Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

WTF: CHANGES

🇵🇭margassi
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.6k
Views
Synopsis
#2 of WTF When The Fate Changes. Ylexis Prishia "Yshia" Ramos Scott just turned eighteen, and she's almost a few steps closer to her dream, her dream of becoming a medical student. She's smart, got it probably from her parents, who are undeniably an epitome. She's living her life comfortably, she has good friends, a loving family, a spoiled but cute young brother, and a childhood friend turned into a lover. Before Yshia was born: fate already loves to play and loves to change the wind blow. The fate changes as she met someone, the guy who'd be a big part of her dream, except it is jaundice on her side at first. From almost a few steps closer to her dream, it became numerous, but she became closer to a different one, to Kai Immanuel "Kima" Jalil, a first-year medical student.
VIEW MORE

Chapter 1 - 1ST CHAPTER

Chapter 1

Yshia's Point of View

"Happy 18th Birthday, our princess!"

I covered my face, hindi ako sanay sa harap ng maraming tao, my father even raised his glass of wine kaya ayun din ang ginawa ni Mommy, and of course, the guests did the same thing.

Today is the first day of my mundong makamandag life一my guy friends meaning of turning eighteen一hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nila nakuha ang ibig sabihin na 'yon. I am tremendously clueless.

"Our daughter is so gorgeous tonight!" my mom hugged me tight. I am even more embarrassed when she hugged me but I am just enjoying her company, minsanan lang kung magkasama-sama kami, kung hindi si Dad ang nasa trabaho ay si Mommy, salitan sila sa workloads, but still they love each other.

I am intrigued, how did my parents able to love each other more after getting played by their own fate?

I wish I have a fairytale love story like theirs.

I have parents whom love me dearly.

"Yes, Mommy, I know. Ngayong gabi lang," pagbibiro kong nakuha naman nila.

Now all I could hear are claps. Prodigious claps from people I am not familiar with.

My party finally started. Sa totoo lang hindi ako sumang-ayon sa ideyang ito, wala naman akong gaanong kaibigan na maiimbita, ang magulang ko lang talaga ang mapilit. I hate human interactions lalo na kung hindi naman totoo at peke lang.

My father is Andrei Paolo Scott while my mother is Eloi Samantha Scott, they both have names in the business industry, and a lot of people are looking up at them, I won't deny that I am sometimes suffocated on being the daughter of a two well-known individuals, it is difficult, but the good thing here is my parents don't pressure me to be someone I am not一vastly opposite with those cliché rich family culture scenarios which I know for sure I am lucky to have a mother and father like them.

Like what I have said I don't want fake company from other people, alam kong bilang isang anak ng dalawang kilalang tao sa industriya ng negosyo maraming mabait lang sa akin kapag kaharap ako but except those rascals over there一I looked at the一tiningnan ko si Winter, Warrior, Oliver at Apollo.

They are my friends since I got out in my mother's womb. Magkaibigan ang parents ko at mga parents nila, we're all like fated to be friends. I am thankful I at least have them, and I love them so much, ikaw ba namang lumaking magkakasama how can I not love them? Plus, that's not it, they are genuine individuals, they will never let you feel left out.

"Yshia! Happy Birthday!" Winter kissed my cheeks, both side. Tita Japs and Tito Warren's only daughter. She has a fraternal twin, which is a he, si Warrior.

Sumingit sa gitna namin si Oliver sabay akbay sa amin pareho. A dorky Ople. Tito Lance and Tita Andrea Ople's one and only son.

"This is official, at pumayag na rin sila Tita at Tito."

My eyebrows met, anong tinutukoy nitong si Oliver? He look as if he won a lottery, mukhang masaya siya sa kanyang ilalahad sa amin, what is it all about?

"What?" sabay naming reaksyon ni Wint.

"Pede ka nang mag-bar kasama kami!" itinaas-taas niya ang dalawa niyang kilay habang nakatingin sa akin. Tama ba ang narinig ko na pede na akong mag-bar?

Kumawala sa akbay niya si Wint at biglang nagtatatalon.

"OMG! Finally! Finally!" masayang sigaw ng nag-iisa kong kaibigang babae.

Sa aming limang magkakaibigan, dalawa lang kaming babae, at yung natira ay tatlo ng lalaki. Kahit na kilala na ng parents ko ang mga kaibigan ko hindi pa rin sila pumapayag sa tuwing nagpapa-bar party si Oliver sa kanilang bar.

Paparating naman sa amin si Apollo at sigurado na akong lasing na sya.

"Welcome sa mundong makamandag, Ylexis Prishia R. Scott!" sigaw ni Apollo, pagewang-gewang siya habang pumapalakpak hanggang sa bumagsak siya sa sahig. I face palmed. Well, usual Apollo Jimenez.

Napailing-iling ako. "Lah! Uwi niyo na kaya siya, bagsak na bagsak na, e!" mas natawa pa ako dahil sa itsura niya ngayon. Si Apollo ang pinaka malakas ang loob na uminom ng isang bote ng liquor pero ilang minuto lang lasing na agad at makikita mo na lang sya na nakahiga na sa sahig dahil bagsak na.

I heard him hiccup. Napailing ako. Sabi ni mom and dad ganon daw talaga ang nga Jimenez, mabilis malasing.

"Guys! I am not drunk! I can still kick, look," oh my gosh, this is not a good idea. Tumayo si Apollo at sumipa, since nasa likod lang niya ang pool nalaglag siya roon.

Nagulat ang lahat ng tao dahil sa kaibigan ko, kita ko sa reaksyon nila na gulat talaga, mostly naka bukas ang bibig yung iba naman napatakip ng bibig maaring upang takpan ang nakalalag panga nilang bibig o 'du kaya'y magpigil ng tawa. Isa itong secondhand embarrassment para sa amin pero dahil nga magkakaibigan kami ang ginawa lang namin ay tumawa. Sabi nga nila hindi kayo tunay na magkakaibigan kung hindi niyo inuna ng barkadahan niyo ang tumawa kaysa tulungan ang kaibigan nyong nadulas, it is the same as Apollo's fall on the swimming pool. And in fact he can swim.

Nahimasmasan sya at mukhang nawala ang pagkalasing, sino bang hindi magigising kung bigla kang malaglag sa pool? Sigurado ako malamig ang tubig.

Tinulak namin si Warrior para tulungan ang kaibigan naming parang basang sisiw na nasa pool, pinuntahan nya naman ito.

Natatawa pa rin kami nila Oliver.

I have good friends and shoulders that I can rely on.

"Lagi na lang ganoon ang flow ng buhay ni Apollo, don't you think?" tanong sa akin ng isang lalaki saka inilagay ang kamay niya sa aking bewang.

It is a familiar touch from someone I love. Hinigit niya ang pulso ko at pumunta kami sa likuran ng mansion.

"Jame," I greet him with a smile. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tenga. Ramdam ko ang mainit niyang hininga.

"Happy birthday, I love you," he said then give me a sudden kiss on my lips, mas lalong lumaki ang ngiti ko.

He looks handsome as usual.

Pinalo ko ang kaniyang balikat, ang hilig niya akong pakiligin.

"Thank you, then," sambit ko saka alis ng kamay nya sa aking bewang. Naglakad ako papuntang pond para doon ituon ang aking kilig. Tinakpan ko ang bibig ko upang mapigil ang aking ngiting mukhang aabot hanggang langit. "Why are you doing this to me, Jameson?" bulong ko pa.

That guy is my boyfriend, when I turned seventeen last year sabi ko sa aking sarili sasagutin ko na siya kapag umamin sya sa akin dahil matagal ko na iyong hinihintay, I've known him for almost 11 years, we're neighbors, our parents are close dahil nga magkapitbahay lamang kami, I can say we are childhood friends that turned into lovers.

Jameson is one of those guys who is rude at first but now he is different, hot, smart, and talented, hindi ko alam kung ano ang ginawa ko noong past life ko at biniyayaan ako ng lalaking tulad niya.

I am lucky to have him.

Nilingon ko ulit sya, papalapit na sya sa akin, he is smiling widely.

Habang papalapit sya hindi ko maiwasang idefine ang itsura nya ngayon.

He is wearing a white polo and it is tucked-in on his fitted black slacks, ang buhok nyang itim ay kumikinang dahil sa mga ilaw dito sa party ko, kumikinang din ang mata nya habang tinitingnan ako.

How can a guy be beautiful?

His hair is beautiful.

His brown eyes is beautiful.

His nose is beautiful.

His lips is beautiful.

Jameson dela Torre is beautiful.

And I have a perfectly splendid boyfriend.

~○~

Isang linggo na ang nakalipas simula nang maging legal age ako, sumaktong hell week sa school noong mga panahong iyon dahil na rin isang buwan na lang graduation na namin, hindi tuloy naganap ang hangout namin sa bar ni Oliver pero dahil tapos na ang isang linggong pasakit matutuloy na ito.

Naka depende sa titingnan ko ngayon sa laptop ko if makakapunta ako, kung pasado ako ay deserve kong pumunta at magparty, kung hindi, wala akong karapatan. Sana pasado, sana ay pasado!

I opened my laptop slowly and turned it on. It's now or never, ngayon na ang results ng Admission ko sa Craeven International College of Medicine. I took my exam last year, ginawa ko ang best ko. If makakapasa ako sa 7-year program na pinapaikli ang pag-aaral ng Med I'd be delighted.

Unti-unti nang nag-loloading ang aking email, napalunok ako nang makita pangalan ng school ko sa email ko. Mabilis ko itong pinindot habang nakapikit.

Imumulat ko na sana ang mata ko nang pumasok si Mommy.

"Yshia!" sigaw niya, nakasunod naman si Dad. Hindi ko mabasa ang expression. Kita ko ang paglunok ng nanay ko at inayos ang sarili niya para magsalita. "I see you're checking your email now, why一why don't you see the result yourself," bumilis ang tibok ng puso ko, sobrang irregular ng beat nito, dahil sa kaba.

I placed my palm on my heart as I felt my heart race. I breathe in and out, but it's still fast.

Sinarhan ko ulit ang aking mata, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nakita kong nakapasa ako o kung hindi. Wala akong ideya. Bata pa lang ako pangarap ko nang maging isang doctor. I want to save lives, if I have the power to help others by I'd do it, I'll save everyone, I'll save everyone that is dying.

My mom told me it's possible to save lives, she also said heros don't wear capes, they wear lab coats. And that's when I dreamt of being a doctor.

I slowly opened my eyes, and started reading the email loudly.

"March 27, 2040. Dear Ms. Ylexis Prishia Ramos Scott, I am delighted to inform you that the Committee on Admission admitted you to Class 2040-2041 under the 7-year medicine program..." I cut off. "D-Did I read it right, mom, dad?" I asked as my voice crack.

Tumayo ako at tiningnan sila. Nakatakip ang bibig ni Mom and naiyak habang si Dad ay nakangiti.

Dahan-dahang tumango ang dalawa, hindi ko na napigilan pang tumakbo papunta sa parents ko para yakapin sila, hindi ko na rin napigilan ang luhang pumapatak ngayon sa aking mata ani mo'y water falls.

I passed! I made it to CICM! Only 50 students can be accepted, the top 50 students, and I am part of it.

"Congratulations, Yshia, you're now getting closer to your dream," my dad while hugging me tightly, as well as my mom.

Dr. Ylexis Prishia R. Scott soon. I can't believe it!

~○~

Kima's Point of View

Inilahad ko ang palad ko para pakiramdaman ang pagpatak ng ulan, umiiyak na naman ang langit. Mabuti na lang talaga ginawa ang unang bus stop noong 1824 kumportable tuloy ang mga taong tulad ko ngayon sa paghihintay, umupo na lang ako at kinain ang binili kong barbeque sa kanto. Papauwi ako ngayon galing sa school, konti na lang gagraduate na ako.

Pumikit ako, ano kayang sunod kong babasahing libro?

Ang sarap ng tunog ng pagpatak ng ulan, isama mo pa ang tunog ng paghampas ng gulong sa basang kalsada, habang nakapikit ako umuugong ang mga tunog sa paligid ko.

"Kai Immanuel," ani ng babaeng biglang tumabi sa akin, napausog naman ako dahil doon, inayos ko ang sarili ko dahil ang impression sa akin ng mga kaklase ko ay tahimik ako at mabait, hindi nila alam ayoko lang sa kanila sapagkat wala kaming pagkakapareha, wala naman ni isa sa kanila ang mahilig magbasa, inaaya ako laging mag-laro ng online game, anong matutunan ko roon? Pumatay? Minsan basketball, hindi naman ako yung athletic na tao, simula bata ako libro lang ang kasama ko.

"Sino..." kinikilala ko siya pero hindi ko siya mamukhaan, sino ito? Suot niya uniporme namin, straight ang kanyang buhok, singkit, mala-niebe ang balat at may magandang ngiti.

Napabaling ako sa kalsada, parating na ang bus ko.

"Ka一kaklase mo ako, gusto ko lang ibi一" tumayo ako kaya napatigil siya sa pagsasalita, hindi ko alam bakit niya ako kinakausap pero nandito na ang bus ko. Kinuha ko ang iniabot niyang box.

"Salamat Louien, andito na bus ko, sa school na lang, pasensya ka na ha, God bless."

Mabilis akong tumakbo papasok ng bus at tiningnan ko si Louien at kinawayan siya.

Magpapasalamat ulit ako bukas.

Biglang nag-vibrate ang phone ko, si Jovan, isa sa dalawang kaibigan na meron ako, napasinghap ako at binasa ang chat niya sa gc namin na mula sa phone kong phone pa ng kuya ko noong 2020.

Van:

'Wag niyong kalimutan party ko sa bar ng mga Mendoza ngayon, you guyz know that, right? See yo dude, esp. you Kai Immanuel! I'll make you taste some free ass meal. 🍑💦

Cholo:

Isa kang fucking bad influence para sa anghel nating kaibigan dude. Stfu. ./.

Inoff ko na ang screen dahil sa dalawang siraulo kong kaibigan. Napasinghap ako.

Hindi naman ganon si Van noong mga bata kami, nakakasundo ko sa pagbabasa ng libro yon, pati na rin si Cholo. Ang laki ng pinagbago nila.

Ngunit kung wala ang kaibigan kong si Van at Cholo baka mas lalong wasak ang buhay ko.

Kinuha ko ang wallet ko para tingnan ang litrato namin ng pamilya ko. Napangiti ako dahil kumpleto pa kami rito, kahit malaki na ang pinagbago ko mas pipiliin ko pa rin ang panahong ito. Tiningnan ko ang pitong taong gulang na ako habang kasama ang buhay ko pang magulang at Lolo, si Lola ay maayos pa ang sitwasyon dito, si Kuya ay hindi pa kasal nung panahong ito.

Hindi ko namalayan may tumulo na palang luha sa mata ko. Inalis ko ang luha sa mukha ko at bumuntong hininga ulit ako, nakaka isang daan ata akong singhap kada araw.

Pag-uwi ko sa bahay, nag-martsa ako papunta sa loob ng kwarto ko, hindi pa rin talaga ako sa sanay makitira sa bahay ng pamilya ng kuya ko, ang grandparents namin ang nag-alaga samin after mamatay si Nanay at Tatay, 5 years ago namatay si Lolo, pagkatapos ngayon ay terminally-ill si Lola kaya ipinasok ni kuya sa hospice care sa Craeven University Hospital.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Palala nang palala si Lola, isang taon ang binigay sa kanya ng doctor. Isang taon.

Nagitla ako nang makarinig ako ng katok.

"Kima andyan ka ba?" boses ng kapatid ko. Mas matanda sa akin ng sampung taon, at ang isa sa mga iniidolo ko.

Tumayo ako para buksan ito. "Kuya, kakauwi mo lang?" masigla kong bati sa kanya. Bukod kay Nanay, Tatay, Lola at Lolo, isa rin si kuya sa tinitingala ko, hindi dahil pamilya ko sila, kundi dahil sa pananaw nila sa buhay.

"Oo, at ito may binili ako para sayo, sigurado akong magugustuhan mo," aniya sabay abot ng box na naka gift-wrap. "May idadadagdag ka na naman sa koleksyon mo," nilingon ko ang mga libro sa malaki kong bookshelf, napangiti naman ako, libro ulit itong regalong ito, kalahati ng mga libro sa shelf ko ay galing kay kuya.

"Salamat, kuya," tiningnan ko ang box sabay bulong. "Sana lang Med School Confidential ito na pinublished noong July 25, 2006, almost 34 years ago."

"Well, see it for yourself, my book nerd younger brother, treat me a nice meal when you became a doctor because of that."

Tiningnan ko siya ng madiin, binabasa ko ang itsura niya ngayon. "Kuya, you're kidding, righ一" binuksan ko na dahil sa look ng kapatid ko, may pinaparating na.. Tumambad ang Med School Confidential: A Complete Guide to the Medical School Experience: By Students, for Students na title.

Bigla naman akong niyakap ni kuya, nabigla ako.

"Kima, proud na proud ako sayo, congrats sa pagpasa sa CICM," dinig ko kung gaano ka sincere ang boses niya.

Oo nga pala, nakapasa ako sa CICM.