Chereads / Section Sage Z / Chapter 2 - Trash Students

Chapter 2 - Trash Students

Pagpasok pa lamang niya sa loob ng paaralan. Naramdaman niya agad ang mga mabibigat na tingin mula sa mga estudyante. Ang kanilang mga mata ay puno ng paghuhusga at panlalait habang tinignan ang kanyang kabuuan mula ulo hanggang paa.

Narinig niya ang mga bulungan ng kanyang mga kamag-aral. Puno ito ng panlalait dahil sa kanyang sinusuot.

Tila wala naman siyang pakialam. To add oil on the fire, ngumisi siya ng pang-aasar habang sinalampak ang earpod sa kanyang kaliwang tenga na may itim na hikaw. Nakasabit sa isang balikat ang kanyang school bag habang nakapamulsa siyang naglakad sa hallway na puno ng estudyante.

Pinalandas niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok na bagong gupit lang. Hindi nawawala ang kanyang ngisi na nakapaslit sa kanyang labi habang malamig ang kanyang mga mata na pinagmasdan ang mga estudyante na bahagyang dumidistansya sa kanya.

They parted like the red sea habang patuloy siya sa paghakbang sa kanyang mga paa. Agaw-pansin ang kanyang suot na simple white shirt at itim na pantalon mula sa mga uniporme na suot ng mga estudyante.

It was required for all students to wear their uniform without any excuses or exemption pero ano pa ang silbi ng kanyang pagkatao kung susundin niya ito? Ipinanganak siya sa mundo upang lumabag sa batas. Walang sinuman o kahit anong batas ang makakapigil sa isang Espinosa.

Kaya niyang gumawa ng sariling batas nang walang pahintulot ni kahit kanino. Sa kanyang paningin, siya lang ang tanging mag-hahari sa kanyang buhay.

Patuloy niyang nilagpasan ang mga estudyante na nakasalubong niya habang naglalakad patungo sa kanyang silid-aralan.

"Oh my god, look!"

"Ayan na naman yang Pauper na yan."

"Eww, siya is so kakadiri!"

"How could that guy get in here? Sinisira niya ang maganda at magarbo na pangalan ng ating school!"

"OH MY GOD, GUYSES! Look! Pangit ng kanyang shoes!"

"So cheap!"

Tila naging hyper-hearing ang kanyang pandinig nang makuha ang kanyang atensyon sa kanilang bulong-bulungan. Napatigil siya sa paghakbang.

Anong mali sa kanyang sapatos?

Niyuko niya ang kanyang ulo at tinignan ang kanyang sapatos na binili niya lamang sa divisoria in a cheap price. It was an imitated version of an x Dior Air Jordan 1 High Sneakers. Halatang ilang beses na niyang sinusuot ang kanyang sapatos dahil ito lamang ang natatanging sapatos na maisusuot niya ng maayos.

Masyadong madumi ang sapatos at halos fade na ang kulay nito. May konting punit ang ilang paligid ng sapatos habang nagiging kulay dilaw ang puting liston nito.

Pero ano naman ngayon?

Hanggat may nasusuot at magagamit niya pa ito, okay lang.

Isinawalang-bahala na lamang niya ang mga chismosa at chismoso niyang mga kamag-aral na walang ginawa sa buhay kundi bantayan at laitin ang kanyang pagkatao. Palibhasa kasi mga anak mayayaman.

Pakialam ba nila sa buhay niya. Swabe siyang nagpatuloy sa kanyang paglalakad at umalis sa hallway habang iniwan ang mga estudyante na nagbubulungan habang nakatingin sa kanyang likod na dahan-dahan lumiliit sa distansya hanggang nawala siya sa kanilang paningin nang lumiko siya sa isang pasilyo.

Ibang-iba ang pasilyo na nilalakaran niya kompara sa hallway na tinatahak niya kanina lang. Sanay na siya nang makita ang mga basura na pinagtampok-tampok sa mga estudyante sa iba't-ibang seksyon.

Wala naman pakialam ang mga school staffs dahil yung section nila ay nasa likuran ng school. Kaya kahit may importante silang bisita na isa sa mga shareholders ng school, hindi mag-alala ang mga staff and teachers na makikita ang dumi dahil hindi naman sila prayoridad upang bisitahin.

Nakakainis pero yun ang totoo.

Tsaka, dito din pinagtampok ang mga basura ng buong school kasama na doon ang section niya. Nakakaiyak pero wala na siyang magagawa.

Hindi na siya nagulat nang pumasok siya sa kanilang classroom na walang bakas ng kanyang mga kaklase. Malamang nag-cutting classes na naman ang mga yun.

Mga putangina, hindi man lang nag-imbita.

Napabugtong-hininga na lamang siya sa inis at binagsak ang mabigat niyang bag sa isang upuan. Umupo naman siya sa isang silya katabi nito. Kumuha siya ng isang libro mula sa kanyang school bag at pinatong ang kanyang dalawang paa sa lamesa ng kanyang silya.

Pinindot niya ang play button mula sa kanyang iPhone 10 na secondhand mula sa kanyang asungot na kapatid.

Isang pamilyar na musika ang tumugtog sa kanyang tenga. Binuklat niya ang kanyang hawak na libro at nagsimula nang magbasa.

Naging normal na routine na niya ito simula nang lumipat siya dito upang mag-aral. Awit lang. The irony.

Dalawang linggo na siya sa Elacion Renaissance University for the school of Aristocrat, Polyhistor and Puissance. It truly lives up to its name. It was prestigious. It was grand.

Pero para sa kanya, it was utterly bullshit.

There was an absurd discrimination against economic status. Kahit dalawang linggo pa lamang siya dito pero naramdaman na niya ang hindi pantay na trato ng management sa bawat estudyante. It was ridiculous.

At sa dalawang linggo niyang pag-aaral sa paaralan na ito habang dinadarama niya ang mga panlalait ng mga upperclassmen students from higher section sa kanyang pagkatao at sa pagiging mahirap niya ay dalawang linggo niya din hindi nakikita ang pagmumukha ng kanyang walanghiyang mga kaklase.

Hindi niya alam kung ilan sila lahat o sino-sino ba sila basta ang alam niya lang ay nasa last section ng grade 10 siya binagsak na tinatawag ng karamihan Section Sage Z.

Z which means Zero. Zero as in wala o walang halaga kundi extra lang.

Section Sage Z or Zero.

Mga estudyante na wala nang pag-asa na maging mabuti. Dito tinatapon ang mga estudyante na puro sakit sa ulo at palaging sangkot sa gulo. Mga estudyante na palaging late tuwing passing ng assignments at outputs pero hindi magpapahuli sa mga labanan at bagsakan ng ulo.

They are students who don't excel in academics and are hopelessly incurably from their disease, called troublemakers.

In short, the trash students.

Bagay na bagay ang katulad ng kanilang section kung saan mahahanap sa tabi nang dumpsite ng school. Trash like them are meant to live with the rest of the trashes of the world.