Chereads / A Mystery Named Aoi / Chapter 3 - 1st MYSTERY

Chapter 3 - 1st MYSTERY

6 years later ...

"Yeah. I'm almost there—wait" natigilan siya nang makaharap na sa tatlong magkakalapit na building. "Where the hell is you're building here, Pada?"

Kausap niya sa telepono ang kaniyang magiging boss. Simula ngayong araw ay isa na siyang ganap na solo artist sa isang sikat na entertainment, the BH entertainment. Papasukin na niya ang mundo ng camera. Isang linggo na lang at ipapakilala na siya sa lahat, in her debut.

Haysst. So exasperating. Boring. Malayo'ng malayo sa buhay na gusto ko.

She entered the biggest building among the three like what Pada said over the phone. Dala-dala ang dalawang maleta ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nang makapasok siya ay agad na sumalubong sa kaniya ang sigaw ng napakaraming tao. Maybe a staffs here.

Wow! I didn't expect they will have a warm welcome party for me. I'm so flattered right now.

May nakasulat pa sa isang napakalaking tarpaulin na 'welcome Aoi'. Dahil sa nararamdamang labis na saya ay hindi niya maiwasang ngumiti sa mga ito ng matamis. How I love to befriend them all... for purpose.

Maya-maya pa ay narinig na niya ang napakapamilyar na boses. "Great!"

Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses at hindi nga siya nagkakamali, it's Pada. Ito lang naman ang tumatawag sa kaniya ng ganon. His real name is Paul Dani but she prefer call him Pada. Nakita nga niya ito na naglalakad papalapit sa kaniya at may kasamang mga naggagwapuhang nilalang. Ngunit ang isa sa kanila ang nakaagaw ng atensyon niya.

Nanlaki ang mga mata niya at nahigit ang sariling hininga dahil sa gulat. Parang gusto na niyang umiyak sa saya dahil nakita na niya ito pagkatapos ng nakalipas na mga taon.

I didn't know he's working here. Though, I'm really happy.

Agad niyang inayos ang expression niya bago pa may makakita. Ibinalik niya ang walang emosyong mukha. She just acted like she had seen nothing.

She nodded. "Pada!" they hugged each other. "Good afternoon!"

"You too. Whoaah!" tiningnan siya nito. "Kumusta ka na?"

"Ayos lang. In fact, I feel great!." inilibot niya ang paningin at ngumiti ng tipid.

"By the way, I want you to meet them." sabay turo sa mga kasama nito. "They're the Bangtan" sabay turo sa pitong nasa kaliwa. "And this is the Txtbois." sabay turo naman sa limang nasa kanan. "Minun is not here. He's in his vacation."

Tumango-tango siya.

"They're also an artist here." dugtong pa nito.

They're already familiar to her. Sikat kasi ang dalawang grupong ito at ang isa pa nilang solo artist. Hindi niya lang talaga alam na isa lang sila ng entertainment na pinasukan.

Isa-isa namang nakipagkamay ang mga ito sa kaniya at nagpakilala. Mukha pa nga silang nakikipag-unahan. Nailing na lang siya sa isip. So cute.

"Hello! Kyle here, this is Don, and I'm Lucky."

"Somi! Nice meeting you!"

"Keifer... don't forget." he said and winked at her.

He's handsome though. They all are.

"I'm the sunshine of the group, Vin. And this is the small Julien." Sabay turo sa katabi nito na nakasimangot na ngayon dahil sa sinabi nito.

"You know me? Syempre hindi. I'm  Thunder and I'm rich."

Nailing na lang siya sa mga tinuran nito at napangisi. Aaminin niyang medyo gumaan ang pakiramdam niya. Mukhang hindi naman siya mahihirapang makasalamuha ang mga ito. Kanina kasi ay parang mga seryosong tao sila tingnan. Hindi naman pala.

"Sean" sambit nung isa ngunit hindi ito nakipagkamay sa kaniya.

Tiningnan siya ng masama ng katabi nito, dahilan para mapabuntong hininga ito at abutin ang kamay niya ngunit biglang tumaas ang kilay niya nang ang dulo ng daliri lang niya ang hinawakan nito. Gago to ah! Ang arte! Ano ako, may nakakahawang sakit?!

"Geuleul singyeong sseujima (Don't mind him)." at ngumiti ito. "Geugeon geuleohgo, naneun Spaun-ibnida (By the way, I'm Spaun)."

Tumawa ang isa. "Fil-Span yan, hindi Fil-Kor." Sabi nito kay Spaun. "my name is Sky, the most handsome in the whole world."

She secretly rolled her eyes after hearing those words. A piece of a smug man.

"Good day! I'm Art, nice to see you, again, and welcome to your new home."

Mukhang ito lang talaga ang matinong kausap sa lahat.

She nodded and waved her hand. "Hi! My name is Aoi. Nice to meet you all."

Nakita niya namang napakamot ng batok si Spaun na ikinatawa ng iba. Habang naglalakad palayo sa kaniya ang mga ito ay narinig niya ang ilan sa mga usapan ng mga ito.

"Hoy, Sky, ano na naman bang pinagsasabi mo dun?" —Art.

"Ano na naman ba?" —Sky.

"Anong Fil-Span at Fil-Kor yun ha? Sariling lengguwahe mo na naman?" —Art.

"Ulol! Fil Span at Fil-Kor lang di mo pa alam?! Eh ano bang Fil-Am? Filipino American diba? Eh Fil-Span, Filipino Spaniard. Fil-Kor, Filipino Korean. Bobo."—Sky.

"Langya ka....." —Art.

Hindi na niya narinig ang iba dahil nakalayo na ang mga ito. Napailing nalang siya sa mga kasamahan.

Ilang oras na ang nakakaraan at masaya syang tanggap sya ng lahat. Hindi nga lang halata sa mukha niya. Mapa-artista man of staffs. Mababait silang lahat. Masarap kasama. Gusto sya ng lahat.

All, except one.

Pinasadahan niya ng tingin si Sean at napairap sya nang makitang masama na naman syang tinitingnan nito.

"Ano ba'ng kasalanan ko sa taong yan at parang gustong gusto akong patayin?" bulong niya sa sarili.

Nagkakasiyahan ang lahat. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at lumapit sa buffet area. Hindi pa sya nabubusog sa dami ng kinain niya kaya ngayong araw, magsasawa sya sa mga pagkaing nakaahin sa kanila. Para naman sa kanya ang party na to eh.

"Having fun?"

Napaigtad sya sa nagsalita. "Wag ka namang manggugulat."

Natawa si Spaun. "Sorry."

Umupo na sila sa malapit na table.

"So... what do you think about this kind of life?"

Nilunok niya muna ang kinakain bago sya sinagot. Naniniwala kasi ako sa kasabihang don't talk if your mouth is full.

"Exciting." pagkatapos ay ngumiti sya ng tipid. "I can make friends. Marami kang makakasalamuhang tao. Iba't ibang uri nga lang. May mabait. May masungit. May totoo. At may made in China."

Natawa si Spaun sa sinabi niya. "Then, aren't you annoyed? I mean— you know— we don't know who's the real one, or the fake one. We don't know who we are going to trust."

She sighed. "Mmm... kinda. But do we have a choice? Ito ang ginusto nating buhay. Tayo mismo ang pumasok sa mundong ito. So be it."

"I wonder what you had in mind to enter this world."

Napangisi sya. "Do you wanna know why?"

Napailing sya nang makitang agad na nakatutok sa kanya ang atensyon ni Spaun. "Ang chismoso mo rin ano?"

Napakamot lang sa sintido si Spaun. Kaya napailing na naman sya. Kapagkuwan ay napatitig sa ceiling.

"It's because of my hoodoo brother. Sya ang nagpasok sa 'kin sa mundong ito. Imagine?! Masaya na ako sa buhay ko, tapos biglang mambubulabog sya sa bahay ko nang alas kuwatro ng umaga at binwiset niya ako?!"

"Oh.. Chill. Hindi ako ang kuya mo." natatawang awat ni Spaun nang tumaas ang boses niya habang nagkukwento.

"Eh nasaan ang kuya mo ngayon?"

Iginala niya ang masasamang tingin sa mga tao na nandito sa party.

"Ang buwieset na yun." bulong niya nang makita ang hinahanap. "Ayun. Nagsasaya na na para bang wala syang nabubwiset na kapatid. Peste talaga."

Tumawa lang ng walang humpay si Spaun sa naging sagot niya. Umiling lang sya dahil parang nasisiyahan pa si Spaun sa naging istorya ng buhay niya.

"Baliw rin pala ang isang 'to." bulong niya.

Muli niyang iginala ang paningin at aksidenteng nahagip nito si Sean.

As always, masama na naman ang tingin nito sa kanya. Para mas mapikon ito ay ngumisi sya ng nang-aasar sabay amba ng suntok kunware.

Sumenyas si Sean sa kanya ng parang gigilitin ang leeg na para bang ipinapahiwatig nito na patay sya rito. Inirapan niya lang ito.

Narinig na naman niyang tumawa si Spaun. "Ano bang problema nyong dalawa?"

"Seriously? Ano ba ang problema niyang kaibigan mo sa 'kin?" inis na tanong din nya.

Nagkibit balikat lang ito.

Ilang sandali pa ang nakalipas at nagpaalam muna si Spaun sa kanya sa sasamahan muna ang mga kaibigan. Niyaya pa sya nito ngunit tumanggi sya at sinabing magpapahinga saglit.

Siya naman ay pumunta na lang sa labas ng building at naglakad lakad hanggang sa namalayan niyang nasa isa syang garden sa sa gitna ng syudad at doon umupo sa isa sa mga benches.

Napangiti sya sa nakikitang view. Napakaganda ng mga bulaklak at parang alagang alaga. Matitingkad ang kulay at mabango ang halimuyak. Parang kahit na sinong tao ay marerelax kung makakapunta sa lugar na ito. May ilang mayayabong na puno rin na hindi naman masyadong mataas.

Napabuntong-hininga sya. "Sino naman ang mag-aakalang nag-eexist ang ganito kagandang lugar sa gitna ng syudad?"

Napapikit sya habang nakangiting nilalanghap ang sariwang hangin.

Habang busy sa kaka-appreciate ng view ay may isang tinig syang narinig na dahilan ng pagtibok ng mabilis ng puso niya. Parang gusto na niyang tumalon sa saya.

"It's been awhile...."

Ang boses ng taong matagal na niyang gustong makita. Ang tanging taong nakuha ng atensyon nya mula noon. Ang tanging taong minahal niya mula noon..... at tila hanggang ngayon.

Ems...