"Sabihin ang ano?" Nagpalipat lipat ang tingin niya sa'ming dalawa. Hindi maawat ang puso ko sa pag tibok ng mabilis. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Migo kaya naman pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran. Bigla niya naman akong inakbayan at kinindatan.
"Kase kuya natatae daw siya sinabi ko mag sabi saiyo dahil alam mo ang mga restrooms dito." Napaawang ang labi ko sa palusot niya. Really?! Pinahiya niya ako sa harap ng kapatid niya? Andami daming palusot pero yun yung naisip niya? Nakakainis talaga siya!
"Ganon ba? Sige samahan na kita..... Masakit ba ang tiyan mo?" Nag aalala niyang tanong. Agad naman akong umiling, nakakahiya talaga! Bwiset ka Migo!
"Hindi na kailangan Doc Martin."
"Are you sure?" Nag aalala niyang tanong agad naman ako tumango at hindi na makatingin sa kaniya dahil sa kahihiyan. "Ganon ba? Sige tara na at hinahanap na kayo sa loob." Agad siyang tumalikod at nakipag batian pa sa mga tao sa loob.
Agad kong tinignan ng masama si Migo dun kumawala ang malakas niyang pag tawa. Bigla kong hinigit ang buhok niya at hindi pa rin siya tumitigil sa pag tawa.
"Bwiset ka talaga!"
"Bwiset ka talaga," pang gagaya niya.
Agad akong tumalikod dahil sa inis isang hakbang palang ay bigla niya na akong hinila. Tumatawa parin siya. Masama ko naman siyang tinignan.
"Oy sorry na ikaw naman." Tumigil na siya sa kakatawa at umakto na para bang hindi niya ako pinahiya. "Atleast hindi ko sinabi diba? Im an alpha kid talaga!" Magiliw niya pang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin at tatalikod na sana ng bigla niya nanaman akong hinila. "Sorry na nga diba."
"Andaming palusot tapos yun yung ginamit mo?! Pinahiya mo pa talaga ako sa harap ng kapatid mo noh?"
"Eh yun lang na isip kong palusot eh."
"Wala ka naman atang isip," sarkastisko kong sabi. He dramatically inhaled and held his chest like he was shocked and hurt from my statement. Tinaasan ko siya ng kilay, matapos niya akong pahiyain!
"Hoy ikaw ha!" Tumalikod na ako dahil alam kong mag rereklamo nanaman siya. Naramdaman ko ang pag sunod niya, saglit ko siyang tinignan at nakitang nakangiti na ito. Inirapan ko ulit siya at dumako sa mesa namin. Hindi ko pa rin siya pinapansin kahit na kinukulit niya ako. Abala ang mga mata ko sa pag hahanap kung nasaan si Doc Martin.
"Naka alis na siya," Migo said. I looked at him and rolled my eyes. Nawala na ang gana ko sa party na ito. " Hindi nga? Gusto mo yung kapatid ko?" Muli akong tumingin sa kaniya.
"Ano naman kung may gusto ako sa kapatid mo? Masama bang mag kagusto sa kaniya? Pinag babawal mo ba?"
"Hindi naman,hindi lang ako maka paniwala." Tumaas ang kilay ko, wala bang nag kakagusto sa kuya niya? Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tinignan nalang ang mga canvas painting sa bawat sulok ng hotel. Bumuntong hininga ako at tinignan ulit ang kwintas ko, na-iisip na siguro ito na ang kapalaran ko. Nilalamig na ako dahil malapit sa akin ang aircon, hinahanap ko ang kuya ko para mahiram ang coat niya pero napatigil ang pag hahanap ko nang mag salita si migo.
"Huwag kang mag alala." Muli akong humarap sa kaniya. "Itatago ko ang sikreto mo. Promise!" Ngumiti siya sa akin at biglang tumayo. Hinubad niya ang coat niya at iniyakap sa akin. Umupo siya at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Mauuna na ako." Ngumiti siya sa akin at umalis. Dumako ang tingin ko sa pinatong niyang coat, hindi parin makapaniwala sa ginawa niya.
"So what is really pathology?" i asked my blockmates while presenting, i clicked the next picture so they can see the pathology pictures." So the pathology is the study of disease. More specifically, it is devoted to the study of the structural, biochemical, and functional changes in cells, tissues, and organs that underlie disease," i explained. "By the use of molecular, microbiologic, immunologic, and morphologic techniques, pathology attempts to explain the whys and wherefores of the signs and symptoms manifested by patients while providing a rational basis for clinical care and therapy," i added. I'm really careful right now because this is my first presentation in 2nd semester. "Well if you can see here in the screen pathology is divided into two, the General pathology and Systemic pathology." I looked to the screen to make sure that my presentation is good. "The general pathology is concerned with the reactions of cells and tissues to abnormal stimuli and to inherited defects, which are the main causes of disease while the Systemic pathology examines the alterations in specialized organs and tissues that are responsible for disorders that involve these organs." Nag patuloy ako sa p-present ko at hindi maiwasan ang kabahan lalo na at maraming tao ang nakatingin at nakikinig saakin.
"That's all and thank you." They clap their hands and turn on the light's when I finished presenting.
"Very good!" my professor commented ."I hope you all understand what Ms. Jimenez discuss. See you in next discussion. You may go out," she added.
"Avery!" Bigla akong nagulat ng biglang may umakbay sa akin. Agad ko siyang kinurot at inalis ang kamay niya.
"Close ba tayo? Bakit ka nang aakbay?" I rolled my eyes and sipped in my milktea while eating my fishball.
"Kailangan bang maging close kapag aakbay ha?"
"Sana ol." Biglang sumulpot ang kaibigan niya, hindi ko pa siya nakikilala pero hindi naman ako interesado sa kan'ya." Sana ol may jowa." I almost choked my food when he said that. " Peace... Kio." He handed his and I accepted it.
Ni rolyohan ko siya ng tingin. "Ruth," pag papakilala ko. Ngumiti siya at dumako siya sa mga kaibigan ko at nag kulitan pa, close na ba agad sila? Kumain nalang ako at hindi pinansin ang mga pinag sasabi ni Migo. Napaka daldal talaga ng lalakeng ito kanina maganda ang araw ko ngayon hindi na.
"Pahingi na dali isa lang naman napaka damot mo," pangungulit niya. Inalayo ko sa kaniya ang pagkain ko at mabilis na inubos. Narinig ko naman ang pag mura niya ng dahilan ng pag tawa ko. Bigla naman siyang napasimangot at bumili nalang.
"Payat payat mo akala mo tataba ka diyan ha?" nang asar pa nga.
Lumapit na sa amin yung tatlo, bigla namang napangiti si Kae ng tumingin sa akin na tila ba may naisip. Tumingin siya kay Migo bago nag salita.
"What if ilakad mo 'tong kaibigan ko sa kapatid mo." Halos mabilaukan si Migo sa sinabi ni Kae. Nagulat ako at lalong nagulat din ang mga kasama namin. Biglang pumurma sa 'o' ang labi ni Kae, hindi niya na alam ang gagawin dahil nawala sa isip niya na kaming tatlo lang ni Migo ang nakaka alam. Napamura tuloy ako sa loob looban ko at hindi na alam ang gagawin nang biglang tumingin silang tatlo saakin at sabay nag salita ng sabay.
"Ano?!"