Chereads / HeartShaker / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Axlbayot : Happy Saturday.

Agad akong napabangon ng tumunog ang phone ko ngunit ng mabasa ko ang pangalan na iyon ay ibinato nalang ulit sa higaan ko.

Sisirain niya nanaman araw ko, pshh!

Gumulong gulong ako sa higaan ko habang iniisip kung ano ang gagawin ko, kung pupunta ako kila charo baka asarin lang ako non.

Magkukulong sa kwarto or Gagala.

Magkukulong sa kwarto or Gagala.

Magkukulong sa kwarto or Gagala.

Magkukulong nalang ako, baka mabinat pa ako atsaka gagawa pa kami ng project.

Agad pumasok sa isipan kong tawagan ang mga kagroupo ko.

"Hello?" Bungad kong tanong ng sinagot na niya ang tawag ko...ano ba ginagawa ng isang toh at ang tagal niyang sagutin.

"ah, hello? bakit crish?"

"Ah pakikolekta na ang mga gawa ng kagroupmates natin dahil itutuloy ko na"

"Patay...a-ano kasi hindi namin nagawa dahil inaantay ka namin kahapon" wtf?

"Ano?! Hay nako edi matatagalan tayo" Inis na inis kong pinatay ang tawag at gumulong gulong ulit sa higaan.

Simulan ko na kaya ngayon?

"Pasok" ani ko nang nay kumatok sa pintuan...napalingon ako sa pintuan ng iniluwa ay si tita...ano nanaman kaya gagawin niya saakin?

"Breakfast na crishelle"

"Ah, s-sige p-po....ilapag niyo nalang dyaan...gusto ko lang po ngayon mapag-isa"

"Ah sige, basta kainin mo ito" tumango nalang ako at tumingin sa bintana habang inaantay siyang umalis...kinda awkward tho.

Hindi pa nakakalipas ang tatlong minuto ay bigla nanamang bumukas ang pintuan.

"Susmarios--k-kuya brennon" Napalunok ako ng makita siyang pumasok at inilibot ang mata sa buong kwarto ko.

"How are you? Are you still unwell?"

Ilang saglit ko siyang tinungangaan at nagmadaling tumango tango...naramdaman ko ang pamamasa ng kamay ko kaya naman ay binitawan ko sa tabi ko ang cellphone ko.

"That's good, sa susunod kasi ay wag ka nang late uuwi dahil nahahamugan ka"

"Ok! t-thanks" hindi ko alam ang isasagot ko sakanya kaya iyon nalang ang lumabas sa bibig ko...tumango lang siya at sumulyap sa pagkaing nasa tabi ng higaan ko.

"Did mom bought that?"

"U-uh yeah?" This is hell.

"Ok, eat kana baka manghina ang katawan mo ulit" nag-aalala niyang ani at lumapit saakin para guluhin ng kaunti ang buhok kong lagpas balikas.

"Ok"

Napabuntong hininga ako at tamad na tamad na tumayo ng higaan at isinarado ang kurtina...ilang oras na ang nakalipas ng pumunta dito si kuya brennon.

Pati ang lagnat ko ay wala na, pero medyo nahihilo padin ako pagnatayo...napatingin ako sa dulo ng higaan ko ng makita ko iyong umilaw.

Inabot ko kaagad yon kahit gusto ko ng umupo ulit dahil pakiramdam ko ay matutumba ako...pero lahat iyon ay napalitan ng pag-kairita ng makita ko nanaman ang pangalang iyon.

Axlbayot : Ay walang reply.

Crishokoy : Pake mo?

Axlbayot : Uy! Nagreply :)

Crishokoy : So what? This isn't a big deal.

Axlbayot : Wala kang pakealam doon, magaling kana?

Crishokoy : Uh, yeah pero sumakit ang ulo ko ng makita ko ang pangalan mo.

Axlbayot : Edi good! Mabwibwiset nanaman kita sa lunes :))))

Crishokoy : Your a piece of shit you know?

Axlbayot : Wrong, We're a both piece of shit.

Crishokoy : Yeah whatever.

Axlbayot : Kumain kana?

Crishokoy : Yes.

Axlbayot : Ako din :)

Crishokoy : Para kang bakla.

Axlbayot : Pake mo ba.

Aba! Kapal na nga ng mukha lakas pang mang-asar.

"Kamusta ka na pala?" Basa ko sa reply niya ng di ako magreply sakanya...napatigil ako ng ilang saglit dahil doon.

Mukhang seryoso na itong isang toh, atsaka wow! ngayon lang ako kinamusta nito...baliw na talaga ang isang ito.

"Ok lang." Reply ko sakanya at napahawak sa higaan ng maalala kong kanina pa ako nakatayo...inilapag ko ang cellphone ko sa higaan at humiga.

Grabi ang bilis ng oras alas dies na ng gabi.

"That's good, bat ka kasi nagpaulan non" napairap nalang ako habang binabasa ko ang reply niyang walang kwenta.

"So what tapos naman na iyon" napatampal nalang ako sa noo ko ng makita ko ang sarili kong nagsasalita habang nagrereply sakanya.

Pati labi ko naiinis sakanya.

"Nevermind...Matutulog na ko." So what? Kailan pa ba sabihin?

"Go ahead, no one will stop you" ani ko habang tinatype ang mga iyon at pinatay na ang net, dahil hina nanaman kami matatapos roon.

Kinabuksan ay napagdesisyonan kong gawin na ang report namin...sino pa bang gagawa kundi ako.

Buti nalang hindi umalis si kuya brennon, inofferan niya akong tulungan...mabilis kaming natapos.

"Ga.....Go!" Sigaw saamin ni charo ng makita kaming dalawa ni axl na magkaangkas sa mountain bike niya...sabagay malaki naman yung upuan kaya namang mag-adjust ni axl.

"aaaa! HAHAAH" Para kaming baliw doon, kahit naiiyak na ako sa sobrang sakit ay tumawa padin ako...tanga tanga magbike si axl magbibike na nga lang matutumba pa.

"Ayan! Kasi!" Mabilis lumapit saamin si charo...si charo lang dahil yung iba naming kasama ay busy sa kausap nila.

Akala ko ay tutulungan niya akong tumayo ngunit laking gulat ko ng hinawakan niya ang kanan kong paa at hinila ito habang si axl naman ay tumatawa padin at bumangon na.

"Tangina mo axl sinadya mo talaga itumba."

"Ikaw kasi eh! Kinikiliti mo ako!"

"Tumigil na nga kayo,...tagal niyong dumating."

Napahawak ako sa balakang ko at ikinembot kembot ito para suriin kung may nasira ba doon.

Kakagaling ko lang sa lagnat kahapon...baka pilay na ang susunod...hindi ko mapigilang mapakagad ng labi ng maramdaman kong may nakirot doon sa tuwing igagalaw ko.

Nang ititingala ko na sana ang ulo ko ay nakita ko sa malapit si axl at naglakad papunta saakin...umupo siya sa harapan ko at hinila ang dalawa kong kamay kaya napayakap ako sa leeg niya.

"Masakit ba?"

"h-huh? oo malamang"

"Sorry"