Chereads / ANDROMEDA / Chapter 15 - V. EKPAÍDEFSI

Chapter 15 - V. EKPAÍDEFSI

West's

Bakit pa kasi lumapit itong si Darah doon? Tumakbo samin si Darah at dumiretso sa likod ko "What is that thing!?" Sigaw niya at tinuro niya pa yung lumabas kanina sa dilim, siniksik niya yung sarili niya sakin "Get off!" Sigaw ko sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Tuluyang lumabas sa liwanag yung tinitingnan namin kaya napatigil si Darah sa kagagalaw "Horse?" Bulong niya pero rinig naman namin. Naglakad ng dahan dahan si Antiope dun at dahan dahan nyang itinaas yung kamay para hawakan yung ulo at parang maamo naman na nagpahawak yun kay Antiope "It's the Pegasus!" Nakangiti niyang saad tapos bumaling samin. Nagtaka naman ako, How did they manage to escaped that Pegasus? Sa laki nito ay siguradong mahahalata iyun.

"Pegasus? The'thing' that they take?" Nagugulat pang saad ni Darah, she step out tapos sinuri yung Pegasus "Kung ganun asan yung wings niyan!?" dagdag pa niya. Para namang nadinig nung Pegasus yung sinabi ni Darah dahil biglang binuka yung wings, napa-atras naman si Antiope "Woah...woah! Easy there boy!" Usal ni Antiope

Tumawa si Darah "It's huge!" saad pa niya at tumango si Antiope "Pede ba nating sakyan 'yan?" Excited na tanong ni Darah pero nagkibit balikat lang si Antiope. Nanatili yung dalawa doon at iniwan na sila. Dere-deretso akong pumunta kung nasan sila Dimitrov, naririnig ko pa silang nag uusap dun ni Niobi, ng makalapit na ako sa kanila ay hinarap ko yung dalawa.

"How did you manage to get the Pegasus out?" Deretso kong tanong, nangunot naman ang noo ni Niobi "A---how?" Naiinis na saad ni Niobi. Bigla naman akong nahiya, I sounded like I was accusing them for something, pero hindi naman 'yun ang intensyon ko. What I want to know is how?

"I mean, I saw the Pegasus in the garage.." saad ko tapos itinuro ko kung saan ako nanggaling "It...It's big, and by judging it madaming makakakita kahit anong tago ang gawin niyo dun" saad ko tapos tinikom ko ang bibig ko. Sakto namang bumaba na sina Nagy at bihis na sa dati nilang damit, pumasok na din sila Darah at Antiope na nagkwekwetuhan, natigil sila ng makita kami. Pinasadahan ni Darah sila ng tingin "Why--why are you guys so serious?" Saad niya pero walang sumagot sa kanya.

Nagsiupo na sila Nagy at sumunod naman sa kanila sina Darah, and now I look like I was being interrogated by this two "That Pegasus can transform it's body into a human form, kaya madali lang namin siya nailabas at nadala dito" pormal na saad ni Dimitrov at niluagan ang tie, dali dali namang lumapit si Christine para tulungan siya, nagtaka naman ako ginawa ni Christine, napabaling naman ako kay Darah at 'yun iwas na iwas ang paningin dun sa dalawa.

Nagbaba naman ako ng tingin at tango nalang ang sinagot ko, umupo na lang din ako karatig ni Darah "Hindi ba maghihinala yung mga 'yun?" Biglang tanong ni Darah kila Dimitrov "Aling mga 'yun?" Si Niobi

"Yung mga tao sa museum!?"

"Ah..." Si Niobi tapos tumango tango pa "Don't worry too much! They don't even know that we exist that time!" nakangising saad ni Christine

Napatitig sa kanya si Darah "What do you mean?"

"I played with their souls, they don't remember us, lalo na kayo!" Napangisi si Antiope "Well, that's cool! Wala tayong magiging problema!" Napailing ako. Your wrong, Antiope! We do have a problem!

Napapagak ako ng tawa, napalingon sila sakin "Actually, we do have a problem!" Seryoso kong saad "What!?"

"You forgot, Antiope!? We supposedly attend the auction.." panimula ko "But we don't have to be there!"

"That Pegasus is part of the auction and I think 'yun ang pinaka highlight sa auction" seryosong saad ko. Kinabahan naman ako sa iniisip ko, I'm sure by now naghahanap na yung mga 'yun. Napabuntong hininga si Dimitrov "West is right, pero were still safe!" I felt relief after he said that "Kaso mababaliw 'yun sigurado kahahanap sa Pegasus!" Saad ni Niobi

Napatango nalang kami "They will wonder 'who let the Pegasus go'....." saad ni Manilyn habang nakatutok ang tingin sa kung saan "Don't worry we leave no trace!" Kampanteng usal ni Christine

Natahimik naman kami sandali "Then we're going now?" Si Darah. Sinulyapan kami ni Dimitrov "Aren't you going to change?" Napasulyap naman ako sa suot namin. I forgot that we're still wearing this! Nakakapanibago tuloy! I don't really wear this kind of clothes! It's too girly "Ah....yeah...I forgot" tugon ko nalang.

Tumayo ako at tinapik si Darah na nakahilig ang ulo sa sandali at nakapit. Ungol lang ang sagot niya sakin "Tara magbibihis!" Mahinang usal ko, muka kasing nagpapahinga yung iba pero nanatili ang tingin samin ni Dimitrov "Inaantok ako!" mahinang usal din niya ng nakapikit.

Napatitig naman ako sa kanya, sinenyasan ko si Dimitrov at tinaasan niya lang ako ng kilay. Ngumiwi ako at umiling, nilapit ko ang muka ko sa tainga ni Darah at bumulong "Dimitrov's is staring at you! At your cleavage exactly!" Saad ko at dali daling lumayo sa kanya. Gulat naman siyang nagmulat ng mata at tinakluban ang dibdib. Nagtataka naman kaming tiningnan ni Dimitrov pero nginitian ko lang sya. Tumayo si Darah at siya na mismong humila sakin patungo dun sa kwarto na pinagbihisan namin kanina. She's red as tomato! Napapatawa naman ako sa isip ko.

Nang makapasok na kami dun ay nagbihis na kami ulit "Inaantok talaga ako!" Biglang saad niya, hindi naman agad ako nakasagot dahil akala ko ay magtatanong siya tungkol kay Dimitrov "Edi matulog ka!" Saad ko habang nagbibihis "Sa byahe na!"

"Ikaw bahala" saad ko at nagkibit balikat. Nang matapos kami ay bumababa na din kami bitbit yung damit na nakalagay sa supot, nadatnan ko naman silang bihis na. Bumaling sakin si Niobi "Makikitingin nga ako nung Pegasus, West"

"Sure!" Saad ko at maglalakad na sana ako ng pigilan niya ako "Here" saad niya at binigay sakin ang isang maluwang na black t-shirt at sweat pants na black din at slippers na malaki. Nagtataka ko naman na tiningnan 'yun "Para saan ito?"

"Just go!" Sagot niya at sinenyasan pa akong umalis na. Kaya naman tumalikod na ako at nag-punta dun sa garahe. Nilibot ko ang paningin ko para tingnan kung nasan yung Pegasus, pero hindi ko makita. Lumapit ako dun sa pinagpwe-pwestuhan kanina, madilim dito kaya hindi ko masyado makita ang nilalakaran ko. Naglakad pa ako pa-una, baka sakaling andun 'yun. Kumapa kapa ako sa dilim ng may iba akong nahawakan. Mainit?

"Ano 'to?" Bulong ko at hinawak hawakan pa 'yun. Parang katawan ng isang tao. Tinaas ko ang hawak ko "Face?" Para kasing muka dahil may nakapa akong labi at humihinga itong hinawakan ko. Naramdaman ko naman tumagilid yung ulo nito. Binitawan ko ang pagkakahawak ko dun "Who are you?"

"Can you give me my clothes?" Napakunot naman ako ng noo. Boses lalaki? Nang hindi ko naibigay agad yung damit ang siya na ang kumuha sa bisig ko. Nagulat naman ako sa ginawa nya "Oh...sorry! Here" saka binigay ko yung tsinelas na hindi niya kinuha.

Umusod ako paurong at hinintay siyang matapos. Napatulala ako at napaisip. He sounded like a man, hindi kaya ito yung Pegasus in his human form? Naalala ko kasi yung sinabi ni Dimitrov na kaya nung mag anyong tao. Napalingon ako dun ng makarinig ako ng kaluskos, maya maya ay tuluyan na yung lumabas at kitang kita ko na ngayon ang itsura, kaya naman napatulala ako.

Confirm! Lalaki nga itong Pegasus, at bakit ang gwapo nito!?