Chapter 9 - 9 Chapter 8

Chapter 8

- Isabelle's POV -

"Hayaan mo na. Para matikman din nila yung cupcake ko." Saad ko.

"Pero... Kahapon pa nandito ang mga lalaking yan, sinama pa ang mga anak nila." Pag-angal nito. 

"Hayaan mo na. Ito naman, minsan mo na nga lang makabonding ang mga kaibigan mo, tapos ganyan ka pa." Saad ko.

"Oo nga, bro. Ang sarap kaya ng cupcakes nya." Saad ni Jaylen.

"I don't need your thoughts here!" Sigaw ng asawa ko at dinuro pa sya.

Pikon nanaman.

"Para kang babae." Saad pa ni Jaylen na lalong nagpapikon sa asawa ko.

"Wag kang magsalita! Hindi ko kailangan ng boses mo dito!" Sigaw pa ng asawa ko.

"Kumain ka na nga lang dyan, and dami mong dada." Saad ko at sinubuan sya ng cupcake.

"Ako naman ang Daddy, tapos gagawa tayo ng baby." Saad ng anak ko.

A-ano? Baby?!

"Bakit ikaw ang Daddy?" Tanong ni Kristine.

Sya nanaman?!

"Gusto ko, ehh." Saad ng anak ko.

"Ehh, paano kung ayoko?" Nanghahamong saad ni Kristine.

"Gusto parin kita." Saad ng anak ko. Napahawak naman ako sa noo ko.

Jusko! Anong nangyayari sa anak ko?! 4 years old, mala-Isaiah na ang galawan?!

Dahil sa naisip ko ay bigla kong hinarap ang asawa ko.

"Ikaw ba nagturo nyan sa anak ko?" Tanong ko.

"Yes, ang galing kong master, diba?" Mayabang na saad nito. Napasabunot naman ako dahil sa inis.

"Alam mo, ang dami mong tinuturong kalokohan sa anak ko. Tinuturuan mo sya ng kabaduyan." Saad ko.

"Hindi kabaduyan iyon! Sweetness yon, cutiepie!!" Sigaw nito.

"Shut up! Hindi ko kailangan ng explanation mo!" Sigaw ko saka kumain ng cupcake na gawa ko.

A Few Moments Later. . .

"Pasensya na, ha? Kulang lang talaga sa aruga itong asawa ko kaya ganyan." Saad ni Janine.

"Halata naman." Saad ko at tumingin kay Lance na nakikipaglaro sa mga bata. "Parang asawa ko lang." Saad ko.

"Lahat naman sila." Saad pa ni Kirsten. Napailing kaming lahat dahil habang nagtatabuhan ang mga bata ay hinahabol sila ng mga ama nila.

"Parang mga baliw." Saad ko.

"Yeah, parang mga baliw." Saad pa nila.

"Mommy!! Sama kayo dito!" Sigaw ng anak ko.

"Ayoko! Dyan ka nalang makipaglaro sa Daddy mo!" Saad ko. Tapos kumuha ng ice cream pero pagtikim ko ay parang sumakit ang buong katawan ko.

"Ohh, what happened?" Tanong ni Angel.

"A-ang pangit ng lasa ng ice cream." Saad ko.

"Ok naman, ahh? Ayan nga ang kinakain namin kanina pa." Saad ni Janine.

"P-pero ang pangit talaga." Saad ko. Nakita ko namang tinikman ni Angel ang ice cream na kinainan ko.

"Ok naman. Walang problema." Saad ni Angel.

"Ilang buwan na kayong kasal ni Isaiah?" Tanong ni Janine.

"Mga.... Dalawang buwan..." Sagot ko.

"May nangyari na ba sa inyo?" Tanong ni Angel.

"Oo." Sagot ko.

"Baka buntis ka?" Saad ni Janine.

"Let's go. Magtest tayo ng pregnancy test." Saad ni Kirsten. Lahat naman kami ay pumunta sa may bathroom at doon na nila ako pinapasok. Dahil may instructions naman ay madali ko lang nagamit ang Pregnancy Test.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ako na parang hinang-hinang. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko dahil sa resulta ng Pregnancy Test.

"Ano? Anong result?" Tanong ni Kirsten.

"Positive." Naluluha kong saad.

"Talaga?" Masayang tanong ni Janice.

"Oo nga daw, ehh. Bingi ka ba?" Tanong ni Angel.

"OMG. Tatawagin ko lang si Isaiah." Saad nito at dali-daling umalis. Maya-maya pa ay biglang dumating si Isaiah.

"Ano ba ang sasabihin nyo?" Tanong ng asawa ko.

"Ipakita mo sa kanya, Isabelle." Saad ni Kirsten. Sinunod ko naman ang sinabi nya at ibinigay kay Isaiah ang Pregnancy Test.

"Baby, I'm pregnant." Naluluhang saad ko. Biglang umurong ang luha ko dahil biglang hinimatay si Isaiah. "Hoy, hoy. Wala pa, buntis palang ako. Hoy!"

"Grabe, parang asawa ko lang noong nanganak ako." Saad ni Gillian. Napatingin naman kami sa kanya.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong namin.

"Hindi ngayon lang, ang nakita ko nga lang ay yung hinimatay yang lalaking yan." Saad nito. "Sige, susundoin ko lang naman ang mag-ama ko." Saad pa nito at dumiretso na ng garden.

A Few Moments Later. . .

"Oo, hinimatay ka!" Sigaw ko.

"Akala ko, panaginip lang yon." Saad pa nito.

"Mahina ka pala, ehh? Hinimatay ka dahil don?" Tanong ni Johnson.

"Parang ikaw hindi, ahh?" Tanong ni Gillian.

"Ganyan din asawa ko ng malaman nyang buntis ako." Saad ni Angel.

"Ako din." Saad ni Janine.

"Mahina naman pala kayong lahat, ehh." Saad ko.

"Mommy, ibig sabihin po ba non, magkakaroon na ako ng kapatid?" Tanong ng anak ko.

"Oo." Maikling saad ko.

"Ang bait pagkaharap ang mama, pero laging nang-aaway pag kami kasama." Saad ni Kristine.

"Hindi kita inaaway, ikaw naman ang laging nagsisimula kaya ka napapaaway, believe me, Kristine, bawas-bawasan mo pagiging ganyan mo, lagi kang mapapaaway nya." Saad ng anak ko.

"Ehh, marunong naman ako mag-martial arts, ahh?" Sagot naman ni Kristine na hindi makatingin sa anak ko.

"Bakit hindi mo ginagamit sa akin?" Tanong bigla ng anak ko. Hindi naman makasagot si Kristine. "Marunong ka nga, pero hindi mo naman kayang gamitin. Wala ding silbi yan." Saad ng anak ko.

"S-sayo ko lang naman hindi kaya, ehh!!" Pikong saad ni Kristine.

"Ohh? Talaga?" Natatawang saad ng anak ko.

"Oo nga!!" Saad ni Kristine na.... Namumula?!

"Lumalandi na ang anak natin." Bulong ni Kirsten sa asawa nya. Sumama naman ang muhka ni Lawrence.

"Tumigil na kayo. Mag-aaway lang kayo ulit nyan." Saad ko.

"Yes, Mommy!" Sigaw ng anak ko at sumaludo pa.

A Few Moments Later. . .

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Isabelle? Hoy, babae ka? Totoo bang dinala mo ang anak mo dyan?"

"Mommy, ok lang naman kay Isaiah, ehh." Saad ko.

"Napakakapal talaga ng muhka mo, ano? Nagpabuntis ka na nga sa hindi mo kilala, dinala mo pa ang anak mo dyan. Masyado ka kasing malandi---"

"Hello? Who is this?" Biglang agaw sa akin ni Isaiah ng cellphone. Hindi ko din napansing umiiyak ako.

"Sino to?" Rinig kong tanong ng mama ko.

"I'm Isaiah. Asawa ako ni Isabelle." Saad ni Isaiah.

"K-kayo pala... Kumusta po, Mr. Simmons?"

"Maayos lang. Kayo ho ba?"

"Maayos din ho."

"Pwedeng wag nyo munang tawagan si Isabelle kung i-stress-in nyo lang sya? Masama ho kasi sa buntis ang mai-stress. Baka makunan ho ang asawa ko." Saad ng asawa ko tapos pinatay na ang tawag. "Are you ok, cutiepie?" Tanong nya sa akin.

"Ok lang. Medyo nahihilo lang ako ngayon." Saad ko.

"Pahinga ka na. Matulog na tayo." Saad nito at dahan-dahan akong binuhat.

"Bakit kailangan mo pa akong buhatin?" Tanong ko.

"Gusto ko lang. Sige na, matulog na tayo. Gabi na rin." Saad nito at dinala ako sa kwarto.

- To Be Continued -

(Wed, April 21, 2021)