Chereads / Shrekene / Chapter 2 - Chapter 2: Before The Graduation

Chapter 2 - Chapter 2: Before The Graduation

Hiyawan at mga palakpak ang nagpaingay sa graduation habang isa isang nagsisilakad papasok ng entablado ang mga mag-aaral. Ito ang araw na pinaka mahalaga para sa mga estudyanteng nasa huling taon ng kanilang pagsasanay sa eskuwelahan at dito din nakasalalay ang takbo ng kanilang paglalakbay bilang isang swordsman.

Nakatayo lang sa gilid ng isang pader si

igaru at kalmado ito habang ang mga iba ay kinakabahan na kung ano ang kahihinatnan ng kanilang pagsasanay ng limang taon sa eskuwelahan. 

Biglang nagsi tigil ang mga tao sa pagpalakpak at pagsisigaw nang magsalita na ang punong guro ng eskuwelahan.

"Ang espada ay ang buhay, at ang buhay ay espada." sigaw ng punong guro dahilan para malito ang mga estudyante.

Umiingay ang paligid dahil sa sinabi ng punong guro.

"Anong ibig nyang sabihin doon, binaliktad niya lamang ang kaniyang sinabi."

"Wala namang malalim na kahulugan iyang kasabihan niya."

"Anong iniisip ng punong guro?"

Nang mapansin ng punong guro ang pagkalito ng mga estudyante ay muli itong nagsalita.

"Ganon ba? Sige ganto." at napabuntong hininga ito.

Kinilatis niyang mabuti ang mga estudyante mula ulo hanggang paa.

"Sa nakikita ko kakaunti pa lamang ang handa na sa pagiging isang tunay na swordsman."

Muli nanamang nagsibulungan ang mga estudyante. Sa pagkakataong ito nag-init ang ulo ng punong guro at napasigaw ito.

"Sa pinapakita niyo ay hindi niyo gaanong sineseryuso ang pagiging isang swordsman niyo. Sa tingin niyo ba ay isang laro lamang ito? Lahat ng hindi nakaintindi sa kasabihang inihayag ko sa inyo ay bitawan ang mga hawak na espada."

Isa isang nagsibagsak ang mga espada na parang pagpatak ng ulan dahil sa hindi mo mabilang ang dami ng nagsisihulog na espada sa lupa.

"Hmm, humahanga ako sa mga nakaintindi ng nais kong iparating. Kung gayon ay nais kong malaman kung ano ang pagkakaintindi niyo dito." sabay ang pagturo nito kay arsela.

"Ikaw binibini ano ang pagkakaintindi mo dito?"

Bahagyang nabigla si arsela ngunit bigla ding naging seryuso ang mukha at huminga ng malalim.

"Sa mundong ito ang espada ang nagsisilbing magulang ng tao. Sa magulang tayo unang natututo kung ano tama at kung ano ang mali. Gaya ng espada ay tinuturuan din tayo nito kung ano ang dapat at ano ang hindi. Dapat nga ba tayong lumaban? O dapat bang hindi? Sa paghawak mo ng espada ay simula na rin ng paghawak mo sa sarili mong buhay habang lumilipas ay dumating mga panganib. Dito mo mapagtatanto kung ano dapat kabang humawak ng espada o hindi nakasalalay ang buhay mo sa sariling espada mo at kapag nawasak ito ay siya ding pagkawasak ng buhay mo." sagot ni arsela pagkatapos ay ngumiti.

Natulala ang mga estudyanteng nasa paligid niya.

"Hindi ba't siya yung babaeng inapi ni raiko?"

"oo nga sya yan."

"Hmmmm…" singit ng punong guro upang mawala ang ingay na gawa ng mga estudyanteng hinulog ang kanilang mga espada.

"Mahusay binibini binabati kita at napahanga mo ako."

Umingay sa palakpak at papuri kay arsela ang muling nagpaingay. Lahat sila'y namangha sa pagpapaliwanag ni sila.

"Ngunit may kulang sa sinabi."

Sa isang iglap ay nagsitahimik muli ang mga estudyante at mga taong saksi sa graduation. Muli ay pagkabigla ang kanilang naramdaman sa puntong iyon. Hindi nila mabasa kung ano ang iniisip ng punong guro at ano pa ang kulang sa mga sinabi niya.

"Maging espada ka mismo, yun ba ang kulang mahal na punong guro." banggit ni raiko na nakatayo sa gilid ng pader.

Napalaki ng mata ang punong guro at napatitig ito kay raiko. Bahagya itong napangiti at napabuntong hininga.

"At bakit mo naman nasabi iyan iho?" tanong niya.

"Hindi sapat lang na umasa ka sa kakayahan mo sa espada. May mga bagay na hindi kayang lutasin ng mismong espada at ang mga bagay na ito ay ikaw mismo ang lulutas kaya kailangan mo ng talim gaya ng sa espada upang malupig mo ang mga ito at tigas ng hindi ka masugatan nito."

Ngumiti muli ang punong guro at hinawakan ang micropono.

"Napabilib mo ako bata, sa aking palagay ay malayo ang mararating mo." sambit nito.

Bago pa man magsalita muli ang punong guro ay isang tinig ang nagpahinto dito. Isang lalaki na puno ng galos sa katawan at galing ang mga ito sa espada.

"Igaru hindi ba? Ano kaba talaga?" pasigaw na tanong nito habang ang binti ay nanginginig sa takot.

"Hindi ba't si Aruma yan?"

"Anong nangyari sa pinakamagaling na estudyante dito sa paaralan natin?"

Nagkagulo ang mga estudyante sa nakita nilang ito. Si Aruma Isayama ang nanguguna sa paaralang ito at pumapangalawa naman si raiko kaya ganon nalamang ang pagkagulat nila ng makita ang kalagayan ni Aruma.

Ngunit bago pa man magsimula ang graduation ay isang pangyayari ang naganap sa pagitan ni aruma at igaru sa bayan ng shon kung saan naninirahan si igaru.