My Dad let out a loud laugh. "'Nak, don't find someone like me. I'm not a perfect man. Baka masaktan ka lamang din kapag nakahanap ka ng lalaking tulad ko. Look at what happened to your Mom. . ."
"Dad, hindi niyo po kasalanan na namatay si Mommy. And I'm sure that wherever she is right now, she's not blaming you for what happened to her. And I'm not blaming you, Dad. . . no one is blaming you for what happened so don't be too hard on yourself. Alam ko po na mabuti kayo at hindi niyo kayang manakit ng tao. I trust you, Dad."
"Harper. . ."
Muli akong yumakap sa kaniya para pagaanin ang loob niya. "And Dad, if ever I will find someone like you, I'm sure that he won't hurt me. Hindi mo naman po ako sinasaktan, 'di ba po, Dad? You're a good man after all," nakangiting sambit ko.
He drew in a long breath as a response to what I said. "I still hope that you won't find a man you're your father. Ipagdarasal ko iyon, 'nak. Your old man is not a perfect man and if ever you found someone like me, I'm sure that you'll get hurt."
***
"Paalis ka?"
Nag-angat ako ng tingin kay Yaya Melanie nang magsalita siya mula sa pintuan ng aking kuwarto. Sinagot ko siya ng marahang pagtango bago ipinagpatuloy na isuot ang aking hikaw. "Saglit lang naman po ako, Yaya. Huwag po kayong mag-alala sa akin," sagot ko at tipid siyang nginitian.
I heard her sigh. "Saan ka ba pupunta at nang masamahan na kita," nag-aalalang tanong niya.
Lumingon ako sa gawi niya at lumabi. "Yaya, malaki na ako. Kaya ko na po ang sarili ko, huh? Saka hindi naman po ako magtatagal. Sabi kasi ni Maurice ay ngayon ang dating ni Danielle kaya magkakamustahan pa kami."
"Maurice? Iyan ba 'yong may-ari ng magazine kung saan kayo na-feature? Ano nga ulit 'yong title ng magazine, 'nak? U-Uh. . . Bachel. . . ano nga?"
Mahina akong tumawa dahil sa tanong niya. Malapad ko naman siyang nginitian at proud na tumingin sa kaniya. "Bachelorette Club, Yaya. 'Yon ang tawag sa grupo namin," pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Napailing naman si Yaya at bumuntong hininga na lamang. Muli ko namang ibinalik ang aking tingin sa vanity mirror at sinuri ang aking sarili roon. The corner of my lips quirked up upon seeing my reflection on the mirror. Mas lumapit pa ako roon upang suriin ang aking mukha. . . my beautiful face.
Yaya sighed. "Hay nako, Harper. Paalis ka, hindi ba? Oh siya, umalis ka na at baka mahuli ka pa," naiiling na sabi niya na siyang ikinatawa ko.
I excitedly rose up from my seat and faced her. I held her hands as I winked towards her. "Ganda ng alaga mo, right, Yaya? Umamin ka na po na I'm pretty---"
"Oo na, oo na. Ikaw na ang maganda. Pero hind ba't lahat ng maganda ay may boyfriend?" She suddenly cut my words off.
Sinimangutan ko naman siya dahil doon at masamang tiningnan. "Si Yaya talaga," naiiling na sambit ko bago taas noong humarap sa kaniya. "Ibang case ako, Yaya. Masiyado na silang nasilaw sa kagandahan ko kaya ayaw na nila akong lapitan."
Mahina siyang tumawa bago pinalo ang aking balikat. "Ewan ko ba sa 'yong bata ka. Oh siya, tama na ang chika at baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo. Alam mo naman 'yong mga 'yon kapag nahuli ka ng dating."
I chuckled upon hearing what she said. She's right. Knowing my friends, they're too paranoid and if ever I'm late, they'll probably think that I was kidnapped or something. . . yes, ganoon silang kalala.
Nagpaalam lamang ako kay Yaya Melanie bago lumabas ng aking kuwarto. Upon going out, I was welcomed by tons of guards that was hired by my father. Dahil malapit na ang eleksiyon--- na pinakaayaw kong panahon --- Dad hired some bodyguards to accompany me wherever I go for my security. It was fine at first but having them to follow me around 24/7, it's quite frustrating now.
"Ma'am, saan po tayo?" tanong ng isang bodyguard sa akin nang makalapit ako sa may pintuan.
I glanced towards his direction and gave him a small smile. "Sa Inara, Kuya," maikling sagot ko at umuna na sa paglalakad. Nang makalabas ng bahay ay agad din akong sumakay sa kotse. Ako lamang at ang driver ang sakay ng kotse samantalang ang mga bodyguard naman ay nakasunod sa kotseng sinasakyan ko.
For some reason, it made me calm whenever they're not around. I don't know, maybe they are just too intimidating? Saka natatakot ang ibang nakakasalubong ko dahil maraming nakasunod sa aking men in black.
Tahimik lamang ang buong biyahe hanggang sa makarating kami sa Inara. Inara is a magazine company owned by Maurice Fontanilla, one of my bestfriends. Anak siya ng may-ari ng Inara na si Darius Fontanilla at ng isang sikat na model noon na si Monika Chavez-Fontanilla.
Last year, Maurice offered me a deal that she knew I wouldn't refuse. Inaya niya akong isa sa maging model kasama ang iba pa naming kaibigan. Because of that offer, The Bachelorette Club was born. It is a club where all of us are of course, single, and most of us came from the most prominent family in the country.
"Harper girl!" bungad ni Danielle nang makapasok ako sa opisina ni Maurice. Patakbo siyang lumapit sa akin at yumakap kaya naman mahina akong tumawa. "I miss you!"
"I miss you too, Danielle. Ikaw naman kasi, masiyado kang busy roon sa hacienda niyo at hindi mo na kami madalaw man lang dito," biro ko.
She chuckled. "Excuse me, ha? Sa pagkakaalam ko, busy ka rin. Kakauwi mo lang galing Paris, hindi ba?"
"Uh-huh. Umattend ako sa isang fashion show. But it's nothing! Saglit lang naman ako roon at hindi tulad mo na matagal bago bumalik. Naiiwan tuloy kami palagi ni Maurice rito. Saka 'yang babaeng 'yan, mukhang magkaka-lovelife. Paano naman ako, ano?"
Maurice cleared her throat and that made me turned my head towards her direction. She's comfortably sitting on her swivel chair with an arched eyebrow. "Wala akong lovelife, Harper. Huwag kang fake news diyan," agad na tanggi niya na siyang ikinatawa ko.
Muli akong bumaling ng tingin kay Danielle bago umangkla sa braso niya. "Ang kambal, hindi mo pa rin nakikita? Akala ko pa naman ay late ako tapos wala pa pala sila—"
"Nah! We're here!" Sabay-sabay kaming napangiwi nang may sumigaw sa may pinto. We turned our head towards their direction and we smiled in unison upon seeing them.
Pumasok si Paisley habang hila-hila ang kambal na mukhang may galit sa mundo. I chuckled upon seeing them. "Anong nangyari riyan kay Presley at mukhang bad mood na bad mood?" tanong ko.
Nang makalapit sa amin ay saka lamang binitiwan ni Paisley ang kapatid. Padabog namang umupo si Presley sa sofa ng office ni Maurice at nakasimangot na ipinagkrus ang kaniyang mga braso kaya't napalingon kami sa direksiyon niya. Nag-angat siya ng tingin sa direksiyon namin at sinamaan ng tingin ang kakambal na si Paisley na mukhang walang pakialam sa masasamang titig ng kaniyang kapatid at nginitian lamang ito.
I drew in a long breath while looking at Presley. "What happened?"
"Paisley fucking stole my crush! Sinong hindi magagalit? Akala ko magkaka-boyfriend na ako sa wakas tapos nalaman ko nalang na hinalikan pala ng babaeng 'yan ang crush ko? Manakaw sana lahat ng bags mo, slapsoil!" Inis sa sambit ni Presley sa kapatid.
Danielle, Maurice, and I, all groaned upon hearing what she said. Bumaling naman ako ng tingin kay Paisley at walang gana itong tiningnan. "Bakit mo naman kasi ginawa iyon, huh?"
She chuckled as she lifted her shoulder in a half shrug. "I was drunk, okay? Drunk. Saka hindi ko naman alam na crush pala ni Presley 'yong lalaking 'yon, ano. That guy wasn't even handsome!"
Presley groaned as she darted a glare on her twin. "Bawiin mo 'yan! He's handsome kaya. Sabihin mo, wala kang taste sa lalaki!" galit na giit nito sa kapatid.
"Uh, puwede pa bang pumasok?"
Nawala ang atensiyon namin sa kambal nang muling may magsalita sa may pinto. Avery, who is still wearing her lawyer attire walked inside. Ipinatong niya ang dalang bag bago takang tumingin sa kambal. "Anong mayroon?" she asked.
"Kasi si Paisley, inagaw ang---"
"OMG! Anong chika?" Presley's words were cut off when Delaney interfered. Maikli ang suot nitong damit at amoy alak pa kahit na tanghaling tapat.
Malakas na bumuntong hininga si Maurice dahil doon. "Delaney, bakit lasing ka na naman?" striktang tanong niya rito.
Delaney laughed. "Broken hearted si baby girl natin kaya sinamahan ko lang," she answered while swaying her body. Napalabi naman ako dahil doon. "Riley! Riley, pumasok ka nga here!"
Dahil sa sigaw ni Delaney ay pumasok naman si Riley, ang pinakabata sa amin, na nakalabi at napapailing pa. "Sabi niya sasamahan niya akong uminom pero nauna siyang malasing," parang batang pagsusumbong niya sa amin kaya't sabay-sabay kaming natawa.
"Sino pang kulang? Ang iingay niyo, akala ko ba iwewelcome niyo ako?" reklamo ni Danielle habang binibilang kami kaya't sabay-sabay kaming natawa. "Where is Anastasia? Hindi naman nal-late 'yon, 'di ba? Bakit late 'yon ngayon?"
Sabay-sabay naman kaming nagkibit0balikat bilang sagot sa tanong niya. And just as if on cue, the door opened, revealing Anastasia with an unfamiliar woman. "Hi, girls!" she beamed happily as she went inside. Tahimik namang sumunod sa kaniya ang kasamang babae na mukhang mas bata sa akin ng ilang taon.
"You brought someone?" Nakataas ang kilay na tanong ni Danielle habang nakatingin sa kasama ni Anastasia.
Anastasia smiled before tapping the girl's shoulder. "I thought she's perfect here in our club. Kulang pa tayo ng isa, hindi ba? Kaya heto, nag-recruit na ako ng isa pa."
"Pero Anastasia, you should've consulted us first before bringing her here," reklamo ni Paisley. Napalingon naman ako sa gawi ng babaeng kasama ni Anastasia. She looks scared.
My lips puckered before I cleared my throat to get their attention. "Mukhang bagay naman siya sa group natin. Let's just talk to her later, shall we? She looks nice naman," nakangiting suhestiyon ko.
Almost all of them sighed upon hearing what I said. Nagkibit-balikat naman ako sa kanila bago lumapit doon sa babae na kasama ni Anastasia. "Hi, Miss. I'm Harper Chanel Parisi. You can just call me Harper if you want. Nice meeting you," I introduced myself as I offered her my hand for a handshake.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at saglit akong tinitigan. After a couple of seconds, the corner of her lips quirked up before accepting my hand. "I'm Eloise. Eloise Descartin."
----