Nakatingin lang si Aoi sa labas ng bintana ng coffee shop. Kaninang umaga pa lang lumapag ang eroplanong sinakyan nila papunta dito sa Pilipinas. Hapon na ngayon ngunit hindi pa rin matapos-tapos ang pagkamangha niya sa paligid. Puro mga nakangiti ang mga taong nakikita niya. Tila wala silang mga problema dahil sa gaan ng aura nila. Malayong malayo sa kinagisnan niya sa Barcelona, Spain.
"Aoi!"
Napaigtad siya nang bigla siyang tawagin ng malakas ng mommy niya. Nawala sa isip niyang kasama niya pala ito ngayon while her dad's in the hotel, resting. She apologetically looked at her.
"Estás conmigo? Esta usted escuchando? (Are you with me? Are you even listening?)"
"Lo siento. (Sorry)." she winced. "es solo eso, el lugar era tan molesto. Qué estabas diciendo mamá? (Nakakadistract lang po kasi yung place. What were you saying mom?)"
"About your study."
She mentally rolled her eyes. She's in the fourth year in high school. Sa Espanya naman talaga niya balak magtapos ng high school, but due to their business, kinailangan na nilang lumipat sa Canada dahil may kailangang asikasuhin ang parents nya doon. Masaya rin sa part niya kahit papaano na pansamantala silang lumipat sa Canada dahil doon niya rin balak mag college.
Ngunit sa kasamaang palad ay iiwanan sya ng parents niya dito sa Pilipinas kung saan ang kuya niya.
And about her studying here in Philippines, it's all her brother's fault. She doesn't want to study here in the first place.
Sino ba naman kasi ang baliw na gugustuhing tumira dito?! Eh alien ang mga tao dito. Ang hihirap intindihin!
Ambassador ang papa niya at business woman naman ang mama niya. May kumpanya sila sa ibat ibang bansa at marami syang napupuntahang lugar kaya natututo syang magsalita ng ibat ibang lungguwahe.
Matalino sya at halos lahat ng language ay alam niya except sa isa. Ang Filipino language at kahit kailan ay wala syang balak mag-aral at matutong magsalita ng filipino.
Her mother sighed. "As I was saying, you have to work while you study here. You must work hard. And 'never' will I know you're blabbering on like this."
Agad na nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Qué?! Seré un estudiante que trabaja? (What?! Will I be a working student?!)"
Her mom nodded. Hell no!
"But mom—"
"That's final. In the job you want to get into in the future, your older brother is right, you really need to learn a lot first. Remember the condition," tiningnan siya nito ng seryoso. "you need to prove us that you can already live independently. On. your. own. And after you finish your high school here, okay, you're free to fly in States and enter that school you've been talking about."
Nalukot ang mukha niya. Her brother is really a pain in the ass. Damn him and his suggestion!
Now, she needs to live her life here for one year. And worst, she needs to work for f-ck's sake! Matagal-tagal ding paghihirap 'yun.
Ito kasi ang nagsuggest sa mommy at daddy nila na kailangan niya munang patunayan na kaya na niya bago siya makakapag-aral sa school sa States kung saan nag-aaral ang mga tulad niya. Bukod kasi sa mga mga magulang nila ay isa pa itong tutol sa trabahong gusto niya. Nakakainis talaga ang mokong na 'yon! Buwisit!
"Are we clear?" her mother asked.
"Por qué es necesario estar aquí en Filipinas? (Why is it necessary to be here in the Philippines?)Why not States directly?" pangungulit pa niya.
Her mother sipped its coffee before speaking. "You will not have a hard time there. Besides, we might just find out that you are already studying at the school you say we do not know"
"But, mom! I don't want it here. Didn't you know that all people here are aliens?!"
Pinanlakihan siya ng mata ng mommy niya. "Your mouth!"
Natigilan siya. Dahan-dahan niyang inilibot ang paningin sa loob ng coffee shop at nakita niya ang mga matatalim na tingin sa kaniya ng mga nakarinig.
They heard it! And they understand it! Damn! I'm doomed!
Awkward silence. "Just kidding. He-he-he" She gulped and avoided their gaze.
Pagkatingin niya sa ina ay masama rin ang tingin nito sa kaniya.
She pouted. "pero esa es la verdad (But that's the truth)." mas hininaan pa niya ang boses at siniguradong silang dalawa lang ang makakarinig. "They talk like an alien."
Her mother face palmed. Para bang nagtuturo ito sa isang four years old na bata pero pasaway. "It's their language for heaven's sake."
Tumahimik na lang siya. Baka mamaya ay may masabi na naman siya hindi na siya makakabas dito ng buhay.
"And one more thing, your older brother is also here."
She sighed in defeat. "That idiot." she rolled her eyes. "And worst, he's training to be an idol in one of the entertainments there without us knowing?!"
Napailing na lang ang mommy niya. Siguro nakukulitan na sa kaniya dahil mula nung tumawag kanina yung kuya niya ay nakailang ulit na niyang nasabi ang mga salitang 'yan.
Nagpapadyak pa siya sa sahig.
KASALUKUYAN siyang nagda-drive ng kakabili niya lang ng motor na gagamitin niya habang nandito sa Pilipinas. Pupunta siya ngayon sa mall para magpaalis ng boredom. Pagkabalik kasi nila kanina sa hotel galing sa coffee shop ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang manood lang ng tv. Kaya naisipan niyang gumala muna. Total bukas pa naman sila bibyahe papuntang Manila, sa magiging condo niya.
Sa gitna ng pagmamaneho, biglang may isang binatang tumatawid sa di kalayuan. Binusinahan niya ito ngunit parang wala itong naririnig. Bigla siyang nataranta dahil alam niyang mabilis pa naman siyang magpatakbo. Wala pa rin siyang tigil sa pagbusina.
Ilang metro na lang ang layo nila ng binata at dala ng kaba, takot, at taranta ay bigla siyang napapreno at bigla itong napalingon. Huminto ang motor isang metro mula sa binata.
Inis na tinanggal niya ang kaniyang helmet. "Oye! Qué?! Huirás ?! Estúpido! Si quieres suicidarte, no te identifiques con otras personas! (Hoy! Ano ba?! Magpapasagasa ka?! Ulol! Kung magpapakamatay ka, 'wag mo akong idamay!)"
Nakatingin din ito sa kaniya ng masama na para bang papatayin na siya. "Alien! Papatayin mo ba ako?! Hindi mo ba nakikitang may tumatawid na tao dito?! Alam mo, miss, kung magpapakamatay ka, wag mo akong idamay!"
Pakiramdam niya ay biglang sumabog ang isa sa mga brain cells niya. What is he talking about?!
Ngumiwi siya sa mga tinuran nito. Yeah right, I forgot there's an aliens living in here.
"Oye alienígena! De qué estás hablando?! Estamos en la Tierra, locos! No en Marte, no en Júpiter, no en Plutón, no estamos en tu planeta para que digas eso! (Hoy alien! Ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo?! Nasa Earth tayo, ulol! Wala sa Mars, wala sa Jupiter, wala sa pluto, wala tayo sa planeta mo para magsalita ka ng ganyan!)" sigaw niya dito.
Sobrang inis ang nararamdaman niya. Kaskasera pa naman siyang magdrive. Paano kung hindi siya nakapagpreno agad at nasagasaan ito? Edi siya ang dehado, konsensya na nga niya, makukulong pa siya. Alangan namang maghit and run siya? Ulol.
"What a bitch! Pwede bang magsalita ka ng maayos?! Wag mong gamitin sakin yang alien language mo!" huminto muna ito at tiningnan siya ng masama. "At ang kapal nga naman ng mukha. Hindi man lang nagsorry!"
Tinaasan niya lang ito ng isang kilay. Walang patutunguhan ang usapan nilang ito. Wala talaga dahil hindi naman sila nagkakaintindihan.
"Peste!" Sigaw nito sa kaniya nang mapansing hindi siya magsasalita.
Mas tumalim ang tinginan nila. Mukhang tumitibok na ang mga ugat niya sa utak sa mga pinagsasabi ng lalaking ito.
Napabuntong hininga na lang siya.
"imbécil. Me estás haciendo perder el tiempo. (Dimwit. You're just wasting my time.)" sumenyas pa siya ng parang nagtataboy ng aso para kahit papaano ay maiparating niya ang gusto niya. "You go!You! You shooo! Shoo!"
Sinimulan na niyang paandarin ang motor niya kung kaya't tiningnan muna siya nito ng mas matalim bago gumilid. Ngunit hindi pa nakakalayo ay inihinto niya ang kaniyang motor at nilingon ito.
"Mahal kita!" sigaw niya dito at iniwagayway pa dito ang kamay niya saka ngumisi ng nang-aasar.
Narinig niya yun sa mag-asawang nakasabay nila sa eroplano kanina. Ngunit sa kasulok-sulukan ng isip niya ay hindi din niya alam ang ibig sabihin nun.
Bakas naman ang magkahalong gulat sa mukha ng binata. Ngunit hindi din yun nagtagal at namutawi na ng inis.
Bago pa siya makaalis ay tumuro pa ang dalawang daliri nito sa sariling mga mata bago siya itinuro gamit ang mga ito at binigyan siya ng hindi-pa-tayo-tapos-look.
Inirapan niya lang ito bago siya umalis. Yun ay kung magkikita pa sila.
HOPE YOU LIKE IT. - vyschyn