Chereads / Love Till The End Of Time / Chapter 3 - Chapter 2: ( Glimpse of the past )

Chapter 3 - Chapter 2: ( Glimpse of the past )

" KUUYYYAAA!!" Asar na hinahabol niya ang kapatid niya na ngayon ay malapit na sa gate ng school nila.

Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na siya ng lahat ng studyanteng walang klase ng mga oras na iyon.

She's frustrated. Asar na asar siya rito dahil pinaskil nito sa bulletin board ang picture niya noong uhugin days niya.

Her brother is know as the neautorious play boy in the campus halos lahat na yata ng nakapalda ay pinatos na nito.

Maliban nalang sa best friend niya si Venice. Iba kasi ang hilig ng kaybigan niya and her brother is out of her league.

" Amara "

Hinihingal siya na tumigil sa pagtakbo ng marinig niya ang pangalan niya.

Napairap nalang siya ng mapagsino ang tumawag sa kanya. Her brother's best friend Arthur.

Nakatago na ngayon ang damuho niyang kuya sa likuran nito at sino ba naman siya para pumalag sa Campus President nila.

" You need to go to the deans office " seryosong sambit nito sa kanya.

Asar na napatingin nalang siya sa kuya niyang ngingiti ngiti nalang sa likuran ng best friend nito.

" Apollo, you also need to go their with your sister "

Sumilay ang malawak na ngiti sa labi niya ng marinig niya ang sunod na sinabi nito.

" oh! My Arthur iboboto uli talaga kita sa susunod na election " pumapalakpak pa na sambit niya rito.

Tipid nalang itong ngumiti at napailing sa inasal niya.

Arthur is her secret crush, simula pa ng musmos siya ay gustong gusto na niya ito. Kahit nuong wala pa sa isip niya ang salitang crush ay gustong gusto na niya itong nakakasama at nakikita.

Mas may paki pa nga siya rito kaysa sa sarili niyang kuya at ngayon mukhang masaya ang parusang makukuha nila ng kuya Apollo niya. Sisiguraduhin niyang makakaganti siya rito.

He will suffer to the core.

" stop smiling you little devil " asar na sambit nito pero hindi pa rin umaalis sa likuran ng best friend nito.

" mauuna na ko sa deans office kuya see you their " nakangiting sambit niya rito.

Masayang naglakad siya sa kabilang hallway kung saan ay makikita ang iilang istudyante na tuwang tuwa sa drama nila ng kuya niya.

Sanay na sila sa ganung tagpo nilang magkapatid. Hindi yata matatapos ang isang buong linggo na walang nangyayaring habulan sa buhay nilang dalawa.

Akmag liliko na siya papunta sa deans office ng masalubungan niya ang kanyang best friend na si Venice kasama ang secretary ng student council na si Chelsy.

May dala dalang libro ang kaybigan niya and she's also wearing her favorute round glasses na kasing taas na yata ang grado ng sa lola niya. Speaking of her Lola kaylangan na niya itong mabisita this week.

" mukhang start na ng meeting mo with the dean " seryosong sambit ni Chelsy sa kanya.

Chelsy is also her childhood friend pero hindi sila ganong kaclose, hindi naman dahil pangit ang ugali nito. Sa totoo nga lang ay napakaperpekto nito kaya alam niyang wala siyang laban.

Kalat sa campus na ang tanging babaeng nararapat lamang kay Arthur ay walang iba kung hindi si Chelsy because they are perfect match at iyon ang kinaiinisan niya.

" blame it to my brother "

Asar na sambit niya rito.

Napailing nalang din siya ng mapansin ang pagbabago ng emosyon sa mata nito.

Nakalimutan nga rin pala niyang banggitin na patay na patay si Chelsy sa kuya niya.

Kaya lang ay hindi ito pinapatos ng kuya niya dahil may pinangngalagaan daw itong dignidad. Ewan ba sa kuya niya minsan hindi rin niya alam kung anong lumalabas sa hindi matino nitong utak.

" Hintayin na lang kita sa canteen Amara" mahinang sambit naman ni Venice sa kanya.

Lumakad siya at yumakap rito.

" bili mo kong spaghetti " lambing niya rito.

Madalas kasing maubos ang spaghetti sa canteen nila.

" alright, tapusin mo na ang meeting nyo "

Humiwalay siya rito at hinalikan ito sa pisngi.

" thank you best friend and by the way, wag na wag mong hahanapan ng upuan si kuya "

Inis na paalala nya rito...

Madalas kasi ay nakikiupo ang kuya nya sa table nila at ang ending na ganti nito sa kanya ay inuubos nito ang pagkain niya.

" naghihintay na ang dean sa inyo, hintayin nalang kita sa canteen ok "

Hinaplos nito ang pisngi niya.

" ok, I will go first "

Lumakad na siya at nilagpasan ang mga ito.

Mga ilang hakbang lang ay nakarating na siya sa deans office at napairap nalang siya ng mapagsino ang nakatayo sa pinto.

" Devon nasermonan na ko ni Arthur wag mo ng pangalawahan " asar na paalala niya rito.

Tumawa naman ito ng mahina at naglakad palapit sa kanya.

Nilapit nito ang mukha sa kanya at nakangiting ginulo ang buhok niya.

" alam kong hindi ka sinermunan ni Arthur "

Inis na sinipa niya ito ng mahina.

" Buti alam mo "

Lumayo naman ito sa kanya at may inabot na isang paper bag.

" Pinabibigay ni mommy " nakangiting sambit pa nito.

Nanlalaki ang mga mata sa tuwa na kinuha niya ang inaabot nito sa kanya.

Kung meron siyang girl best friend meron din naman siyang boy best friend at ito ay walang iba kung hindi ang vice president ng student council. Walang iba kung hindi si Devon ang anak ng Dean ng school nila.

" magthank thank you nalang ako sa kanya sa loob "

Yinakap nya muna si Devon bago siya lumakad papasok ng dean office.

Nadatnan niya ang kuya niyang nakayuko habang kinakausap ng dean nila.

" maupo ka muna Amara"

" thak you tita " tinaas niya ang paper bag na hawak niya.

Ngumiti naman ito at binalingan uli ang kuya niya.

" How many times that I need to remind you Apollo, babae ang kapatid mo at hindi maganda ang ginawa mo kanina "

Mahinahong sambit nito sa kapatid niya.

Devon's mother and her mother are best friend kaya dito sila pinasok ng mommy niya dahil alam niyang mababantayan silang dalawa at marerendahan ang kalokohan ng kuya niya.

" and you Amara, babae ka you don't need to run in the hallway, ano bang mga bata kayo "

Mahinahong baling din nito sa kanya.

Tumayo naman siya ay pumwesto sa likuran nito. Niyakap niya ito mula sa likuran.

" sorry na tita si Kuya kasi puro kalokohan promise last na to di na kami uulit "

Napabuntong hininga nalang ito at sukong sukong napailing nalang sa kanilang dalawa.

Humiwalay siya rito at bumalik sa pwesto niya.

" This is the last time dahil sa susunod na gagawin nyo to hindi ko na kayo pagtatakpan "

Nakangiting tumango naman siya at sumaludo rito.

" mauna na po ako " nakangiting paalam pa niya

Nauna na siyang lumabas at iniwan ang kuya niya sa loob alam naman kasi niyang hindi pa tapos ang panemermon nito sa kuya niya.

" Your done " napatingin siya kay Devon na nakasandal sa pader sa gilid ng pintuan.

Hinintay pala siya nito.

Tumango naman siya rito.

Lumakad ito palapit sa kanya at kinuha ang bitbit niyang paper bag. Nauna itong naglakad at sumunod naman siya rito.

" Devon "

Tawag niya rito.

Kunot noong napalingon naman ito sa kanya.

" what?"

" wala "

May gusto siyang sabihin dito pero pinagpaliban na niya muna.

Lumakad siya palapit rito at kumapit rito.

Matangkad si Devon sa kanya. Hanggang balikat lang ang inabot niya rito at pagdating din naman sa physical looks, hindi rin naman ito papatalo..

May pagkaisnabero nga lang sa iba but Devon is Devon her number one alalay..