Tinaas ni Prudent ang kanyang tingin mula sa librong hawak niya sa direksiyon ng pintuan. Napataas ang kilay niya ng makita ang isang guro na may maraming dala na libro at gamit.
For Prudent, it was already a miracle na may pumasok pa na guro sa kanilang seksyon kung sa gayun siya lang ang tanging estudyante na pumapasok. In fact, this is the first time na may nakita siyang guro na pumasok sa kanilang silid-aral sa dalawang linggo niyang pamalagi sa paaralan.
"Mr. Espinosa? Can you help me carry this books to the guidance office?" tanong ng guro sa kanya.
"Actually, its--" nakita niya ang bahagyang pagtaas ng kilay ng guro na para bang nasasabi sa kanya na 'nagrereklamo ka?' "nevermind."
Napabuga na lamang siya ng hangin bago iniwan ang libro na binabasa niya sa mesa at nilapitan ang guro na nakatayo sa pintuan. The teacher's other foot was impatiently tapping her shoe on the surface of the marble floor. "Allow me to help you, Teacher."
"Its Mrs. Fernandez. Wag mong kalimutan, Zero." sabi ng guro sakanya habang ipinasa sa kanya ang mga mabibigat at makakapal na libro.
Tumikhim na lamang si Prudent. "Right. My mistake, Mrs. Fernandez."
"Hay, ewan ko na lang talaga sa inyong mga Z students. Basura na nga, ang sasama pa ng ugali." parang shotgun na patuloy sa kakaputak ng guro habang nakasunod sa kanya si Prudent habang karga niya ang mga mabibigat na libro.
Dahil sa sinabi ni Mrs. Fernandez, hindi niya mapigilan na kumunot ang kanyang noo pero hanggang kunot sa noo lamang si Prudent. Yung mga masasakit na salita na lumalabas sa bibig ni Mrs. Fernandez ay parang hangin lamang sa kanya. Pumasok ang mga salita sa isa niyang tenga at pinalabas sa kabilang tenga.
Nanatiling tahimik lamang siya at pinabayaan ang guro sa pagsasayang ng kanyang laway. Prudent doesn't care one way or the other. Hindi naman laway niya ang nasasayang kaya okay lang.
Inayos niya ang pagkakahawak niya sa mga libro na nasa mga braso niya at tahimik na sinundan si Mrs. Fernandez.
"Ang kakapal din ng mga mukha niyo. Kayo pa ang hindi pumapasok sa klase eh kayo na nga ang tinuturuan. Mga walang utang na loob. Sinasayang niyo lang ang oras namin. Hindi niyo man lang iniisip na may marami pa kaming ginagawa at responsibilidad. Hindi lang kami guro kundi mga asawa at magulang di—"
"Teacher..." hindi mapigilan ni Prudent na magsalita. Naririndi na kasi ang tenga niya sa kakasalita ng guro. Okay lang sana kung mahinhin ang boses eh ang sobrang tinis at parang nasa palengke lang sa lakas ng boses.
"With all due respect, I have no interest of your responsibility as a parent or a wife. In fact, I don't give a freaking care. It's not your responsibility to force students to go to school. You were only paid with a salary to teach students. The rest is not your concern but the school staffs." mahabang lintaya ni Prudent. Nanatiling kalmado ang kanyang mukha at walang kabuhay-buhay ang kanyang boses.
Lumapit siya sa guro at walang pasabi-sabi na binagsak ang mga libro na hawak niya sa harapan nito.
"Ahh!" napasigaw na lamang si Mrs. Fernandez sa gulat. Hindi niya akalain na basta-basta lang binitawan ng binata ang mga libro na kasing kapal ng isang cinder block.
"Nakalimutan ko pong sabihin na nandito na po tayo." Tinuro niya ang pinto na nasa gilid niya lamang at yumuko sa guro bilang paggalang. "Aalis na po ako, Mrs. Fernandez. Marami po akong natutunan mula sayo."
With that, walang imik na tumalikod si Prudent mula sa guro na namumula sa galit at hiya. Napansin kasi ni Mrs. Fernandez ang mga ilang estudyante na nanunuod at nakikinig sa kanilang usapan. Hindi niya mapigilan makaramdam ng hiya dahil may nagbigay sa kanya ng sermon at mula pa talaga sa isang estudyante, ang mas malala sa isang Z student pa.
Prudent looked bored habang nakapamulsang naglakad pabalik sa kanyang silid-aralan. Ang layong-layo ng kanyang classroom kaya laki ang kanyang pagtataka na sa lahat ng estudyante na pwedeng utusan ni Mrs. Fernandez ay siya pa talaga ang pinili. In fact, si Mrs. Fernandez pa ang pumunta sa kanilang silid-aralan na nasa likod ng paaralan.
Prudent wasn't stupid not to realize that Mrs. Fernandez was trying to embrassed their section. Malas lang nang guro at siya lang ang natatanging estudyante sa loob ng silid-aralan.
After all, hindi papayag si Prudent na magpapatalo ng wala man lang kalaban-laban. Hindi niya hayaan na basta-basta lang tinatapakan ang kanyang pagkatao.
Kasalanan din naman ng guro. Nanahimik yung tao pero talagang sinasagad ang kanyang pasensya. Hindi naman talaga niya papatulan si Mrs. Fernandez but she was pushing Prudent's buttons to the edge.
Nakakairita.
Walang utang na loob? Heh.
Siya nga yung dapat magpapasalamat dahil kung hindi dahil sa kanila mga estudyante wala na dapat siyang trabaho ngayon.
"Motherfucker..." Prudent muttered under his breath habang ginulo ang kanyang buhok.
Dapat nga pinatanggal na nang trabaho ang mga ganyan na ugali ng isang guro. Makakababa ng tingin at talagang mawawalan siya ng respeto sa lahat ng guro kung lahat ay may kasing parehong ugali ni Mrs. Fernandez
"Teka! Teka lang!"
May narinig siyang sigaw pero hindi niya pinansin. For all Prudent's knowledge, iba ang tinatawag nito kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad habang hindi pinansin ang mga tingin na pinupukol sa kanya mula sa kanyang kapwa kamag-aral.
Like seriously, wala pa ba silang magagawa sa buhay nila at yung buhay niya ang pinag-abalahan ng mga toh?
"Wait, Kuya! Teka lang!"
Isa pang malutong mura ang lumabas sa kanyang labi at muling hindi pinansin ang mga tao sa kanyang paligid.
Stupid assholes.
Fucking teachers.
Shitty school.
Damn schoolmat—
"WHAT THE FUCK?!" yung ang unang lumabas sa kanyang bibig nang may biglang humablot sa kanyang braso.
"I_I'm sorry. Kani_na pa kasi kita tinatawag." sabi ng kung sino.
Prudent squint his gaze at napansin na babae pala ang humila sa kanyang braso. Nakayuko ang ulo ng babae at tila iiyak na ito anumang oras. Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha bago muling nagpalabas ng isa pang mura. "Damn!"
"What do you want, lady?" Tinaasan niya ito ng isang kilay.
"Ano k_kasi..." pautal-utal ang dalaga habang namumula ang mukha sa hiya at mas niyuko ang ulo upang paglaruan ang kanyang mga daliri.
Napabuga na lamang ng hangin si Prudent. "You're wasting my time."
"I'm leaving." aakmang tatalikod na sana siya nang naglakas-loob ang babae na magsalita.
" Kuya! Teka lang! You're Mr. Espinosa, tama ba?" hinawakan ng babae ang laylayan ng kanyang damit upang pigilan siya sa pag-alis.
"Actually its—You know what just call me Prudent." ang pangit pakinggan ng 'Mr. Espinosa'. Pakiramdam niya ang tanda-tanda na niya. "And also, bitaw pwede?"
Tinignan niya ang kamay ng babae na mahigpit nakahawak sa laylayan ng kanyang damit at tinaasan ng kilay. Napansin naman ito ng babae kaya agad din itong bumitaw. "P_Pasensya na."
"What do you want? Stop wasting my time." banas na sabi niya. By now, nakarating na dapat siya sa kanyang silid-aralan at kanina pa siya dapat nagbabasa ng kanyang libro kung walang pumipigil sa kanya at sinasayang ang kanyang oras.
The girl seem to gain some courage at taas-noo siyang tinignan nito. "Pwede mo ba sabihin kung saan ang Section Sage Z? Sabi ni Mrs. Fernandez na h_hanapin lang kita at ikaw na ang madadala sa akin doon." paliwanag ng babae sa kanya.
"Do I look like a fucking tourguide to you?" a scowl could be seen on Prudent's face.
That fucking teacher...
The girl practically rolled her eyes kaya hindi mapigilan ni Prudent na pinasadahan ng tingin ang babae. Kanina lang nanginginig pa ito sa takot, ngayon ay parang sinaniban ng masamang espirito at nabibiyaan ng ugali. Ibang klase.
Prudent's lips tugged in amusement. "What's your name?"
Parang switch na mas lalong umayos ng tindig ang babae. Kung may buntot pa lamang siya ay siguradong nakatingala na ito sa langit. With great pride, she loudly said her name. "My name is Oriel Krysanthe Zivar. Take note Zivar. We own a business chain of fast-food and restaurant. I have two older brothers and three younger siblings. Two girls who are five and three years old while one younger brother who is still an infant. Oriel and Krysanthe means Golden. Pero mas na-appreciate ko if you could call me Oriel."
In the middle of her introduction, Prudent suddenly lost interest kaya tanging isang "Oh.." lang sinagot niya.
Hindi man lang nagpapanggap na parang interesado siya kaya hindi mapigilan ng babae na mapamaang sa inis. "Hey, Are you even listening?!"
"Uh, yeah." Prudent doesn't even understand what she was talking about pero tumango na lamang siya at nagsimula nang maglakad paalis. "I'm leaving. Bye."
"Hey, where do you think you're going?!" mabilis naman sumunod sa kanya si Oriel. "Wag mo akong iwan! Sandali lang!"
Prudent's legs were long and slender kaya mabilis siyang maglakad kompara sa mga maliliit na hakbang ni Oriel na akala mong rumarampa ng isang fashion highway.
Halos lakad-takbo ang ginawa ng dalaga upang maabot niya ang binata. Nang makarating sila sa isang silid-aralan ay halos kinakapusan ng hininga si Oriel habang nakatukod ang kanyang dalawang braso sa kanyang tuhod.
She was taking deep and heavy breaths habang pa-simple na umupo si Prudent sa kanyang inuupuan kanina lang at binuklat ang pahina ng kanyang libro na iniwan niya lamang sa mesa. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang dalaga na nakasandal sa pintuan ng kanilang silid-aralan habang naghahabol pa rin ng hininga.
Prudent savored the time of day while leisurely reading books without any further disturbances.
Ipinatong niya ang kanyang mga paa sa ibabaw ng mesa at sumandal sa kanyang upuan habang patuloy pa rin siya sa pagbabasa.