Chapter 3 - 03

TSD 03

HARPER CHANEL PARISI POINT OF VIEW.

"So how old are you, Eloise?" I asked as I smiled widely towards her.

She timidly smiled back. "Twenty three po," mahinang sagot niya.

Napatango naman ako habang nakatingin sa kaniya at inoobserbahan ang bawat galaw niya. She looks pretty but she's shy. . . and as an extrovert, it feels like I have a responsibility to become an ice-breaker to introverts like her.

"May kapatid ka ba?"

Bahagya siyang natigilan dahil sa tanong ko kaya't agad na nagsalubong ang aking kilay. Pasimple siyang bumuntong hininga ngunit hindi nakatakas iyon sa aking mga mata. Kapagkuwan ay nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin. "I have three brothers and one sister. I'm the youngest one," she answered.

"Oh, really? Masaya kapag marami kayong magkakapatid, 'no? Kami kasi ni Danielle, parehas kaming only child kaya alam mo na, medyo malungkot. But thankfully, I have my friends. They act as my sisters since I don't have one," nakangiting sagot ko sa kaniya ngunit hindi na siya nagsalita pa.

I was about to speak again when Delaney came inside. Umalis kasi sila nina Danielle para makaligo si Delaney at makapagpalit ng damit dahil sobrang tapang kasi talaga ng amoy ng alak sa katawan niya. Dumako ang tingin ni Danielle sa direksiyon namin at agad na umangat ang isang kilay niya. "Andiyan pa pala 'yan?" she asked, pertaining to Eloise.

Maurice groaned. "Danielle," suway niya sa pinsan ngunit nagkibit-balikat lamang ito at umupo sa harapan namin. Sumunod naman sa kaniya si Delaney at umupo sa tabi ko.

"Bet mong friend?" mahinang bulong niya sa akin nang makaupo sa tabi ko.

I lifted my shoulder in a half shrug. Hindi ko naman kasi talaga malalaman agad kung gusto kong maging kaibigan ang isang tao hangga't hindi kami nagkakasama nang matagal. Kaya nga kinakausap ko si Eloise para may malaman ako tungkol sa kaniya at nang malaman ko kung gusto ko ba siyang maging kaibigan.

"Nasaan ang kambal?" prenteng tanong ni Danielle at prenteng sumandal sa sofa.

Nginitian ko siya. "Nauna na sila kasama si Avery. Teka. . ." Humarap ako kay Maurice at kunot-noo siyang tiningnan. "Saan nga ba tayo pupunta?"

She just smiled at me and winked. Mas lalo namang kumunot ang noo ko dahil doon. Silence enveloped the seven of us. Danielle was busy looking on her nails, Maurice is reading her documents, Anastasia was busy with her phone, nakasandal naman si Delaney habang hinihilot ang sintido, habang si Riley naman ay nagbabasa ng magazine.

My eyes darted on Eloise and surprisingly, she's also looking towards my direction. Bahagyang nanalaki ang mga mata niya nang magtagpo ang mga mata namin kaya't malapad ko siyang nginitian. She bit her lower lip and looked away. Napalabi naman ako dahil sa naging reaksiyon ko. Bakit ba parang ilap siya sa akin?

I cleared my throat and was about to speak with Eloise when Danielle called my name. "Harper?"

Nag-angat ako sa kaniya ng tingin nang tawagin niya ako. "Hmm?"

"Follow me," she said plainly as she rose up from her seat. Naglakad siya palabas ng opisina kaya naman agad na nagsalubong ang aking kilay dahil sa inasal niya.

Agad naman akong tumayo at naglakad palabas upang sumunod sa kaniya. Naabutan ko siya na nakasandal sa labas habang nakakunot ang noo at tila ba may malalim na iniisip. Lumapit ako sa kaniya kaya't nag-angat siya ng tingin.

"May problema ba?" tanong ko.

She heaved a deep sigh. "Kasi Harper ano. . ."

"Hmm?"

"Don't you find Eloise suspicious?"

Bahagya akong natigilan dahil sa tanong niya at naguguluhan siyang tiningnan. "Suspicious? Bakit naman?" takang tanong ko sa kaniya.

Malakas siyang bumuntong hininga at hinilot ang sintido. "I don't know if I'm just hallucinating or not but I think I saw her somewhere but I can't exactly remember where. . . she's familiar," mahinang sambit niya.

"And? Porque familiar, suspicious na agad?"

"Ewan ko, okay? It's just that I have a bad feeling with her. Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng iyan," naiiling na tugon niya kaya't napalabi ako.

"Alam mo, ang judgemental mo naman. Mukha namang mabait 'yong tao, ano. Shy type lang pero mukha namang mabait si Eloise," pagtatanggol ko.

Danielle drew in a long breath while shaking her head. "Basta. Judgemental na kung judgemental pero hindi maganda ang kutob ko sa babaeng iyan. Hindi ko nga alam kung bakit basta-basta na lamang sinama 'yan ni Anastasia rito, e."

Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. She's right with that one, though. Hindi nga namin alam kung bakit bigla na lamang isinama ni Anastasia si Eloise sa get together namin. Hindi naman kasi kasali si Elosie sa grupo namin kaya. . . kaya medyo awkward.

Muling bumuntong hininga si Danielle kaya't nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Umismid siya habang umiiling. "Basta masama ang kutob ko riyan sa Eloise na 'yan. Huwag kang makakampante, ha? Kilala kita, ikaw ang pinakamadaling magtiwala sa ating lahat."

"Pero kasi Danielle. . ."

"Harper Chanel, hindi lahat ng tao, dapat mong pagkatiwalaan. Malamang sa malamang, isa sa mga 'yan, may planong masama sa 'yo at kinukuha lang ang tiwala mo para mas mapadali ang trabaho nila."

I bit my lower lip and looked down. "Mukhang hindi naman ganoon si Eloise. Kung may masama siyang balak, e 'di sana nagfeeling close na siya sa akin, hindi ba? Pero hindi, Danielle, e. She's shy and aloof. Hindi naman ganoon ang ugali ng taong gustong kuhanin ang tiwala ng kung sino man," pagtatanggol ko kay Eloise.

Napailing na lamang si Danielle at tinapik ang aking balikat. "Basta binalaan kita,ha? Hindi mo dapat agad pinagkakatiwalaan ang sino man dahil baka sa bandang huli, ikaw din lamang ang masaktan. I'm just concerned since you're like a sister to me, Harper. I want to keep you away from harm."

Malapad ko siyang nginitian bago niyakap. "Thank you! Promise, I won't get hurt. Matanda na kaya ako, ano. Hindi na ako baby," sabi ko na siyang nakapagpatawa sa kaniya,

Since she's way taller than me, she patted my head while laughing. "Oo na, oo na. Matanda ka na at hindi ka na baby. Pero Harper, ang puso ha. . ."

Humiwalay ako sa kaniya bago malapad na ngumiti. Tinapik ko ang aking dibdib bago tumingin sa kaniya. "Malakas na kaya 'tong puso ko, Danielle. Malakas na ang puso natin," I assured her.

Danielle and I got very close when we found out that we both have a heart complication. Nakakarelate kasi kami sa isa't-isa kaya naman mas lalo akong naging kumportable sa kaniya. Masasabi kong sa lahat ng kaibigan ko, sa kaniya at kay Maurice ako pinaka-dumedepende.

After talking with Danielle, sabay kaming bumalik sa loob. Hindi na naman nagtanong nag iba sa pinag-usapan namin na siyang ikinapagpasalamat ko. We all value about each other's privacy and that's what I love about them the most.

"Nag-text na sina Avery," Anastasia trailed off. Tumingin siya sa amin at itinaas ang kaniyang cellphone. "Pumunta na raw tayo roon dahil nahanda na nila lahat."

My brows immediately drew in a straight line. Taka akong tumingin sa kanila. "Saan ba tayo pupunta?"

"Right. Alam niyo namang hindi puwede basta-bastang pumunta sa kung saan si Harper," segunda ni Danielle na siyang ikinatango ko bilang tanda ng pagsang-ayon.

"I already settled everything. Susundan tayo ng mga bodyguards ni Harper para makasiguro sila na safe," sabi ni Maurice at tumayo na sa wakas. She stretched her arms first before she picked up her bag and turned her gaze towards our direction. "Ano? Tara na?"

Nagkibit-balikat naman ako at tumayo na rin upang sumunod sa kaniya. Bumaling naman ako ng tingin kay Eloise at nakangiti siyang tiningnan. "Sumama ka na sa amin," I offered.

Danielle sighed. "Harper Chanel. . ."

Bumaling ako ng tingin sa kaniya at ngumiti. "We should atleast get to know her, right? Let's give her a chance, huh? Wala namang mawawala," I urged her.

"Come on, Danielle, ganiyan ka rin naman kay Riley dati pero close na kayo ngayon," pagsingit ni Delaney sa usapan kaya napatingin kami kay Riley na nagkibit-balikat lamang.

Danielle hissed. "For your information, I'm already fond of Riley even before. Hindi ko lang siya naging ka-vibes dahil sa ginawa niya kay Iverson."

"Ooh! I love this. Ungkatan ng past." Delaney whistled as she waggled her eyebrows. Sabay-sabay naman kaming napailing dahil doon.

"So ano na, guys? Tara na? Naghihintay na sina Presley, Paisley, at Avery roon."

Sabay-sabay kaming napatango dahil sa sinabi ni Maurice at agad na sumunod sa kaniya palabas nang mauna siya sa paglalakad. As usual, all eyes were on us. Ngumiti ako sa ibang nakakasalubong namin kaya siniko ako ni Delaney. Taka ko naman siyang tiningnan.

"Girl, alam mo, aakalain nilang nangangampaniya ka sa lagay na 'yan. Ngiting-ngiti? Election season?" biro niya kaya't agad akong napalabi.

"I'm just being nice, okay? Masama na bang ngumiti?" I reasoned out.

Napailing na lamang si Delaney at nagpatuloy sa paglalakad. Umuna na naman ako sa kaniya at umangkla sa braso ni Danielle na kasabay ni Maurice sa paglalakad. "Pasabay," I said like a child. Natawa naman si Danielle dahil doon.

Maurice heaved a deep sigh. "Ikaw, ha, Harper. Ipinagpalit mo na ako porque dumating na si Danielle. Akala ko ba ay ako na ang bestfriend mo?" biro niya kaya't mahina akong tumawa.

"Bestfriend ko naman kayong lahat."

"Sus! Scam 'yan, Harper," pagsingit ni Riley sa usapan kaya't sabay-sabay kaming natawa.

I chuckled lightly. "Okay, okay. Favorite ko si Danielle but love ko naman kayong lahat," pagpapaliwanag ko bago sila kinindatan.

"Uh. . . Bakit may mga body guards?" Napatigil kami sa paglalakad nang sa wakas ay nagsalita na rin si Eloise na kanina pang tahimik. I excitedly turned my head towards her direction.

"They're mine. Election season na kasi kaya kailangan kong mag-inagt," nakangiting pagpapaliwanag ko sa kaniya.

To my surprise, she shot a brow up. "Really?" mahinang tanong niya na siyang ikinakunot ng aking noo.

Danielle sighed as she held my arm. "Really. Harper is Senator Ruvio Parisi's only daughter. Why? May problema ka ba roon?" Maangas na tanong niya kay Eloise kaya't hinawakan ko rin ang braso niya para pakalmahin siya.

Eloise chuckled and shook her head. "Wala naman. I'm actually Senator Ruvio's supporter," sagot niya kay Danielle bago lumingon sa akin. "Pakibati na lamang ako kay Senator. I'm such a fan of your beloved father."

----