Chereads / The Billionaire's Adopted (leexhian) / Chapter 2 - 2 Scandalous

Chapter 2 - 2 Scandalous

[Alana]Sumunod na araw, nandito siya sa resort kasama si Aling Martha at nagwawalis ng mga nagkalat na mga dahon at mga kagamitan na ginmit kagabi sa reception sa kasal sa anak nito.Abala man sa kanyang pagwawalis, lumilipad naman ang kanyang isip sa nangyari kagabi. Hindi niya inasahan na may mangyari sa kanya na ganoon. Iyon ang pinakaunang nakakatakot na naranasan niya na may taong gagawin sa kanya ng ganoon. Takot na takot siya pero, laking ginhawa ng kanyang kalooban ng may isang tao na iniligtas siya. Isang lalaki na sobrang tangkad at sobrang lakas. Kita niya kung papaano nito iniangat ang lalaki na hindi na sumasangyad ang mga sa lupa. Hindi niya nakita ang mukha nito o parte ng kabuuan nito dahil sa kokonting ilaw sa daan. Gusto man niya pero sa sobrang bilis ng pangyayari at takot na rin, agad siyang umalis at umuwi ng bahay.Nakakadismaya lang dahil hindi man lang naintindihan ang sinabi nito. Napabuntong hininga siya. Kung nakapagpatuloy lang siya sa kanyang pagaaral, naintindihan sana niya ang sinabi ng lalaking nagligtas sa kanya.Sana, makilala niya ito at mapasalamatan. Sana nga."Alana!""Aling Mar!" nagulat siya at nabitawan ang walis ng marinig si ALing Martha. "Bakit po?""Anong bakit? Kanina pa kita tinatawag. Anong nangyayari sa iyo bakit tulala ka?"Ay? Hindi na niya napansin. "Pasensya na po, Aling Mar.""May nangyari ba sa Mama mo?""Wala po. Ayos lang naman po si Mama. Ano po, kagabi.""Mabuti naman. Ano ba nangyari kagabi?""May taong nagligtas sa akin kagabi.""Nagligtas?"Ikinuwento niya ang buong nangyari kagabi. Sobrang gulat at pagalala ng marinig ang nangyari sa kanya."Hindi ko nga lang naintindihan ang pinagsasabi niya sa akin kaya umalis agad ako at saying hindi ko man lang nakita ang mukha niya.""Alam ba ito ng mama mo?"Umiling siya. "Hindi ko na po sinabi baka magalala pa siya at lumala pa ang sakit niya. HUwag niyo po sasabihin sa kanya Aling Mar, pakiusap!""Oo na. Ako rin naman baka lumala ang kondisyon ng mama mo ng malaman niya ito. Sana inihatid na lang kita papauwi kung ganoon pala ang mangyayari sa iyo. Mabuti na lang may tumulong sa iyo. Kaya sa susunod, aagahan mo na uwi mo. Baka maulit na naman iyan.""Hindi naman po siguro, Aling Mar.""Hindi. Hanggang alas-kwatro ng hapon ka na lang sa tindahan.""Pero, Aling Mar---""Mahirap na ang panahon ngayon, Alana. Masasabi man natin na ligtas ang lugar na ito, meron pa rin mga taong gagawa ng masama sa kapwa. Mas mabuti na mag-doble ingat tayo lalo na ikaw. Kayo lang dalawa ng mama mo ditto. Naintindihan mo ba ako, hija?""Opo." Wala na siyang magagawa pa. Susundin na lang niya si Aling Martha. Ang gusto lang naman niya ay makilala ang taong nagligtas sa kanya.[Roman Manicci]"Tatlong taon na niyang ginagawa iyan at ngayon niyo lang nalaman?! Nagtatrabaho ba talaga kayo o nagtata*nga-tan*gahan? I've been away for a week tapos ito ang isasalubong ninyo pagbalik ko? Give me the reports! Now!"Kakabalik lang niya sa opisina pagkatapos ng isang linggong business trips at dumalo sa kasal sa isa niyang kakilala sa isang resort. Pagkatapos ng dinaluhan niyang kasal, agad siyang bumiyahe pauwi at bigla na lang siyang sinabihan na meron isa sa kanyang administrator ang gumagawa ng nakakahiyang balita sa madla. Balitang pati ang pangalan at mga pinaghirapan niya ng ilang taon ay baka mawala na lang bigla at hinding hindi niya iyan mapapalagpas!Pinanganak siya sa isang masaganang pamilya pero hindi ibig sabihin hindi na siya gagawa ng sarili niyang yaman. Lahat ng nasa kanya ngayon, pinaghirapan niyang binuo ng walang ano man tulong kanino man hanggang ngayon sa edad na trienta y dos.Pagkatapos, itong Francisco Caprio pa ang unang taong gagawa ng katarantaduhan sa kompanya niya?![Roman]Itinapon niya sa mukha nito ang diyaryo na naglalaman ng balitang nag-hire ito ng pro^^titute at nakunan sa litrato na papasok sa isang hotel. "Wala akong pakialam kung ilang bayarang babae ang ikakama mo pero huwag kang tatan*ga-ta*nga na mataas ang posisyon mo ditto sa kompanya ko!""Paumanhin sa inyo, Sir Macini. Hindi ko naman akalain na may sumusunod sa akin na mga photographer.""Ibig sabihin tanga ka nga! Look, hindi lang media ang kalaban natin ditto pati na ang mga ibang kakompetensya sa negosyo. For sure sobrang saya nila na naeskandalo ka, ako at ang kompanya. Sana magisip ka! Gamitin mo utak mo hindi iyang dinadala mo!""Pasensya na po talaga. Hindi na mauulit ito. If you insist na magre-resign ako sa position at sa kompanya, hindi kop o kayo pipigilan"Umiling siya at napatawa. "Oh, no. I don't believe that sh^t. Hindi mo ba naalala na may malaking utang ka pang hindi nababayaran sa akin? Papaano ka magre-resign?""Ba-bayaran ko iyon lahat. Huwag kayong magalala. Gagawa ako ng paraan.""I'll accept your resignation hanggang sa mabayaran ng buo ang utang mo sa akin. Make sure Francisco, huwag na huwag mo akong tatakbuhan.""Ye-yes, Sir."Kahit mas matanda ito kesa sa kanya, wala siyang pakialam. Alam na nito anong responsibilidad ang nakasabit sa balikat nito pero ito para yata ang umasal na bata sa kanilang dalawa.TO BE CONTINUED...If you like the story and want to update the next chapter, kindly leave a VOTE and COMMENT what are your thoughts on this story.