Tumatakbo ako papunta sa classroom dahil first day na first day late ako! Hindi ako ginising ni manang dahil akala nya di ako papasok. Ganon na ba ako katamad? Buti na lang wala pang teacher at naguusap-usap ang iba naman mga kaklase. Senior high na pero iisang muka pa rin ang mga nakikita ko. Maliban na lang sa ibang tahimik na mukang transferee.
"Rain! Hi mamshieeee!" tawag sakin ni Mela. Nakita ko sila sa gitnang row ng classroom at ka chikahan si Lara. "I missed you!" sabi nya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
Mela is my childhood friend. BFF ang mommy namin dahil classmate din sila since high school at iisang village lang kami nakatira. Well, Lara and I met nung high school. Transferee din sya so in-approach namin sya para naman may kasama sya.
"Mami haggard agad hahaha." pang aasar ni Lara. Napa irap lang ako sakanya at nilabas ang phone ko.
Napansin kong tumahimik ang lahat kaya napatingin ako kila Mela na nakatingin sa pintuan. May lalaking naka tayo doon. Matangkad, maputi at pogi naman. Muka syang student athlete dahil sa tangkad nya. Mukhang nag hahanap sya ng uupuan nya kaya napatingin ako sa seat na bakante sa tabi ko. Yun na lang ang bakante kaya naman inalis ko na ang bag ko at nilagay na sa upuan ko. Epal lang at sisikip na ang arm chair ko.
Umupo naman agad sya at nakita ko ang mga titig ng girls na parang inaadmire nila 'tong lalaking to. Sino ba to? Tiningnan ko yung dalawa at kulang na lang mag laway sila.
"Mela laway mo." sabi ko at agad naman nyang hinawak ang labi nya kaya natawa ako. Uto-uto lang. Hinampas naman nya ako don.
"Knok knok! Students sino sainyo si Rain?" tanong ng isang lalaking student na mukang pinadala na naman ng faculty para tawagin ako. Tangina ayoko na maging student council president. Pagod na braincells ko. Tatayo na sana ako ng mag salita pa sya ulit. "Isama mo daw si Mr. Miguel Alonzo." kinikilig nyang sabi. Napatingin naman ako sa lalaking ka tabi ko. Kinulbit ko sya at tiningnan naman nya ko.
"Tara, mukang ikaw naman yung tinutukoy nya at ikaw lang ang transferee na lalaki dito." sabi ko at kinuha ko ang cellphone at wallet ko. "Mela gamit ko ha," habilin ko kay Melany.
Agad din namang tumayo si Miguel, according sa sinabing name nung tumawag saming dalawa. Kinuha lang din nya yung phone at wallet nya at kinausap din si Mela.
"Can you also look for my things?" sabi nito. Napa irap naman agad ako at nakita kong kinilig ang bruha.
"Yeah sure!" sagot ni Mela. Kinurot naman nya si Lara at tumawa pa ng sabay. Mga baliw.
Lumabas na ako ng room at bumaba na sa first floor para pumunta ng faculty. Ang daming bumabati sakin dahil siguro ako ang strict na student council president. I want them to respect every student in the campus as long as ako ang president. Wala na rin gaanong bullying na nagaganap. Bumati rin ako sakanila para bilang pagbati na rin.
Pag pasok ko pa lang ng faculty agad na tumakbo ang adviser ko papunta sakin. Mukang nagmamadali.
"Rain oh my god," sabi nya at tumigil muna para kumuha ng hangin at makapag salita ng ma ayos.
"Ma'am." sabi ko sakanya.
"Rain I have something emergency. I can't meet you guys today, so you can go home early. And this is Mr. Alonzo he's a transferee. Pwede mo ba syang samahan sa gym and talk to the coach na sya yung bagong team captain." diretsong sabi ni Ma'am Aguilera.
"Sure Ma'am. Anything else?" tanong ko pa. Baka kasi may habilin pa eh nakaka pagod may akyat baba eh.
"Nothing follows. You can go na!" sabi nya sakin at tinusok ako sa tagiliran.
Napalingon naman ako sa lalaking nag kakalikot na ngayon ng cellphone nya. Napatingin sya sakin at tinaasan ako ng kilay.
"What?" tanong nya.
"Watawat." pilosopong sagot ko at inirapan sya.
Umakyat na ulit ako sa room para sabihin ang bilin sakin ng adviser namin. Nagdiwang naman sila agad at nag plano kung san sila pupunta. Parang high school pa din talaga.
"Mela di ako makaka sabay. Kailangan ko pa syang samahan sa gym." sabi ko na parang labag sa loob ko.
"Okay lang. Sm kami ni Lara, inaya ko na rin sila Cas at Jasper." sabi nya. Kumpleto pala kaya balak kong sumunod sa mall. Hindi kasi namin kaklase yung dalawa dahil STEM sila. ABM naman kami.
"Sunod ako. Chat mo ko." sabi ko sakanya at lumabas na ng room. Nagulat naman ako kay Miguel at naka harang pala sya sa hagdan muntik na kaming mag dikit.
"Bakit ka ba nanjan?" iritang tanog ko sakanya.
"Inaantay ka malamang. Sasamahan mo pa ko di'ba?" sabi nya sakin.
"Tss. Di mo ba alam kung san ang gym? Laking laki na eh." sagot ko kahit alam ko naman na kailangan ko talaga syang samahan. Di naman sya super layo pero malayo. Ha? Gulo ko.
"Bye kuya guard!" bati ko sa guard ng building na 'to. Wala na sanay lang kami na binabati namin ang guards sa school.
"Rain!" rinig kong sigaw ng pangalan ko. Nakita ko naman agad si Jasper na pa-takbo sa direksyon ko. Ginulo agad nya ang buhok ko kaya pinalo ko ang kamay nya. Tumawa lang sya.
"Hi bro." bati ni Jasper kay Miguel na mukang naiinip na.
"Hey." tipid na sagot ni Jasper at tumingin sakin.
"Ah, Jasper we need to go. Sasamahan ko pa kasi sya eh." paalam ko sakanya.
"Sige ingat ka. Chat mo ko kung papunta ka na." sabi pa nya at kumaway na. Jasper Aquino ang boy bestfriend ng barkada. Friend na rin namin sya since high school pa lang.
Nang maka rating kami sa gym, nakita ko agad ang coach ng basketball team ng school. Which is my Tito. He's a basketball player since he was a kid. Laging kwento ng mommy ko yun dahil madami daw ang nagbibigay ng love letter kay tito.
"My Rain what brought you here?" tanong nya sakin at hinalikan ako sa ulo. He doesn't have kids. Kaya naman spoiled ako sakanya. Tinuring nya akong anak lalo na't laging nasa business trip ang parents ko. "And who is he?" dagdag pa nya. Napatingin naman ako kay Miguel na mukang kalmado pa rin.
"Ah, he's Miguel Alonzo tito. Ms. Aguilera told me that he is the new team captain." sabi ko kay tito.
"Ikaw pala 'yon. Okay." tumatango-tangong sagot ni tito.
"Okay na po ba tito? Can I go na?" tanong ko at kating-kati na akong pumunta sa mall.
"Yes you can go na. Tomorrow Miguel, 3pm start ng training." sabi ni tito kay Miguel.
"Yes coach." sagot naman nito.
Kumaway na ko sa tito ko at lumabas na ng gym. Mag aantay na lang ako dito ng jeep di pa naman punuan kasi di pa talaga labasan. May isang jeep na dumaan kaso puno naman. Kaya nag antay pa ulit ako ng iba pang jeep. Naramadaman kong nag vibrate ang phone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko agad at sinagot kung sino ang tumatawag. Si Lara lang pala.
"Oh?" sagot ko.
[San ka na?] tanong nya.
"Nag-aantay na ng jeep." sagot ko naman. Ang ingay na sa background nya so baka na sa mall na sila.
[Okay, sa kfc kami kakain. Wait ka namin, ingat ka.] sabi nito at binaba agad ang tawag.
Nagulat ako sa mga lalaking biglang dumating at tumabi sakin kaya lumayo ako. Nakita kong kakilala pala nila si Miguel. Baka dati nyang ka team? Whatever bat' ko ba iniisip?
"Ano bro? Ganda 'no?" rinig kong sabi ng isa nyang kaibigan
"Ewan ko sainyo." para akong chismosa ditong nakikinig sa usapan nila.
Kaya naman ng may makita akong jeep agad ko itong pinara para maka sakay na. Medjo gutom na rin ako kakauli dito sa school.
Pag sakay ko akala ko makaka ligtas na ko kay Miguel pero kasabay ko pa rin sya sa jeep at katabi ko pa. Nakita ko ang mga studyanteng naka tingin saming dalawa. Well, kung ano man iniisip nila tantanan na nila ngayon.
"Oh bayad." sabi nitong katabi ko. Inis akong inabot ang bayad nya at pinasuyo sa ibang pasahero pa.
"Ilan dito iho?" tanong ng driver. Iaabot ko na rin sana ang bayad ko ng hawakan nya ang braso ko para pigilan akong mag bayad.
"Dalawa manong keep the change." sabi nito at umayos ng upo at ang kapal pa ng mukang sumandal sakin.
"Alam mo thank you sa panlilibre pero pwede ba umayos ka ng upo? Feeling close ka." inis kong sabi sakanya.
Di sya kumibo at pinikit pa ang mata. Bwisit ang daming studyante baka sabihin malandi ako at ito pang transferee na 'to ang nilalandi. Hello, malandi ako pero iba lang feeling pag ganito tsaka 'di kami close!
"Miguel." tawag ko dito.
"Just stay still." paki-usap nito. Napa ikot na lang ang mata ko sa dismaya. Issue na naman to. Pusta nasa student spotlight na ako nito.
Mabilis lang naging byahe at malapit na agad ako sa babaan papuntang Sm. Inalog ko ang balikat ko para magising 'tong si Miguel.
"Ayos na, bababa na ko." malumanay kong sabi. Agad din naman nyang inangat ang ulo nya at sinagot ang tawag sa telepono nya.
Di na ko nakinig at bumaba na sa jeep. Dumiretso ako sa kfc at agad kong nakita sila Mela. Umupo ako sa tabi ni Cas at inakbayan naman ako nito.
"I'm so tired." sabi ko.
"Eat up girl. Retired na kasi hahaha. Tama na para naman maka gala tayo!" sabi nito sakin. Iniisip ko na rin yan tutal grade 11 na ako. Iiwan ko na 'tong posisyon na 'to.
"I'm planning to do that tho. Di ko alam pa'no ako magsasabi. You know them." rason ko sa kanya. Kumain na rin naman ako agad nang ilapag ni Jasper ang order nya para sakin. Flavored shot lang and coke ang inorder nya sakin. Kakain pa rin kasi ako sa bahay dahil mag hahain parin si manang kahit ako lang kakain. Kaya ang ginagawa ko sabay na lang kami para naman di sya mag-isa. Wala rin anak kasi yun eh.
"How's Miguel?" tanong ni Mela. Pero 'di agad ako naka sagot ng makita ko si Miguel kasama ang barkada nya. Ang ingay nila kaya naman napukaw nila ang atensyon ng tao bukod sa matatangkad sila.
Agad kong iniwas ang tingin ko ng makita kong naka tingin sakin ang isa nyang barkada. Napa irap ako sa inis dahil andito na naman sya. umupo sila sa tapat ng table namin dahil yun lang ang bakante.
"Oh my gosh! Si Welon andito!" Kinikilig na bulong sakin ni Cas.
"Welon pa rin, Cas? Anong petsa na?" takang tanong ko sa kanya.
"Girl, first love never dies nga daw." mapang-asar na sabi naman ni Lara.
"Pag niligawan na ka nan Cassandra, sabihin mo muna sakin at ng makilatis natin sya." sabi bigla ni Jasper. Apaka strict talaga nito sa barkada, lalo na kung may manliligaw samin.
"C.R tayo." sabi ni Lara. Tumayo naman ako para sumama.
Napadaan kami sa table nila Miguel na nag kakatuwaan 'don. Nakita kong kasama nya yung pinsan kong taga ibang school. Kakilala pala nang kumag yun. Pinandilatan ko sya ng mata at inirapan. Inirapan lang din ako pa balik. Parang bakla lang. Napansin siguro yun ng ibang kasama nila kaya napatingin sa pinsan ko at parang may tinanong.
Nauna akong mag cr kasi ihing-ihi na ako. Pumayag naman si Lara at magrere-touch lang naman daw sya.
Pag labas ko nakita ko si Miguel naka sandal sa pader, nag aantay ata ng kasunod na lalabas sa mens. Napa tingin sya sakin at tinaasan ako ng kilay. Inismiran ko lang sya kaya napa ngisi sya do'n.
"Tara na sis." sabi ni Lara ng maka labas sya ng cr, tumango naman ako agad.
Nang maka rating kami sa table namin nagliligpit na sila ng kinain para hindi na hassle sa crew ang pag liligpit. Nakasanayan na namin 'to since high school kami dahil mahilig kaming lumabas at kumain kung saan saan.
"Ragee!" napalingon ako sa tumawag ng palayaw ko. Bwiset na pinsan ko'ng ito. Tiningnan tuloy ako ng buong barkada nila.
"What?" iritang tanong ko kaya napatawa naman sya.
"Punta ka raw sa bahay sabi ni mommy." casual nyang sabi at inakbayad pa ako kaya tumingala ako para tingnan sya.
"Kelan? Baka may gala kami ng mga kaibigan ko." sagot ko at tumingin kila Cassandra. They just shrugged. Biglaan lang kasi kung magka-ayaan.
"Saturday. Sa bahay ka matutulog." tuwing sakanila kasi ako pupunta, pipilitin ako ng mommy nya na matulog 'don. Wala kasi silang anak na babae. Solo lang ako sa lahat ng magpi-pinsan na babae.
"Okay bye." he kissed me sa cheeks bilang goodbye nya. Ganyan naman lahat ng mga pinsan lalo't iisa nga ako. Minsan napapag kamalan pang boyfriend ko. Jusko.
Naglalakad na kami palabas ng mall ng mapansin ko'ng nasa likod namin ang barkada nila Miguel. I don't know but I feel awkward. Siguro uuwi na rin sila kaya iisa lang daan na tinutungo namin.
Buti na lang may iisang jeep ang natitira sa terminal. Pag sakay namin napuno rin ito agad dahil sa maliit bukod pa do'n dito rin sumakay sila Miguel. Malas ko lang at katabi ko na naman. Nakita ko ang mga ngiti ni Mela na katapat ng bangko ko. Nginitian nya ako habang kinikilig. Napa tingin naman ako sa katabi ko na naka tingin din sa harap. Napa buntong hininga na lang ako. Malas ko naman today.
"Pasuyo ng bayad. Thanks." sabi ko sa katabi kong busy sa phone nya. Inabot naman nya agad yung bayad ko at tumingin sakin. "Ano?" mataray kong tanong.
"Libre mo 'ko?" tanong nya.
"At bakit?" sagot ko naman. Ngumiti muna sya bago sumagot sa tanong ko.
"Nilibre kita kanina ah. Kaya ako naman libre mo." sagot nya at inabot ang bayad sa barkada nya. "Dalawa manong." sabi pa nya. Inirapan ko lang sya ng lumingon sya at ngumiti.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya binuksan ko ito para tingnan. Napa tingin ako kay Lara na nag chat pala. Binuksan ko agad message nya at binasa.
@larajanice.m: SABAY KAYO KANINA?????
@ragee: oo, galing kami school diba. sinamahan ko pa sa gymnasium.
Pinatay ko agad phone ko pagka reply at nakita ko syang binabasa ang reply ko. Tinanguan lang nya ako at ngumiti.
Traffic na naman. Anong oras na naman ako makaka uwi nito.
"Pasandal." Miguel whispered in my ears. The hell. Sasandal na naman sya eh, puro barkada namin ang andito.
"Umayos ka." bulong ko rin sakanya pero hindi sya nakinig at sumandal pa rin sakin. "What the, Miguel umayos ka. THey're looking at us." sabi ko umiling lang sya bilang tugon.
Kinurot ko sya sa braso pero tumawa lang sya. Umirap na lang ako sa kawalan at tumingin kay Mela na nasa harap ko habang naka simangot. I saw her taking picture kaya tinaas ko middle finger ko sakanya kaya tumawa lang sya.
"Para po!" sigaw ni Lara kaya umayos na rin ako ng upo para bumaba.
"Rain san ka? Susunduin ka ba ng driver nyo?" tanong ni Cas. Tumango naman agad ako sakanya.
"Oo, ingat kayo guys." nawala na rin naman sila sa paningin ko kaya pumunta muna akong Gemini para bumili ng spanish bread. Favorite ko to e.
Dumating na rin naman agad yung sundo ko at mabilis na naka rating sa bahay.
"Hi manang." bati ko kay manang at yumakap muna.
"Pagod ka 'nak? Palit ka na at maka kain na tayo nila Jude." sabi nito. Kuya Jude is our driver. Sya palaging na sundo sakin if ever na commute ako. May student license naman ako kaya nadadala ko rin ang sasakyan namin.
Nag shower muna ako bago bumaba at kumain. Umakyat na rin ako pagka tapos kong ko'ng kumain para makapag pahinga na rin. In-open ko lang muna facebook ko para mag-check ng notif at messages. Nag ig rin muna ako pampa antok. Nakita ko rin na may nag follow sakin kaya chineck ko na rin. Random person lang naman kaya natulog na lang ako.
===============================>>