Trina's Point of view
Pagkahatid ko kay Romeo pauwi ay naghanda na ako para sa trabaho ko. Alas otso ng gabi ang pasok ko sa trabaho kaya nagmadali akong magbihis dahil isang oras na lang.
Nagtatrabaho ako bilang waitress sa kilalang bar dito sa amin kaya yung uniform ko ay sobrang sexy na tingnan. Naglagay na ako ng mga kolorete sa mukha pagkatapos at aga-agad akong lumabas ng kwarto at nagpaalam kay Mama.
Paglabas ko ng bahay ay inaya akong tumagay ng mga lasinggero dito sa amin. Jusko! Nakaharang pa talaga sa daan.
"Trina, shot ka muna!" Napairap na lang ako sa kan'ya.
"Eh kung ishot ko yang ulo mo! Tabi malilate na ako." Bwisit! Ito yung mga panggulo sa barangay namin eh.
"Sungit talaga nito. Next time inom tayo ah, tapos pulutanin kita." Tinaasan ko s'ya ng kilay bago ako dumaan. Bastos talaga, may asawa ng tao nakikipaglandian pa sa iba.
**
Pagkarating ko sa club ay nagcheck-in na ako agad. Buti na lang nakaabot ako, kapag kasi nalate ka kahit isang minuto, thirty minutes na mababawas sa sweldo ko 'non.
"Girl, ikaw na nga magserve 'don sa makukulit na 'yon." Tinuro ni Sammy ang lamesang sinasabi n'ya. Medyo maingay dito dahil sa lakas ng tugtog. At medyo madilim din, tanging disco light lang ang nagbibigay liwanag dito.
"Wait lang girl ah, hayaan mo muna akong huminga kakarating ko lang."
Grabe s'ya, yun agad ang bungad. Halos takbuhin ko nga tong club para di malate eh.
Kinuha ko ang Tray, papel at ballpen ko saka tinungo 'yung lamesang sinasabi ni Sammy.
"Good evening Sir. May I take your order?" Napatingin sila sa akin at damn sarap dukutin ng mga mata nila.
"Pare mas maganda 'to, saka malaman," sabi no'ng isang lalake kaya pinigilan ko ang sarili kong irapan s'ya baka masisante pa ako. Actually sa araw-araw kong pumapasok dito. Sanay na ako sa mga gantong customer.
"Bigyan mo kami ng beer saka pinakamasarap n'yong pulutan."
Nilista ko ang mga order nila at saka nagtanong, "Anything else Sir?"
"Bigyan mo din ng mga ladies drinks 'tong mga bitch namin ngayon."
Kung ako 'yung nakaupo doon, maiinsulto talaga ako pero mas natuwa yata 'yong mga babaeng katable nila. Hays! Kapag pera talaga ang usapan kahit dignidad, ibaba ng iba makakuha lang nito.
"Okay Sir, I'll be right back."
Pumihit na ako patalikod pero hindi ko inaasahang may makakabunggo ako kaya nahulog ang nga dala-dala ko. Agad naman akong tinulungan ng lalaki saka inabot sakin ang mga nahulog ko. Pagtingin ko sa kan'ya ay para akong naistatwa sa aking kinakatayuan.
He's so freaking handsome and yet familiar!
"Thank you Sir."
Parang pamilyar talaga s'ya sa akin. Nagkita na ba kami dati? Sa school? O baka naging customer na s'ya dito minsan. Artista kaya s'ya? Kasi, damn sobrang gwapo n'ya. Mula sa mga mata, sa buhok na sinadyang ginulo pati yung labi parang sobrang lambot. Parang gusto ko s'yang... halikan.
What?! Stop brain. Ano bang kalandian ang pumapasok sa utak ko? Trina hindi ka pinalaking ganyan, umayos ka!
"Miss?" Deym! Ang hot ng boses n'ya.
"S-Sorry?"
"Nothing, I just wanna say na tumutulo na yung laway mo." Ano daw? Pinunasan ko naman ang labi ko dahil doon at mas lalo akong nahiya dahil wala naman.
He chuckles at parang may anghel na tumatawa sa harap ko. Pero ano sabi n'ya? Tumutulo daw laway ko? Unti-unti kong tinaas ang kilay ko na nagpangisi sa kan'ya.
"Excuse me Sir," seryoso kong sabi sa kan'ya at saka nagmartsa na pabalik ng counter pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla n'yang hinatak ang kamay ko.
"Wait, I'm customer here, you can't just ignore me." Yabang neto ah.
"Sorry Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ko sa mahinahong paraan.
"Yeah, I need you."
Sandali! Ano daw? Kailangan n'ya ako? Pinagasabi nito?
"Sir, pasensya na po pero hindi po ako nakikipagbiruan," sagot ko sa kan'ya ng nakangiti para maramdaman n'ya na sarcastic 'yon.
"Hindi rin naman ako nakikipagbiruan, I need you to serve me."
Ah serve pala 'kala ko kung ano na. Assumera.
"Okay Sir! Hanapan ko po kayo ng table, at babalikan ko na lamang po kayo." Ngumisi s'ya akin na nagbigay kilabot sa buo kong katawan.
Pagbalik ko sa counter ay sinalubong agad ako ni Sammy na parang bulateng inasinan.
"Oh my gosh, girl! Sino 'yon? He's so hot."
"Malamang customer," I said in a bored tone.
"Pwede ba ako na magassist sa kan'ya?" Tumango na lang ako kaya dali-dali s'yang pumunta doon.
Halos sampung minuto na ang lumipas bago ako nakabalik sa grupo ng mga lalake kanina para iserve ang order nila.
"May kailangan pa po ba kayo?"
"Oo, miss. Tabihan mo na 'yung isang kasama namin. Wala kasi s'yang katable." Napatingin ako sa lalakeng tinuturo n'ya at ngumiti sa kan'ya.
"Sorry, pero hindi ako nagpapatable."
"Babayaran ka naman namin Miss. Kaya umupo ka na lang, pwede?" Hindi ko na napigilang mapairap dahil sa kan'ya. Why so kulit?
"Sir, ang sabi ko, hindi ako nagpapatable." Tatalikod na sana ako pero hinatak n'ya ako ng napakalakas.
"Napakaarte mo ah! Customer kami dito kaya sundin mo ang gusto ko." Sigaw n'ya sa mukha ko kaya sinampal ko s'ya ng napakalakas. Napasinghap ang mga tao at nawala ang tugtog. "Did you j-just slap me?"
"Oo, gusto mo pa ng isa? Bastos ka! Diyos ka ba ha?! Para sundin ko 'yang gusto mo, ang dami-daming babae d'yan ako pa bibwisitin mo!" Lalo s'yang namula sa galit dahil sa mga sinabi ko, kaya hinawakan n'ya ang kamay ko ng napakahigpit.
"A-Aray, nasasaktan ako!"
"Matapang ka ha! Baka hindi mo kilala, ang kaharap mo." Nagaapoy ang matang tinitigan n'ya ako mula sa mukha hanggang sa aking dibdib. Please, tulungan n'yo ako. Tumitingin ako sa mga tao pero lahat sila hindi makalapit sa amin. "Kung ayaw mong itable ka namin, bigyan na lang natin sila ng show."
Napasigaw ako nung hinalikan n'ya ang leeg ko at dinila-dilaan. Pinaghahampas ko ang likod n'ya pero sobrang lakas n'ya. Hinawi n'ya ang bewang ko at nilamas ang aking pwetan. Nanlaki ang mata ko dahil doon.
"Hayop ka! Bitiwan mo ko!" Umiiyak na ako dahil sa ginagawa n'ya. Pumikit ako, dahil hindi ko makaya panoorin ang ginagawa n'ya sa'kin.
"Agghh!" Napadilat ako ng mata 'nong makita kong nakasalampak na sa sahig 'yong lalake at tapak-tapak ito sa likod ng gwapong lalake kanina.
He saved me.
"Who the fuck are you?!" sigaw n'ya dito. Pumapalag s'ya para makabangon pero mas malakas sa kan'ya ang lalake. "Don't you know who I am?!"
Yumuko 'yong lalake sa kan'ya at tinitigan s'ya sa mata
"Of course, I know you! You are the son of Mr. Buenavista. You? Don't you know me?" Napatitig naman yung bastos sa kan'ya dahil sa tanong nito at maya-maya pa ay nanlaki ang mata n'ya.
"Mr. Anderson?"
"Yup. That's me." Binitawan n'ya na ito, at tumayo na ang lalaki. Akala ko ay gaganti ito sa kan'ya pero nagulat ako no'ng biglang lumuhod sa kan'ya ang bastos na lalake.
"S-Sorry! Mr. Anderson. It was a mistake." Parang iiyak na s'ya.
Teka, sino ba 'tong lalakeng to at parang Diyos kung sambahin?
"Huwag ka sakin mag sorry, magsorry ka sa girlfriend ko." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi n'ya, ayoko naman agad mag assume pero ako ba yung tinutukoy n'yang girlfriend?
Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Baby, Are you okay?"
What?
___
To be continued.