Chapter 2 - 2 Chapter 1

Chapter 1

- Isabelle's POV -

Huminga ako ng malalim bago ako kumatok. Pero akmang kakatok na ako ng bigla nalang bumukas ang pinto tapos napaigtad ako ng may biglang magsalita.

"Come in. Nandito ako sa sala." Saad ng nagsalita. Huminga ulit ako ng malalim saka ako pumasok habang isa-isa kong hinihila ang mga gamit ko. "You're late." Saad ng lalaking nasa likod ko. Humarap ako at parang huminto ang mundo ng makita ko ang muhka nya.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya basta ang alam ko lang ay ang gwapi nyang muhka. His rose kissable lips, his slightly chubby cheeks, his proud pointed nose, long lashes, thick eyebrows, and tantalizing colored-gray eyes.

"Baka matunaw na ako kakatitig mo sa muhka ko." Saad nito at hindi ko namalayang ganon na pala kalapit ang buong muhka nya.

Kaya pala nakita ko bawat detalye ng muhka nya.

"A-ahm.... I'm---"

"Isabelle Hart." Saad nya at bigla ay para akong namutla ng halikan nya ang pisnge ko. "I'm Isaiah. And you're mine." Saad nito at saka ako tinalikuran. Habang ako ay nakatingin parin sa kawalan.

T-that's weird.

- Isaiah's POV -

Ngayon ay nandito ako sa kwarto at hindi ko talaga alam kong bakit ako nandito at naglalagay ng gamit ng babaeng bagong dating sa bahay ko. Nagtataka ako sa sarili ko pero patuloy parin ako sa paglagay ng mga gamit nya sa walk-in-closet.

I am not supposed to be here. I am supposed to be right there saying hurtful words so she can easily divorced me.

"Ahm... Isaiah.... Meron pa akong mga gamit sa kotse kukunin ko lang." Saad nito habang nasa may pinto ng walk-in-closet.

"Give me the key, ako na angkukuha, at ipapark ko din ang kotse mo sa parking lot." Saad ko.

"M-madami kasi yon... S-sama nalang ako." Parang nahihiyang saad nya.

"Sige..." Saad ko at tinapos na ang paglalagay ng mga gamit nya.

A Few Moments Later. . .

- Isabelle's POV -

Napanganga ako dahil sobrang ganda talaga ng bahay nya. Tago ang bahay nya at may sarili syang parking lot sa ilalim ng lupa.

Yup, you read it right. Sa ilalim ng lupa.

Napakaganda at napakamodern ng bahay nya dahil may sarili syang elevator sa bahay nya at iba pang hindi mo karaniwang nakikita sa mga ordinaryong bahay.

Ipinark nya ang kotse at namangha ako kung gaano kagaling syang magpark ng sasakyan. Lahat ng sasakyan nya ay maingat na maingat ang pagkakapark.

"Iniingatan mo talaga ang mga sasakyan mo, ano?" Saad ko habang nakatingin sa mga sasakyan nya.

"Maingat? Why would I? I can buy the whole country." Mayabang nitong saad.

"Grabe, ang lakas ng air-conditioning mo dito sa bahay mo." Saad ko at umirap.

"Ang dami mo atang dalang gamit?" Saad nito.

"Kalahati palang yan ng mga gamit ko sa condo. Yung iba hindi ko na dinala." Saad ko.

"Akala ko kukunin mo pa, ehh." Saad nito. "Your things are expensive. I don't like expensive things." Saad pa nito. Lumingon ako sa mga kotse nya at tinaasan sya ng kilay.

"Really?" Saad ko. Sa unang beses na magkausap kami ay humagikgik sya, ako naman ay napangiti lang.

"Tara na, pumasok na tayo. Gutom na ako." Saad nya.

"Hindi ka pa ba nagbe-breakfast?" Tanong ko.

"Hindi pa." Sagot nito habang umiiling.

"Tsk. Dapat kumain ka, kahit pandesal lang." Saad ko habang nakasimangot.

"Wala akong pwedeng bilhan dito. Masyadong malayo sa city ang bahay natin." Saad nito na nakapagpapula sa akin. "Bakit namumula ka?" Tanong nya at hinawakan pa ang pisnge ko.

"H-hindi lang ako sanay na may ka-share ako sa bahay. N-nabigla lang ako." Saad ko at hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa pisnge ko. Tapos inalis ko iyon sa pisnge ko.

"You're cute when you're blushing. Haha." Saad nito at ninakawan ako ng halik sa pisnge at dali-daling naglakad papalayo sa akin.

Nakakadalawa na sya, ahh?

Nang makapasok ulit ako sa bahay namin ay agad akong pumunta ng kusina. Napangiwi ako ng makita ang kusina. Wala masyadong gamit sa kusina at sobrang luwag tignan dahil wala masyadong laman.

Samantalang yong kusina ko, parang hindi babae ang nakatira.

"Why?"

"Ay, palaka!" Sigaw ko sa gulat. Mahina syang natawa habang ako ay sinamaan sya ng tingin.

"Bakit ka ba nanggugulat?" Inis kong tanong.

"Ang tagal mo kasing nakatitig sa kusina ko, ehh. May problema ka ba?" Tanong nya habang tumatawa-tawa pa.

"Wala. Masyado kasing maluwag ang bahay mo. Pero yung sakin sobrang sikip." Saad ko.

"Masikip pero puro expensive things? Ano yon, Isa?" Natatawang tanong parin nya.

"Anong isa? Anong sunod? Dalawa?" Pilosopong saad ko.

"Hindi." Saad nito at lumapit sakin tapos bumulong. "Two." Saad nito at tumawa ng malakas. Napakunot naman ang noo.

Hindi ko alam kung saan ako magagalit. Sa corny nyang jokes o sa tawa nyang nakakainsulto.

"Joke lang. Bumili ka nalang ng mga kailangan mo. Good luck." Saad nito at tinapik ang balikat ko.

"G, thanks." Saad ko at dali-daling naglakad palabas ng kusina dahil hindi ko matagalan ang presensya nya.

Why do I have a feeling that I'm going for something that I didn't want to get?

- Isaiah's POV -

Habang wala si Isabelle ay tinawagan ko ang investigator ko.

"Hello?" Saad ko.

"Hello po, sir."

"May nakuha ka bang impormasyon tungkol sa kanya?" Tanong ko.

"Opo. Ahm... Isa po syang loner at wala talagang kaibigan. Hindi din po malapit sa kanya ang mga magulang nya sa hindi malamang dahilan. May sarili nang pamilya ang ina at ama nya kaya mas naging mag-isa sya. No boyfriends. No dates. Taong bahay lang sya at ang trabaho nya ay minsan nagche-chef sya sa mga events."

"Ok. Thank you, Mr. K. Just call me if you have an update." Saad ko at pinatay na ang tawag.

Muhkang hindi nga sya ganon.

A Few Moments Later. . .

Makalipas ang ilang oras ay bumalik na si Isabelle pero marami syang dala-dalang gamit.

"Haha. Anong gagawin mo dyan?" Natatawang tanong ko.

"Tsk. Wag ka na nga lang pakialamero. Tulungan mo nalang ako." Masungit nitong saad.

Ako pa talaga ang pakialamero?!

"Anong gusto mo for lunch?" Tanong nito. Tumingin ako sa relong pam-bisig ko at nakita kong 10am na.

"Ikaw bahala." Saad ko at tinulungan na syang ayusin ang mga kalat na dala nya sa bahay ko. At dahil madami syang dala, marami na din ang gamit sa kusina. "Bakit ang dami mong dala?" Tanong ko.

"Wala lang. Hobby ko kasi ang pagluluto. So, ayoko sa bahay na hindi kompleto ang gamit sa kusina. Kasi ako ang reyna sa parte ng bahay na yon." Saad nito habang iwinawagayway ang sandok at ngayon ay nakaturo na ito sa akin. "Hindi ka ba lumalabas ng bahay mo?" Tanong naman nya.

"Lumalabas. Hindi lang nila ako kilala personally kaya hindi nila alam na nakikita at alam ko ang ginagawa nila." Saad ko. Napaawang naman ang labi nya.

"Ahm.... Girlfriends?"

"Nope."

"Have a experience going on a date?"

"Nope."

"Kawawa naman pala tayo. Pareho tayong walang boyfriend tapos pareho pang walang experience makipag-date." Saad nya habang naghihiwa ng mga sangkap para sa sinigang.

"Mahilig ka ba sa sweets?" Biglang tanong nito sabay harap sa akin. "Pwede kitang gawan." Saad nito at bumalik na sa paghihiwa ng baboy.

"Gusto ko nung tinatawag nilang milk tea. Alam mo ba kung pano gawin yon?" Tanong ko. Tumingin naman sya sa itaas at parang nag-iisip.

"Let me see the picture. Tapos saka kita gagawan." Saad nito at bumalik ulit sa paghihiwa.

- To Be Continued -

(Sun, April 11, 2021)