Darah's
"No, I just got here!" Nakangiti niyang saad, hindi ko alam pero sa kabila ng pagngiti niya ay hindi ko magawang maiiwas ang paningin ko sa kanya. Mga ilang segundo pa ay dumating si Nagy, nagtataka niya naman kaming tiningnan "You started already?" Saad niya tapos tinuro kami "Ah...yeah!" Si West at umiwas ng tingin kay Dimitrov
Lumapit si Nagy kay Dimitrov pagkatapos ay pinalapit kami sa kanila "What time did you got here? Nagpunta kasi ako sa tinutuluyan niyo pero wala na kayo" saad niya "Nagpunta kami sa puntod ni Hans and we brought flowers.." mababang tono na saad ni West tapos tinuro ang direksyon nun. Tumango tango naman si Nagy "Flowers from Dim's field?" Tumango naman kami
Natahimik naman kami sandali "Uhm..." she pinched her nose bridge "I just want to say that...Calia instructed me na sunduin ko daw si West" napakunot ako ng noo "Why?" Tanong ko "Uhmm...Calia said na ngayon araw daw ay magkahiwalay kayong mag eensayo..." gulat ako at hindi naman agad nakaimik "But why? I mean, we're fine naman kahit magkasama kaming mag ensayo" bawi ko "Yeah I know, but it is Calia's intruction.." saad niya tapos hinigit si West sa braso, kaya naman napalapit siya sa gilid.
"How about me?" Pigil ko sa kanila. Nilingon ni Nagy si Dimitrov tapos ako "Dimitrov will teach you.." Natigalgal naman ako, I was unable to say something parang may nagbara sa lalamunan ko kahit wala naman. Abot kaba ko ng nilingon si Dimitrov na nakatitig lang din sakin "Calia's instruction?" At tumango siya "You don't have to worry, Dimitrov's skilled too..." Hindi naman 'yun ang inaalala ko, being alone with Dimitrov is too much for me now, lalo na at napag usapan pa namin 'yun ni West.
Ngumiti ako to show that it's fine with me "I know..." saad ko. Naglakad na sila Nagy at higit higit niya si West, nilingon ako ni West, worry is evident in her eyes, ngumiti din ako sa kanya "You know what to do..." Si Nagy at tinapik pa si Dimitrov sa balikat, tinanguan lang naman siya nito.
Tuluyan nang nakaalis yung dalawa, napagdesisyunan ko naman na lapitan siya. I awkwardly smiled to him, hawak hawak ko iyong bow at nakasuot pa sa likod ko yung quiver "Hey..." agaw atensyon ko sa kanya dahil nililibot niya ang paningin niya dun sa mga pana na nakatama sa target.
He's wearing a oversize white t-shirt na sa palagay ko na kapag ako ang nagsuot ay magiging bistida yun, nakasuot ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang suot black sweat pants at mariing tinititigan ang target ko na puno ng pana ko. Nahiya naman ako bigla sa suot ko. I always wear shorts and t-shirt, lagi kong tinatuck-in yung shirt sa shorts ko dahil malaki 'yun "Why?" Biglang baling niya sakin, inangat ko ang tingin sa kanya at umiling naman ako "So anong gagawin natin ngayon?" Saad ko tapos hinubad yung tali ng quiver sa akin, nang mahubad ko 'yun ay tiningnan ko siya. Tiningala ko siya dahil mas matangkad siya sakin.
Napatitig naman siya sakin at parang nag iisip, maya maya ay nagsalita siya "How about we chill?" May galak sa boses niya. Napakunot ako ng noo "Ha?" Tumingin siya sakin, pagkatapos ay tumingin siya sa paligid na animo'y tinitingnan kung may tao bang makakakita sa amin. Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin ng pagkalapit lapit. Nanlaki mata ko sa ginawa niya, halos mag kanda duling duling ako sa ginawa niya.
Ano bang ginagawa nya!? "Kidding!" Saad niya sa maliit na boses
Hinawakan niya palapulsuhan ko at hinigit papasok sa tent, nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa kanya hanggang sa makapasok kami sa tent. Hindi niya binitawan agad ang pulso, sinunod niya lang ako sa kanya hanggang sa tumigil kami sa pinagkuhaan ko kanina pana. Tumingin ako sa kanya dahil ayaw niyang bitawan pulso ko. Nakatingin lang siya dun sa mga armas habang hawak ang pulso ko. Tinanggal ko yung kamay niya, napalingon naman siya sa akin saglit pero maya maya ay binalik na niya yung tingin sa mga armas.
Lumapit ako duon sa lagayan ay binalik yung pana at palaso. Napatingin ako kay Dimitrov ng lumapit din siya duon at kumuha ng espada? Tumingin siya sa akin "Get the arrow and bow, magha-hunting nalang tayo" saad niya at binitbit yung espada "Hunting? Katulad nung nakaraan?" Saad ko habang kinuha yung bow at mga bagong arrow "Hmm.." saad niya at lumapit sa akin.
Hinarap ko siya at inagaw niya sa kamay ko yung lalagyan ng arrow at siya ang nag suot sa akin. Napatayo ako ng tuwid at nag iwas ng tingin "I will be the one to choose a target and you will kill the target..." mahina niyang saad dahil sa sobrang lapit niya sa akin ay rinig na rinig ko 'yun. Tumango nalang ako bilang tugon. Nang matapos siya ay pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil sa ginagawa niya ngayon sa akin. He's too close! And my heart is beating so fast! Na parang 'yun lang ang naririnig ko "Good girl!" He said and he grin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa nya 'yun! My gosh! I feel my face is heating up! Putek! Tumalikod siya sa akin at hinigit ang kamay ko paalis sa tent. Nang makalabas kami dun ay tuloy tuloy na kaming naglakad pero hawak niya parin ang kamay ko. He slow down at pinagsilop ang kamay namin.
Dahan dahan ko naman siyang inangat ang tingin ko and to my suprised he's looking at me too. Agad kong iniwas ang tingin ko at sumabay nalang sa paglalakad sa kanya while he's still holding my hand. Nagtungo kami sa gubat na pinag huntingan niya dati pero nilagpasan lang namin 'yun. I looked back but he called me "Hey...dun tayo sa mas magubat. I mean mas madami duong pedeng maging target mo" napakurap ako at tumango nalang. I don't even know na may mas gugubat pa pala dito! Nilibot ko ng tingin ang dinadaan namin at napansin ko nga mas nagtataasan ang mga dahon dito.
I shouldn't wear shorts! Nagasgas sa binti ko yung mga dahon. Napapatampal ako sa parte ng legs ko na naanuhan ng dahon. Muka naman yung napansin 'yun ni Dimitrov, nilingon niya ako. Nakakunot ang noo at masama ang tingin sa akin.
"What!?" Why is he looking at me like that!? "You shouldn't have wear that!" Pagalit niyang saad tapos tinuro yung shorts ko. I looked at him annoyed! "Eh anong susuotin ko?" Inis kong usal "This is my usual attire, okay!?" dagdag ko pa sa kanya.
Pero nanatili ang tingin niya sa akin ng masama "Ha! Your training and you're wearing that kind of clothe? Are you nuts!?" Inis niya din sa aking usal. I looked at him, eyes really opened! "What!? Look, I'm comfortable with this and I didn't know na pupunta tayo dito, alright!?" Naiinis kong usal at tinanggal ang kamay ko na hawak niya, nagulat siya sa ginawa ko.
He really looked suprised, nag iwas nalang ako ng tingin, maya maya ay bumuntong hininga siya "Fine! Whatever!" Saad niya tapos tumalikod at umupo ng bahagya. Nagtataka ko naman siyang tiningnan "What are you doing?" Don't tell me na papasanin nya ako sa likod niya?
"Sumakay ka sa likod ko, mas lalong magagasusugatan yang legs mo pag nagkatuloy ka sa paglalakad ng naka ganyan" mahinahon na niyang usal then I feel my face heat up. Sumakay ako sa likod niya ng dahan dahan "Ayusin mo hawak mo ha!" Pagbabanta ko sa kanya. Tumayo siya ng dahan dahan at inayos ang hawak niya. I stiff ng mapadiit ang ilong ko sa pisngi niya.
Fudge! I feel my heart is beating so fast. "Don't worry hindi naman masyado malayo 'yun" saad at naamoy ko ang hininga niya. Pati ba naman hininga? Talaga naman Darah! But it's smell like strawberry! I actually kinda like it! Pumikit ako ng mariin to shoved off this thoughts. Napansin nya 'yun, he slightly tilted his head pero dahil sa ginawa niya ay mas lalong nagdikit ang muka namin!
Natameme ako at walang ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko "You okay?" Tanong niya. I immediately looked away "Hmm.." tanging sagot ko. Nakaganun siya ng ilang sandali pero binalik niya na din tingin niya sa unahan. Ganun lang ang eksena namin hanggang sa tumigil siya.
"We're here!" Saad niya, nilibot ko ang paningin ko. Another field?
"Kala ko ba magubat? Mahawan dito ah?" Saad ko habang nililibot ang tingin ko sa paligid. Malawak na field itong pinagtigilan namin tapos may puno na malaki sa gitna, it is like a hidden field kasi puro sukal yung kanina then paglabas namin biglang ganto "Sigurado kang dito?" Tanong ko at nilingon siya, forgeting about the distance we have.
Nagtama ang paningin namin, sobrang lapit ng muka ko sa kanya, napakurap ako at hindi magawang iiwas ang paningin ko sa kanya. He closing the gap we have, ng malapit ng dumiit ang labi nya sa labi ko at dali dali akong lumundang sa pagkakasakay sa likod niya.
Muntikan pa siyang mapasubsob sa lupa kung hindi niya lang agad na balanse ang katawan niya. Agad ko naman siyang nilapitan at hinawakan sa braso "I'm sorry!" Agad kong saad. Nang makaayos na siya ng tayo ay tumingin siya sa akin na parang walang nangyari "We will hunt here!" Matigas niyang saad, not minding my apology.
Nakabaling ang tingin niya sa field tapos nakakunot ang noo na parang galit. Hindi ko nalang pinansin 'yun at tumango nalang. Sinuot niya sa baywang niya yung belt ng sa espada at humarap sa akin, still in his annoyed look. Napatayo ako ng tuwid, hinagod niya ako ng tingin pagkatapos ay umiling iling. Ano ba talaga problema nito!? Pagkatapos niyang sumulyap sa akin ay tumingin siya duon sa may puno sa gitna at nilibot ang tingin sa mga puno na malayo "Kaya mo bang umakyat ng puno?" Tanong niya
"Ha!? Of course, I can! May paa ako!" Pasinghal kong saad "I didn't say anything! Wala naman akong sinasabi na wala kang paa ah!?" Masungit niyang saad sa akin. Napasimangot ako sa sagot niya. Whatever! Napagtanto kong wala naman pala talagang connect ang sinabi ko sa tanong niya.
Nagsimula na siyang lumakad kaya sumunod ako, hindi na nagtataasan ang mga dahon kaya tuloy tuloy na akong nakapaglakad. Tumigil siya nang makarating kami sa tapat ng puno, tiningala niya yun at namaywang. Pagkatapos ay sinuklay niya ang buhok at dahan dahan akong nilingon. What the heck!? Nagpapacute ba sa akin 'to!?
Tinaasan ko siya ng kilay at bahagyang umurong "I'll climb first..." usal niya "Why? Kaya ko naman umakyat ah?"
"I know.." tinuro niya yung shorts ko "Don't wear that again!" dagdag niya, pero naisip ko. Walang connect duon sa sinasabi ko ang sagot niya. Nagsimula na siyang umakyat, tiningala ko naman siya.
Walang hahirap hirap niyang naakyat yung puno, tumigil sya sandali at naghanap ng pede naming pwestuhan, ng sa tingin ko ay nakahanap na siya ay nag dahan dahan naman siyang pumunta dun. Ako naman ay nagsimula ng umakyat, kung saan yung tinungtungan ni Dimitrov kanina ay dun din ako umapak. Naakyat ako ng mabilis at walang kahirap kirap, yung bow ko na hawak kanina ay sinabit ko muna sa likod para mas madali akong makaakyat.
Nang malapit na ako sa kanya ay inilahad niya yung kamay nya at tinanggap ko naman. Hinigit niya ako ng bahagya para makaratig agad ako sa kanya. Malaking puno ito kaya malalaki din ang mga sanga, lalo na itong sa pwesto namin. He sitted comfortable here kaya ganun din ang ginawa ko, hindi naman kami basta basta mahuhulog dito.
Tinanggal ko yung bow sa likod at hinawakan "So...what are we gonna do now?" Saad ko at binalingan siya ng tingin "You'll shoot a target of course!" Nilibot ko naman ang tingin ko sa kaparangan "Well, I don't see a target!"
"There will be..just....wait.." saad niya na parang may sinisipat dun sa may mga puno, sinundan ko naman 'yun ng tingin "Are you looking at something?" Saad ko at patuloy parin sa pagtingin. Wala kasi akong makita dun sa tinitingnan niya. It's a good distance but I really don't see a thing there "Look closely!" Bulong niya
I looked at him "Why are you whispering?" Usal ko. Nilingon nya ako "That thing will notice us if we are loud" bulong pa rin niya
Thing? "What thing?" Kuryoso kong saad, nginuso niya naman yung tinitingnan niya kanina. Gumagalaw ang mga sanga ng puno doon, I look closely at nagulat ako ng may lumabas na tigre at dahan dahang naglalakad duon.
Nanlalaki ko namang tiningnan ng mata si Dimitrov na ngayon ay titig na titig dun sa tigre "It's a tiger!" Matigas kong usal at nilingon niya ako ng sobrang sama ng tingin sa akin.
Ano na naman!?