Chapter 5 - (5)

"Time check, 4:18 am, am I early? Or what? Oh by the way, good morning."

Napa dilat naman ako nun bigla when I recognized the voice. Sinagot ko lang kasi ng basta basta ang phonecall without checking who's the caller.

"Eren." With that antok voice.

Eren: Oh my God. Say it again, Babe. (With that teasing voice)

I cleared my throat before answering again. "Shut up... Ahmm. Ah.. you called?"

Then she laughed.

Eren: Andito ako sa baba. Am I too early?

I checked the time, 4:19 am. Then tumayo at dumungaw sa bintana, and then there I saw her, she's wearing an adidas cap, windbreaker jacket, shirt and jersey shorts, mukhang mag ja jog nga ito kung naka tennis lang ito at di naka crocs. "Ahmm. You're ahhh.. actually a lil early... yes..." In the first place, Di ko naman talaga inexpect nga alam kong nag party pa ito kagabi.

Eren: oh. Sorry. Babalik nalang ako after 15 minutes.

"No!"

Then I saw her looked at my window, nag wave ito sakin, and unconsciously I responded and then smiled.

"Can you give me 15 minutes? I'll just change my clothes lang."

She smiled at me.

Eren: yeah. Sure. (Sabay kindat.)

Agad naman ako nun nag hanap ng susuutin ko, but sadly wala akong dala na shorts panlabas except sa short shorts ko kaya pantulog na shorts nalang ang isinuot ko, nag palit nalang din ako ng tshirt saka kinuha at isinuot din ang jacket ko.

"Hey—- sorry nag antay ka."

"Okay lang."

Then napatigil ako nang makita ko ang shirt na suot nito.

"Oh my ghad..."

"What's wrong?" Kunot noong Sabi nito.

"Your ahhh shirt?"

"Yeah? What's wrong with it?" Sabay tingin nito sa shirt nito then tumingin sakin.

"You're also wearing we bare bears..." Sabi ko sabay presenta rito ng shirt ko.

Then tumawa ito.

"Sorry not sorry, babe! We're destiny!" Sabay kindat saka nauna nang mag lakad.

Napataas kilay naman ako nun. "Really huh." Saka sumunod na rito.

Then huminto ito saka lumingon sakin sabay tapon sakin ng kung ano.

At dahil nabigla ako, di ko agad yun nasalo. "Ano tu?" Sabay pulot ng tinapon nito. "Susi tu ah." Saka tumingin dito. Nakatayo na ito sa gilid ng puting Scooter, the classic Vespa Primavera. "Oh my God! Where did you get that?" Sabi ko, jusko, minsan ka lang makakakita ng ganitong scooter dito sa Pilipinas ha.

"Nahhh... I borrowed ate Tina's island scooter, yung wife ni Kuya Neil, kuya ni Jana." Ah yung Bride.

"Oh. Mayaman ha."

"Well, yeah... Governor kasi Papa nun."

"Oh my God! I didn't knew!" Kaya pala bongga ang kasal.

Tumawa ito. Lumapit ako rito saka hinawakan yung motor. "She's so kind to let you use this."

"She's my 2nd cousin."

Agad akong napatingin dito. "What the fuck?!"

Tumawa ito. "Diba halata?"

Ahh, so everything's made sense... kaya pala close din ito sa family ng bride... akala ko lang kasi kagabi, close ito sa mga ito dahil close ito sa family ni Jana.

"What else should I know pa?"

"We also had a condo at Oceanway, New Coast, ganun."

"Huh? Eh ba't nag hohotel ka pa?"

Tumingin ito sakin. "Sooo? Ate Tina rented our place para sa mga guest nito so I had to..."

Ahhh, okay. So ... Sabay tingin dito. Mayaman ito?

"We're not that rich."

And now she's a mind reader.

"Eh May condo ka sa New Coast eh."

"Dad bought it for business... pinaparentahan sa mga turista na na naglolong weekend dito, mas mura kasi yun kesa mag hotel ka."

"Ahhhh..."

"So, Anyways... maruNong ka?"

"Mag ano? Mag motor?"

Tumango ito.

"Oo naman. Ikaw ba?"

"Hindi."

"So pano naka abot yan dito."

Tumawa ito. "Tinulak ko."

"Yung totoo."

Tumawa uli ito. "Bilis na."

Sumakay na ako saka Pinaandar yun. "Oh, sakay na."

Sumakay na rin ito sa likod ko saka binigay narin nito ang cellphone nito para sa Google map, nilagay ko din naman agad yun sa cellphone holder ng motor. I looked at her at the side mirror, mukhang di ata ito komportable umangkas sa motor. "Hawak ka mabuti ha baka mahulog ka." Sabi ko.

"Saan? Sa'yo ba?" Sabay kindat sakin, nakatingin din ito sa side mirror.

"Huh? Really ha." And rolled my eyes.

Tumawa naman ito.

Agad ko din naman binuyluhan ang motor at pinatakbo yun bigla.

"Shit!" Sabi nito Nang muntikan na itong ma out balance. "Slow down lang Ui! Jusko!"

Tumawa naman ako nun. "Sabi sayu hawak diba, oina andar an most pa ako ng punchline eh."

"Tsk sorry okay?"

Then I noticed na di ata nito alam kung saan hahawak.

"So pano tu?"

"Sa beywang ko po."

"Okay lang? Baka bawal."

Natawa ako sa Sabi nito kaya bigla ko nanamang diniinan ang gas, muntik nanaman itong mahulog, però this time napahawak ito bigla sa beywang ko.

"Much better. Okay kana?"

Tumango ito.

Napailing nalang ako. How come, di ito maruNong sumakay sa motor. Hmmm, sasakyan lang ba alam nitong dalhin at sakyan?

——

-

5:05 am

@Ilig Iligan Beach

"Well, we're a bit early nga." Sabi ko Nang ma park ko na ang motor, dun kami malapit sa foot way pababa ng beach nag park, para di ganun kalayo. Mejo madilim pa nga kasi, Buti nalang May mga street lights.

"Di ba delikado dito?" Tanong ko. Kita ko rin yung mga bangka na padaong galing laot, May mga dalang fresh na isda.

Umiling ito.

"Di naman... kasi mostly na Makikita mo rito eh yung mga naka check in sa Belmont at Savoy at yun sa kabila, Fairways na yun..."

"Ohh.."

"Lapus Lapus tawag jan..." Sabi nito habang naka turo dun sa keyhole. "....gusto kasi ng mga locals dito may originality... pero kung RK ka edi keyhole." Sabi nito habang nag lalakad kami sa beach. "Teka." Sabay hawak nito sakin.

"Oh?"

"Ayan na ata." Sabi nito.

Tumigil Kami Saka tumingin sa sunrise, tuoad ng sunset, ang sunrise dito ay nasa dagat din, amazing nu, kasi sa dagat din yung sunset dito. Actually, kung di lang umaga ngayun mapag kakamalan ko tung sunset, Pero iba din yung bigay na kulay ng sunrise eh, maliwanag. Ang ganda nga, napa ka enchanting. Yung parang sinasabi niya, "eto ako, bagong umaga, bagong pag asa"

And then tumingin ako dun sa keyhole, Unti unti nang lumusot ang Sinag ng araw dun.

"Wow." Yes, speechless ako. "Ganda."

She smiled. "Yes...definitely." Then kinuha nito ang phone nito, maybe she'll take a pic of the view pero nagulat nalang ako nung umatras ito saka tinutuk yun sakin. And click.

"Hey!"

Saka pinakita nito ang kuha nito. "Candid. Pwede profile pic. Airdrop ko sayu later, credit mo sakin ha."

"Ewan ko sayu."

At nag patuloy lang ito sa pag kuha. "Tayo ka jan oh. Piktyuran kita."

At dahil minsan lang tu kaya ayan nag pa picture din ang lola mo.

"Ganda nu. Kala ko sunset lang meron ang bora eh."

"Well, yes, jan sya sumikat eh.. hmm actually, mas maganda pag sa Puka ka or sa Mt. Luho mag sunrise... pero usual na yun eh."

"Okay na tu sakin... iba eh. Hangang hanga ako."

She smiled, and pareho na kaming tumingin sa sunrise... ang ganda. These were the things I wanted to do with James. Sighed. James, ngayun ko lang ata naalala uli si James, tatlong araw na syang di man lang nag paparamdam sakin. Hai.. kami pa ba nun? Anyways, when i come back to MNL, sya ang una kong pupuntahan. Partly, alam kong May kasalanan din ako sa pinag awayan namin, he doesn't want me to resign from my current job kasi raw impractical. I'm planning to quit my job kasi after I've decided to pursue my dreams... Ang makapagpatayo ng sariling restaurant, I've always love cooking, mana kasi ako kay mama, actually, hindi originally sakin yung dream ko na yun, kasi ang totoo is si Mama talaga ang May gusto na mag patayo ng sariling restaurant, my mama was a good cook, no, best, she was and will always be the best cook for me even though wala na sya, pumanaw sya 5 years ago, wala pa akong sapat na pera pampatayo ng restaurant niya that time so I promised her, ako ang mag tu tuloy ng pangarap niya so it became also my dream. Sighed. Hindi naman kasi kami mayaman para makapaghanap agad ng capital para makapagpatayo ng sariling restaurant, isang hamak na cook lang naman kasi ang mama ko sa isang kilalang catering services, tsaka ang papà ko naman ay isang mekaniko lang naman na may maliit na talyer, dagdag mo pa na tatlo kaming mag ka kapatid na pinapaaral.

"Maayong aga!" Bati nung isang babae, May dala itong balde, napakurap naman ako nun, back to present.

Eren smiled. "Maayong aga man, Nang!"

"Kilala mo yun?"

Umiling ito. "Friendly ang mga tao rito, Reese... ..look, mangunguha na ang mga yan ng shells sa dagat." Sabi nito Sabay turo sa mangilan ngilang taong May dalang balde, low tide kasi, umaga pa eh. "Anyways, Tara na dun sa keyhole?"

Tumingin ako rito. "RK ah. Keyhole?"

Tinaasan ako nito ng kilay. "Fine sa lapus lapus."

At natawa naman ako rito. Sumakay na uli kami sa motor at pumunta na run sa Keyhole.

Maganda dun, sobra, parang wala ka sa Boracay pag andun ka, kasi diba usually Boracay eh white beach and parties only, pero eto, May magandang rock formation din pala, napa ka ganda ng view. Ma aamaze ka talaga.

"You can throw a coin and make a wish here." Sabi nito.

Lumingon ako rito. "Nag wish kana ba rito?"

Umiling ito.

"Bakit?"

"Not my thing."

"Really."

"And I really don't believe in it..."

Then kumuha na ako ng coin sa bulsa ko. Unconsciously, dalawang coin ang nakuha ko. I looked at her, ibibigay ko sana sa kanya ang isa kaso Sabi niya Di naman daw niya thing ito and di sya naniniwala rito.

Okay, ako nalang ang mag wish para sa kanya.

And then silently I made a wish for me, and then sa kanya... and then I kissed the coins for good luck and threw it.

Then I looked at her, she looks kinda tired, pero maganda pa rin.

"Pagod yarn?"

"Slight lang."

"Anong oras na kayo naka uwi?"

"Hmm around 2?"

"Oh.. really?"

Tumango ito.

Then I looked at her again, I wonder if nakipag hook up nanaman ito sa stranger, especially ngayun na broken ito.

"Nag behave ka?"

Kunot noong tumingin ito sakin. "Huh?"

"I mean... di ka naman Siguro nakipaghook up sa Kung Sino lang jan diba? Jusko, wild ka pa naman..."

And in a second parang nagulat ito sa narinig nito but when she recovered I regretted that I asked her that. "If I did...Does it concern you that much? I mean, I'm single, I can hook up whoever I wanted.." then nag cross arms ito. "Unless... you asked me that coz you're jealous!"

Napa nganga naman ako nun. "Wow ha... kapal naman..." Sabi ko habang tinatapik tapik ang cheeks nito.

Bigla naman nito iyon hinawakan. "Hindi ba?" Sabi nito Sabay tingin sakin ng sobrang lagkit. At tangina, nag flash back naman agad ang nangyari samin sa cr nung gabing yun. No, I'm not jealous, para sa ano at mag seselos ako? Eh wala naman kaming relasyon, also, once lang yun... dala lang ng kalasingan... tsaka sa kanya din nanggaling eh, normal lng daw yun sa bar/club... yes, normal... but then... I hate the fact that she's that so good that I don't want to imagine her doing that to other girls ... at kahit sa lalaki pa... I know it's different when she do that with a guy, pero knowing how wild she is (base sa nangyari samin sa cr).... Agh! Ayoko talagang maisip na gagawin niya yan sa iba. Goddamit!

Then suddenly my phone rang.

"Teka..."

Binitawan din naman agad niyo ang kamay ko.

Arch. Valle calling...

"Stella? Napatawag ka?"

Stella: Reese, di ata kita masasamahan sa mainland... gusto na kasi makita ni boss yung draft ko sa project natu... okay lang ba if mag isa ka lang?

"Ganun ba? May choice ba ako?"

Stella: friend, sorry talaga.

"Okay lang... bigay mo nalang yung papers mo sakin later okay?"

Stella: sure. Daanan mo nalang dito?

"Yes..."

Stella: okay.. thank you talaga, Reese, libre nalang kita mamaya ng dinner ha...

"Sure...."

End...

Then I looked at my watch.

6:30 am

"I think I gotta go na... May trabahò pa kasi ako..."

"Aga naman.. breakfast muna tayo."

"Take out ko nalang breakfast ko, I need to be early, andami kong errands.. saka mag isa lang ako today... plus mag cocommute lng ako."

"Sama ako.. if okay lng?"

Tumingin ako rito.

"I can borrow ate Tina's car para maging service mo."

"Ha? Nakakahiya naman."

Tumawa ito. "Ako ata dapat mahiya sayu eh... ilang Ulit ko na ako dinamayan sa kdramahan ko."

"Wala yun."

Then she suddenly held my hand. "Let me do something for you in exchange please... kahit yan nalang... isa pa I don't have any plans today."

——

—-

-

7:45 am

Pinaantay ako ni Eren sa labas ng port ng Caticlan, memeet niya lang daw yung driver ng pinsan niya, dala kasi nito yung sasakyan.

Beep.

Napatingin naman ako nun sa paparating na pulang hilux.

"Tara?" Sabi nito.

"Hiya naman ako, gara ng service ko eh." Sabi ko.

Tumawa ito. "In exchange for your kindness, madame." Saka bumaba ito at binuksan ang front seat.

"Gentleman ah. Thanks." At pumanhik na, inalalayan naman ako nito sa pag panhik, mataas kasi.

Then sumakay na rin ito sa driver's seat. "Where to?"

At binigay ko rito ang listahan ng pupuntahan namin.

"Okay lang ba sa Ate Tina mo na gamitin yung car niya."

"Actually, it's kuya Nico's... ate Tina's older brother..... nag chat ako sa kanya kanina na am gonna use his car... okay naman sa kanya kasi daw para mainitan naman daw yung makina nito... di kasi masyadong ginagamit tu dun. May kanya kanyang sasakyan naman ksi sina tito and Tita and also ate Tina... spare lang nila ito pag sira yung sasakyan nila o di kya pag pupunta silang bukid."

"Ahhh..."

"So don't worry... Sabi pa nga ni Kuya Nico gamitin natin tu mag libot libot dito...actually, binigyan niya ako ng full access sa car niya." Sabi nito.

Around 12:05 I finished everything in the tondo list, having Eren today is very helpful, pano, ginamit political connection niya. Nag hanap naman kami agad ng mapag kakainan, dinala naman din niya ako sa isa sa mga sikat na kainan dun, abg Lorraine's Tapsi.

"Masarap diba? Not your ordinary pancit." Sabi nito habang kumakain kami.

"Yes, sobra." Sabi ko habang kumakain. Nag order kasi kami ng Pancit Shanglan dito, tsaka Beef Caponata, chicken inubaran at 4 rice. Actually, mejo mabigat sa tiyan pero okay lang, gutom kami eh. "I can really taste every ingredients ha. I love it." Sabi ko while savouring it.

She looked at me. "Para kang critic."

"Oh well dear I can be a critic, my mom's a good cook when she was alive... oh sorry, best."

She smiled. "Eh ikaw?"

I stopped and looked at her. "I just love cooking, that's all."

"So magaling ka ring mag luto."

Ayokong sabihing Oo, ayoko ring sabihing hindi so I responded with a smile.

"I got it." Sabi nito as we pay the bill.

"No. Ako na. You already made me a favor for helping me ... so ako na."

"No. Para yun sa pag damay mo

Sakin." Sabi nito.

"Come on."

"Come on." Sabi nito Sabay kindat at lagay ng bayad nito sa tray ng bill.

We're on our way to Caticlan Port when Ate Tinay called her.

"What was that?"

"Ate Tinay called, she asked me if pwede ko daw ba samahan ang vlogger friend niya around Aklan."

"And... so?"

"If okay lng sayo samahan natin?"

"Ahmm.. no, I think wag na ako, babalik nalang ako sa hotel mag zozoom pa ako sa boss ko eh."

"You can do it naman while nag lilibot tayo eh, kahit na dito ka lang sa sasakyan... dala mo naman ang laptop mo." tumingin ito sakin. "There are so many beautiful tourist spots here in Aklan you know... I can't afford for you to miss it."

"Nahhh... I'm kinda tired Eren, tsaka bukas babalik pa ako rito diba?"

"Oh.. is that so?"

Tumango ako. "Yes, mag papahinga nalang ako." Then tumingin dito. "Wait? You're not coming with me back in Bora?"

Umiling ito. "Yes... siguro dun na ako mag s-stay sa BuruAnga, May beach house dun sina ate eh..."

"And that vlogger friend?"

Tumango ito.

"Oh. Wow. Okay... anyways, di ka naman siguro iinom kasama ang friend ng pinsan mo."

Tumawa ito.

"Oh my Ghad! I can't seriously believe it! Big deal yan sa'yo."

"No.. Ayoko lang mapariwara ka... and also... pag kakilala ko kasi sayo sa office niyo eh conservative ka..."

Tumawa ito. "Well, well... this is me outside of office."

"Yeah right." Sabi ko Sabay irap.

"Anyways, I'm single..."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Really huh???"

Tumawa ito.

Maya Maya ay nakarating na kami sa port. Kinuha niya ang laptop ko, sya na raw ang mag dala at nag lakad na kami papuntang terminal.

"Sure ka na di ka sasama?"

Umiling ako. "I'm good."

"Eren? Hey!"

Pareho naman kaming napatingin nun ni Eren sa lalaking nakatayo sa labas ng terminal, the guy is a handsome chinito, no, he looks like that guy named IanBoggs in tiktok.

Lumapit ito samin.

"Hi." Sabi nito kay Eren, I looked at Eren, she looks kinda confused. "I'm ah, Ryan, you're cousin's friend."

"Oh! Ryan, hi!" Saka nag shake hands dito.

Napataas kilay naman ako Nang ma notice ko na parang ayaw yatang bitawan ng Ryan na yun ang kamay ni Eren. Like what the fuck...

"Ahm... ahhh... teka... Borrow ko muna si Eren, by the way, I'm Reese, nice meeting you Ryan." Sabi ko Sabay hila kay Eren palayo rito.

"Oh? Bakit?"

"Wala akong tiwala." Sabi ko.

"Kanino ? Kay Ryan?"

"Oo... mukha syang chick boy na pakboy."

Tumawa ito. "Come on... ate Tinay said na mabait sya, friendly kasi vlogger, di daw ako mabobore coz the guy's loves to talk. And also... it's not like as if May something kami ha... magiging tour guide lang niya ako."

"Kahit na.. duda ako." Kinuha ko din naman agad sa kamay niya ang Susi ng hilux at inunlock yun. Binuksan ang passenger's seat at nilagay ang bag ko.

"Oh... Anong meron? Kala ko babalik k na ng bora."

Umiling ako. I've decided not to after I saw that vlogger friend of her ate Tina..."No. I'm going with you two."

At tumawa ito. "Come on."

"Yeah.. whatever..." saka pumanhik na sa front Seat.

——