Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

MY NAME IS...

🇵🇭kalmeAngel_29
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.7k
Views
Synopsis
Nag disisyon si lycus na mag aral sa paaralan sa isang probinsya kung saan lumaki ang kanyang ina at kung saan nakatira ngayon ang lolo't lola nya. Sa pag pasok nya sa academia hindi agad maganda ang simula. Lahat ay iba ang kinikilos at parang lahat ay may tinatago. Nagsimula lahat, ng magpakilala ang isang babae..
VIEW MORE

Chapter 1 - DEVI IS DEAD

"s-sorry, i-im so-sorry"

Rinig ang hikbi at pag mamakaawa ng isang babae sa buong silid habang patuloy naman sa pag tawa at tila nag eenjoy ang mga tao na nasa paligid nya.

"Sorry ka ng sorry pero, anong bang ginawa mong mali" sabi ng babaeng tumayo sa harapan nya. Meron itong kalahating sindi na sigarilyo sa kanang daliri at medyo nakayuko habang hawak ang baba ni Devi.

"Mas syado mo naman kaming pinakmumukang masama eh"tatawa tawang sabi nya. Nag simula ding mag sitawanan ang mga tao sa paligid nya.

Patuloy lang sa pag iyak at pag hingi ng tawad ni devi habang nakaluhod sa malamig na sahig.

"Ngayon--"itinaktak ng babae ang sigarilyong hawak"sabihin mo kung ano ang kasalanan mo"sabi nito at diniin sa muka ni devi ang sigarilyo nito.

Napahiyaw si devi sa sakit na naramdaman hindi na nya mabilang kung ilang paso na nag sigarilyo ang nasa katawan nya. Hindi narin nya alam kung ilang oras na syang umiiyak at nag mamakaawa. Ang alam nya lang ay unti unti ng bumibigay ang katawan nya.

Pagod na ako

Sambit nya sa sarili.

Habang umiiyak at nag mamakaawang tumigil na ang mga ito sa ginagawa.

"Bakit hindi ka nag sasalita?"sabi ng babae sabay tapon ng sigarilyo sa gilid ni devi.

Hinawakan nito ang baba ni devi at mahigpit iyong pinisil.

"Ito ang tatandaan mo, nangyayari ang lahat ng ito ngayon sayo, dahil kasalanan mo. Pabida ka kasi, utak lang naman ang pinagmamalaki mong ulila ka"sabi nito. Patapon nitong binitawan ang muka ni devi.

Ramdam ni devi ang sakit noon kasabay ng sakit nang paso ng sigarilyo sa kanyang muka.

"H-hi-hin-di-i ak-ko u-u-ul-li-i-la"hi-hikbi hikbi nitong sabi.

"Anong hindi? Kung hindi ka ulila, nasan ang mga magulang mo? Diba wala."

Hinila ng babae ang buhok ni devi para makita ang muka nito.

"Sa tingin mo ba hindi nila alam kung anong nangyayari sayo ha? Siguradong alam nila yun pero bakit wala man lang silang ginagawa? Kasi nga, wala kang kwenta"sabi nito.

Binitawan nya ang buhok ni devi sya naman bagsak ni devi sa sahig. Wala na syang lakas pa. Sobrang hinang hina na sya. Masakit pa ang katawan nya.

Talaga bang inabando na nila ako? talaga bang wala silang ginagawa?

Talaga bang wala akong kwenta?

Tumulo luha sa mata ni devi habang umiikot ang mga salitang ito sa isip nya.

Hindi! Alam ko, hindi yun totoo.

"Maalala nya--"bulong ni devi.

"Ano? Anong sinasabi mo jan?"

"Hindi nya kayo makakalimutan"patuloy na bulong ni devi.

"Anong bang sinasabi mo ha?" Umupo ang babae at medyo ibinaba ang tenga para marinig ang salita na binubulong ni devi.

"Hindi nya kayo patatawarin"

Nakaramdam ng kilabot ang babae sa sinabi ni devi.

"Ha! Ang lakas ng loob mong pag bantaan ako" sabi nito sabay sipa kay devi sa tyan.

Inulit ulit nya iyong ginawa at hindi sya tumugil.

Nag silapitan ang iba pang tao na nanonood kanina sakanya upang awatin ito.

"Ano ba tumigil ka na, mukang hindi na sya humihinga"nag papanic na sabi ng isa.

Sa walong taong nasa silid isa lang ang nangahas na lapitan ang katawan ni devi para pulsuhan ito.

Pero huli na. Wala na itong buhay. Ngunit hindi lang ang pag kamatay nito ang nag paramdam sakanila ng takot.

Kung hindi pati na rin ang muka ng bangkay.

Nakangiti ito.

Nakangiti ang dukuan na labi nito na para bang nangiinsulto.

Devi is dead--

Yan ang mga salita na nasa ulo nila ngayon.

Nang makurpima na hindi na sya maililigtas, nag unahan na nag simulang mag si alisan ang grupo sa silid.

At iniwan ang kaawa awang banggay ni devi na nakahiga sa malamig na sahig.