Chereads / Dangerously In Love / Chapter 5 - Past Pain and Present Guilt

Chapter 5 - Past Pain and Present Guilt

Nang mapansin ni Trixie na hindi na siya hinahabol nung lalaking biker ay binagalan na niya ang pagtakbo. Medyo sumakit ang paa niya dahil may kataasan ang takong ng boots niya.

"Kakainis talaga." Umupo muna siya para magpahinga. Malayo layo rin pala ang natakbo niya dahil sa takot niyang maabutan nung lalaki. Balak pa siyang singilin eh wala na nga siyang pera.

Kinuha niya ang cellphone sa bag. Buti na lang at hindi nasira ang luma niyang cellphone na tumama yata sa ulo nung biker kanina ng pinalo niya ito ng bag. Halos isang dekada na ang edad ng cellphone nya na never nyang pinalitan dahil regalo ito sa kanya ng ama.

"Ang tindi mong cellphone ka ang tibay. Buti nga dun sa lalaking biker na yun akala niya masisindak niya ako." kausap niya sa sarili.

Nagtry siyang magtext sa mga kaibigan pero wala na pala siyang load. Tumingin siya sa paligid at napansin naman niya ang isang tindahan.

"Ale meron po ba kayong paload sa smart." Tanong niya sa nagbabantay na tindera.

Kinuha niya ang wallet para kumuha ng buong bente. Pero nang buksan niya ang pitaka at makita ang isang lumang larawan na kasama ang ama ay hindi niya mapigilang mapabuntunghininga. Kinuha niya ang pera pagkatapos ay binalik ang wallet at cellphone sa bag.

"Miss ano po ba yung number nyo?" Tanong ng tindera.

"Huwag na lang po. Pagbilhan nyo na lang po ako ng posporo at tsaka dalawang kandila."

Pagkatapos niyang makuha ang binili pumara siya ng isang tricycle.

"Mama, sa sementeryo po." Isang importanteng tao ang kailangan niyang dalawin.

Kahit malapit nang mananghali ng makarating siya sa sementeryo ay makulimlim pa rin ang paligid. Nakikiisa sa nararamdaman niya ng mga oras na yon ang langit. Wala siyang taong nadatnan, kahapon pa dumalaw ang nanay at kapatid niya sa puntod. Ayaw niyang sumama kaya nagdahilan siyang masama ang pakiramdam. Pero ngayon hindi pa rin niya kayang matiis na hindi puntahan ang puntod ng ama.

May mga bulaklak at kandila na nakapatong sa nitso na malamang ay galing sa kanyang ina na si Aling Dolor. Sinindihan na niya ang kandilang dala at nag-alay ng panalangin. At katulad ng lagi niyang ginagawa kinausap niya ito.

"Dad kumusta na. Ang tagal na rin pala." Pinilit niyang ngumiti. "Dadalhan sana kita ng paborito mong prutas na tsiko kaya lang kulang na ang allowance ko. Bumili kasi ako ng bagong boots. Suot ko nga ngayon ang sakit nga lang sa paa." Itinaas pa niya ang paa para ipakita dito ang suot. "Okay lang si mommy masaya naman sila ng asawa niya at anak. Kung ako naman ang tatanungin ninyo ito p-pinipilit mabuhay kahit feeling ko..."

Huminto siya sa pagsasalita dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan. At hindi na niya napigilan ang sariling umiyak. Ilang taon na pero hindi pa rin nabawasan ang sakit.

"Mom bakit parang ang tagal yata ni Dad umuwi?" tanong niya sa ina na nagluluto na nang hapunan.

"Baka may operation lang yon. I'm sure darating yon bago magdinner." Sagot nito.

Nagpatuloy siyang naghintay habang nanonood ng anime sa sala And then she heard the doorbell kaya excited siyang binuksan ang pinto. Pero hindi ang ama niya ang bumungad. Isa sa kasamahan nito sa trabaho ang nakita niya si Agent Nilo na isa sa mga kaibigan ng Dad niya.

He looked uneasy halatang may dalang hindi magandang balita. Nakatingin lang siya dito.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalita din ito

"Trixie nandiyan ba ang mama mo?" tanong nito sa kanya.

Tumango lang siya pagkatapos ay tinawag ang ina.

"Mom may bisita." Pinapasok na rin niya ito.

Umalis muna siya para hindi niya marinig ang usapan ng matatanda. But then just after a few minutes sa kuwarto niya narinig niya ang mommy niya na sumigaw. Napasugod siya and there she was sobbing uncontrollably.

Lumapit siya dito.

"M-mom anong problema?" kinakabahan na siya.

Niyakap siya nito. "T-trixie wala na ang daddy mo." Lalong lumakas ang pag-iyak nito.

She just stood there shocked. Tumingin siya kay Agent Nilo na nagdala ng masamang balita. Hindi ito kaaktingin ng diretso sa kanya. Pagkatapos noon ay tumingin siya sa may pinto. Humiwalay siya sa ina at lumabas siya ng bahay.

"Dad?! Dad!?" Tumakbo siya palabas hanggang sa may gate habang tinatawag ang ama.

Hindi siya naniniwala sa sinabi ng ina niya. Her dad is just playing tricks with her. Imposibleng wala na ang daddy niya. He is superman, he's invincible, he can't be dead.

"Dad?!" she yelled again and again.

Naubos na ang boses niya pero walang sagot. And that's when it dawned on her, never again will he be coming home for dinner. Hindi niya alam kung gaano siyang katagal nakatayo sa gitna ng kalye at umiiyak.

The cold wind interrupted her reverie. May kasama pang ambon yon. Dahil manipis ang suot hindi niya matiis ang lamig. She dried her tears and say another prayer para magpaalam dito. Hinawakan pa niya ang lapida nito.

Sa may di kalayuan tahimik lamang na nakatingin si Derek. Nauna lang ng konti si Trixie sa puntod kaya ng makita niya ito hindi na muna siya tumuloy. Pinapanood niya ito habang kinakausap nito ang ama. Batang-bata pa ito ng huli niyang makita six years ago at sa picture lang yon.

Hindi siya nakapunta sa libing ng ama nito dahil nasa ospital siya ng mga panahon na yon dahil sa tinamong sugat at trauma. Wala rin naman siyang mukhang ihaharap sa pamilya nito.

Hindi rin siya nakapunta sa sementeryo dahil mabilis siyang pinadala ng ama sa Amerika para mailayo siya sa gulo ng mga panahong iyon.

Mula sa amerika pinaasikaso na lang niya lahat sa abogado ang tungkol sa pamilya ni NBI agent Marcus Romero ang ama ni Trixie. Hindi siya nagpakilala sa mga ito.

Kanina lang ang kauna-unahan nilang pagkikita nila and unfortunately its not even in the best circumstance. Pero paano nga ba siya dapat magpapakilala dito? Its obvious na masakit pa rin dito ang pagpanaw ng ama kahit anim na taon pa ang dumaan. Iniiyakan pa rin nito ang puntod.

Sabagay ganoon din naman siya. After six years ganoon pa rin ang nararamdaman niya. The help he provided her family didn't ease his pain nor did it lessen the guilt. At ngayong nakikita niya ito lalong tumindi ang pagkabagabag ng kalooban niya.

Gusto niya itong lapitan pero hindi niya magawa. Ni hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin dito.

Nagpasya na lamang siyang hintayin itong makaalis bago siya lumapit sa puntod. Parang lalong bumigat ang pakiramdam niya ng makita niya ang himlayan ng taong nagligtas sa buhay niya.

He didn't say anything. Nakatingin lang siya sa lapida nito at sa maiksing note na iniwan ni Trixie. Kinuha niya ang note pagkatapos niyang ilapag ang bulaklak na binili niya.

The note read "I missed you Dad."

Bumuntunghininga siya ng malalim, para kasing tumarak sa puso niya ang sakit na nararamdaman nito. Pero hindi lang sakit ang nararamdaman niya kundi matinding guilt na anim na taon na niyang dinadala sa dibdib.

Buhay nito ang kapalit para lang mabuhay siya. Hindi yon tama dahil wala naman siyang magandang nagawa para ibigay nito ang buhay para sa kanya.

Minsan hindi niya alam kung dapat ba siyang maging grateful o magalit dahil mas binigyan pa siya nito ng halaga kesa sa sarili nitong buhay. Patapon ang buhay niya noon hindi karapat dapat na iligtas o kahit pahalagahan.