Chereads / Gay (Tagalog) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4

- Arri's POV -

"Wala ba talagang grand wedding?" Tanong ko.

"Wala. Gusto mo ba, hija?" Tanong ni Tita.

"Hindi po. Siguro pag na gustuhan ko nalang, magpapakasal na lang ulit kami ni Zyair." Saad ko at uminom ng juice. "Uhm... By the way, Mommy, pwede bang i-urong nalang natin yung signing of marriage contract kinabukasan the day that we scheduled it? Ikakasal din kasi ang mga kaibigan namin noon, ehh." Saad ko.

"Pwede naman." Saad ni Daddy.

"Sinong friend mo ang ikakasal?" Tanong ni Mommy.

"Si Inna, Mom." Saad ko.

"Wow, muhkang sabay lang kayong ikakasal, ahh." Saad ni Mommy.

"Hindi po. Ako kinabukasan pa ng kasal nya, kaya hindi kami sabay." Nakangiting saad ko.

"Pupunta ka ba bukas?" Tanong ko kay Zyair.

"Hoy, bakla ka. Natural! Ako ang best man na woman!" Saad nito. At sumama nanaman ang muhka ng Daddy nya.

"Tsk. Whatever. Alam mo bang buntis na ang idiota na yon?" Tanong ko sa kanya na parang wala kaming kasamang matatanda.

"Really? Gusto mo na din ba?" Biro nito na ikinakunot ng noo ko.

"Idiota ka. Ikaw nalang." Saad ko. At pabirong hinampas ang braso nya.

"Whatever. Kahit anong gawin ko, wala akong matres na sana meron pero wala talaga. Siguro nagkamali lang talaga sya kaya ito ang binigay nya." Saad nito.

"Haha. Iggrata ka kasi." Saad ko at nakangiting inirapan sya sabay inom ng juice.

"Hoy, babae. Tumigil ka, ha? Ako lang ang babae sa ating dalawa." Saad nito na pabirong namamanta.

"Whatever, Zyair. Pag napatunayan ko talaga ang hinala ko, lagot ka talaga sa akin." Saad ko at inirapan sya.

"Good luck. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang hinala mo." Saad nito at ngumisi pero napaigtad kami pareho ng makita naming sobrang lapit na namin sa isa't isa.

"Bakla ka. Ang lapit-lapit mo sa akin. Kung iuntog ko kaya yang ulo mo sa ulo ko?" Tanong ko.

"Do it. I don't care." Saad nito at ipinilig pa sa noo ko ang noo nya.

"Ha! Ang laki ng noo mo." Saad ko at hinawakan pa ang noo nya.

"Girl, walang basagan ng brief--- este trip." Saad nito. Magsasalita pa sana ako ng may biglang nagsalita.

"Para kayong mga bata." Saad ni Tita. "Tumigil na nga kayo." Saad nya pa. Lumingon ulit ako kay Zyair at sinamaan sya ng tingin.

"Sya kasi!" Malakas at sabay naming saad ni Zyair.

"Tsk. Kakasabi lang, ehh." Saad pa ni Tita. At marahan akong kinurot at ganon din si Zyair.

"Mom?! Why did you do that?!"

"Just to shut you two up." Saad nito at tinaasan ng kilay ang anak.

"It works." Sabay nanaman naming bulong ni Zyair.

"Ilan ba ang gusto nyong anak?" Tanong ni Mommy.

Buti wala akong juice sa bibig kung hindi, kanina ko pa na buga yon.

"Mom naman!!" Sigaw ko.

"Ayaw nyo bang magkaanak?" Tanong ni Mommy habang nagpapalit-palit ng tingin sa amin ni Zyair.

"Siguro dalawa." Sagot ko

"Masyadong malungkot, dapat lima." Saad ni Zyair.

"Maka-lima ka, ahh? Ikaw ba manganganak?" Tanong ko.

"Oo. Dapat marami, para masaya. Tyaka, duhh. Di naman ako manganganak, ehh." Saad nito at inirapan ako.

"Ang galing mo." Sakrastikong saad ko at pumalakpak pa.

"Of course." Saad nito at nagflip hair nanaman sa imaginary hair nya.

"Aalis na po ako." Paalam ko at tumayo na. Pero pinigilan ako ni Zyair.

"San punta mo?" Tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Aalis na. Inaantok ako, ehh." Saad ko.

"Samahan na kita." Saad nito at tumayo na pero hindi binitawan ang kamay ko.

A Few Moments Later. . .

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Nandito sa condo ko." Sagot nito na ikinataranta ko.

"Ha? Bakit tayo nandito? Oyy, akala ko ba ihahatid mo ko sa bahay? Anong ginagawa natin dito?" Natatarantang saad ko.

"Shh. May malapit kasi dito kesa sa bahay nyo. 5 minutes lang ang layo sa bahay. One hour naman ang layo ng bahay namin sa bahay nyo. Saan ka? Sa one hour o sa five minutes?" Tanong nito.

"Gusto ko sa one hour." Saad ko habang nakatingin sa kanya at nakalabi.

"Tsk. Ang arte-arte mo, gurl! Wag ka na ngang choicy. Ang dami mong knows, ehh. Dito ka na matulog, syaka ngayon ka lang makakatulog dito dahil pagkatapos ng kasal namin, ibebenta na to at magkasama na tayo sa iisang bubong!" Sigaw nito. Tapos bigla itong natigilan dahil napansin nya atang nagulat ako. "W-well, ahm, sa bahay ko na tayo titira, but it's still not my condo." Saad nito.

"A-ahm..." Bumuntong-hininga ako. "Ok, fine. Dito na ako matutulog." Saad ko at akmang tatanggalin ang seatbelt na suot ko pero nabigla ako ng halikan ako ni Zyair sa gilid ng labi. "Ano ba?" Asik ko. Ngumiti lang sya.

Aba?! Ninakawan pa ako ng halik!!

"Haha. Tara na." Nakangiting saad nito na parang wala lang ang nangyari. Sinamaan ko muna sya ng tingin at akmang aalisin na ang seatbelt ko ng mapansin kong nakatanggal na yon.

Napakunot ang noo ko at nilingon ang kasama ko na nasa labas na ng kotse. Paglabas ko ay agad ko syang kinausap.

"Hoy, Zyair." Pagtawag ko sa kanya. "Bakit moko ninakawan ng halik?" Saad ko habang patuloy parin sya sa paglalakad. Hindi ko namalayang nakasakay na kami ng elevator at namalayan ko lang noong nandoon na kami at hinarap nya ako.

"It's nothing." Sagot nito at hinila na ako. Nakarating na pala kami.

Ang bilis, ahh?

"A-ano ba!" Pagpupumuglas ko. "Z-Zyair, m-masakit." Saad ko. Binitawan naman nya ako.

"Sorry." Saad nito at binitawan na ako. May binuksan syang pinto at saka sya pumasok. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa bigla nyang hawakan ang magkabilang balikat ko at paupuin ako sa sofa.

"Dito ka muna, ha? Kukuha lang ako ng pagkain." Saad nito at naglakad na sa kung saan pero bigla ding bumalik. "A-ahhh... Mamaya na siguro, matulog ka muna sa kwarto. Inaantok ka diba?"

"Ahh.... Ok. Saan ba ang kwarto dito?" Tanong ko at tumayo na sa pagkakaupo ko sa sofa. Tapos naglakad sya at may binuksang pinto at doon na ako pumasok. Pagkapasok ko ay isinara din nya agad ang pinto.

"Hmm. Maganda." Komento ko sa kwarto nya. Ang kwarto nya ay kulay gray at white naman ang tiles ng sahig. Black and white or gray ang theme ng kwarto nya at sobrang manly talaga.

Bakla ba talaga ang lalaking yon?

"Hayts." Buntong-hininga ko at nahiga na sa kama nya. Napapikit ako ng tumama sa likod ko ang malambot nyang kama. Hinubad ko ang sapatos ko at saka ako umayos ng higa sa kama hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

BIGLA AKONG NAALIMPUNGATAN ng may maramdaman akong pagbuga ng hangin sa batok ko. Nang gumalaw ako ay pakiramdam ko ay may nakayakap sa akin. Tumingin ako aa bintana at nakita kong gabi na. Napapikit ako at gumalaw paikot doon na ako nagulat.

Katabi ko ngayon si Zyair at nakayakap pa talaga. Dahil ilang inch lang ang layo nya sa akin ay hindi ko maiwasang titigan ang muhka nya.

Bakit mo ako hinalikan kung bakla ka talaga, Zyair? Ano ka ba talaga? Nalilito ako sayo. Kung bakla ka talaga, hindi mo ako hahalikan, Zyair.

"Hayts." Buntong-hininga ko at hinawakan ang balikat nya. "Zyair. Zyair. Gising na. Maghapunan na tayo." Saad ko habang marahan syang niyoyogyog.

"Hmm..."

"Tayo na. Maghapunan na tayo. Dito na pala ako magpapalipas ng gabi." Saad ko at tumayo na habang sya ay nakahiga parin.

- To Be Continued -

(Wed, April 7, 2021)