Buong araw na inabala ni Lara ang sarili sa trabaho. Hindi siya nagpa-istorbo kahit na kanino at maging ang pagtatanghalian ay nawala na rin sa isip niya. Pasado ala-una na nang makatanggap siya ng sandwich, pasta at orange juice na mula sa canteen. May nag-order daw ng mga 'yon mula sa Engineering services department upang i-deliver sa kanya. Saka niya lang naalala na hindi pa siya nagla-lunch. Marami siyang gustong tapusin para makapag-delegate ng dapat gawin sa dalawang engineer na dadating mamayang hapon. Sanay din siyang mag lunch habang nagtatrabaho. Sa main office ay madalas siyang ganoon kaya naman walang kaso kung gawin din niya iyon dito sa Palinpinon. Siguradong masasanay din ang mga tao sa loob ng isang buwan niyang pananatili sa site. Ngunit alam niya sa sarili na hindi lang naman trabaho ang rason kung bakit nagmumokmok siya ngayon. Simula kasi ng may namagitan sa kanila ni Zach sa hot spring kagabi ay hindi nanaman sila muling nag-usap. Marahil ay muling nagbalik sa kanilang dalawa ang nakaraan. What they felt from each other twelve years ago seemed to be real. She thought that they really fell in love with each other and that they have each other's back but he was betrayed by Zach. All the while he was competing with her as Valedictorian. Noong nalaman ni Zach na hindi nito makukuha ang gusto ay gumawa ito ng paraan para makuha iyon. She found the tactic cheap and shisty. Now she has this feeling that Zach is doing the same scheme over again. She promised to herself that she won't fall for it. But at the same time she has this fear to fall to Zach's trap again. Napakalakas ng epekto nito sa kanya and whether she admit or not, she almost lost it last night. She fought hard not to return his kisses. Noong una ay halos mawala ang pagpipigil niya sa sarili. Gusto niyang magpatangay sa masarap at matamis na halik ni Zach. Gusto niyang gantihan ang marubdob na halik at mainit na yakap nito. Si Zach lang ang lalaking nagparamdam ng ganoon sa kanya. After Zach ay nagkaroon naman siya ng mga karelasyon. She had three boyfriends actually, but none of them made her feel what Zach did. As if she was willing to surrender everything to Zach and what she just had to do was to cry to make Zach stop. She hated herself for that. Parang napaka hina niya pagdating sa lalaki.
Naputol ang kanyang pag-iisip ng sumilip sa kanyang opisina ang department secretary na si Nancy. "Boss, we'll go ahead na. Kayo po?"
Alas sinco na pala ng hapon at uwian na ng mga empleyado. Tinanguan lamang niya ang babae at sinimulan ng isend ang email na kanina pa niya kino-compose. Kailangan niyang sanayin ang sarili na matapos ng alas sinco sa pagtatrabaho habang nandito siya sa site. Hindi uso doon ang overtime at kasabay niya sa sasakyan pauwi si Zach at ang mga engineer na dadating mula sa main office.
She decided to pack up her things and leave the office at baka naghihintay na sa parking si mang Karding at Zach.
Nagulat siya nang makita sa Mike sa labas ng kanyang opisina. Tila may hinihintay ito.
"H-hi Lara." bati nito sa kanya.
"Hi, what are you doing here Mike? Tapos na ang office hours, aren't you going home yet?" nagtataka niyang tanong dito. Sinabayan siya nito sa paglalakad palabas ng department.
"I want you to enjoy your stay here, Lara. Madaming magagandang lugar dito sa Dumaguete maging sa mga karatig bayan. If you want, I can be your personal tour guide. Gusto sana kitang i-invite this Saturday." alanganing tanong ni Mike.
"We already have plans this weekend, Mike." Napalingon sila pareho sa pinagmulan ng boses. Si Zach, habang nakasandal sa poste malapit sa parking area. Madilim ang mukha nito at mukhang wala sa mood. Halata din ang pagka-gulat sa mukha ni Mike, hindi marahil nito inaasahan na naroroon si Zach at maririnig ang paguusap nila. Si Lara ang unang nakabawi sa pagkabigla. "Yeah, I'm sorry Mike. Napag-usapan na namin ang itinerary this weekend. May darating din kasi kaming mga kasamahan from the main office tonight." paliwanag niya sa nabiglang lalaki. "Maybe we can plan for the following week?" Nakita niya ang pagliwanag sa mukha ni Mike na parang nakakita ng pag-asa. Nagpaalam na ito sa kanila ni Zach matapos i-abot sa kanya ang mga dokumentong bitbit niya kanina. Nabigla siya nang kunin ni Zach ang mga documents maging ang handbag niya para ito ang magbitbit.
"You are making promises you don't know if you can keep. Paano kung magkaroon tayo ng lakad for the following week or all of the weekends while staying here." Madilim parin ang mukha ng lalaki. Nahihimigan niya ng pagseselos ang tono nito but she immediately brushed off the idea.
Kagaya ng inaasahan ay dumating na ang mga engineers na makakasama nila galing sa main office. They can start their plan for the development project of the Palinpinon site. She immediately meet her two best engineers she hand-picked and carefully selected for this project. Tony, her structural design engineer and Ryan, her quality engineer. Kinamusta lamang niya ang biyahe ng mga ito at hinayaan na niya ang mga itong magpahinga at ayusin ang mga gamit sa cottage na naka assign sa mga ito. She told them that they will have their meeting tomorrow in the office. She was about to go to her own cottage nang mahagip ng kanyang mga mata si Zach sa open cottage malapit sa pool kasama ang isang babae.
"Kamusta kana Didith? Ang laki ng pinagbago mo from the last time we saw each other four years ago. Pumuti ka at nagkalaman. Hindi kana mukhang gusgusing bata na naligaw para bumili ng suka ah." natatawang sabi ni Zach.
Umikot ang babae at nag-pose. "Talaga ba kuya Zach? Pwede na ba?" pa-cute na sabi nito.
"Hmm.. pwede na." pambibiting sabi ni Zach. At sabay silang nagkatawanan ng babae. Parang close na close ang dalawa kung titignan. Maganda naman ang babae, morena at tuwid ang itim na itim at makapal nitong buhok. Sa tingin niya ay may taas lamang ito na five feet and two inches. Samantalang siya ay mestiza, natural ang brown na buhok at mata, matangkad din siya kumpara sa tipikal na Pilipina sa taas na five feet and seven inches. Kung siya ang tatanungin ay nakalalamang siya sa babae sa lahat ng aspeto maliban sa isang bagay, maganda ang sense of style nito sa pananamit. Alam niyang hindi naman mga signature brands ang suot nito. Marahil nga ay galing pa ang suot nito sa Changge. May magagandang damit naman talagang makikita sa Changge, dahil kaya naring makipagsabayan sa fashion trends at maaayos din ang pagkakayari ng mga damit. Brand lang talaga ang wala pero kung marunong kang maghanap ng mga store na nagbebenta ng may kalidad na damit at tumi-trending sa fashion ngayon ay siguradong mamumukha ka na ring mamahalin. Napansin niya rin na marunong mag lagay ng kolorete sa mukha ang babae. Hindi ito kagaya ni Angie sa kapal ng pag gamit ng make up, subtle lang ito pero may dating at bumagay sa features ng mukha nito.
Mabilis na tumalikod si Lara upang bumalik sa kanyang cottage, naiisip niya kung bakit nga ba niya ikinukumpara ang sarili sa babaeng kausap ni Zach.
Ilang pahina pa lamang ang nababasa niya mula sa librong hawak ay narinig na niya ang mahinang katok sa pinto. Tinungo niya ang pinto, alam niyang tatawagin na siya para mag hapunan. May maliit na kaba siyang naramdaman nang maiisip na maaring si Zach ang nasa likod ng pinto.
"Boss, kakain na daw." pag-aaya sa kanya ni Tony nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto. Marahil ay napansin nito ang pagka dismaya sa kanyang mukha kaya napakamot ito sa batok nito.
Malayo pa lang ay dinig na dinig na niya ang halakhakan ng mga tao sa open cottage. Ngayon ay mas malakas ang tawanan dahil nadagdagan ng mga tao ang magsasalo-salo sa hapag.
Napadako ang tingin niya kay Zach na umusog pagkakita sa kanya. Binigyan siya nito ng espasyo sa tabi nito kagaya ng lagi nitong ginagawa.
Sunod na napadako ang tingin niya sa babaeng kausap ni Zach kanina. Hindi niya alam kung insecurity ba ang nakita niya sa mukha nito.
"Hay naku, ipinakilala ni Zach ang mga kasamahan niyo. Aba'y maloloko pala ang mga ito. Ang daming dalang kwento na nakakatawa. Pakiramdam ko ay puno na ng hangin ang tiyan ko sa kakatawa." Si mang Karding habang nagsasandok ng kanin.
Sumingit naman si manang Maying sa tawanan "Siya nga pala, Lara, ito ang apo ko na sinasabi ko sa inyo kahapon, si Didith. Balang araw nawa ay makasama niyo rin siya bilang isang inhenyero."
Nakita niyang ngumiti ang babae sa kanya ngunit hindi umabot sa mga mata nito.
"Tony, Ryan, tuwing Sabado ay may plano kaming puntahan ang mga lugar dito sa Dumaguete. Sayang naman kung hindi natin malilibot ang lugar samantalang isang buwan tayong nandito. Sasamahan niyo din ba ang boss niyo?" sa wakas ay sabi ni Zach patungkol kay Lara.
Nagkatinginan ang dalawa "Siyempre naman sir Zach, wala naman kaming ibang gagawin pag weekend. Pero meron din bang mga bar dito na pwedeng puntahan 'pag gabi?" alanganin nitong tanong.
Napuno ng kantiyawan ang hapag kainan. Nakisali na rin sa usapan sina Rolly at Jeric na mga engineers sa department ni Zach. Hindi na tuloy niya napigilang makisali sa katuwaan dahil sa pagiging kwela ng mga ito.
Hindi rin nakalagpas sa kanyang mapanuring mata ang sobrang pag-asikaso ni Didith kay Zach. Kulang nalang ay subuan ng babae ang huli sa sobrang pag-asikaso nito. Hindi niya mapigilan ang hindi komportableng pakiramdam dahil sa ginagawa ng babae. Mas matindi pa itong mag-asikaso kay Zach kumpara noong magkasintahan pa sila ng lalaki. Napa-ubo siya nang makitang pinaghihimay ni Didith ng isda si Zach.
Tila naman napansin din ito ni Zach. "I can manage, Didith. Focus on your own meal." natatawang sabi ni Zach habang inilalayo nito ang kamay ng dalaga sa plato nito. Parang nahiya naman si Didith na ngumiti na lamang.
Kung siya kaya ang maghihimay ng isda para kay Zach, pipigilan din kaya siya nito? Kinagat niya ang pang ibabang labi sa naisip.
"Boss Zach, after natin kumain pwede ba tayong magshot. Madami kaming karga bago pumunta dito." natatawang sabi ni Rolly habang tuloy-tuloy ang pagsubo sa masasarap na pagkaing hinanda ni manang Maying.
"Pwede naman Rolly, basta you have to remember na maaga pa tayo at marami tayong gagawin sa opisina bukas." sagot ni Zach sa tanong ni Rolly.
Itinaas ni Rolly ang dalawang kamay at nag thumbs up "Yown! 'Wag ka mag-alala boss, ilang bote lang. Pampasarap lang ng tulog."
"Basta ba hindi kayo aantok-antok sa trabaho bukas eh, walang problema. 'Pag Friday night siguro, kahit magpaka-walwal pa kayo." cool na dugtong ni Zach.
"'Yan ang boss namin, itagay natin 'yan!" singit ni Jeric habang nilalabas ang mga bote ng beer na nakalagay sa isang may kalakihang cooler box.
"Boss, sali din kami ah?" sabay na baling ni Tony at Ryan kay Lara, para humingi ng permiso.
"Bahala kayo. Basta 'wag kayo aantok-antok bukas." pag-uulit ni Lara sa sinabi ni Zach habang nahawa nadin sa kasiyahan ng mga ito.
Inabot ni Tony ang isang bukas na bote sa kanya "Ikaw boss, baka gusto mo rin j-um-oin."
"Pass ako diyan. Hindi ako makakapag trabaho ng maayos bukas kung iinom ako ngayon kahit konti. Sa Friday kung iinom kayo, sasali ako."
"Yown!" sabay-sabay na sabi ng mga lalaki sa mesa kasunod ang malakas na tawanan.
Madalas siyang tumanggi sa mga ganitong klase ng ayaan. Kahit na minsan ay mga after party at company events. Naisip niya na marahil ay wala siyang excuse ngayon dahil nasa iisang lugar lamang sila at bukod pa doon ay wala siyang reason para mag-overtime. Ngayon niya naisip kung gaano siya ka-dedicated sa trabaho. Ngayon kasi ay limitado ang oras ng kanyang pagtatrabaho at wala siyang excuse na puwedeng gamitin para tumanggi sa mga ito, kung kaya magagawa niya ang mga bagay na hindi niya usually ginagawa. Wala siyang night life at napaka routinary ng lifestyle niya.
Nahagip ng kanyang mga mata ang mga tinging ipinukol ni Zach sa kanya bago siya nagpaalam sa mga ito.