Chereads / Love Till The End Of Time / Chapter 4 - Chapter 3: ( Glimpse of the past )

Chapter 4 - Chapter 3: ( Glimpse of the past )

" The class is over Devon " Nakataas ang kilay na sambit niya rito.

Here he is again late nanaman sa pagpasok.

Binaba nito ang bag na dala dala nito at may inabot sa kanyang isang palstic.

Kinuha niya iyon at binuksan.

Napangiti nalang siya ng makita ang laman niyon sa loob. Isang tinapay at maiinit na chocolate drink..

" thank you.." nakangiiting sambit niya rito habang hindi ito pinag-uukulan ng pansin.

" Don't forget to eat your breakfast Amara "

" Alright boss "

Nakangiting sagot niya habang nilalantakan ang pagkaing binigay nito sa kanya.

" Amara " napalingon siya sa best friend niyang nakaupo sa harapan. Napangiti pa siya ng mapansin ang itinaas nitong plastic sa harapan niya.

" just bear with it " nakangiting sambit niya rito.

" pwede pa one time lang pasapak sa kuya mo para magising sa katotohanan naluto yata ang utak e "

" Ven just bear with it, ayaw mo non may free breakfast ka araw-araw "

Napailing nalang ito at napabalik ng tingin sa harapan.

Napalingon naman siya ngayon sa katabi niya na seyosong tinitignan ang ginawa niyang assignment..

" what's wrong ? " takang tanong niya rito.

Sinara naman nito ang notebook niya at binalik sa kanya.

" nothing hindi pa rin nag babago ang penmanship mo Amara "

" ikaw na ang maganda magsulat " 

Binuksan nalang niya ang notebook niya at napangiwi nalang siya sa gulo gulong sulat niya.

Hindi niya alam kung bakit ganito ang penmanship niya daig pa siya ng mga grade one.

Napatigil nalang siya sa pag-usisa pa rito ng makita niya pumasok na ang teacher nila para sa second subject nila.

Niligpit nalang niya ang pagkain niya at tahimik nalang siyang nakinig habang ang katabi niya ay nagbuklat na ng kung ano anong magazine.

Napailing nalang siya at hinayaan ito sa ginagawa nito.

Ibang klase talaga kapag biniyayaan ka ng talino.

" Amara, Amara " napakurap siya at napalingon sa teacher niyang kanina pa pala siya tinatawag.

" Answer the question on the board " mahinahon pero instriktong sambit nito sa kanya.

Napalingon naman siya sa katabi niya.

Napaismid nalang siya ng mapansing hindi ito kumikilos sa kinauupuan nito.

Mukhang hindi siya matutulungan ngayon ng katabi niya. Akmang lalakad na sana siya papunta sa board ng biglang tumayo si Devon.

" I have a question to ask Miss Paminpin"

Lumakad ito palapit sa teacher niya habang dala dala ang magazine na hawak nito.

Napailing nalang siya ng hindi na siya pinansin ng teacher nila.

Naupo nalang siya sa pwesto niya at napalingon kay Amara na ngumingiti sa kanya.

" your prince is doing his job " nakangiting komento pa nito.

Nagkibit balikat nalang siya at binalik ang tingin kay Devon at sa teacher nila.

Natawa nalang siya ng makitang bibong bibo na tinuturo ng teacher nila kay Devon kung paano i solve ang problem na dapat ay isosolve nya kanina.

Lalo pa siyang napangiti ng pasimpleng nagthumbs up si Devon sa kanya.

Saktong tapos ng magsolve ang teacher nila ng tumunog na ang bell tanda na tapos na ang oras para sa subject nila.

Tumayo naman si Venice at umupo sa tabi niya.

" anong lunch natin ngayon Amara?" Tanong nito sa kanya.

" I prepare something for you Ven " kinuha niya ang paper bag niya at nilagay sa lamesa.

Napagdiskitahan kasi niyang magluto kaninang umaga at syempre gusto niyang si Ven ang unang makatikim ng luto niya.

" Ahmmm.. Amara may urgent meeting pala ako sigeee.. mauna na ko " bigla itong tumayo at walang lingon lingon na lumabas ng classroom.

Masarap naman siyang magluto sabi ni Devon pero bakit ayaw tikman ni Ven ang luto niya.

" What's that?" Takang tanong ni Devon ng lumakad na ito pabalik sa pwesto nito.

" tapos na kayo?"

" I ended the conversation and by the way back to my question " nginuso nito ang paper bag na nasa lamesa niya.

" sinubukan kong magluto pero nilayasan ako ni Ven "

Kumunot naman ang noo ni Devon at mabilis na kinuha ang kamay niya. Napailing nalang ito ng makita ang daliri niya may band aid

" minor injury lang yan Devon "

" I already told you Amara, you don't need to hold a knife handa akong tulungan ka kung gusto mong magluto "

" Mind your own business Devon "

Kinuha naman nito ang paper bag niya at kinuha ang lunch box na nasa loob.

Binuksan nito ang baunan at sinimulan ng kainin ang laman niyo.

" you use so many salt " maikling komento nito pero patuloy pa rin ang pagnguya nito.

" then stop eating "

" but it's ok "

Napailing nalang siya at kinuh ang tumbler na lagi niyang daladala..

" drink, to many salt is bad for your health "

Tumango naman ito at kinuha ang inabot niya.

" may gala ka ba mamaya Devon? "

" why?" Binaba nito ang tumbler niya matapos nitong uminom.

" I just want to buy something, malapit na ang birthday ni Arthur " nakangiting sambit niya rito.

Napailing nalang ito at napatingin sa kanya.

" I have some business to do "

" alright ako nalang mag-isa busy din kasi si Ven dahil malapit na ang school festival kaya hindi ko sya maabala "

Hinaluan pa niya ng pagtatampo ang boses niya alam naman kasi niyang hindi siya matitiis nito. Devon is Devon at alam niyang siya ang number one priority nito.

" alright I'll go with you "

" thank you Devon, I love you so much " hinalikan nya pa ito sa pisngi at masayang tumayo na sa kinauupuan niya.

Akmang lalakad na siya palayo ng pigilan na siya nito.

" Saan ka pupunta?"

" my rehearsal sila kuya ngayon I need to watch, bye bye see you later "

Masayang lumabas siya ng classroom at naglakad papunta sa music room.

She really love hearing Arthur's voice. Napakaangelic ng boses nito..