[ALANA]Patakbo siya papauwi sa kanyang bahay. Kakabili lang niya ng gamot para sa kanyang ina na may sakit at kailangan niyamakauwi agad para makainom ito.Nagaalala man siya sa kalagayan ng kanyang ina, nagpapasalamat pa rin siya na kahit mahirap lang ang estado nila, may tumutulong naman sa kanilang mga gastusin sa pang araw-araw.Buong buhay niya, nakapaligid na sa kanya ang napakagandang isla. Ni minsan, hindi niya inisip na umalis ditto dahil sa sobrang ganda ng lugar lalo ang dagat. Kahit saan man siya pumunta, hindi siya mauumay sa ganda ng lugar na ito.May sakit ang kanyang ina. Mahina ang pangangatawan nito at minsan inaatake ng hika. Wala itong trabaho at buong araw ito nasa higaan. Sa edad na disisyete anyos, hanggang grade six pa lang ang natapos niya sa pagaaral dahil kailangan niyang bantayan ang kanyang ina, tulungan din ito sa mga kakailanganin nito at sa mga gawaing bahay.Ganito man ang kanilang sitwasyon, meron naman mabubuting tao na tumutulong sa kanila. Meron nagpapadala sa kanila ng mga pagkain, mga kakailanganin sa bahay pati na rin pera kada buwan. Ang sabi ng ina niya, galling iyon sa malayo nilang kamag-anak ang mga padala para sa kanila.Gusto rin naman niyang tumulong o maghanap ng trabaho pero tutol ang mama niya a gawin niya iyon. Mabuti na lang pinahintulutan siya na pwede tumulong sa kakilala at kaibigan ng ina niya na si Aling Martha. May pagmamay-ari itong kalenderya. Minsan, nandoon siya para tumulong at binibigyan siya ng pera at pagkain. Mabait ito at ito din ang taong tinuring niyang kaibigan at pangalawang ina. Ito man ang buhay na kinalakihan niya, kontento siya. Tahimik, simple, at nakatira pa siya ganitong kagandang lugar."Mama, nandito na po ako!" tinanggal niya ang kanyang suot na tsinelas at patakbong papasok sa kwarto kung saan ang kanyang ina."Dala ko na po ang gamot ninyo, Mama.""Salamat naman. Pakitulong ako magbukas, Alana." Agad niyang binuksan ang nabili niyang mga gamot. Sobrang dami at hindi niya alam papaano naiinom ito ng kanyang Mama.Binigay niya rito ang mga gamot at isang basong tubig. Nagaalala siya para sa Mama niya dahil hindi ito gaya ng dati na kapag nakainom agad ng gamot, magiging maayos na ang pakiramdam nito pero ngayon, palagi na lang ito nasa higaan at ang namumutla."Salamat, anak.""Mama, sigurado po ba kayo na mabuti ang pakiramdam ninyo? Namumutla pa rin kayo, eh.""Ayos lang ako. Nakainom na rin naman ako ng gamot at maya-maya, magiging mabuti na pakiramdam ko.""Pumunta na po kaya tayo sa ospital para patignan anong kalagayan ninyo?"Umiling ito. "Huwag na. mahihirapan pa tayo lumuwas sa siyudad. Nga pala, pupunta ka ba mamaya kina Aling Martha?""Opo. Doon po pupunta para tumulong sa gaganaping reception." Kinuhang Caterer si Aling Martha sa kasal ng anak nito."Ang saya naman na lumalago na ang negosyo ni Aling Martha at siya pa ang magiging caterer sa mismong kasal ng anak niya.""Oo nga po, eh. Mama, ang sabi ni Aling Martha gagawin niya akong flower girl." Masayang balita niya rito.Natuwa ito. "Wow! Sigurado ako na ikaw ang pinakamagandang flower girl sa kasal.""Opo! Manang-mana po kasi ako sa inyo, eh!"Inayos nito ang magula niyang buhok. "Naku, ang dali lang lumipas ng panahon. Dalagang dalaga na ang anak ko. Parang kahapon lang na parati kitang kinakarga para patahanin.""Mama naman, bakit niyo pa sinasabi iyan? Ang mabuti pa, magpahinga po muna kayo at magluluto na po ako ng pananghalian natin." Inilalayan niya itong humiga sa higaan at nilagay sa tabi nito ang gamot at tubig.Ito palagi ang sinasabi ng Mama niya kapag nagsasabi siya na kailangan nila pumunta sa ospital. Hindi niya alam kung bakit ayaw na ayaw nito pagpatingin sa doctor. Total naman, may tumutulong sa kanilang dalawa para sa kanilang pangangailangan, mas lalo siyang nagaalala sa sitwasyon nito. Sana mamaya, magiging maayos na ang pakiramdam nito.[ALANA]Tinapos niya muna ang mga gawaing bahay. Pagkatapos ay nagpaalam siya sa kanyang ina na pupunta kina Aling Martha para tumulong sa mga dekorasyon para sa reception. Gaganapin sa isang maliit na resort ang reception sa kasal ng anak nito.Pumasok na siya sa loob at hinanap si Aling Martha. Pumunta siya sa likod ng bahay at nandoon nga ito. "Aling Mar, nandito na po ako!""Mabuti napaaga ka ng dating, Alana. Halika na at tulungan mo ako kumuha ng mga kurtina.""Opo!" Pumunta sila sa isang malaking venue at kinua ang mga kurtina sa stock room."Sa tagal na nakatambak ito dito, dumidilaw na. Bumalik na tayo sa bahay para labhan agad ang mga ito." Sumunod siya rito dala-dala ang mga kurtina."Ikakasal na ang dalaga ko. Akala ko hindi ko na makikita ang anak ko maglalakad sa altar na nakasuot ng wedding gown." Sambit nito habang naglalaba."Oo nga po. Hindi ko rin po inakala, eh. Hindi ba ang sabi niya noon na wala sa plano niya ang magaasawa?""Hindi talaga natin alam anong mangyayari sa hinaharap, Alana. Nagsasabi lang tayo ng kung anong gusto natin mangyari sa mga buhay natin pero, gagawa talaga ang diyos na paraan para mas bigyan pa tayo na mas higit pa sa gusto natin sa buhay. Siguro, nagkataon na nagtagpo ang landas nilang dalawa. Alam naman natin na mahal na mahal nila ang isa't isa.""Mabuti na lang talaga nagkakilala sila at kung hindi? Palagay ko, single pa rin si Ate hanggang ngayon.""Tama ka, Alana. Pasalamat tayo dahil sobrang bait ng mapapangasawa niya. Magiging masaya na rin siya at magkakaroon na rin siyang sariling pamilya. Ikaw, Alana, may nanliligaw na ba sa iyo?""A-ako?" nagulat siya sa tanong nito. "Wala naman po, Aling Mar! Bakit niyo po natanong?""Baka lang may nagugustuhan ka o may nanliligaw sa iyo. Papahalaanan na kita na bata ka pa at prioridad mo ang Mama mo.""Wala nga po. At sino naman po lalapit sa akin na kayo at si Ate Julia lang sinasamahan ko palagi?" ang kulit naman ni Aling Martha. Sabihin na niya na meron tumatawag sa kanya kapag lalabas siya ng bahay pero hindi naman niya pinapansin iyon."Kung may itatanong ka tungkol diyan, agad mo kaming sabihan. Mahirap na baka matukso ka." Pahabol nito."Hindi nga po!"[ALANA]"Maraming salamat sa tulong mo, hija. Nagustuhan ng anak ko ang reception.""Siyempre dahil ang galing niyo po, Aling Mar! Salamat din po kasi ginawa ninyo akong flower girl. Ang saya ko dahil ito ang unang suot ko na ganito kagandang damit." Sabay ikot. Tapos na ang kasal at reception sa anak ni Aling Martha. Walang naging problema sa buong durasyon ng kasiyahan at kitang kita na nagandahan ang anak nito sa inihandang reception ng ina nito. Ganoon na rin siya. Ginawa siyang flower girl at nakasuot siya ng pinakamagandang damit sa buong buhay niya. May nakapulupot din mga puting rosas sa kanyang ulo. Sa tingin niya para siyang isang diwata sa kasal ng prinsipe at prinsesa."Heto ang premyo ko sa iyo. Siyempre, hindi ka uuwi ng walang dala para sa mama mo."Saya niya ng may binigay si Aling Martha para sa kanya. "Wow! Maraming salamat po, Aling Mar! Magugustuhan po ito ni Mama." Binigyan siya nito ng iilang masasarap na pagkain sa reception tiyaka isang sobre na naglalaman ng pera."Kakaalis lang kasi ng mag-asawa para sa kanilang honeymoon. Ako na ang magsasabi ng thank you mo sa kanila, ah? Umuwi ka na dahil masyado ng gabi. Baka nagaalala na ang mama mo.""Sige po. Nga pala, magpapalit lang po ako ng damit bago ako umuwi.""Huwag na. At bakit ka magpapalit pa ng damit eh sa iyo naman iyan?""Talaga po?! A-akin na po ito?!""Siyempre naman! Regalo din iyan ni Julia para sa iyo.""Naku, maraming salamat po! Sige po, Aling Mar, uuwi na po!"Hindi lang mga masasarap na pagkain at pera ang maiuuwi niya, pati rin itong paborito niyang damit! Hindi na siya makapaghintay na ipakita ito sa mama niya.Naglakad lang siya pauwi. Alas diyes na ng gabi at sa mga dinaraan niya, kokonting ilaw lang ang liliwanag sa daan. Hindi naman siya natatakot maglakad ng magisa dahil alam niya na ligtas ditto pero ngayon, parang may iba.Kaya binilisan niya ang paglalakad. Malapit na rin naman siya sa bahay.Nang laking gulat niya ng may biglang yumakap sa kanyang likuran at binuhat."Bitawan mo 'ko!" sigaw niya rito."Shh... tumahimik ka nga." sabi nito.Pilit siyang pinapatahimik nito pero siya naman pilit niyang pinapakawalan ang sarili sa lalaki na ito."Tulong! Tulong!""Pag hindi ka pa tumahimik diyan, may gagawin ako sa iyo hinding hindi mo magugustuhan!""Tulong!""Hindi ka talaga titigil, huh?!"Pinakawalan siya nito at napatumba na lang. Paglingon niya, isang bulto ng lalaki ang nakita niya. Matangkad ito pro hindi niya maaninag ang mukha nito. Sino ito?"Run. Go home." sabi nito"A-ano...""I'll take care of this, kid. Go home."Hindi niya maintindihan masyado ang pinagsasabi nito kaya agad siyang tumayo at patakbong lumayo. Sino ang lalaki na iyon? Klarong klaro hindi ito taga-rito. Pero kahit ganoon, nagpapasalamat siya na meron nagligtas sa kanya.TO BE CONTINUED...If you like the story and want to update the next chapter, kindly leave a VOTE and COMMENT your thoughts on this story.