Arrange dito*

Arrange doon*

And after 100 years.Natapos din sa wakas!

Hoo! Kakapagod! Magpahinga muna ako hindi pa naman lumabas si Taas sa kwarto niya.

Umupo ako sa couch at

ZZzzzzzzzz....

Kigs Pov*

Napabangon ako agad.

Shit!

Nakatulog ako dito sa kwarto, kamusta na kaya yung babaeng yun?

I looked my watch and it's already 11:50. Bibili nalang ako ng makakain namin. Paglabas ko sa kwarto ko. I was stunned from what I saw. Ang linis na.Makakatulong naman pala tong babaeng to.

Saan na ba yun.

Ayun! Nakita ko siya sa couch mahimbing na natutulog.Napagod siguro HAHA ang engot lang.

Yakap yakap pa niya ang walis. Hindi ko alam pero kinuha ko yung phone ko at pinicturan ko siya. HAHA! Blackmail! Nilapitan ko siya at tinitigan.

Pangit talaga nito deh joke lang! Ang amo ng mukha niya, para siyang anghel na natutulog.

Mabuti pang gisingin ko na to! Baka kung nasaan pato patungo sa panaginip niya.

Sinapo ko yung ilang hibla ng buhok niya na natatakpan ang mukha niya..

"Putot" Gising ko sa kanya.

"Hmmm.." at tumalikod siya sa akin.

Tulog mantika pala tong babaeng to!

Aha! I have a plan. HIHI!

"Put------"

"Dylan please." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang nagsalita siya.

I guess she's having a nightmare.

"Dylan please don't leave me." Sabi pa niya kaya gigisingin ko na talaga siya kaya lang.

A tear fell from her eyes.

And the next thing I know, nakita ko lang ang sarili ko na yakap yakap sa kanya.

"I'll never leave you. Kaijane Allison Promise."At hinalikan siya sa noo.

*******************

#underediting

Follow, comment, vote and be part of Irielnians readers ❤️