Chereads / Sweet Surrender / Chapter 4 - Chapter Four

Chapter 4 - Chapter Four

Maaga silang nakarating sa geothermal power plant, kagaya ng plano ay t-in-our muna siya ni Zach sa buong planta. Hindi ito kasing laki ng site nila sa Leyte ngunit isa ito sa nakikitaan ng potential for expansion. Sa ngayon ay nagdadalawang isip ang executives kung maglalaan ng budget sa expansion nito dahil marami silang nakikitang problema sa pinaplanong expansion. Considering the biodiversity area and that the required hectares of the project would encroach into Mount Talinis which will lead them into bigger problems. Aside from that, the executives are not convinced that the management of the Palinpinon site could handle the big expansion. Those are the things that they need to assess. And her decision and Zach's are very crucial.

May naka schedule silang meeting ng alas-diyes ng umaga para ma-meet ang lahat ng head ng bawat department. They are about to find out the issues that will arise per department and if those will affect the development plans. From there, she will create plans and strategies at doon mag sisimula ang competition nila ni Zach. Ang malaking lamang nito sa kanya ay kabisado nito ang planta at kakilala niya ang marami sa mga tauhan niyon. But she finds it as her advantage as well, imagine if she can pull this off and create better plans and strategies from Zach's, without those resources. Siguradong hahangaan siya ng stakeholders.

Isang engineer doon ang kanina pa tingin ng tingin sa kanya. 'Di naman niya makakailang may itsura ito at malakas ang dating pero kung ikukumpara ito kay Zach, ay wala itong panama. My God, bakit si Zach na naman ang naisip niya.

"Hi, Lara, I'm Mike. I heard that you are the head of E&D from the main office. If there's anything I can help you with, please don't hesitate to ask." lakas loob nitong sabi pero hindi maaalis ang paghanga sa mga mata. Inilahad nito ang kamay sa kanya.

"Hi Mike, nice to meet you" Gustong tumaas ng kilay niya, dahil hindi siya in-address nito ng ma'am or boss bilang isa siya sa mga superiors nito. Tinaggap niya ang pakikipag-kamay nito. Maari niyang magamit si Mike to her advantage, kaya papalagpasin niya ang pagiging unprofessional nito.

Narinig nila ang pagtikhim ni Zach. "Mike, kelangan ko na ang mga documents na sinabi ko kanina and the report from your department." singit ni Zach sa usapan nila.

"Yes sir Zach," alanganing sabi ni Mike. Halatang nabitin sa pakikipag-usap sa kanya. Nag-iwan muna ito ng ngiti sa kanya bago umalis.

Bumaling si Zach sa kanya pagka-alis ni Mike. "Let's have lunch later susunduin kita sa office mo at twelve." Blanko ang ekspresyon ng mukha nito. "Wala ka pang masyadong kakilala dito, so you can have lunch with me for the meantime." pahabol nito sa unang sinabi na tila nahulaan ang pagtataka niya.

Sinamahan siya nito sa Arhitrcture and Design department ng site kung saan ang opisina niya habang naroon sila. Kilala niya ang ilan doon dahil nakikita niya ang mga ito kapag pumupunta sa main office para sa mga seminar at mahalagang meeting, pamilyar naman ang iba dahil nakikita niya sa mga video conferences.

Nagpakilala siya sa mga ito at nagbigay ng konting updates sa mga development plans ng main office about the Palinpinon geo site. Natuwa ang marami sa narinig. Expansion and development means more jobs to the locals and most of all career opportunities for them. Nagbigay din siya ng konting encouragement. "If we want all of the plans to be executed, please let us do our best to make it happen." pagtatapos niya.

Marami ang humanga at nabilib sa mga sinabi niya. Nahagip pa niya ang usapan ng ilang empleyado. "Ang galing niya, at ang ganda pa. No wonder she is on the running as the VP of upstream." sabi ng isa. "Magaling nga siya, pero sa tingin ko si sir Zach ang makakakuha ng position. Magaling din siya at iba ang karisma." tila kinikilig naman na sabi ng isa pang empleyada.

Patay malisya siyang nagtungo sa opisina niya pero sa totoo lang ay gusto niyang titigan ng masama ang babae at sabihin na tatandaan niya ang pagmumukha nito, joke lang.

Pero naiisip niya na maaaring ang loyalty nga ng mga tao roon ay na kay Zach. She needs to build rapport and connections kung gusto niyang manalo against Zach. It will be challenging to get information and to move people if she won't do that. She invited everyone for a lunch, her treat.

She messaged Zach and told him her plans to have lunch with her department. She didn't receive a response from him.

Wala silang imikan ni Zach kahit na magkatabi lang sila sa loob ng van. Feeling niya ay nagalit ito dahil hindi niya ito sinabayan sa lunch. Hindi niya alam kung sino ang kasama nitong maglunch at hindi rin niya ito nakita buong maghapon. Wala namang ibang choice na makakainan kundi ang canteen sa loob ng site. Mahigit thirty-minutes-drive din kasi mula sa site patungong city proper kung gusto nilang kumain sa fast food o restaurant.

"How was your lunch?" Hindi na niya natiis ang pananahimik nito. And she has to admit that she felt guilty that he could probably miss his lunch.

Bahagya itong ngumiti. "I went out with someone. We tried a Chinese restaurant in the city proper. I recommend it, you may want to try some other time."

So, lumabas pala talaga siya, at with someone. Pinigilan niya ang sariling tanungin ang lalaki kung sino ang kasama nito.

"How about you, how was your lunch with your department?"

"I-it was fun. I started to know some of them."

Mapakla itong ngumiti. "Yeah, it seems that you are enjoying the attention. Are you trying to use your charm again to get what you want? May pait na sabi nito.

"What are you talking about?"

"Never mind, forget what I said. Let's just focus ourselves with the development plans so we can go back ASAP." Muli nitong f-in-ocus ang tingin sa mga dokumentong hawak. Kahit sa byahe ay nagtatrabaho parin ito. Isa ito sa mga bagay na hindi niya magawa, ang magbasa habang nasa loob ng tumatakbong sasakyan. Pakiramdam kasi niya ang nahihilo siya.

Hindi na niya ito muli pang narinig magsalita. Inabala na lamang niya ang sarili sa pagsulyap sa magandang tanawing nakikita sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Gusto niya sanang linawin sa lalaki kung ano ang ibig nitong sabihin sa mga sinabi kanina ngunit pinili na lamang niya manahimik at baka magpang abot na naman sila ni Zach at matarayan na naman niya ito.

Nag-kulong lang siya sa cottage niya pag-uwi nila. Maya-maya ay sigurado siyang may kakatok na sa pinto niya para yayain siyang maghapunan. Hindi nga siya nagkamali, narinig niya ang mahinang katok sa pinto ng kanyang cottage ngunit hindi niya inaasahang si Manang Maying ang nasa labas ng kanyang pinto. She seemed a little disappointed not to see Zach at her doorstep.

Naabutan niya si Zach at Mang Karding na masayang nagku-kwentuhan habang hinahantay sila sa hapag.

Nilagang baka, inihaw na liempo at tilapia ang naabutan niya sa hapag. Isa iyon sa mga bagay na gusto niya sa pananatili niya sa lugar na iyon. Nakakakain siya ng mga "totoong pagkain". Madalas kasi ay sandwiches lang ang kinakain niya kapag nasa opisina siya. Madalang lang siya kumain sa labas. Madalas ay pag may breakfast or lunch meeting lang o di kaya ay may dinner party na may kinalaman sa trabaho. Hindi rin siya nagluluto kapag nasa bahay siya. Sapat na sa kanya ang vegetable salad o di kaya ay pina-deliver na pizza. Angie told her that she is a workaholic and doesn't have a normal social life. Anong magagawa niya, nasanay siya to give her 100% focus and effort to whatever she is doing kahit na madalas na hindi na niya nabibigyan ng pansin ang sariling recreation and social life.

Marami siyang nakain habang nakikinig sa kwentuhan ng tatlong kasalo sa mesa. Sumasali lang siya sa usapan kapag tinanong siya ng mga ito.

"Bukas ng hapon marahil ang dating ng apat pa naming kasamahan, Manang. Kailangan ho nating dagdagan ang pang hapunan. Kakayanin niyo ho bang mag-isa ang pagluluto?

"Huwag mo na isipin 'yon Zach, dadating ang apo kong si Didith bukas ng umaga. Siya ang makakatulong ko habang nandito kayo sa Palinpinon. Natatandaan mo ba ang apo kong 'yon?"

"Ah oho, parang ang huli kong kita sa kanya ay noong una akong pumunta dito sa Palinpinon. That was four years ago, tama ho ba?"

"Oo, apat na taon na. Sixteen pa lang siya noon, ngayon ay dalagang-dalaga na, bente na siya. Lagi ka nga tinatanong sa'kin nitong mga nakaraang taon. Naku, kaya tuwang-tuwa noong sinabi ko na dito ka naka distino ng isang buwan." magiliw na kwento ni manang Maying. "Ikaw ang inspirasyon ng batang 'yon. Gusto din maging Inhenyero. Mabuti na nga lang at bakasyon nila ngayon sa klase kaya pinayagan ng nanay niya na dumito muna sa akin."

"Kapag naka-graduate at pumasa na siya ng board ay maaari na siyang magtrabaho sa site kung gan'on ho." masaya namang sabi ni Zach.

"Sa Manila daw niya gusto magtrabaho. Direkta raw siya mag-a-apply sa'yo." Sabay na nagtawanan ang tatlo samantalang siya ay tahimik lang na nilalantakan ang mga hiniwang hinog na mangga. Hindi siya maka-relate sa usapan ng mga ito.

Bumalik na rin siya sa kanyang cottage pagkatapos niyang maghapunan. Nagpaalam na siya sa mga ito na hindi parin tapos ang pagku-kwentuhan.

Natapos na niya ang librong binabasa ay hindi parin siya dinadalaw ng antok, pasado alas diyes palang ng gabi. Parang ang haba-haba ng gabing iyon. Naisip niyang gan'on yata talaga sa probinsiya, mabagal ang pamumuhay ng mga tao hindi katulad sa Manila na alas diyes ng gabi madalas ay nasa labas pa siya at bumi-byahe pauwi galing sa pag-o-overtime.

Naisipan niyang lumangoy sa pool sa labas lang ng kanyang cottage. Siguro naman ay makakaramdam siya ng antok kapag naginhawaan ang kanyang katawan. Maligamgam kasi ang tubig sa pool dahil sa geothermal heat na nang gagaling sa mga karatig bundok.

Nagpalit siya ng kasuotan from pair of pajamas to a royal blue one piece swimsuit na may fine white details. Hindi revealing ang cut niyon ngunit maganda ang pagkakahubog niyon sa kanyang makurbang katawan.

Naisip niyang marahil ay tulog na ang mga tao sa ganoong oras kaya marahil ay hindi naman siya makaka-istorbo kung magpapakasaya siya sa paglublob sa tubig.

Na-excite siya sa naisip. Kailan nga ba noong huling nag-enjoy siya sa tubig. Hindi naman kasi siya mahilig mag bakasyon kaya madalang din siya makapunta sa mga beach resorts.

Lumabas siya ng cottage suot ang bathrobe na pinatong niya sa one piece swimsuit. May dala rin siyang isang towel na gagamitin niya sa pagpapatuyo ng buhok mamaya.

Tinanggal niya ang bathrobe at excited na naglublob ng paa sa pool. Mga ilang minuto niyang pinaglaro ang mga paa doon bago nag decide na lumusong sa tubig.

Masarap sa pakiramdam nang tuluyang mabasa ng maligamgam na tubig ang kanyang buong katawan.

"Mind if I join you?"

Nagulat siya nang makita si Zach sa tabi ng pool na nakatunghay sa kanya. May hawak itong beer na nasa thin can. Kung gaano na ito katagal doon ay hindi niya alam.

Nakasuot ito ng half-sleeve shirt with open buttons kaya kitang kita niya ang magandang katawan nito. Tuluyan nitong hinubad ang shirt at inubos ang natitirang laman ng beer sa thin can. Tanging ang navy blue shorts nalang nito ang naiwan sa kanyang katawan kaya naman kitang-kita ni Lara ang bareness ni Zach from the broad shoulders to his perfect torso. He also has six-pack abs na kitang-kita niyang gumagalaw habang nilalagok nito ang beer.

She was still mesmerized by his boldness and half nakedness to notice that he is already in the pool with her.

"Hindi ka rin ba makatulog, Lara?" He was too close to her for her to feel his warm breath on her face. She smelled the beer and the freshness of his breath at the same time. Hindi niya alam kung bakit biglang uminit ang pakiramdam niya. Naisip niya kung mas lalo bang uminit ang tubig sa pool.

Namumungay ang mga mata nito habang papalapit ang mukha nito sa kanyang mukha.

Sinuyod nito ng tingin ang buong mukha niya hanggang tumigil ang mga mata nito sa kanyang mga labi. "I miss you, Lara." Unti-unting bumaba ang mga labi nito sa kanyang mga labi. She was like dazed and captivated by Zach, wanting, waiting for his kisses. Hanggang sa wakas ay naglapat ang kanilang mga labi.

Matamis ang bawat halik ni Zach, puno ng respeto at pagmamahal. Ito ang unang halik na pinagsaluhan nila simula nang maging boyfriend niya ito. Napaka romantiko ng sandaling iyon. Magkasama sila sa isang parke, at pinapanuod ang paglubog ng araw. Isang buwan nalang ay ga-graduate na sila sa high school. Nangako sila sa isa't isa na sa parehong University sila mag ka-college. Nitong mga nakaraang araw ay lagi silang magkasama at nag-uumpisa ng bumisita sa mga Universities kung saan sila kukuha ng entrance exams.

"I love you, Lara." madamdaming sabi nito. Muli nilang pinagsaluhan ang matamis na halik na iyon ng kanilang kabataan.

Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ni Lara habang ramdam parin niya ang magkahinang nilang labi ni Zach. Bumalik sa kanya ang nakaraan nila at kung paano niya minahal ang lalaki. Naalala rin niya kung paano ito nag traydor sa kanya, kung paano siya sinaktan nito. Lumuluha siya ngayon dahil kahit alam niyang hindi totoo ang lahat ng pinaparamdam nito sa kanya ngayon ay hindi parin nawala si Zach sa puso niya.

Tila naman naramdama ni Zach ang patuloy na pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Nagtatanong ang mga mata nitong tinitigan siya, magkagayun man ay pinahid nito ang luhang naglalandas sa kanyang mga mata "I'm sorry babe.." niyakap siya nito ng mahigpit.