"Ayos ka lang ba, Mira?" Tanong ni Hana. Hana is my sister, kapatid ko siya sa bagong pamilya ko.
Yes. Her family adopted me. Kapatid ng papa niya ang Chief o leader ng Hong Clan. Pero dahil bunso ang papa niya, hindi siya ang naging tagapagmana ng posisyon. Wala namang sama ng loob ang papa niya kaya ayos lang.
Mabait ang pamilya nila at itinuring nila akong parang tunay na pamilya.
Bakit nga ba inampon nila ako? Nasaan ba ang tunay kong pamilya?
Medyo matagal na din ngunit naaalala ko pa ang huling paalam nila sa akin. Ang mga magulang ko ay myembro ng Hatake Clan. Ang Hatake Clan ang pinagmulan ng Hong Clan at walang sinumang nakakaalam noon maliban sa mga myembro ng Hatake at Hong Clan. Paano nangyare na nagmula ang Hong sa Hatake Clan?
Ang mga Hatake ang namumuno noon sa dalawang. Maliit lamang noon ang pamilyang Hong at sa Hatake sila umaasa ng proteksyon. Kilala noon ang mga Hatake sa pagiging leon sa labanan kaya naman walang nangangahas na kalabanin sila. Sila ang palaging natatakbuhan ng Hiyosko kapag kailangan nilang kumuha ng ipapadala sa gyera laban sa ibang mga bansa. Ngunit tao din naman sila, may namamatay, may nakakatakas sa binggit ng kamatayan.
Huling digmaan... At iyon na din pala ang huli naming pagkikita. Ipinadala ang lahat ng mandirigma ng Hatake Clan at lahat ng gustong sumama. Maging ang Hong Clan ay nagpadala din ng mga magagaling nilang mandirigma. Ngunit dahil nga maliit lamang ang pamilya nila, kaunti lamang ang nakasama. Samantalang ang Hatake ay sumama halos ang lahat, maliban na lamang sa kakaunting mga babae at mga bata.
Nang matapos ang labanan, may bumalik na ibang naka-survive ngunit hindi dumating ang ama ko.
Sinabi ng ibang mga naka-survive na ginawa nila ang makakaya nila upang makasurvive ang iba. Para protektahan ang mas mahihina sa kanila. At para protektahan ang ibang mga clan at pamilya na naninirahan sa Hiyosko.
Masakit para sa akin ngunit unti-unti ko iyong tinanggap.
Noong ikalawang araw ay nagdesisyon ang mga natirang Hatake at Hong Clan na papalitan nila ang pangalan ng Clan. Ibig sabihin, ang Hong Clan na ang mamumuno. Dadalhin ng Hong Clan ang lahat ng nangyare noon at kikilalanin ang Clan namin hindi bilang Hatake kung hindi Hong. Kaya naman ang alam lang ng mga taong hindi pamilyar sa Hatake ay ang Hong Clan. Isa pa, masyadong masekreto ang Clan namin. Ngayon na lamang nila ipinagkatiwala ang pangalan ng Clan. Noon talaga ay uso ang "You'll die first before I tell you".
Ang ama ko ang dating leader ng mga mandirigma noong buhay pa siya at Hatake Clan pa ang namumuno. Napakagaling niyang mandirigma kaya naman nagustuhan siya ng aking ina. Kakaiba din ang personalidad niya. At alam kong darating ang oras na hindi siya magdadalawang isip na ibuwis ang buhay niya para sa iba. Sadyang ganyan lamang siya.
Ang ina ko naman ay namatay bago pa man ako mag-bente anyos dahil sa mainit na labanan sa pagitan ng mga Clan.
Sadyang magulo lamang noon ang lahat. Ngunit hindi naman sila nagrereklamo kapag sila ay ipagsama-sama upang lumaban sa ibang mga bansa.
At iyon nga, hanggang ngayon ay mas kilala nila ang Hong.
Gayon pa man, nakaukit sa puso ko ang sakripisyo ng mga Hatake para sa Hiyosko.
Nga pala, Hatake ang ama ko at Hong ang ina ko. Ibig sabihin, magpinsan pa din kami ni Hana. Tita at Tito na ngayon ang tinuturing kong mga magulang.
"Oi, Mira. Kanina pa kita tinatawag--"
"P-Pasensya na. May iniisip lang." Nauutal kong sabi at tinignan ang sarili ko sa salamin.
Nakasuot ako ng pulang kimono at may mabigat na hair dress sa ulo ko. Sa totoo lang, hindi ko alam ang nasa isip ng mga kamag-anak ko. Ngunit kung ito ang magiging paraan upang magkasundo ang Chen at Hong Clan, tatanggapin ko ang lahat ng ito.
Napabuntong hininga naman siya.
"Alam ko na hindi mo gustong mangyare ito, ngunit humihingi ako ng tawad para sa desisyon ni Uncle sayo. Pero ikaw lamang ang tingin naming nararapat sa role na ito. Descendant ka ng Hatake Clan. Alam mo naman." Malungkot na sabi ni Hana at nilagyan ako ng lipstick. Matapos ay ngumiti siya. "Oh ayan, sobrang ganda mo na. Sigurado ako na magugustuhan ka na ng supladong lalakeng iyon. Kapag nakabusangot siya sa kasal, talagang matatamaan siya sa akin. Ikaw din, dapat happy ka lang. I'm sure darating ang araw na magkakasundo din kayo." Dagdag niya saka bumungisngis.
"Salamat, Hana." Sabi ko at tumayo. Niyakap ko siya. "Salamat talaga."
Matapos ang mga drama namin ay lumabas na din ako.
Madami pang seremonyas bago kami tuluyang makasal. Isa itong tradisyon mula sa Hong at Chen Clan. Una ay ang prosisyon ng ikakasal. Bago ay ang mga kung ano ano pa.
Ilang minuto din iyon bago ko natagpuan ang sarili ko sa altar kasama ang lalakeng ito. Nakatitig siya sa akin.
Tinanggal niya ang nakapatong na hair dress sa ulo ko. Nalaglag naman ang mahaba kong buhok, kasama ng mga pulang bulaklak na disenyo. Lumapit siya sa akin.
I-Ito na ba ang sinasabi nilang "Kiss the bride"? Hahalikan niya ba talaga ako?!
Napalunok ako at napakurap. Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya. Bago niya ako halikan sa noo.
Pakiramdam ko...
Umuusok ang mukha ko.
Rinig ko ang pagpalakpak ng lahat.
"You look... alright. Pero, I will still reject you." Mahinang sabi niya saka lumayo.
Napaangat ako ng tingin. Nakatingin din siya sa akin.
Unti-unti naman akong ngumiti. Parang hindi niya naman inaasahan ang magiging tugon ko.
"W-Weirdo." Aniya.
---
Ang ganda ng tanawin. Napakarami ng mga bituin. Pakiramdam ko ay gumagaan ang loob ko. Pakiramdam ko kaya kong harapin ang lahat ng bagay.
"Tsk."
Napalingon ako at nakita na aalis na sana si Zeid dahil na napansin niya na nandito din ako. Pero bago pa man siya makahakbang ng ilang beses ay hinila ko ang braso niya. Hinila ko siya pabalik ng hardin at itinuro ko ang langit.
"Napakaganda ng kalangitan, ano? Isipin mo, ganyan din karami ang mga tao, ngunit tayo ang pinagtagpo. Alam mo, hindi ko rin naman gusto ito, ngunit sana'y magkasundo tayo." Sambit ko saka ngumiti.
"Siraulo ka ba? Kahit pa anong sabihin mo, I will still reject you."
Natawa naman ako at tumingin sa kaniya.
"Wag ka namang ganyan. Simula ngayon, magkakasama na tayo--"
"No. I'll make sure na malayo ka sa akin palagi." Marahas na tugon niya. Napabusangot naman ako. Pero bigla kong nakita ang mga alitaptap na lumilipad malapit sa kaniya.
Napangiti naman ako.
"What?" Inis na tanong niya.
"Balang araw, matatanggap mo kaya ako?" Tanong ko saka pinagmasdan ang mga alitaptap na tila gustong dumapo sa kaniya. Sa totoo lang, kahit na arogante siya at para bang walang modo, maganda pala siyang pagmasdan.
Tumalikod siya.
"Tsk. Ayokong ulitin ang sarili ko, siraulong babae." Aniya saka umalis na.
Aba't napaka...
Napabuga ako ng hangin at napailing.
"I will still look forward to it, Zeid."