Maureen
"Kuya lalabas kami nila Krent!" sigaw ko kay Kuya at nagmadaling lumabas.
Pagkalabas ko ng unit ay nakasalubong ko naman si Austin kaya napahinto ako.
"Pagbabayaran mo yung kagabi" pananakot niya at inirapan ko siya saka tinignan ng matalim
"Bastos ka kasi kaya ganun, at pag ginawa mo ulit yun, you'll regret it, dahil sasakalin pa kita!" sigaw ko at binelatan siya.
Nakita ko naman si Krent na papalapit dito kaya agad kong inirapan si Austin at ngumiting sinalubong si Krent.
"Tara na" sabi ko at humawak sa braso niya, manigas ka, Austin.
"Masarap ba?" tanong ni Denise sa akin.
"Wag kang maingay, baka marinig ni Krent" sabi ko at tumango siya.
"Pero seryoso, malambot ba yung bibig?" tanong niya at pinalo ko siya sa braso.
"Ikaw pag mga ganito talaga, ang hilig mo 'no?" tanong ko at ngumiti namna siya.
Tumigil kami sa pag-uusap nang makita naming papadating si Krent.
"Kumain na kayo, may pupuntahan pa tayo" sabi ni Krent nang mapatong niya sa table yung mga pagkain.
"Saan ba tayo pupunta na next?" tanong ko sa kaniya.
"Sa dati, sa playground kung saan tayo palaging naglalaro dati" sagot niya at tumango kami ni Denise.
"Sa tingin niyo, nandun pa ba yung nagbebenta sa atin noon ng cotton camdy?" tanong naman ni Denise.
"Hindi natin alam" sagot naman ni Krent.
Naalala ko nung una kaming magkita tatlo. Nasa playground ako noon nang may makita akong dalawang bata na nakatayo sa harap ng nagbebenta ng cotton candy.
Agad ko naman silang nilapitan at tumingin sila sa akin.
"Gusto niyo ba ng cotton candy?" tanong ko sa kanila at nagkatinginan sila at sabay na tumango.
"Kuya, tatlo po" sabi ko at binigay ang bayad ko.
Agad naman akong binigyan nung nagbebenta at ngumiti.
Simula noon ay lagi na kaming nagm-meet sa playground na yun, nakasali na ako sa pagkakaibigan nilang dalawa, pero hindi na ako masyadong nakakapunta nang mamatay si Mommy, at dahil din sa pagkamatay ni Mommy ay namatay din si Daddy. Sa tingin ko dahil mahal na mahal ni Daddy si Momy ay sinundan niya ito agad. Pero mas maganda yun kesa naman sa mabubuhay siya pero palagi siyang nakamukmok at masungit sa lahat.
-
"Omgeeee! Nandiyan pa nga si Kuya Cotton Candy" sabi ni Denise at tumawa kaming tatlo at sabay-sabay na pumunta dun.
"Kuya, tatlo po" sabi ko at napatingin naman sa amin si Kuya nagbebenta.
"Nakabili na ba kayo sa akin?" tanong iya at kumunot ang noo tsaka kami nag tinginan tatlo.
"Naaalala mo pa po ba kami, Lo?" tanong ni Krent sa kaniya at tumawa yung nagbebenta.
"Kayo yung laging bumibili sa akin noon, hindi ba? Anlalaki niyo na" tanong niya at tumawa kaming apat.
"Buti po naaalala niyo pa kami?" tanong ko sa kaniya at tumango siya.
Kumuha kami ng cotton candy at sinama muna namin si Lolo at umupo sa bench.
"Alam niyo ay tinatabi ko talaga ang tatlong piraso ng cotton candy para sa inyong tatlo araw-araw, nagbabakasakaling pupunta ulit kayo dito?" tanong niya at tumawa.
"Talaga po?" tanong ni Denise.
"Oo. Pero bakit nga pala hindi na kayo bumalik simula noon?" may pagkamatandang boses na ang kaniyang pagsabi dahil ilang taon na ang nakalipas.
"Wala na pong magl-libre sa amin eh" sagot ni Krent at napatingin sa akin tsaka naman ako ngumiti at umiwas ng tingin.
"Anong ibig niyong sabihin?" tanong niya ulit.
"Umalis po ako lugar na ito noon. Namatay po ang aking mga magulang" sagot ko naman.
"Paumanhin dahil natanong ko pa yan" sabi niya at mahinang tumawa.
"Ayos lang po, naiitindihan ko naman na din po yung nangyari. May mga bagay talaga na hindi magtatagal pag nawala yung kahati ng puso nila" sabi ko at ngumiti.
"Pero bakit hindi na kayo bumalik dalawa dito?" tanong niya sa dalawa.
"Wala po kaming pera eh" pabirong sagot ni Denise.
"Kahit naman hindi na kayo magbayad tatlo eh, ayos lang" sbai niya at tumawa.
"Ay, ganun po ba" sabi ni Krent at nagkamot.
"Sabi ko na nga ba sa'yo eh, punta na tayo, nakalibre pa sana tayo noon" dagdag pa ni Krent at tumawa pa.
Nakaka-miss yung mga panahon na yun, yung bata pa ako, walang problema. Pero lahat na yun nagbago nung namatay ang parents ko. Those memories that I cherished fade when my parents died