Around 5:50 am, i suddenly woke up upon hearing a loud bang.
Napa bangon agad ako nun sabay lingon sa bed ko. Sa couch lang kasi ako natulog.
"Eren."
Eren's not there.
Then tumingin ako sa cr, naka on ang ilaw dun, probably nandun sya kaya agad kong pinuntahan yun at binuksan, and then there, i saw her, naka higa sa sahig, walang malay.
"Oh shit!" Sabay luhod at tap ng mukha nito. "Eren, wake up! Hey!"
"Agh..." dahan dahan niyang sabi sabay dilat.
"My God! Akala ko napano kana..." saka tinulungan itong maka tayo.
"Goddamit! Ang sakit ng pwet ko..." sabay himas ng pwet nito.
Ako naman chinek ko ang ulo nito baka kasi nasugatan or what...
She looked at me. "Don't worry, pwet ko lang nag bounce." Saka tumingin tu don sa dalawang 1L na tubig na nasa sahig na. "Sorry..."
"Okay lang yan." Saka kinuha yun at nilagay uli sa sink saka tinulungan na itong tumayo.
"I just need to pee." Sabi nito.
"Okay." Sabi ko nang nakatayo lang.
"Ahm.. iihi ako."
"Okay go."
"I mean, here.. alone."
"Ahhh.. so you want me to get out?"
Tumango ako. "Well, obviously, yes?"
"You can pee naman na nandito ako eh." I said, baka kasi matumba naman ito at mabagok ang ulo.
She stared at me then said. "Because we made out earlier doesn't mean you're now have the freedom to watch me pee." Then slightly laughed.
Napa nganga naman ako nun. "What? What the hell, Eren?!" Saka lumabas ng cr at sinara ang pinto. Agh! Nakuha pa niyang mag biro ng ganun, i've totally forgotten about what happened earlier, and then this, bigla bigla nalang niyang ipaalala. "I'm just trying to be on the scene to rescue you baka sakaling mabagok mo ulo mo pag madulas ka uli! Idiot!" Sigaw ko sa pinto saka bumalik na sa couch at nahiga.
Maya maya ay lumabas na ito ng cr saka umupo sa kama. She looked fresh now, nag hilamos ata.
"Agh! My head really hurts." Sabi nito while massaging her head.
Tumayo ako saka kinuha ang med kit ko sa bag ko.
"Yan. Inumin mo." Sabay tapon dito ng gamot sa kanya.
Kinuha niya yun sa sahig. "Thanks." Sabi nito saka ininom na, inabot ko din naman agad dito ang mineral water na di pa nabubuksan.
"Itulog mo lang pra pag gising mo mamaya okay ka na." Saka nahiga uli sa couch.
"Palit tayo. Ako na jan." Sabi nito.
"Okay lang ako rito." Sabi ko nang naka pikit na.
"Bilis na!" Sabi nito maya maya sabay hila sakin patayo.
"Okay lang ako rito. Pramis."
Then nag katinginan kami saka bigla niyang hinawakan beywang ko at hinila pahiga sa kama.
Naka paibabaw ako ngayun sa kanya, she's smiling while staring at me and i hate it, the fact that she's so attractive effortlessly. Goddamit, Lord!
"Agh! Kainis!" Sabi ko saka kumawala sa yakap nito sabay higa ng maayos sa kama.
Tumawa ito. "Kagabi ambait mo, ngayun napaka ano mo ha."
"Whatever." Sabi ko saka tumalikod dito.
Then she suddenly back hugged me.
Napatigil naman ako nun.
"Thank you..."
"I just thought you need someone who's not in your circle of friends so ..."
Then i noticed she moved closer to me.
"Tulog na... para pag gising mo ma lessen na yung nararamdaman mo."
"Hope so..."
I know how hard it is for her right now. She told me she loves Jana so much, and it really broke her into pieces by knowing na may nangyari pala sa dalawa, at nag bunga pa. She thought kasi that that was just a simple cheating, yung landian lang, never niya naisip na may nangyari sa dalawa, and never niya naisip that Jana would do that to her.
——
——-
———
8:15 am
I received a phonecall from my boss, she instructed me to stay for another 2 days para mag assist sa Engr namin at Architect. Sisimulan kasi agad ang construction so by Ber Season tapos na ang hotel.
She instructed me din na mag transact at mag process ng mga papers na needed para sa project, so yeah, kelangan kong pumunta sa mainland at dun mag process. Anyways, kasama ko naman ang Architect namin, so okay naman, tsaka may nirentahan din kaming sasakyan para mag libot para maka canvass na rin ng ilang materials na magagamit namin dito.
Around 4 naka balik na kami ng island and now, working on my laptop while nag zozoom sa boss ko. Nasa sight kasi ang Engineer at Architect namin.
"Yes, probably... by next month madedeliver na nila ang materials and we can start the construction right away..."
Engr. Lacosta (my boss): yes, we should! Anyways, Engr. Emilio told me na di naman ganun ka hirap ang ic clear jan sa area so one week is enough for clearing.
"Yes.. indeed, ma'am, by the way, naka paskil na kami ng ad para sa mga potential na mga workers natin, and also, I asked Linda to assist me nalang ng mga application nila."
Engr. Lacosta: You badly have to work on that ... we have to start in a month, Reese...
"Yes, working on that, Ma'am, in fact I asked..." at napatigil ako when i unconsciously looked outside and saw Eren walking alone in the beach, she looks stunning, i mean not the usual Stunning type but yung tipong simple pero nakakapa speechless sayo, she's wearing an above the knee cream floral summer dress, naka wayway ang buhok kung saan malayang sinasayaw ito ng hangin.
Engr. Lacosta: Reese?
Napa kurap naman ako nun sabay tingin sa laptop, in a sec i forgot na nag zozoom pala kami ng boss ko.
"Oh, sorry... ahmmm i uhh..." ano na nga ba yun?
Engr. Lacosta: you asked who?
"Ahhh yeah! In fact, I already asked our team in Iloilo to send us 10 workers para sa unang buwan, temporary lang, para habang nag aantay tayo ng possible applicants na mga trabahador natin."
Engr. Lacosta: ah yep... yan din sana sasabihin ko sayo ...anyways, i'm so glad na may initiative kana sa pag decide especially pag rush... and i love that, Reese, i love your ideas and everything...
"Well, boss, you trained me."
She laughed. And then nag patuloy na kami sa pag usap about sa project.
Engr Lacosta: anyways, see you next week when you get back... samahan mo ako sa Bataan.. may malaking project tayo dun.
"Yes, Ma'am..."
Engr. Lacosta: okay... bye.
"Bye."
End
Agad kong Inalis ang EarPods sa renga ko at inoff na ang laptop. And then I looked at the direction where I saw Eren. Wala na sya dun.
Sighed.
Di na kmi nag kausap kanina nung umalis ako ng hotel, di ko na sya ginising, masarap tulog nung isa eh, giGisingin ko pa. I just left her a note na iwan nalang ang keycard sa counter.
"Reese? Reese!"
Napa tingin naman ako nun sa gilid ko and saw Mike.
"Hey! You alone?" Sabi ko naman and bahagya pang napa isip why he's wearing a barong and plain urban shorts.
"Naahhh... lumabas lang ako sandali to buy coffee kasi antok na antok parin ako up to now .." then tuning in sa table ko. "Busy girl huh."
I smiled. "Yep...." I wanted to asked him if magkasama ba sila ni Eren pero ...
"Thank you sa pag sama sa bestfriend ko ha." Sabi nito Sabay hawak sa kamay ko.
"H—ha... it's nothing..."
"Eren's need someone's outside of our circle of friends... and I think she found it in you... thank you, Reese."
"Si Eren naman yan..."
Then he smiled. "She's so lucky to have you... really..."
Then his phone rings.
"Excuse me..." then sinagot niya ito. Tumalikod nalang ako para di ko marinig yung pinag uusapan nila ng kausap niya.
"Yep... okay... bye..." then lumipat ito sa harap ko. "Hey..."
"Hmmm?"
"You wanna come with me?"
"Where?"
He just smiled at hinila ako palabas.
———-
20 minutes later...
@New Coast Village, Boracay
I didn't know that I'll be attending a wedding, bigla nalang kasi akong hinila ni Mike papunta rito, ewan ko rin ba't ako sumama agad when i have all the chances to say no.
Anyways, maganda ang lugar, sobra, though mejo mahangin kasi mejo angat, overview naman ang dagat, tsaka napa ka peaceful, i mean, may privacy ka pag dito ka, tsaka feeling mayaman ka rin. I remembered before na sumali kami sa bidding ng new coast village, but di kami nanalo.
It was, by the way, Jana's brother's wedding, taga Aklan ang bride nito, naka bili ng property sa New Coast.
Anyways, the wedding was so beautiful, it's a garden wedding, by the way, plus points pa ang background, overlooking kasi sa dagat, mejo angat kasi ang lugar tsaka wala pang nakatayong bahay sa mga lote rito.
Hinanap ko si Eren sa crowd, mag papaalam na akong babalik na ng hotel.
"Hey." Si Eren yun nang makita niya ako, she's now wearing a denim jacket on her sundress, lumalamig na rin kasi.
"Hey..." saka nginitian ito. Kakatapos lang nun ng kasal, and now andito na lahat ng tao sa reception, by the way isang area lang ang reception at wedding. "Ahm..."
"Hmm?"
"Mag papaalam langako... dumidilim na kasi."
"Huh? Eh, kumain ka muna."
"Ahmm nahh. Wag na kakahiya naman."
Tumawa ito. "Why? I spared 2 chairs for us..."
"Naku! Wag na, Eren. Di ko naman kilala yung ikinasal eh, mi Di ko nga alam na kasal pala pupuntahan ko. Kinaladkad lang ako ni Mike rito." Sabi ko. Actually, nag kita na kami earlier, kaso di pa kami nagkausap dahil busy ito, usherette kasi ito.
Tumawa ito. "Sorry for that..." Saka tumingin ito sakin. "Actually, i asked Mike to get you here."
"Huh?"
"Well, everyone here is allowed to bring their plus one. Good for 2 kasi ang ticket ko. Also i didn't had the chance to ask you this morning, ang aga aga mo akong iniwan sa room mo."
"Ah. That, got an early instruction from my boss, kaya nga naka jeans ako kasi pumunta pa akong mainland kanina."
"Ah.. is that so?"
Tumango ako. "You could've texted me, Eren."
She smiled. "Do I have the assurance na magsasabi ka ng yes pag tinext kita? Feeling ko kasi irereject mo ako."
"H-ha... well most likely—-"
"Tara na nga." Saka hinawakan ako sa beywang saka pumunta na sa table na sabi nito.
"Eren, after ng introduction sa bride and groom okay kana?" Sabi nung facilitator Sabay abot dito ng maliit na Plato ng carbonara.
Tumango naman nun si Eren Sabay kuha ng plate. "Yes, thanks dito Jeff."
"You need that." Sabi nito saka kumindat.
"Ano yan? Special?" Tanong ko, sya lng naman kasi binigyan ng pagkain ng facilitator.
She smiled and started to eat.
After ng introduction and messages, nag simula nang iserve ang mga pagkain.
"Reese, dito ka na muna ha."
"H-Ha? Iiwan mo ako rito...Eren naman." Sabi ko.
Tumawa ito. "Saglit lang ako, pramis."
"Bilisan mo ha."
"Yes po." Saka umalis na ito.
And then I started to eat.
Pumailanlang din naman ang tunog ng acoustic sa paligid.
"Good evening everyone, especially to our lovebirds, Mr. and Mrs. Naval, congratulations to your wedding..."
Napa tingin naman ako nun sa gilid ng mini stage kung saan naka upo ang bride and groom, naka tayo run si Eren, May hawak na microphone.
"Anyways, sit back and relax everyone and enjoy your dinner." Sabi nito.
And she started to sing...napahinto naman ako nun sa pag kain at natulala sa kanya.
She started to sing Sway. And damn! Her voice was so smooth and soothing, and warm, bet whoever would hear her sing parang mai inlove nalang bigla.
"Don't stray, don't ever go away, I should be much too smart for this you know it gets the better of me sometimes when you and I collide..."
And then the bride and groom stood up and started to slow dance on the dancefloor.
"I fall into an ocean of you, pull me out in time don't let me drown..." and suddenly I felt uneasy when she looked at me. "... let me down I say it all because of you and here I go losing my control I'm practicing your name so I can say it to your face..."
Umiwas naman agad ako nun ng tingin.
Goddamit! Sabay hawak sa chest ko, it's beating so effin' fast.
She sang another 5 songs bago at bumalik na sa table, pumailanlan na rin ang sound system sa paligid. Nag iinuman na rin yung mga natirang guest.
"I didn't know and expect you're good at singing, Eren." I said.
Then she smiled. "Yeah. Now you know... di kana magugulat next time."
"Eren," that's Jana.
Then she looked at me. "Hey, you're here too."
"Ahmm. Yeah. She uhh..."
"I brought her, Janz."
"Oh."
"Congratulations to your brother."
"Yeah, thanks." Then tumingin sya kay Eren. "Eren... can we talk?"
"No, Jana, I'm with Reese."
"Jana, lika muna!" Tawag nun isang girl kay Jana.
"Excuse me." Sabi nito saka umalis na.
Maya maya pa ay nag simula nang mag party ang mga tao, Eren offered me an alcoholic drinks, nag blend na rin kami sa iba pang bisita particulary sa circle ni Arkin and Mike.
And then I noticed Eren kept on looking at Jana, nasa kabilang table ito, kasama ata mga cousins nito, mix ang iniinom ng mga ito, actually kanina pa ako napapaisip, diba hindi pwede sa buntis ang umiinom, actually gusto ko nga sanang pag sabihan eh.Anyways, I just ignored the thought, baka sabihan pa ako Ni Jana na pakielamera, saka baka di rin alam ng fam nito na buntis ito.
"Hey..." Sabi ko Sabay hawak sa kamay ni Eren, . "Go talk to her."
She looked at me.
"Why would I, Reese?"
"Well, coz obviously, you care for her."
Tinaasan lang ako nito ng kilay.
Then my phone vibrates.
"Wait, I'll just take this call." Sabi ko saka tumayo at lumay ong konte para marinig ko naman ang boses ng boss ko.
"Yes, Ma'am, I'll make it happen tomorrow.. okay, bye." Babalik na sana ako Nang maramdam ako ng ihi, kaya dumiretso nalang ako ng condo para mag cr dun, okay lang naman kasi pumasok since nasa area lang din kami ng New Coast at bisita ng ikinasal, tsaka dun din ata naka check in ang ibang guest dito na galing pang mainland, nag rent ng condo for 2 nights.
I'm about to take a turn palabas Nang makarinig ako ng mga yapak.
"What the hell are you thinking, Jana?"
Napahinto ako upon hearing that voice. Is that Eren?
"Ba't kaba inom ng inom jan?! Tapos tumatalon kpa?! Di mo man lang iniisip ang bata sa sinapupunan mo!"
Tiningnan konkung si Eren nga ba yun, and tama ako, she's with Jana, mukhang galit ata ito.
"Jana, dugo palang yan, mahina pa ang kapit niyan! Baka mahulugan ka Nang wala sa oras!"
Tinaasan ito ni Jana ng kilay. "What the hell are these things I'm hearing from you Eren? So you care for my child now? Eh halos I suka mo ako kagabi matapos mong malaman na buntis ako! And now! You're acting as if this thing here—" Sabay turo sa sinapupunan nito. ".. is precious to you... you don't even want to talk to me and hear everything out from me."
Napahinto naman nun si Eren.
"Anyways, don't worry anymore, I'm not drinking alcohol, juice ang iniinom ko..." Saka tumalikod, akmang aalis na sana ito Nang lumingon uli ito kay Eren. "And also, I care for my child.. kahit na dugo palang ito." And napatingin ito bigla sa gawi ko. "Excuse me." Saka umalis na.
I gave Eren 5 seconds bago siya nilapitan.
"Hey."
"Hey."
"I uh.. accidentally heard everything."
"Sorry."
Hinawakan ko ang kamay niya. "Hey, smile."
Umiling ito. "I —- I don't know—-" nag babanta itong umiyak kaya agad ko siyang niyakap.
"Ssshh.. it's okay... it's okay." Sabay hagod sa likod nito.
"Mahal ko sya, Reese, mahal na mahal..." Sabay iyak.
"Ssssshhhh..."
I took her again for a walk Sa dagat bago kami bumalik sa party.
"Sorry, wala akong baong stick ha."
"Okay lang."
Katahimikan.
"The guy wants to marry her."
I looked at her.
"So pano yan?"
"Of course, they'll be a family."
Katahimikan nanaman.
"Alam mo ba, kanina, nag decide ako na Tanggapin yung bata, na ako
Na yung mag tayong ama nun, na sakin nalang sila... pero —- ayan nanaman.. nalaman ko... papakasalan daw sya nung lalaki."
Di ako sumagot, nakinig lang ako.
Naka abot naman kami sa pag lalakad sa rock formation na nasa dulo ng baybayin.
"Wait, I never knew na mayroon nito dito."
"The view's here is better when its sunrise." Sabi nito.
"Really?"
Tumango ito.
"Balik tayo rito bukas?"
"Oo ba."
"Yes!! I never saw Boracay in its sunrise! "
Maya Maya pa ay bumalik na kami sa party. It was already 10 pm in the evening, halos umalis na rin ang lahat, yung iba pinag patuloy ang party sa Station 1/2. Ako naman, I've decided to go straight to my hotel, sobrang pagod na pagod na ako eh.
Nakahiga na ako nun when my phone vibrates.
Eren: see you later :)
Napangiti naman ako nun sabay iling, I doubt na matutulog kami mamaya since mag paparty pa ito and by sunrise sigurado akong tulog pa ito.
Anyways, I love the thought that she took it seriously.
Now Playing: Plot Twist - Nikki
——-
——
—-
—