Trina's pov
Naglalakad ako sa field ng university para pumunta sa rooftop para magpahangin. Masyadong mahaba pa ang oras sa susunod na klase kaya naisipan ko munang tumambay doon, ayoko naman sa canteen dahil masyadong maingay. Ayoko naman sa library dahil maraming nakatingin.
Nakasalubong ko si Jackson ang bwisit kong ex, iiwasan ko sana s'ya pero hinarangan n'ya ang daanan ko.
"Let's talk." Kapal din ng mukha neto eh no.
"Lumayas ka nga sa harapan ko!" Bulyaw ko sa kan'ya pero parang hindi s'ya natinag.
"Nakipagbreak na ako kay Pat. Wala na kami kaya plese bumalik ka na sa akin."
Wow, as in wow.
"Naririnig mo ba sarili mo? Jackson, alam mo? Ikaw na yata ang pinakawalang kwentang lalakeng nakilala ko. I've trusted you, alam mo ba 'yon? Ikaw kasi ang first boyfriend ko eh. Nung niligawan mo ko sabi mo sa akin gagawin mo ang lahat para mapasaya ako. Bullshit! Sobrang saya ko nga eh. Kita mo 'to?" Tinuro ko ang luhang lumandas sa mga mata ko.
Oo, kahit medyo matagal na yung nangyari, hindi ko pa rin maiwasang malungkot kasi minahal ko talaga s'ya. Ang tanga ko lang sa part na nasabik akong magkaboyfriend dahil nga NBSB ako. Tapos eto pa makukuha ko.
"Tears of joy yan!" Sarcastic kong sabi sa kan'ya.
"I'm sorry." Tangina parang labas pa sa ilong ah.
"Enough! Please, hayaan mo na ako."
Gusto ko na sanang umalis pero hinatak n'ya ako kung saan.
Dinala n'ya ako malapit sa hallway malapit sa locker room. Tss, nahihiya yata s'yang magkaroon ng eskandalo kaya n'ya ako dinala dito.
"Please Trina, give me another chance. I still love you." Talaga lang ha.
"Kung talagang totoo 'yang sinasabi mo, hindi ka na maghahanap ng iba." Nakatingin lang ako sa kawalan habang kinakausap s'ya. Hindi ko s'ya kayang titigan dahil nakakasuka s'ya.
"Bakit? Dahil ba mayron ka ng iba? Huh?" Tumingin ako sa kan'ya at tinaasan s'ya ng kilay.
"Oo, may boyfriend na ako." Pagsisinungaling ko. Kinabahan ako nung biglang nagbago ang ekspresyon, nakakatakot s'ya napaatras ako dahil doon.
"Sa tingin mo makakapayag akong mapunta ka sa iba?" Ngumisi s'ya na nagpataas ng balahibo ko. Shit hindi na si Jackson na kilala ko.
"J-jackson, alis na ako."
Hinawakan n'ya ang kamay ko ng mahigpit kaya napangiwi ako.
"Baby?" Napatingin ako sa tumawag sa akin. At hindi ko inaasahan ang makikita ko si Zephyr.
"What's happening here?" Tanong ni Zep pagkalapit n'ya sa amin.
"Who the hell are you?" Tanong ni Jackson kay Zep.
"I'm her boyfriend. And who the f*ck are you? Bakit mo s'ya hinahawakan?"
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bakit ganon, parang pakiramdam ko merong hindi magagandang mangyayari. Kilala ko si Jackson, hindi s'ya nagpapatalo.
"Boyfriend? But she's mine." Hinatak ako ni Jackson para ilayo ako kay Zep.
Pero hinatakan din ako ni Zep sa kabilang kamay.
"Saan mo s'ya dadalhin?" Tanong ni Zep.
"It's none of your business."
Busy sila sa pagpapakitang gilas kung sino ang mas matapang sa kanila, habang ako nasasaktan na dito.
"Hoy! Mga siraulo. Mukha bang squid game 'to? Ginawa n'yo kong lubid sa tug of war! Bitiwan n'yo ko!" Agad naman silang bumitaw dahil sa pagsigaw ko. Napansin ko rin na marami na rin palang nakatingin sa aming mga estudyante.
"Ano bang problema n'yong dalawa?" Inis kong tanong sa kanila.
"Ito kasi eh!" Sabay pa nilang maktol.
Kurutin ko singit ng mga batang 'to eh.
"Baby, kanina pa kita hinahanap. Aalis pa tayo di ba?" Napakunot naman ang noo ko kay Zep dahil sa sinabi n'ya. Anong sinasabi nito? Tinignan n'ya ako na parang sinasabi n'yang sumakay na lang ako.
"Saan kayo pupunta?" Tanong naman nitong Jackson na 'to.
"Wala ka ng pakialam 'don Pare!"
"Anong walang pakialam? Ang yabang mo ah." Tinulak ni Jackson si Zeph kaya muntikan na itong matumba sa sahig.
Tumingin si Zep kay Jackson at kung makikita n'yo ang itsura n'ya para s'yang papatay ng tao. Shit, mas nakakatakot pala si Zep. Hindi pa ako nakakakurap ng makita kong tumba na sa sahig si Jackson dahil sa pagkakasuntok ni Zep sa kan'ya.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga nangyayari. Bumangon si Jackson at nagpalitan silang dalawa ng mga suntok. Nagkumpulan ang mga estudyante at may mga nagvivideo pa sa amin. Bwisit, ano bang kamalasan 'to.
"Ex ka na pero kung makaasta ka parang boyfriend ka pa rin. You as*hole!" Bugbog sarado na si Jackson pero hindi pa rin tumitigil si Zep.
"Tama na please." Humarang ako sa harapan ni Zep para awatin ito. Nanlilisik ang mata ni Zep at nagiigting ang kan'yang panga dahil si gigil at galit. Ano bang pingpuputok ng butche nito. Eh hindi ko naman s'ya boyfriend.
"Get off! Let me teach this son of a bitch a lesson!" Nakita kong tumayo si Jackson para gumanti na naman. Tangina, hiyang hiya na ako dito kasi halos lahat yata ng estudyante ng Ashton nanonood na sa amin.
Isa na lang ang naiisip kong paraan para magtigil sila pero nahihiya akong gawin.
Nung akmang susugod na si Jackson ay hinatak ko si Zep at pikit-matang hinalikan s'ya sa kan'yang labi. Narinig ko ang pagsinghap ng mga estudyante at parang may dumaan na anghel. Dinilat ko ang mata ko at tumingin sa mata ni Zep, gulat na gulat s'ya kaya pinikit ko na lang ulit ang mata ko at ginalaw ng dahan-dahan ang aking labi sa labi n'ya. Lord, please forgive me for I have sinned. Pero deym ang tamis ng labi n'ya.
***
Nasa loob na ako ngayon ng kotse ni Zep. Yeah, iniwan namin si Johnson sa loob na gulat na gulat sa ginawa ko. May mga dumating din na mga professor kanina pero kinausap lang sila ni Zep at umalis na ito, hindi ko lang kung ano ang sinabi nito sa kanila.
Hindi ako makatingin ng maayos kay Zep dahil nahihiya pa rin ako sa ginawa ko. Ngiti-ngiti s'yang nagmamaneho, sarap punitin ng labi.
"Wild ka pala?" Sige, mangaasar ka pa.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Pagiiba ko na lang ng usapan.
"Sa bahay, Ipapakilala kita kay Dad."
Hinampas ko s'ya sa braso ng napakalakas.
"Ouch, why did you do that?!" Napangiwi s'ya dahil sa sakit ng ginawa ko.
"Gago ka pala eh, at bakit mo naman 'yun gagawin? Wag kang assumero! Hindi kita boyfriend. Hinayaan lang kita kanina kasi gusto ko ring layuan na ako ni Jackson. Kaya tapos na ang pagpapanggap." Mahaba kong sabi sa kan'ya na ikinangisi naman n'ya.
"Hindi mo pala ako boyfriend, why did you kissed me then?" Namula na naman tuloy ako dahil sa tanong n'ya.
"Ginawa ko lang 'yon para magtigil kayo. Tignan mo, effective di ba?"
"Really? I thought, hindi ka na nakapagpigil at kahit public, pinagnasahan mo ako." Tinignan ko s'ya ng masama dahil sa sinabi n'ya.
"Excuse me! Wag kang assumero hindi kita type." That's a lie. Actually crush ko s'ya. Dalawang beses n'ya na akong niligtas at ang gwapo pa. Pero crush lang naman eh, wala naman masama dun di ba?
"Okey, sabi mo eh." Napikon ako dahil sa tono ng sagot n'ya. Hindi ba n'ya ako pinaniniwalaan? Iniisip ba n'yang patay na patay ako sa kan'ya? Ang kapal ng mukha ah.
"Hoy-" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla s'yang nagsalita.
"We're here!" Tumingin ako sa labas at nakita ang napakalaking bahay- ay hindi, mansion. Grabe sa laki, parang bahay ng Presidente. Seriously? Hindi ko akalain na sobrang yaman pala neto.
"Sandali? Seryoso ka bang ipapakilala mo ako sa Dad mo? Nakasinghot ka ba ng rugby kanina?" Tangina lang, bakit ba ako kinakabahan.
"What? Sinisinghot ba 'yon?" Hindi ko na pinansin ang tanong n'ya dahil sobra na akong kinakabahan. Nakita ko kasi yung mga guard tapos ang laki pa ng mga baril nila, nakakatakot.
"Good afternoon Sir." Pagkapasok namin ng gate, binati s'ya ng mga guard na parang estatwa dahil nakatingin lang sa malayo.
"Let's go." Hinawakan n'ya kamay ko at inakay ako papasok sa loob.
"Dad. I'm Hom-"
Napatakip ako ng bibig ng biglang sinuntok si Zep ng Dad n'ya na nagpatumba dito.
"Idiot! What were you thinking?"
Anong nagyayari?
___
To be continued.