Nang matapos akong magmeryenda ay bumalik na ako sa classroom dahil balik klase nanaman kami...I swear bawat araw ay kabado ako dahil nga sa nagcutting kami.
Pati si dad ng malaman niya yon ay galit na galit saakin....sinisira ko lang ang kanilang reputation sabi niya saakin.
Naging mabilis lang din ang klase namin sa hapon dahil ang ibang guro ay hindi dumalo dahil busy sila sa sports.
"Crish! Ah kailan natin sisimulan ang paggawa ng project? You know matagal yon"
Napaisip ako sa tanong niya, sabagay matagal nga gumawa ng project lalo na't isa sa mahirap na subject ang science.
"A-ahh...bukas nalang ng uwian" nag-aalangan kong sagot dahil kahit kailan ay wala akong naging tamang pasya.
Laging mali...mali ako.
"Ah sige! Para may kasama ang grupo nila ackie! Sige babye" tinanguan ko lang siya at tinalikuran na ito.
Akala ko ay unti nalang ang studyante sa labas pero nagkamali ako, pagkalabas ko ng gate ay halos maipit na ako dahil sa dami nila.
Ang iba ay nabili ng street food ang iba ay inaabangan ang kaibigan nila.
Oo nga pala, nakauwi na siguro sila charo lagi naman akong huli dahil isa sa mataas na section ang nalahokan ko.
Napasinghap ako ng mabangga ako ng isang babaeng nagmamadali....wala pa itong bag siguro ay lumabas na siya pero iniwan ang gamit.
"S-sorry hah! May hinahanap kasi ako yung kaklase kong hindi nagbalik ng ballpen kainis kasi!" Namomoblema niyang ani at parang maiiyak na.
Tinanguan ko lang din ito at naglakad na muli.
Kinabukasan ay kinausap kami ulit ng teacher namin sa science para sabihin kung hanggang kailan lang iyon pwedeng gawin.
Mabilis lumipas ang oras at dumating na nga ang oras ng pagsisimula namin sa project.
"Dala niyo laptop niyo?" Tanong ko sakanilang lima.
Dalawa lang ang tumango dahil ang iba ay may kanya kanyang reason...hindi ko ito pinansin at kinausap ang dalawang may dala.
"Ikaw ang magtype, tapos ikaw naman ang magresearch sa mga importanteng bagay tapos isend niyo saakin ang file para maiprint ko nalang sa bahay"
"A-ahh...tama ba itong ginagawa ko crish?" Nilingon ko ang kagroupo kong lalaki na nahihiyang tumingin saakin.
"Ah, medyo i gilid mo dahil baka ang susunod na ididikit sa hindi na magkasya limitado lang ang laki ng manila paper." Seryoso kong sahot sakanya at pinanood ko ang iba.
Lumapit ako sa bag ko at kinalkal kung nagdala ba ako ng pental pen...dahil makakalimutin din ako minsan.
Bumalik ako sakanila at kinuha ang isa pang manila paper para isulat na roon para printing nalang ang kailangan.
"Ah, crishelle! Yung pocket wifi ko nawawalan ng signal"
"Oo nga itong laptop kong nakaconnect din sa pocket wifi niya ay di nagana" namromroblemang ani ng kagroupo kong babae at paulit ulit niyang nirefresh ang signal.
"Ah....ganun ba...ano kayang pwe--ah! Ikaw muna dito ako dyaan sa laptop mo."
Tinanguan naman ako nito at iniwan ang laptop sa sahig at lumapit sa pwesto ko....inabot ko sakanya ang pental pen at iniwan na siya doon.
Pinatay sindi ko ang pocket wifi at nirefresh ng ilang beses ang laptop...agad naman itong nagkasignal kaya naman ay nakagawa ako.
Mabilis na sumakit ang mga kamay ko habang nagawa ng paragraph dahil ang ibang kinopy paste ko ay kulang kulang ang detalye.
Napalingon ko ng tapikin ako ng kagroupo kong nakaeyeglass.
"Ah, pwede naba kaming umuwi? May limit kasi ako...pero promise gagawin ko yung part ko" nakangiting ani nito, tinanguan ko sila pero ang may ari ng laptop ay nagpaiwan din dahil nawawala ang susi ng motor niya.
"Dyaan ka muna crish, ituloy mo lang hahanapin ko muna yung susi ko" nag-aalangan nitong ani at kinalkal ang bag niya.
Ipinagpatuloy ko ulit ang mga ginagawa ko kanina roon hanggang sa makalahati ko na ito.
Hindi niya pa ba kaya nakita? Nako pano yan makakau-
"Yes! Akala ko nawala kana huhuhu...crishelle nahanap ko na!" Naiiyak na natutuwang sabi niya saakin at lumapit sa bag niya para bitbitin atsaka lumapit saakin.
Nginitian ko naman siya at inayos ang ginagawa ko.
"Isend mo saakin mamaya ah? Sa laptop ko nalang gagawin"
"Sige ba! Ikaw di kapa ba uuwi?"
"Magwawalis pa ako"
"Yung groupo nila ackie nakasalubong ko lang ngayon ngayon lang, pauwi na sila...ikaw din sana" nag-aalalang ani nito.
"Sila ackie talaga, oo naman sige na sige na! Para matapos na ako babye!"
"S-sige babye!" Pahabol niya pang sigaw at lumabas na sa pintuan.
Kinuha ko ang walis sa likod ng blackboard at nagsimulang magwalis...pati ang blackboard ay pinunasan ko dahil may mga sulat sulat pa ng mga kaklase ko.
Nilingon ko ang pwesto ng mga upuan para sana makita kung maayos ito ngunit magulo kaya naman ay no choice ako.
Kinuha ko din ang daspan para dakupin na ang dumi at itinapon na ito sa basurahan...binuhat ko naman ang basurahan at itinapon na ito dahil punong puno na.
Ang mga manila paper na gagamitin nmain sa project ay tinupi ko na din bibitbitin ko nalang ito para hindi paipit ipit sa loob ng bag ko.
"Iha! Bat di ka pa lumalabas buti nalang ay naglibot ako" napaatras ako ng bigla biglang nagsalita ang guardiya ng school sa tapat ng pintuan.
"Ah hehehe, may ginawa lang po atsaka naglinis din po ako."
"Ah ganon ba sige antayin na kita dahil ilolock ko na din ito utos saakin ng teacher niyo bago umalis" tinanguan ko lang ito ng alanganin at binilisan na doon ang ginagawa ko.
Kinalkal ko ang bag ko habang naglalakad...inipit ko ang manila paper sa mga binti ko.
Wala namang kulang sa mga gamit ko for now kaya panatag ang loob ko.
"Wow! Nakakapaglakad kana pa--"
"Ahh!"
"Oa" halos sumbunutan ko na ang unggoy nang sumulpot ang mukha niya sa harapan ko.
"Bat mo ba ginawa yon" naiinis kong ani at tiningnan siya ng masama...kahit talaga kailan walang magawang maganda ito.
"Eh nakakita kasi ako ng pangit"
"Ikaw yon"
"Ikaw kaya"
Hinabol habol ko siya ng sinabi niya iyon....hanggang sa nakalabas na kami ng gate.
Tumigil tigil pa siya ng ilang ulit para ipakitang nang-aasar talaga siya saakin.
"Sige nga habul--" naputol niya ang sinasabi niya ng mabangga niya ang balikat ko na siyang senyales na matutumba ako ngunit nahawakan niya ang siko ko kaya naman ang mga hawak ko ang siyang naging kabayaran.
Shit!Shit!
"You freak, what have you've done!" Halos maluha luha kong nilapitan ang manila paper kong napunta sa medyo mabasang parte ng kalsada.
"Putan---Omygosh! Omygodddd!" Lalo akong nanlumo ng bumagsak ang ulan.
I swear hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya.
Nilingon ko siya habang nakatayo siya malapit saakin at pinapanood ang nangyayari saakin.
Ramdam ko ang patak ng ulan ngunit para saakin ay wala na ito dahil ang inaalala ko ngayon ay ang project namin....hindi ko pa nga naiprepresent nasira na.
Nakita kong pumunta din ang mga mata niya saakin at nawala ang nakakalokong tingin niya.
"Sorry" napapaos niyang ani.