Lycus p.o.v
Isang linggo na mula ng dumating ako dito sa probinsya. Nag decide ako na dito mag aral kesa sa syodad.
Alam ko na mas maganda kapag sa syodad ako nag aral pero ewan ko ba. Gusto kasi ng bagong lugar. Dun na kasi ako nag aral simula pa pre school ako saka gusto ko kasing maranasan yung atmosphere na naranasan ni mommy.
"Lycus, nasanay ka na ba dito sa probinsya?" Tumingin ako sa loob ng bahay kung saan ako nakatira ngayon.
Kita ko dun si lola, nanay ni mommy.
"Medyo po la" sabi ko.
Kita kong dahan dahan na nag lakad si lola palapit saakin.
Siguro dahil narin sa tanda ng buto nya kaya bumagal na syang maglakad.
Nilapitan ko naman sya at inalalayan paputa sa may balkunahe. Tinulungan ko rin syang umupo sa may upuan na nandun sabay upo sa tabi nya.
"Alam mo ba, nung sinabi saakin ng mommy mo na dito mo gustong mag aral tuwang tuwa talaga ako"panimula ni lola.
Napatingin naman ako sakanya, hindi ako nag salita at hinayaan lang sya.
"Kasi alam mo naman diba. Ang mommy mo lang ang nag iisang anak namin ng lolo mo. Pero humiwalay na sya saamin mula ng mag asawa sya. Sa totoo lang hindi ko gusto nung mahiwalay sya pero wala naman akong magagawa. Tapos ang lolo mo namatay pa dalawang taon na kaya naman napakalungkot ko nun."sabi ni lola.
Halata ang lungkot sa boses nya ng sabihin nya ang pag kamatay ni lolo.
Nilapat ko ang kamay ko sa likod ni lola at tinapik tapik iyon ng mahina para magaanin ang loob nya.
"Ok lang yan la nandito naman na ako" sabi sakanya sabay ngiti. Ngumiti din sya saakin.
"Oo nga pala, naasikaso mo naba ang pagpasok mo sa school?" Tanong nya.
"Oo lola tapos nayun. Matagal na."sabi ko sakanya.
Tumango lang naman sya saakin.
"Galingan mo dun ah,pakitaan mo mga kaklase mo. Alam ko namang matalino ang apo ko"sabi nya sabay pisil sa pisngi ko.
"Haha, oo naman po"sabi ko lang.
Dalawang linggo nalang pasukan na dito.
Ineexpect ko na maiilang ako sa una lalo pat wala akong kakilala dito, pero nahanda ko na ang sarili ko. Kaya sa tingin ko magiging maayos lang ang school life ko.
Yun ang tingin ko.
Ito ang first day of school kakatapos lang ng welcoming ceremony sa auditorium. Pero pag labas namin papunta na sana lahat ng studyante sa building ng may biglang bumagsak mula sa rooftop.
Isa yung babae.
First day of school, may nag pakamatay agad.
Iba ibang reaksyon ang nakita ko sa paligid.
Meron ang mga napasigaw sa nakita, ang iba ay naiyak. May mga natatakot at meron din ang mga confused.
Pero isa ang pinaka napansin ko.
Yung babae na naka mas sa kabilang banda. Nakatingin sya sa banggay.
Pero walang halong takot, pag tataka, pandidiri o ano.
Walang kahit anong emosyon. Parang isang manyika.
Napatagal ata ang pag titig ko sakanya dahil bigla itong nagangat ng tingin saakin.
Hindi ko makita ang buong muka nya dahil nga sa mask nya pero ang mata nya. Bilog na bilog iyon.
Nagkatitigan kami ng ilang sigundo, bigla nyang pinag cross ang mga braso nya habang nakatitig parin saakin pag katapos nun ay nag kibit balikan sya at tumalikod na.
Nag lakad na sya palayo, o papasok sa building.
Sakto namang pinag sabihan kami ng mga teacher na pumasok na sa building.
Dumating narin ang mga pulis at ambulansya.
Akala ko magiging maayos ang school year na to para saakin pero ang pangit ng bungad ng first day ko sa school na to.
Sana naman sa simula lang to