Chereads / Dangerously In Love / Chapter 3 - Derek and Trixie

Chapter 3 - Derek and Trixie

"Hindi ka na naman papasok?" tanong ng kaklaseng si Melody kay Trixie.

"May bagong action movie na palabas. Manonood na lang ako kesa makinig sa boring nating professor." Sagot ni Trixie dito habang naglalagay ng make-up.

"Pero may quiz tayo ngayon." Paalala nito.

"Hello eh di lalong hindi ako dapat pumasok. Ano naman ang isasagot ko doon eh hindi naman ako nagreview. Ikaw nagreview ka ba?" tanong niya dito.

"Hindi rin pero nakailang absent na ako. Baka i-drop na ako ni Sir kapag di na naman ako pumasok. at sigurado hindi na ako mapapatawad ng parents ko. Baka patigilin na ako sa pag-aaral ng mga yon."

"Okay lang mag-aaya na lang ako ng iba. Mauna na ako. Ciao. At tinalikuran na niya agad ito para itago ang disappointment niya.

Kahit sinabi niya na puwede siyang mag-aya ng iba wala talaga siyang ibang makakasama. Puro busy ang mga kaibigan niya, kaya talagang nag-iisa lang siya ngayon.

Pagkatapos makaalis ni melody dahil papasok na nga ito ay Lumabas na siya ng restroom na malapit lang sa university at naglakad na parang walang patutunguhan. Nawalan na rin siya ng ganang manood ng sine.

Hindi niya gusto ang araw na ito. Infact pinilit pa niya ang sarili na bumangon kaninang umaga. Pero wala siyang choice kundi tumayo. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa mga tao sa paligid niya kaya she forced herself to act normal.

"Nakakainis. Saan naman kaya ako pupunta." tanong niya sa sarili habang sinisipa ang mga maliliit na bato na nakaharang sa daan niya.

Nang maubos na ang maliliit na bato ay may nakita siyang isang lata ng sardinas na nakakalat. Imbis na pulutin yun at itapon sa basurahan, sa lata niya nilabas lahat ng inis niya at sinipa yon ng pagkalakas-lakas.

Sabay sigaw pa niya ng "Buwisit kang araw ka. Bakit ka pa dumating." Wala siyang pakialam kung may nakarinig pa sa kanya.

Her frustration and anger is quite evident. Medyo nakaramdam naman siya ng konting satisfaction pagkatapos niyang masipa ang lata.

"Nasaan na kaya yon." Medyo palinga-linga pa si Derek.

Hindi na niya halos maalala ang daan papunta sa university buti na lamang at motorsiklo ang dinala niya kaya kahit naligaw siya hindi naman siya masyadong naipit sa traffic. May usapan sila ng pinsan na doon magkikita.

Kahapon pa lang siya nakakauwi pero imbis na magpahinga para mabawasan ang jetlag maaga pa siyang gumising.

Ang pamilya nila ang may-ari ng university at isa sa mga board of director ang Papa niya at ang pinsan. Dito rin siya nag-aral dati pero hanggang second year lang ang inabot niya dahil nagloko siya.

Sa Amerika na lang siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at doon na rin siya nakatapos at nakapagmasteral pa sa Computer Engineering. Dapat ay mapopromote na siya sa isang software company na pinagtatrabahuhan pero napagpasyahan pa rin niyang umuwi.

Malapit na siya at halos tanaw na niya ang malaking arko na nakapangalang Don Hermogenes university nang biglang may tumama sa ulo niyang lata ng sardinas mula sa kung saan.

Nakahelmet naman siya kaya hindi siya nasaktan sa tama ng lata. Pero dahil sa pagkabigla nawalan siya balanse at sumadsad ang motor niya.

"Damn it." Napamura siya sa sakit. Buti na lang din at nakajacket siya dahil kung hindi sugat-sugat na siguro ang braso niya.

Itinayo niya ang sarili at ang motor. Sumakit ang katawan niya pero mukha wala namang nabali sa mga buto niya. Yun nga lang may gasgas na ang motor niya na bagong bili pa naman. At ang jacket na binili pa niya sa amerika eh siguradong may sira na rin.

Tumingin siya sa paligid hinahanap kung sino ang nagtapon ng lata sa kanya pero halos walang tao sa lugar. Pinulot niya ang lata na tumama sa kanya.

Isang matandang babae na nakaupo lang ang nakita niya. Imposibleng ito ang nagtapon ng lata. She's too old at hindi galing sa dieksyon nito ang lata.

Lumapit siya rito at nagtanong kung may nakita ba itong nambato ng lata sa kanya. Itinuro nito ang isang babae na palayo nang naglalakad. Hindi niya ito agad napansin kanina dahil medyo malayo na ito at patakas na.

Tinawag niya ito "Miss!!" Ni hindi man lamang ito lumingon kahit malakas ang boses niya. Hey Miss!! Napilitan na siyang habulin ito.

Sa wakas ay napansin naman siya nito at lumingon nang malapit na siya.