Haru wada's POV
Marahan akong tumayo sa aking kinauupuaan ng matawag ni ms.yui ang aking pangalan. Hindi ko din alam kung bakit sa dinami dami ng studyante sa loob ng hall ay ako ang napili n'yang tawagin Hindi ko tuloy mapigilan ang mainis.
Lahat sila ay naka tingin sa'kin ultimo handa na ang lahat na
Marinig ang sagot ko. humugot ako ng malalim na hininga at
Pasimpleng sinulyapan ko si shun pero sa mga oras na 'yon
ay seryoso s'yang nakatuon ang atensyon n'ya sa harapan.
Tuluyan akong nilamon ng kaba dahil hindi ko alam ang isasagot
Ko kay ms. yui , naalala ko naman ang mga lesson na dinuscuss samin pero hindi ko talaga matandaan kung alin don ang exact na sagot na painting ni Egon Schiele. Gusto kong pumikit at mawala nalang sa mga oras na ito. if my parents watching me in this situation they will probably look so disappointed. Di man lang ako na inform na one by one pala ang pag rereview ng lesson dito.
"Don't just stand there. Do something" mahinang bulong sa'kin ni shun na ikina - inis ko.
Do something eh hindi ko nga alam gagawin ko.
"Uhm haru?.. do you know the answer? Tanong ng professor naming na mukhang na buryo na kakahintay ng sagot ko.
Nagkasunod - sunod muli ang paglunok ko at napapahiya akong umiling - iling.
"Anyone in the class , who wants to answer the Question? Pilit na ngiting sabi ni ms yui.
Nilingon muna ako ni shun bago mag akma ito na mag taas ng kamay pero bago n'ya pa man gawin iyon ay naunahan na s'ya ng isang lalaking nakaupo sa magkabilang gilid ng hall. Nakuha n'ya ang atensyon ng lahat kabilang na ako.
"Yes , surya? Stand up! "
Taas noo itong tumayo at ikinagulat ko naman ng magkasalubong kami ng tingin. ang paraan ng pagtingin n'ya ay kalmado pero mapusok.
Nananatili parin akong nakatayo pero nando'n parin ang kaba sa dibdib ko. Ramdam kong may humihila pababa Sa laylayan ng uniform ko , si shun. at sinabihan n'ya ako na maupo na.
"The museum of modern art opposing the Austrian painter Egon Schiele over his painting 'portrait of wally' in 1939" sagot ng lalaki , mararamdaman mo talaga sa boses nya ang confident na meron s'ya hindi lang siguro ako pero madami ang humanga sa kanya.
"Wrong!" Nabigla ako sa biglang pag asik ni shun
"Its the government , not the museum has custody of the artwork"
"At pano mo naman nasabi?" tanong ng lalaki.
"Ang mga namamahala sa museo na ang mismong nagsabi na wala sila sa posisyon para kwestyunin ang pag mamayari ng painting"
"So sinasabi mo ngayon na mali ako?" garalgal at may halong inis ang paraan ng pakikipagusap nito kay shun.
"Exactly" sagot ni shun.
Nagkatitigan ang dalawa , matagal. Napakatagal. Parang may isang kuryenteng na naka konekta sa kanilang mga mata pinakikiramdaman ang bawat isa walang namutawing salita , tanging mga masasamang tingin ang ibinubuhos ng kanilang mga kaluluwa.
"Okay class enough , pay attention let's continue our discussion" binasag ni ms yui ang katahimikan at nagpatuloy ang lahat na nakinig sa klase.
Nilingon ko si shun. "Hey , who's that boy?" Tanong ko.
"He is surya" walang emosyong sagot n'ya
"Surya??"
"Noong kasalukayang namimili ang university ng mga student council , surya is one the the candidate in presidential role along with enmei"
"Si President enmei? Eh anong nangyari ? "
"Marami ang nasa panig ni enmei , maraming student ang gustong maging president si enmei at ikinagalit ito ni surya na naging resulta sa hidwaan nilang dalawa ni surya at enmei. Umabot pa sa puntong nagkasakitan sila. hanggang ngayon ay wala pa ding pinagbago si surya puno parin s'ya ng galit at inggit sa puso n'ya.
Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni shun ay nilingon ko ang direksyon kung saan nakaupo si surya nagulat ako nang makita kong masama at deresto ang tingin sakin. Dali dali akong nag iwas ng tingin at umarte na nag fofocus sa discussion.
Tsk. Anong tinitingin nya? Kailangan kong mag ingat sa kanya.
Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa klase hanggang sa natapos din. Sabay sabay kaming bumalik ng room. Nauna nang Umuwi ang iba kong mga kasama pero dumeresto muna ako sa locker upang magpalit ng damit.
Nakasimangot ako habang nagpapalit ng damit pero unting unting napalitan iyon ng ngiti ng makita ko ang hugis pusong lunchbox na ibinigay sakin ni rui
Hay nagabala pa sya
Binuksan ko na ito at nakita ang apat na cookies mukha itong masarap kaya kumagat ako ng kaonti. Habang ngumunguya nguya ay may napansin akong hindi pamilyar na libro sa loob ng locker ko. Wala akong maalala na kumuha ako ng ganitong libro at saka ko napagtanto na kay ruiji ito.
Gusto kong ibigay sa kanya ang libro pero di ko alam ang room number n'ya kaya kaagad hinanap ng mata ko si shun at umaasang hindi pa sya nakauwi.
Hindi naman ako nabigo natyempuhan ko s'yang nagaayos ng gamit sa room.
"Shun.." Tawag ko.
"What?" Singhal nya.
"Can you take me to your brothers classroom?" Deretsong tanong ko na ikinagulat nya.
"At bakit naman?"
"Ibibigay ko 'tong libro na naiwan n'ya"
"At bakit naman nasayo ang libro ng kapatid ko?"
"Wag ka na magtanong tara na dali" hinila ko s'ya palabas ng room at tumuloy sa paglalakad.
Hindi ko maintindihan ang excite na nararamdaman ko parang ang tagal na ng huli naming pagkikita ni ruiji.
Nang makarating kami sa room ay sinalubong kami ng isang babaeng maiksi ang buhok parang bang masaya ng makita ako.
"Haru , what brings you here? " Tanong n'ya sabay hawi sa buhok"
"We're here for rui , can you call him? " Tanong ni shun.
"He's not here , he went to admin office"
"Is that so? , Okay thanks , let's go haru"
"W-Wait-
Pigil sa'kin ng babae ng makita n'yang paalis nako.
"Natanggap mo ba yung cookies na pinadala ko sayo?"
" sayo yon? " Gulat na tanong ko.
"Hindi nasabi sayo ni rui?"
"Hindi eh , but thankyou , we're leaving. See you"
Bakas sa mukha n'ya ang lungkot pero hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paghahanap kay rui.
Natagpuan namin si ruiji sa isang bakanteng lamesa na magisang nag rereview mukha syang seryoso sa kanyang binabasa . Bahagya akong lumayo at pasimple s'yang pinagmasdan tinignan ko s'ya ng diretso at ganon nalang ang gulat ko nang magtama ang paningin namin. May bahid ng tuwa at pagtataka ang mukha n'ya at dali dali ko s'yang nilapitan at inilahad ang librong naiwan n'ya sakin.
"I forgot to give you this earlier , im sorry" sabi ko habang deretso ang tingin sa kanya.
"Thankyou haru" tugon n'ya at tumango pa.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napapangiti ako kahit wala naman siyang ginagawa.
"Hindi naman ako mag tutor ngayon kaya hindi ko naman kailangan to , pero salamat sa effort" dagdag n'ya.
"Nag tu- tutor ka?"
"Yes , actually im teaching art to those people who wants to study arts"
Kakaibang tuwa ang umusbong sa dibdib ko. Mukhang eto na ang sign na kailangan ko.
"Rui , pwede ba akong mag patutor sayo?
End of chapter 7