Chereads / ANDROMEDA / Chapter 11 - I. EKPAÍDEFSI

Chapter 11 - I. EKPAÍDEFSI

Darah's

Hinatid muna kami ni Antiope sa bahay bago tuluyang umalis. Sabi niya samin kanina ay mag handa daw kami at ngayong araw din na ito magsisimula ang pagsasanay namin "Mahihirapan kaya tayo?" Saad ni West "Yeah, I think so, pagsasanay 'yun eh" saad ko at binuksan ang pinto.

Dumiretso kami sa kwarto at kumuha ng damit na pede namin gamitin sa pag sasanay, nang makapili na ako ay nagpunta na ako sa paliguan para magpalit at maligo, sumunod naman sakin si West nang matapos ako. Sinusuklay ko ang buhok ko ng lumabas si West at bihis na "Ang haba na ng buhok mo" komento niya

"Sayo din" simpleng saad ko. Tiningnan niya naman ako "You okay?" Tumango naman ako bilang tugon. Lumabas kami sa kwarto at nag hintay sa sala, sabi samin ni Antiope ay may susundo daw samin. Pabalik balik ako sa paglalakad at hindi mapakali, habol tingin naman ako ni West. Napansin ko naman na sumandal siya sa upuan at bumuntong hininga't hinawakan ang ulo na parang namomoblema.

"Seriously, Darah? Are you really okay?" Tanong niya sakin. Tiningnan ko naman siya ng nababahala "I feel nervous!" Bulong ko at dali daling umupo, West looked at me worriedly.

"You know what!" Agaw atensyon sakin ni West "Sa mga sandaling ito, ikaw dapat yung excited eh" saad niya. Hindi naman ako nakasagot sa kanya. Napabuntong hininga ako, bigla kaming napatingin sa may pintuan ng makarinig kami ng pagkatok.

"Thats must the one" usal ni Darah at tumayo, sumunod naman ako sa kanya. Binuksan ni West ang pintuan at nagulat naman kami sa babaeng bumungad samin. Ngayon ko lang nakita ito "It's time" pormal niyang saad, nagkatinginan naman kami ni West. Nagsimula na maglakad yung babae ng hindi kami nililingon, dali dali naman kaming sumunod sa kanya.

"Madam Calia, instruct me to teach you two in combat field. I hope you survive." Walang kagatol gatol na saad nung babae. Napangiwi naman si West "Uhm..yeah! Who are you then?" Tanong ni West.

Saka lang kami nilingon nung babae 'nung tinanong namin siya kung anong pangalan niya. Nilingon niya kami at tinitigan kami, nailang naman ako sa pagtitig niya "Jane. I'm....Jane" usal niya at tumuloy ulit sa paglalakad.

She's some sort of creepy!

Sumunod nalang ulit kami sa kanya. Nang makarating kami sa malawak na parang, madaming mga kasamahan namin ang nag-eensayo, nilibot namin ang paningin namin. I want to run. May tinawag si Jane na lalaki at lumapit 'yun samin.

"Where's Nagy and Manilyn?" Pormal parin niyang saad "Nagtuturo po ng sa espada!" Idinis-missed niya yung lalaki at humarap samin. Napatingin naman kaming lahat sa may side ko ng may marinig kaming sumisigaw at tumatakbo samin. Nanlaki naman mata ko dahil may dala yung baril at nakatutok samin.

Dali dali ko naman tinulak si West at Jane, nang malapit na sa amin yung babae ay naghanap ako ng bagay na pwedeng ihampas. Nang makakita ako ng espada na nasa lalagyan pa ay dali dali ko iyong kinuha at pinalo ng malakas sa kamay niyang may hawak na baril, nabitawan niya yung baril pero bigla yung kamay niya ay bigla akong binigyan ng suntok na nasangga ko naman. Nang napatalikod siya sakin ay sinipa ko ang tuhod at napaluhod siya. Agad ko naman siyang hinarap "Are you crazy!?" Galit kong sigaw. Nilingon niya naman at tingnan ng masama.

Nakita ko naman na may humahangos hangos na babaeng pumunta sa gawi namin. Bigla niyang nilapitan yung babae at tinutulangan tumayo "Thank you" usal niya pero bigla namang siyang binatukan nung babae. Nagulat naman ako sa ginawa nung babae "WHAT THE HECK!? NAGY?!" sigaw nung babae

So she's Nagy...

"You brat! May tinuturuan pa tayo dun ah! Why did you run!?" Galit na sigaw ni Nagy. Nilapitan ko naman sila West "Are you hurt?" Umiling naman siya. Nilapitan sila ni Jane "Stop!" Tumigil naman yung dalawa at tumingin kay Jane at yumuko sa kanya. Yung mga kaninang nanunuod samin ay bumalik sa na kani-kanilang ginagawa "You don't have to do that" pormal niyang saad dun sa dalawa, hindi nagbabago ng tono, pormal talaga at nakakailang.

"It's my form of greeting" saad nung babae kay Jane tapos tumingin sakin "Did you like it?" Tanong niya, napaamang naman ako. Another lunatic!

"Look at her hand, yung hinampas mo" saad sakin ni West, tiningnan ko naman 'yun. "Parang walang nangyari ano?" Dagdag pa niya, napatango ako. Dapat sa mga oras na ito ay swollen na yung kamay niya....pero hindi, muka pa nga itong ayos.

Lumapit kami sa kanila "We are assigned to teach them..." rinig kong pinag uusapan nila nang lumapit kami. Yumuko yung babae at dinampot yung baril na nahulog kanina. Sigurado akong mabigat yun, dahil tunay na baril 'yun and she just hold it like it doesn't weight.

Nilingon kami ni Jane at napa ayos naman ako ng tayo "This is Manilyn Ivanov and Nagy Mae Petrovic.." pakilala niya dun sa dalawa "I'm West Huxley" saad niya at nilahad sa dalawa ang kamay niya "Darah Behathi Rossi" usal ko, ngumiti naman sakin si Nagy. Naglahad naman ng kamay sakin si Manilyn, nag-dalawang isip pa ako kung tatanggapin ko 'yun or hindi. Nang siniko ako ni West ay nitanggap ko "Aray!" Usal ko hinigpitan niya kasi yung hawak sa kamay ko.

Napansin naman nila 'yun "Okay! That's enough" pilit na ngiti ni Nagy at hinigit si Manilyn. Si Jane naman ay walang pakialam basta nanunuod lang siya samin "Let's go to my tent, may sasabihin ako" usal ni Jane at nagsimula na maglakad at sumunod yung dalawa "Mukang pinag iinitan ka nun ah...What's her name again?" Usal ni West, habol tingin ko namang tiningnan yung dalawa "Manilyn" usal ko, tumango naman si West at sumunod na din kami.

Nang makapasok kami ay nagandahan ako sa tent ni Jane, muka siyang maliit sa labas pero kapag pumasok ka ay malaki, dumiretso si Jane sa may table niya at umupo, sila Nagy naman ay umupo doon sa mahabang couch at umupo na din kami dun sa katapat.

"Starting today, Darah and West will have their personal training...." panimula ni Jane "Personal training?" Takang tanong ni West "Hindi ba kami kasabay nung mga nasa labas?" Dagdag pa ni West. Umiling naman si Jane "Ang mga mangunguna sa laban ay may mga sariling pagsasanay at kayong dalawa ay kabilang sa mga 'yun" paliwanag ni Jane

"Kami?" Saad ni West at tinuro pa nya sarili niya at ako "Kabilang? Bakit?" Dagdag pa niya. Nanatili naman akong tahimik "It's Madam Calia's intruction" saad ni Jane "And Manilyn then Nagy will be the one to teach you" si Jane

"Pero tine-train pa namin ang nasa labas" saad ni Nagy "Ako na ang magpapatuloy, just focus on this two" si Jane

Hindi na sumagot si Nagy at tumango nalang siya "But can you handle it? Madami ang mga 'yun?" Napatingin naman kami lahat kay Manilyn. Ang alin ang sinasabi niya? "I am well aware and of course I can handle it" saad ni Jane

Bumingisngis naman si Nagy at tiningnan si Manilyn "Did you forget that she was once a general of a kingdom?" Tanong niya kay Manilyn at nginiwian lang siya ni Manilyn. General? Si Jane? And Kingdom? What kingdom?

"You can start now" saad niya kila Nagy at bumaling samin "Sila na ang bahala sa inyo, kung ano ang sabihin nila sa inyo, sundin niyo" pormal niyang saad at tumango ako. Tumayo na sila Nagy at bumaling samin "So...let's go?" Nagkatinginan pa muna kami ni West saka tumayo

"Are you nervous?" Saad ni Manilyn samin "Don't be! It's not even started" dagdag niya. Yabang niya naman! Sumunod nalang kami sa kanila "Duon tayo sa may malapit na field ni Dimitrov" napakunot noo naman ako sa sinabi ni Manilyn "Kahiwalay din kami sa kanila?" Tanong ni Darah at tumango naman yung dalawa "Killala nyo si Dimitrov?" Tanong ko.

Tumigil naman silang dalawa "Of course, ang lahat ng nandito ay kilala ang isa't isa" nakangiting saad ni Nagy "Malayo ba yung pag sasanay natin?" Tanong ko ulit "No, actually 'yun" sabi ni Nagy at tinuro yun, sinundan naman namin yun ng tingin at nakita ko ang isang malawak na kaparangan pero malilom dun tapos sa karatig nito ay may mga magagandang bulaklak at may isang tent na nakatayo duon. Tumango naman kami at pinagpatuloy ang paglalakad.

Nang makarating kami ay pina iwan naman kami nila sa labas at pumasok silang dalawa sa loob. Iling iling na lumapit sakin si West "What!?" Usal ko "That Manilyn-girl is so may something sayo" pasing-song pa niyang saad "Well, I don't care" pangga-gaya ko sa kung paano siya magsalita kanina.

"Hey, put this" napalingon naman kami kay Manilyn na kalalabas lang sa tent at may binigay samin "What's this?" Tanong ni West.

Tiningnan ko naman 'yun. Blindfold? "Blind fold!" Si Manilyn

"For what?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

Bigla naman lumabas si Nagy na may dalang bow and arrow at tubig na maiinom "We are going to test your senses!" Nakangiting saad ni Nagy. Napakunot naman ako ng noo at napatingin sa dala niyang bow and arrow. Tinuro ko 'yun "Then para san 'yan?" Tanong ko "Tool to test your senses" nakangiti pa niyang saad "Seryoso ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni West.

Humalukipkip naman si Manilyn "Do we look like joking!?"

"Stop being sarcastic alright. It's their first time" suway ni Nagy kay Manilyn "We're going to test your senses and kaya kayo binigyan ng blind fold para dito. You will wear that...and I will shoot this" saad ni Nagy at tinaas yung pana "sa inyo and you will try to dodge it by relying on your senses" dugtong pa niya "Pano pag natamaan kami?" Nag aalalang saad ni West.

Natahimik naman saglit si Nagy "It's alright, we can treat the wound afterwards" saad niya na parang 'yun lang naman ang pedeng gawin kung sakaling matamaan ka niya. Napaamang naman kami. Binalingan ko si West ng tingin "Try not to get hurt" usal ko

"So....let's start. West you go first!" Si Nagy

Pinatabi ako ni Nagy sa kanila at natira si West sa gitna ng bilog na naka pinta "Wear your blind fold" saad ni Nagy at kumuha na sa quiver ng isang pana. Sinuot na ni West 'yun at pakiwari ko ay nakikiramdam na. Hinanda na ni Nagy yun at itinutok kay West, nakaharap samin si West. Nakatutok sa ulo niya yung ulo "DON'T SHOOT HER ON HER HEAD!" Matigas kong usal pero biglang nirelease nya sa bow yung arrow.

Abot kaba naman ang nararamdaman ko at habol tingin yung arrow patungo kay West na mabilis naman niyang nailagan. Nanlaki naman mata ko sa ginawa ni West. How did she do that? Napansin ko naman na napangisi si Nagy. Agad siyang kumuha ulit ng arrow at inayos yun sa bow at agad na ni-release 'yun. Nakatalikod samin kaya naman nagulat ako ng yumuko siya at tumama sa puno yung arrow.

Oh gosh!

Agad na kumuha ulit si Nagy at pinatamaan si West pero nailagaan lang ulit 'yun ni West, sunod sunod ang patama niya kay West pero lagi lang din iyon naiilagan. Woahhh...I didn't know that West can do that!?...I mean, the arrow is fast when it release pero naiilagan nya 'yun. Tumigil lang si Nagy ng maubos ang arrow, pero si West nanatili doong nakikiramdam. Nagka tingin si Nagy at Manilyn, tapos biglang sumugod si Manilyn at naglabas ng dagger.

What the fudge!?

Agad akong lumapit kay Nagy "You should stop her!" Mabilis kong saad pero she just 'shhh' me. Bumuntong hininga ako at tiningnan nalang sila West. Hindi totally lumapit si Manilyn kay West, may mga ilang dipa pa ang pagitan ng ihagis niya kay West ang dagger at nasalo naman 'yun ni West, at sa mismong handle nya 'yun nahawakan.

Nanlaki naman mata ko at biglang kinabahan. Sigurado akong ganun din ang gagawin sakin nung dalawa! Pumalakpak naman si Nagy at lumapit kay Manilyn, hinawakan niya ito sa balikat "She's good!" Tatango tango pang saad ni Nagy na tiningnan lang ni Manilyn na nakataas ang kilay "You rock, West! That was awesome" dagdag pa ni Nagy, tinanggal na ni West yung blind fold niya at lumapit kila Nagy, linapitan ko naman sila.

"I was so nervous...then nung andun na ako and I put this blind fold....wala na akong naririnig kundi tibok ng puso ko. Then suddenly, I heard sound like "swishhh" in the air and I feel like na tatama sa ulo, my gosh! Umilag agad ako" sunod sunod niyang saad at tumawa. Ngingiti ngiti naman sila Nagy. Bumaling sakin si West "Your next..." pakanta pa niyang saad. Nginiwian ko naman siya "Try not to get hurt" biglang seryoso niyang saad, tumango naman ako.

Bumaling sakin sila Nagy "Do you feel nervous?" Pinakiramdaman ko naman sarili ko "A bit"

Tumango naman yung dalawa at bumalik kung saan ang pwesto naman kanina ako naman ay pumunta na sa pinag pwestuhan ni West kanina "I will be the one to shoot the arrows, Nagy" biglang saad ni Manilyn. Binigay naman ni Nagy 'yun, kumuha ng bagong arrow si Nagy sa loob. Seryoso ko naman tiningnan si Manilyn, palipat lipat naman ng tingin samin si West.

Lumabas na si Nagy at binigay kay Manilyn ang mga arrows "Be ready!" Usal ni Manilyn at ngumisi. Bumuntong hininga muna ako bago isuot ang blind fold. And now, I see black. But it's alright! Bring it on!