Chereads / Shrekene / Chapter 1 - Chapter 1: The Guy With A Red Long Hair

Shrekene

Inoki_Hikigaya
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: The Guy With A Red Long Hair

Sa isang bahagi ng mundo ay may isang lugar na tinatawag na *SIRBANO.* Ang lugar kung saan ang espada ang kanilang buhay. Bata palamang ay hinahasa na sa paggamit ng espada. Ipinapasok sila sa eskuwelahan upang pag-aralan ang iba't-ibang uri ng espada at mga teknik. Ang Sirbano ay nahahati sa lima ang Nore, Sore, Sire, Tire, at Enego. Sa gitnang bahagi ng Sirbano matatagpuan ang enego. Sa enego nakatira ang apat na magigiting na swordsmen. Ang bawat bahagi ng Sirbano ay may kaniya kaniyang eskuwelahan.

"Ano ganiyan lang ba ang kaya mo? Hindi kailangan dito ang mahihinang tulad mo!" sigaw ng isang lalaki sa isang babaeng nakahandusay at puno ng galos galing sa espada.

" Itigil niyo iyan, mga basura" sambit ng isang lalaking may mahabang pulang buhok na nakaupo malapit sa kinaroroonan ng babae.

"b-basura? sino kaba?" akala mo malakas ka para sabihan ako ng ganiyan." sagot ng ng lalaking nanakit sa babae.

Nagtinginan lahat ng mga taong nandon sa pinangyarihan ng gulo. "Sino ba iyang taong yan? Hindi niya ba kilala si raiko?"

Pinag-uusapan nila ang lalaking si raiko na walang iba kundi ang taong nanakit sa babae.

"Raiko? Pangalan palang basura na." bigkas muli ng lalaking may pulang mahabang buhok na siyang umawat kay raiko sa pang-aapi nito sa kawawang babae. Tumayo ang lalaki at itinutok ang dala nitong espadang kahoy kay raiko.

"Maglaban tayo." matapang na sambit ng lalaki kay raiko.

Napatawa ng malakas si raiko at ng mga taong nakapaligid sa kanila sa binitawang salita ng lalaki ngunit nanatili paring kalmado ang lalaki na may mahabang pulang buhok.

"Nagpapatawa kaba? Sa tingin mo matatalo mo ako gamit ang kahoy na yan." sambit naman ni raiko habang hawak na ang espada niya at handa ng atakihin ang lalaki.

Huminga ng malalim si raiko at bigla itong tumalon. "Tanggapin mo ito, first form : eagle hunt!" sigaw ni raiko ngunit nang tumingin sa baba niya ay nawala ang lalaki sa paningin nya.

"Ano?! Nawala siya?" sambit niya. "Nandito ako!!" isang tinig na ikinagulat ni raiko dahil sa nakita niyang nasa taas niya ang lalaki at handa na itong atakihin. Huli na nang dumepensa si raiko kaya nabitawan niya ang kaniyang espada.

"Masyado kang mabagal, basura." malamig nitong sabi at sabay na itinutok ang espadang kahoy na hawak niya sa mukha ni raiko. " Akala ko ay hindi ka matatalo ng espadang kahoy na ito? Marunong kalang magsalita ng malaki at isa pa'y hindi dapat inaapi ang mga walang kalaban laban. Ang mga kagaya mo ay sa basurahan nababagay."

Nagulat ang mga taong nakasaksi ng pagkatalo ni raiko dahil sa alam nila kung gaano kalakas si raiko.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay humakbang na papalayo ang lalaki. Nag-aapoy sa galit si raiko dahil sa kahihiyang sinapit niya. Tumayo siya at sumigaw ito. "Hoy ikaw hindi pa tayo tapos, magkikita pa tayo tandaan mo yan at sa muli nating pagkikita tinitiyak kong wala ka ng hininga." Napalingon ang lalaki ngunit humakbang din papalayo na animo'y walang pakialam.

Sa kabilang banda naman ay pinag-uusapan na ng mga guro ng eskuwelahan ang graduation kung saan pumipili sila ng karapat-dapat na maging pinuno ng isang grupo sa pamamagitan ng labanan. Ang sampong mandirigmang mananalo ay sila ang gagawing kapitan upang humanap ng mga taong nais sumali sa groupo niya. Ang mga matatalo naman ay pipili kung sasali sila sa mga leader o magiging isang alubini nalamang sila. Alubini ang tawag sa mga swordsmen na hindi na kabilang sa rank system. Magiging isang ordinaryong mamayan na lamang sila.

"u-uhm, a-ano salamat sa pagliligtas mo mo sa akin." banggit ng babaeng inapi ni raiko habang hinahabol niya ang lalaki.

Napahinto ang lalaki at napatitig ito sa babae. "Hindi kailangan ng pasasalamat mo. Tinapon ko lng ang basura kung saan sila nararapat." sagot ng lalaki sa babae.

"u-uhm, maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" nahihiyang tanong nito sa lalaki. " Igaru Haruko ang ngalan ko, hindi ba dapat na sabihin mo muna ang iyong ngalan bago ka magtanong pero ayos lng wala namang saysay." malamig nitong wika sa babae. "P-pasensya na, ako si Arsela Hemirita." sambit nito.

Muli na sanang maglalakad si igaru nang biglang lumuhod si arsela sa harapan niya. "Anong problema mo? kanina kapa sumusunod sa akin at ngayon ay lumuluhod ka sa aking harapan." tanong ni igaru na may halong pagkairita.

"Nasaksihan ko ang lakas at bilis mo sa pakikipaglaban mo kanina, parating na ang graduation kung saan pipili sila ng magiging kapitan ng grupo at alam kong isa ka sa mapipili kaya nais ko sanang sumali sa grupo mo kung sakali." malakas nitong banggit.

Imbis na matuwa ay lalong nairita sa binitawang salita ni arsela sa kaniya.

"Ang mga taong walang tiwala sa sarili ang pinaka mahina sa lahat." pagkatapos niya ito banggitin ay humakbang na papalayo si igaru.