Athena.
"Tama nga sila. Malalaman mo rin sa tamang panahon ang sagot sa mga tanong mo. Sa ngayon, hindi pa pwede kaya sige lang, patayin mo na ako."
Kanina pa gumugulo sa isipan ko yung sinabi ng lalake sa'kin lalo na yung part na 'tama nga sila'. Anong tama? Nandito ako ngayon sa kwarto ko at pilit kong hinahanap ang clue sa mga sinabi sa'kin ng lalake.
What the? Argh! Naguguluhan na talaga ako. Napatingin ako sa wall clock ko at nagulat naman ako nang makita kong pasado alas-dos na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Just wow! Then what am I going to do now?
Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama ko at bumaba sa sala. Tulog na yung mga katulong namin. Si Mom and Dad, as usual nasa delikado nilang trabaho.
Lumabas ako ng bahay namin at pumunta sa may pool area. Naupo ako sa may pinakadulong part at nilublob ko yung dalawang kong paa. The wind brushes through my skin and it gives me shivers. Feeling ko tuloy, tumagos 'yon hanggang kaloob-looban ng mga buto ko. Okay, masyado na akong exaggerated.
Sa kalagitnaan ng pagliliwaliw ko dun sa pool, may napansin akong nagmamasid sa'kin. Damn! Wag niyong sabihin na hindi pa tapos yung nangyari kanina?
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at sakto namang nahagip ng peripheral vision ko ang isang guandao na papunta sa kinalulugaran ko, mabuti nalang at agad ko naman iyong nailagan.
"Who the heck are you? Go out and fight me. Don't be a coward!" Malakas na sigaw ko pero walang lumalabas na ni isang tao. Hangga't sa may nagpaulan sa'kin ng mga shurikens. Bwisit talaga! Humanda talaga sa'kin kung sino man ang may kagagawan nito.
Agad akong umilag sa mga shurikens na binabato sa'kin kahit hindi ko alam kung saan yun nanggagaling. Jinx! Kung kanino man galing yang mga shurikens na yan, panigurado ako, duwag siya dahil ayaw niya akong harapin.
"Harapin mo ako! Wag mo akong kalabanin nang patago!" Sigaw ko habang umiilag pa rin sa mga shurikens. Maya maya ay may biglang sumulpot na nakasuit na black, red, blue at may hawak na dagger. Tatlo pa sila. Damn! Wala akong panangga dito.
"Ano bang kailangan niyo sa'kin?" Tanong ko sa kanilang tatlo.
"Buhay mo lang naman ang kailangan namin dito." Sabi ng babaeng nakasuot ng red suit na isa palang babae.
"Wala akong ginagawang masama sa inyo." I said while clinching my fist. I'm starting to lose my temper with these people.
"Haha! Yes, we know that, pero para sa boss namin isa kang malaking tinik sa buhay nya." The girl in black suit retorted.
"How did it happened? I don't know your boss." I complain. Hindi ko naman talaga kilala yung boss na sinasabi nila. Malay ko ba 'dun.
"You'll know it later or at the right time." The girl in blue suit answer. What's with the right time? If this is some sort of a joke, well it is corny.
"Right time? Tch, hindi ko alam kung baliw ba yung mga nakakalaban ko 'e."
"We're not crazy! You, asshole!" Aba! Ako pa ang tinawag na asshole nito ah, how could she?
"Let's start the game." Sabi ng nakared suit. Mukha tuloy silang power rangers. Haha! Patawa kasi yung kulay ng outfit nila 'e.
Isa-isa silang sumugod sa'kin. Nauna yung nakablack suit pero, bago pa niya ako sugudin ay hinagis sa'kin ng nakared suit ang isang kama sword. Ayos to ah, ang tagal ko na ring hindi nakahawak nito 'e.
"Anong gagawin ko dito?" I asked with a questionably look.
"Maglalaban tayo ng patas! Good idea, right?" Sabi nung nakablue suit. Pero kahit na, ako, kama sword lang ang gamit ko tapos silang tatlo naka-dagger. So unfair.
Sumugod na si Black ('yon nalang itatawag ko sa kanila, naka-ayon naman 'yon sa suot nilang suit) dala ang kaniyang dagger na nakatutok sa'kin, agad ko naman iyong tinabig gamit ang hawak kong kama sword. Buti nalang, nag-aral ako dati gumamit ng mga japanese weapons especially the kama sword.
"Aggressive huh!" Akmang sasaksakin niya na ako ng dagger sa tagiliran ko nang ipangharang ko ang aking kama sword, dahil doon naging dahilan iyon ng pagkahagis ng dagger niya sa pool. Kukunin na sana 'yon ni red kaso pinigilan siya ni black.
"Don't. Lalaban ako ng walang armas sa kaniya." she said bravely. Matapang ah, tignan natin ang tapang mo.
"Bago natin ituloy ang laban na 'to, gusto kong sabihin na oras na mahulog o malaglag ang sariling armas ay hindi na 'yon pwedeng kunin pa at gamitin at kapag kung sino ang unang masugatan gamit lang ang armas, siya ang talo! Kapag hindi mo natalo kaming tatlo, goodbye nalang sa precious life mo." Pagpapaliwanag ni Black. So yun pala ang rules? Dapat hindi ako masugatan sa simula palang ng laban. From first fight up to the last.
"Let's start." At dahil nga nalaglag na sa pool ang dagger ni Black ay wala na siyang anumang armas na hawak.
Sinugod agad ako ni black at sinalubong ng suntok! Dahil sa agresibo ako ay agad ko 'tong inilagan at ako naman ang sumugod sa kaniya habang hawak ko ang kama sword. Wala naman siyang nagawa kun'di ang umatras. Sugod-atras lang ang nangyari sa'ming dalawa. Nang makahanap ako ng tiyempo ay agad kong tinadyakan ang ankle niya na naging dahilan ng pagkatumba niya at dahil 'don ay agad ko siyang sinaksak sa braso.
Pasalamat siya at mabait pa ako kasi sa braso ko lang siya sinaksak.
"Ugh! Fuck!" Sigaw niya habang sapo-sapo niya ang kaniyang dumudugong braso. Nginitian ko naman siya at sinabing.
"What an easy fight!" I said with a sly grin on my lips.
Inirapan niya lang ako at humarap sa dalawa niyang kasama at tinanguan ito. Sumunod na sumugod naman sa'kin ay si Blue. Walang anu ano'y agad niya akong tinutukan ng kaniyang dagger sa leeg. Corner agad ako? Kaunting galaw ko lang ay pwede na akong mapugutan ng ulo nito. Ni ultimong hininga ko ay kinokontrol ko para lang hindi madaplisan ng dulo ng dagger ang balat ko.
Nag-isip ako ng gagawin para lang malayo sa talim ng dagger. Tumambling ako ng pabaligtad at tinadyakan ko agad ang hawak niyang dagger kaso nasalo niya agad ito. Hindi pa ako lumalapag sa sahig ay sinugod na niya agad ako ng kaniyang dagger. Muntik na akong madaplisan sa pisngi, buti nalang yung buhok ko lang ang natamaan.
Pagkalapag ko sa sahig ay agad ko siyang sinugod. Pasugod din ang kaniyang ginawa. Seriously? Hindi siya natatakot? Dalawa kaya ang armas ko, samantalang siya ay iisa lang.
Nang magtama ang dagger niya at kama sword ko ay agad ko itong tinulak palayo. Dahil sa ginawa ko ay agad siyang natumba at nahagis ang dagger nito. Naglakad ako palapit sa kaniya at tinutok ang kama sword sa leeg niya. Gantihan lang. Pero, hindi pa rin siya nagpatinag kasi hinatak niya yung paa ko na naging dahilan ng pagkatumba ko. Still hawak-hawak ko pa rin yung kama sword kasi mahigpit ang pagkakahawak ko dito.
Ang sakit ng likod ko dun ah! Shit! Mukhang hindi na ako makakalaban nang maayos nito! Darn! He gave me a full-forced punch on my face. Fuck! Napahawak ako sa gilid ng labi ko, dumudugo.
Dahil nga sa nakapatong siya sa'kin ay agad ko siyang sinaksak sa kanang kamay niya na naging dahilan ng pagdudugo nito ng sobra. Umalis naman siya sa pagkakapatong sa'kin at agad na pinunit nito ang laylayan ng kaniyang damit at tinali niya ito sa sugat niya.
"2 down!" Pang-aasar ko sa kanila. Dahil siguro sa inis ay sinugod agad ako ni red. She tried to thrust the dagger unto my waist but it was keep on being failed.
Sinugod ko naman siya habang pilit na inaabot gamit ang hawak kong kama sword. Magaling siyang umilag. I tried to reach her but she's keeping on dodging it. Argh! Nauubos na ang pasensya ko dito ah. Bahala na si spiderman! Hinagis ko sa kaniya ang isang kama sword ko at saktong tumama ito sa dagger niya at nahulog.
Naningkit ang kaniyang mga mata sa ginawa ko kaya agaran niya akong sinugod. She gave me a high kick on my face.
Puta! Kanina pa nila puntirya ang mukha ko ah! Dahil sa ginawa niya ay napadapa ako. Naramdaman ko nalang na nakatapak siya sa likuran ko. Mayamaya lang ay hinila niya ang buhok ko pataas at binulungan ako, "Don't mess up with me!" Sinabi niya 'yan nang may diin.
Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay agad niya akong binigyan ng suntok sa kanang pisngi. Damn! Sumosobra na talaga siya. Agad akong humarap sa kaniya at tinadyakan ko siya sa tiyan gamit ang paa ko at hindi na ako nagdalawang isip na saksakin siya sa hita.
Lumapit pa ako ng kaunti sa kaniya at tinapat ang kama sword sa pisngi niya at binulungan ko siya, "Ang ayaw ko sa lahat ay yung sinisira ang mukha ko." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay sinugatan ko siya sa kanang pisngi in a letter x.
"Jinx!" Sigaw niya dahil sa sugat na natamo niya sa'kin.
"Paano ba yan? Tapos na ang laban, pwede na kayong umalis!" I said with a triumph smile on my lips.
"Hindi pa tayo tapos Athena! Humanda ka sa igaganti ko sa'yo, lalo na sa ginawa mo sa mukha ko!" Sabi ni red habang dinuduro pa ako.
"Fine, I'll wait for that time, Red." Sabi ko sabay talikod at pumasok na ako sa loob ng bahay namin at dumiretso na sa kwarto ko.
Ang weird ng mga tao ngayon, sino ba talaga sila? Halos lahat ng kumalaban sa'kin ay naka-mask, keeping their facade secret! Ano ba talagang motibo nila sa'kin? Ano ba talaga ang meron ako? Sino ba talaga ako?