Chapter 2
- Isaiah's POV -
Nakaupo lang ako habang si Isa ay nandoon sa garden at nagtatanim.
Kung bakit? Ehh, gusto nya daw ng may halaman kaya nagtanim sya.
"Hey, are you done?" Tanong ko ng makapasok sya ng bahay.
"Yes. Magluluto na ako ng dinner. Anong gusto mo?" Tanong nya.
"Ok. Gusto ko ng kaldereta." Saad ko sabay tingin sa kanya.
"Ok. Sige, on the way na ang kaldereta mo." Saad nya at saka kami sabay na pumunta ng kusina.
"Mahilig ka talagang magluto?" Tanong ko habang naghihiwa na sya at nasa mesa na ang mga ingredients.
"Hobby nga, ehh. Actually, isa akong chef. May restaurant akong pagmamay-ari at proud akong sariling sikap lang iyon. Walang perang inilabas ang kahit sino doon." Saad nya habang nakangiti pero ang atensyon nya ay nasa hinihiwa nyang baboy. "Ikaw? Anong pinagkakaabalahan mo dito sa bahay mo?" Tanong nito.
"Wala naman. Nasanay lang akong mag-isa dahil ganon na ako pagkabata. Dati, may sakit ako sa puso at naoperahan na ako pero ang donor ko ay ang daddy ko. Tapos si mommy naman ay namatay noong seven ako kaya ayon, mag-isa nalang ako." Saad ko habang nakatingin sa kanya, nakapalumbaba at nakangiti.
"Ako, sanay din akong mag-isa. Bukod sa family ko, ikaw palang ang kinausap at nakasama ko sa iisang bahay. Noong bata ako, malayo na talaga ang loob sa akin ng parents ko. Si Mommy, busy sa work at si Daddy, may asawa na sya non. Tapos noong mag-ten ako, nag-asawa na si Mommy. Mas naging malungkot ako kasi hindi na nya ako pinagtuonan ng pansin simula ng dumating si Giselle." Saad nito at nag-angat ng tingin sa akin. "Actually, hindi talaga ako ang dapat na ikakasal sayo. It's Giselle, my younger half-sister. Dahil may mga kasinungalingang kumakalat, ayaw nyang makasal si Giselle sayo kaya ako nalang ang nagpakasal." Saad pa nito tapos ngumiti. "I'm sorry, ha? Kahit ako kasi, ayoko din kasi akala ko totoo yung mga sabi-sabi." Saad nito at nakangiting nagbalik sa paghihiwa. "Hindi naman pala." Saad nito ng may ngiti sa labi. Ako naman ay natulala. Inaamin kong may naramdaman akong kirot ng sabihin nyang naniwala din sya sa mga sabi-sabing iyon pero gumaan din ang loob ko ng mag-sorry sya at nginitian pa ako.
"Alam kong may mga ganyang tao. This world is full of judgement. But I don't really care because only god can judge me." Sagot ko at ninakawan sya ng halik sa pisnge. Namula nanaman sya at hindi makakilos sa kinatatayuan nya. "You're really cute when you're red." Saad ko at pinisil pa ang pisnge nya.
"I-im Isabelle, not red. B-but I'm cute." Saad nito habang mapula parin ang muhka. Tumawa naman ako.
"Haha. Maliligo na muna ako, misis ko. See you." Saad ko at iniwan na sya sa kusina habang sobrang pula parin.
- Isabelle's POV -
Kakatapos ko lang magluto at nakapaghanda na ako ng makakain. Habang paakyat ako ay nakakarinig ako ng ingay galing sa kwarto. Naririnig kong nagmumura si Isaiah. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng hindi kumakatok dahil muhkang may nangyayari. Dali-dali kong binuksan ang pinto at bigla din akong tumalikod ng may nakita akong hindi dapat makita.
"A-ano bang ginagawa mo?! A-akala ko may masamang nangyayari sayo!! Yun pala may ginagawa ka lang!!" Sigaw ko habang nakatalikod parin sa kanya.
"Bakit ka kasi pasok ng pasok?!" Sigaw din nito. Bigla akong nanginig ng bigla nya akong hawakan sa balikat at iniharap sa kanya. "Open your eyes. Hindi na sya nakalabas." Saad ni Isaiah. Nakapikit kasi ako at nakaharap sa kanya. Bigla akong napamulat ng bigla kong maramdam ang labi nya. Tapos bigla ko syang naitulak.
"A-ano ba, Isaiah." Nauutal kong tanong at nag-iwas ng tingin sa kanya. "B-bumaba ka na. N-nakaready na ako--- este yung pagkain mo." Saad ko at dali-daling lumabas ng kwarto at pinalo-pali ang bibig ko.
Argh!! Bakit ko ba sinabi iyon!!
Pagkababa ko ay hindi ako makatingin ng diretso kay Isaiah. Habang sya ay sarap na sarap sa niluto kong kaldereta. Habang ako ay nakatulala lang sa kanya.
"Stop staring at me, Isabelle. Staring is rude." Saad nito pero umirap lang ako sa hangin tapos nag-iwas ng tingin. Nagulat ako ng bigla itong kumuha ng pagkain sa akin at itinapat ang kutsara sa akin. "Eat or Im going to eat you instead?" Saad nito na ikinataranta ko. Agad ko namang isinubo ang kutsara at tumingin sa kanya. "Takot ka naman pala, ehh." Saad nito habang nakangisi sa akin tapos nagpatuloy sa pagkain nya. Ako naman ay nagpatuloy nalang din sa pagkain.
Nang matapos kami ay umakyat agad ako ng kwarto dahil nagpresinta si Isaiah na sya na daw ang maghuhugas. Naligo agad ako at nagbihis ng pajama, Panda na terno. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na si Isaiah sa kwarto.
"Tabi ba talaga tayong matutulog?" Tanong ko habang pareho kaming nakatingin sa kisame.
"Yup. Ang mga kwarto dito sa bahay ay irerenovate ko para sa anak natin." Saad nito. Bigla naman akong humarap sa kanya at hindi ko alam na nakatagilid na sya kaya naglapat ang labi nya sa labi ko.
Agad akong dumistansya at nag-iwas ng tingin sa kanya. Nagulat ako ng kubabawan nya ako at siilin ng halik ang labi ko. Habang mariin akong nakapikit ay naramdaman ko ang alaga nyang unti-unti nang nabubuhay.
Inilayo nya ang labi nya at tumitig sa akin ng nata sa mata. Tapos ngumiti at bigla akong niyakap sabay bulong.
"Isa, What spell did you use to make me feel this unknown feeling?" Saad nito.
"A-ano bang sinasabi mo?" Tanong ko habang nauutal.
"Magpapatawas ako bukas, muhkang naengkanto ako, ehh." Saad pa nito habang nakangiti.
"A-ano?" Tanong ko ulit dahil naguguluhan talaga ako.
"Muhka kasing engkanto. Kaya magpapatawas ako bukas." Saad pa nito. Biglang uminit ang ulo ko at agad ko syang pinaikot at ako naman ang pumaibabaw sa kanya.
"Ano bang problema mo?! Hindi naman kita inaano, ahh?!" Sigaw ko sa inis. Imbis na matakot ay humagikgik pa ito.
"Ang cute mo din pagnapipikon ka." Saad nya na nakapagpapula sa pisnge. "Ngayon nagbu-blush ka naman. Ano ba yan, yung puso ko." Saad nito at yumakap sa akin. "Masarap ba talaga dyan sa ibabaw ko?" Tanong nya habang nakangisi. Dali-dali naman akong umalis ng ibabaw nya.
Nakakahiya ka talaga, Isabelle!!
Ilang minuto akong hindi gumalaw at umaktong natutulog na. Hanggang sa maramdaman ko ang antok pero naramdaman ko munang may yumakap sa akin bago ako tuluyang malunod ng antok.
- To Be Continued -
(Mon, April 12, 2021)