Maureen
"Omygee! Totoo ba? Buti naman ay walang nangyari" sabi ni Denise, katatapos ko lang ikwento sa kaniya yung nangyari kagabi.
"Anong feeling?" tanong niya at sinamaan ko siya ng tingin, "Joke lang" dagdag niya.
"Para tuloy ayaw kong iharap na naman sa kaniya yung mukha ko" sabi ko at umiling-iling si Denise.
"Maureen, intindihin mo na lang na he's just drunk" sagot naman niya.
"Kahit pa" sabi ko naman.
"Saka may nasabi siya sa akin kaya gustong gusto ko siyang dedmahin," sabi ko at napatingin ulit siya sa akin.
"Ano?"
"She has an ex girlfriend who he love for 3 years, and I clearly know na si Jade yun" naibuga niya namna ang iniinom niya nang masabi ko iyon.
"T-Three years?!" sigaw niya at tumango ako.
"Nagtagal sila, baka mamaya, ako lang yung masaktan kapag bumalik yung Jade na yun, hindi kaya mahal niya pa yun, baka mamaya panakip butas lang pala ako," sabi ko at natulala sa hangin.
"Teka, nagseselos ka ba?" tanong niya at gulat akong napatingin sa kaniya.
"H-Hindi 'no!" sagot ko.
Napatingin ako nang mag-ring yung phone niya.
"Noooo.." sabi ko at kumapit pa sa braso niya.
"Tsk, kailangan kong pumunta, hoy" sabi niya at tinanggal ang kamay ko sa braso niya kay nap-pout ako.
"Iiwan mo na talaga ako?" tanong ko sa kaniya at nagpa-cute.
"Gusto mo bang papuntahin ko si Austin dito" tanong niya din kaya agad akong sumeryoso
"No thanks" sabi ko at tumawa siya.
"Mauna na ako" sabi niya at tumango ako.
Magdidilim na rin, maingay nalang ang mga tunog at busina ng mga sasakyan na dumadaan, mahangin rin kumpara sa umaga, I feel relaxed in this kind of vibes.
"Saan kayo galing?" tanong ni Kuya sa akin nang tuluyan akong makapasok sa condo.
"Diyan lang sa malapit" sagot ko naman.
"Kumain ka na" sabi niya at umiling ako.
"Kumain na kami dun kanina" sagot ko at agad na pumasok sa kwarto ko.
Nandun si Austin sa tabi niya, bakit kasi laging nandito yang Austin na yan?
-
"Good Morning Class, I bet you remember him" napatingin kami ni Denise nang makapasok si Ms. Pia.
"He's you senior again, Austin Villanoel" pagpapakilala niya at tumango lang ang iba sa amin.
"Today is the start of your 2nd sem, at alam niyo naman na ata yung camping next week" sabi ni Ms. Pia saka ko lang naalala, may camping nga pala next week.
"Your senior, Austin will pick student that will be montoring us during the camping"
"Who will you pick, Mr. Villanoel?" rinig kong tanong ni Ms. Pia sa kaniya.
"I think their class monitor know all of them," rinig kong sabi niya at napapikit ako, sino pa ba ang monitor dito?
"Then?" tanong ni Ma'am sa kaniya. Hindi pa ba obvious? Yung monitor ang gusto niyang piliin.
"Then I think it's better to choose the class monitor, besides I bet the monitor knows all of their classmates" sagot niya at nakita kong tumango si Ma'am.
"Ms. Serrano, please stand" rinig kong utos ni Ma'am kaya tumayo ako at tumingin kay Ma'am.
"Are you willing to take the responsibility to monitor your class during your camping?" tanog ni Ma'am.
"If I object? Is that okay?" tanong ko kay Ma'am.
"Is it okay, Mr. Villanoel?" tanong ni Ma'am sa kaniya.
"It is absolutely fine, but we can just let the whole class vote" sabi niya at umupo na ako.
"Okay class, who do you think can monitor you during the camping?" tanong ni Ma'am sa amin pero nagulat ako nang ituro nilang lahat ay ako.
"So, Ms. Serrano?" tanong sa akin ni Austin.
"Okay, since the whole class voted me, I'll accept it, Ms." ano pa ba ang magagawa ko? Parang lahat sila ay payag kay Austin.
"Then, it is all settled." sabi ni Austin at tumango lang si Ma'am.
Nang makalabas si Austin ay tinignan ako ng buong klase.
"Tingin-tingin niyo?" malditang tanong ko sa kanila at tinawanan lang naman nila ako.
Mga Peste.
"Totoo ba?" tanong ni Kuya at tumawa.
"Don't laugh at me, bakit parang lahat kayo ay kampi kay Austin?" tanong ko sa kaniya.
"Hayaan mo na, ngayon lang naman eh" sabi ni Kuya at umirap ako.
"Ano pa ba ang magagawa ko?" tanong ko at nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si Austin.
"Siya lang din naman ang kasama na senior sa inyo dahil siya ang student council president" sabi niya at napatingin ako sa kaniya.
"Ibig-sabihin hindi ka kasama?" tanong ko kay Kuya at umiling siya.
"Meron naman ako" sali ni Austin sa usapan at tumayo naman na ako.
"Busog na ako" sabi ko at pumunta na sa kwarto ko. No, huwag muna ngayon Austin,
-
"Ms. Serrano, please hand this to Mr. Andrew" utos sa ain ni Ms. Loren kaya tumango lang ako at kinuha yung mga transparent folders.
"Hintayin nalang kita sa canteen" sabi ni Denise at tumango lang ako.
Nang makarating ako sa office ni Mr. Andrew ay nakita ko sila Kuya na nakatambay sa dulo ng building kasama yung mga barkada niya at hindi naman mawawala yung Austin na yun.
Mga Tambay pala sila ah.
Agad akong pumasok sa office ni Mr. Andrew, buti nandito na siya.
"Sir, Mrs. Loren is handling this to you" sabi ko at nilatag ang folders sa table niya at lumabas na, wala na dun sila Kuya, ang bilis naman nilag maglakad.
Agad akong pumunta sa canteen at umupo sa table ni Denise.
"Kumain ka na," sabi ni Denise at tumango lang ako tsaka nagsimuang kumain.
"Uy" tawag sa akin ni Denise kaya napatingin ako sa tinuturo niya, para akong nasamid nang makita si Austin na nakatingin sa akin.
"Dahan-dahan" sabi ni Densie at inabuan ako ng tubig.
"Hello" rinig kong bati niya sa akin.
"Hi" bati naman ni Denise sa kaniya pabalik.
"Iniiwasan mo ba ako, Maureen?" tanong niya sa akin nang makaupo siya sa tabi ko.
"H-Huh? Bakit naman kita iiwasan?" pabalik na tanong ko sa kaniya.
"If I am right, 2 days mo na akong hindi pinapansin" sabi niya at kumunot ang noo ko.
"Maiwan ko na kayong dalawa diyan" napatingin ako kay Denise na dali-daling umalis.
"Simula nung gabing umalis ako at pumunta sa bar, iniwasan mo na ako" sabi niya pa.
"Bakit?" tanong niya.
"Wala naman, sino bang umiiwas sayo?" tanong ko sa kaniya at kumain pa.
"Kung hindi ka sasagot ng maayos, isisigaw ko dito ang tanong na bakit" pananakot niya at tinaasan ko siya ng kilay.
"As if nama--" napatigil ako nang tumayo siya.
"Iniiwasan mo ba ako, Ms. Maureen Serrano?" malakas na tanong niya kaya napatingin sa amin ang mga estudyante.
Agad akong tumayo at hinila siya palabas ng canteen.
"Baliw ka na ba?" tanong ko sa kaniya at ngumisi siya.
"Try me" sabi niya.
"Ipahiya mo na ang sarili mo, huwag mo lang akong idamay" sabi ko at aalis na sana nang hilain niya nag kamay ko.
"Why are you avoiding me? May aksidente ba akong nasabi na mga salita? May nasabi ba akong hindi maganda sa'yo?" sunod sunod na tanong niya at hinila ako palapit sa kaniya.
"Baliw ka na nga" sabi ko at hinampas siya sa braso.
"Let go" utos ko at hindi niya ako pinakinggan pero humigpit ang hawak niya at lumapit sa akin,
"If you'll let me, Let me court you, Maureen"