Rain Genesis Lopez and Miguel Rui Alonzo

🇵🇭thatsjannah
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 9.4k
    Views
Synopsis

Prologue

D I S C L A I M E R ! ! !

This is a work of fiction. Names, places, characters, events, businesses, locales and incidents are either the production of author's imagination. Any resemblance to other person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is not affiliated with, MSEUF, SHC, MC and other schools in the city proper.

=

"Punyeta ulan na naman!" frustrated kong sabi. Malayo pa naman ako sa car park kaya mababasa ako nito pag tumakbo ako. Naka heels pa naman ako!

Tumingala ako sa langit para makita kung gaano ka itim ang langit. Mukang uulan ng malakas at matagal. Nakaka inis talaga. Wala akong payong ngayon araw. Wala namang sinabi na uulan eh! Pag alis ko ng tingin sa langit napatingin ako sa lalaking naka tayo sa harap ko at naka payong.

"Ano?" mataray kong tanong. Napangisi naman sya at lumapit sakin.

"Tara." sabi nya.

Tinignan ko kung seryoso ba sya. Sino ba namang lalaki ang aalukin ang ex nya na sumabay sa iisang payong? Weird nya lang.

"Ayoko. Baka may mag selos awayin pa ko." makahulugang sabi ko.

"E'di wag." sabi nya at akmang aalis na

"Talaga lang!" singhal ko sakanya.

Akala ko aalis na sya pero tinignan nya parin ako sa mata, na parang nakikipag communicate.

"Ano ba'ng problema mo?" tanong ko

"Wala tara na. Sa parking din ako dideretso." kalmadong sagot nya

Wala naman akong choice kundi ang sumabay na. Nagmamagandang loob naman siguro sya. At isa pa, mukang di titigil ang punyetang ulan na 'to.

May mabilis na sasakyan na akala ko ang babanga na sakin. Pero buti na lang at nahigit ako ni Miguel at napaharap sa kanya. Nawala ang payong na hawak nya at pinang harang sa tubig na sasampal sana saming dalawa. Kaya nagkaharap kami at parang magka yakap. Bumilis naman ang tibok ng puso ko at parang may kung anong nagwawala sa tyan ko ng magkatinginan kami at ngitian nya ko.

=========================================>>